LOGINAbala ako sa pag-aayos ng gamit ko nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Isinara ko muna ang maleta ko at hinila na ito palabas ng kwarto. Napatingin naman ako sa mga box na nakalagay sa sala kaunti lang naman ‘yung gamit ko dahil yung iba ay pinadala ko na sa bahay noong nakaraang linggo.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang napakamaskuladong amoy. Napapikit naman ako dahil sa sobrang bango. 𝘔𝘺 𝘵𝘺𝘱𝘦. Sabi ko naman sa isipan ko. Hindi ko alam pero naattract talaga ako sa mababangong lalaki. Kaya nga mabilis din ako nahulog kay Mike. 𝘛𝘴𝘬! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘩𝘦𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘯𝘢 ‘𝘺𝘶𝘯! “What took you so long to open the door?” tanong ng isang baritonong boses. Agad ko namang binalingan ito ng tingin. Nanlalaki naman ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng apartment ko. Isang gwapong lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto. Matangkad, makisig ang tindig, at may mga matang nakatitig sa akin. Ang kanyang mga labi ay bahagyang nakangiti, na para bang nag-aantay siya ng isang bagay. Ang kanyang buhok ay maayos na nakaayos, at ang kanyang damit ay mukhang bago at elegante. Sa kabuuan, mukha siyang isang modelo na lumabas sa isang fashion magazine. “Uncle Ben?” patanong kong tawag sa pangalan nito. “Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si dad? Huwag mong sabihing busy na naman siya? Inutusan ka ba niya?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. “Slow down, little kitten.” Napahiya ako nang magsalita siya. “Hindi na ako little, Uncle Ben!” Pagtutol ko sa tinawag nito sa akin. Simula noon kapag pumupunta siya sa bahay ay little kitten na ang tawag niya sa akin. “So, what are you now? A big kitten?” mapanukso nitong tanong, “I can’t see anything big on you.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o mandiri sa paraan ng ngiti niya. “Whatever uncle!” Inirapan ko naman siya at binangga habang hila-hila ang dalawang maleta. “Dalhin mo na lang yung ibang box diyan uncle para magkasilbi naman ‘yang mga muscles mo.” Hindi ko siya totoong uncle kaibigan siya ni dad simula high school. Maagang lumandi si mom at dad kaya maaga nila akong nabuo—16 years old sila nang nabuo nila ako. Tsk! Pero, believe rin ako sa kanila pinanindigan nila ako, and as of now pareho na silang successful. Kaya lang magkaiba na ang mga pamilya nila. Dahil lang naman sa akin kaya sila nagdecide na magsama. Pero si lola sa father side ang nagpalaki sa akin. Kaya mas close ako sa kanya. “Ito lang ba lahat ng gamit mo?" Napalingon naman ako kay Uncle Ben ng magsalita ito sa mula sa likuran ko. Buhat-buhat nito ang box na naglalaman ng gamit ko. In fairness dito kay Uncle Ben pogi pa rin kahit may edad na. “Oo, pinadala ko na sa bahay ‘yung iba kong gamit last week.’’ sagot ko naman. Binuksan niya ang compartment ng kotse niya at ikinarga ang mga gamit ko. Napabuntong hininga naman ako. Akala ko si dad ang susundo sa akin hindi pala. Siguro, busy na naman siya sa pamilya niya. "May business meeting lang ang daddy mo kaya hindi ka nasundo,” sabi nito at para bang alam niya ang iniisip ko. “Don’t worry, I’m a good driver.’’ dagdag pa nito. Napanguso na lang ako. Akala ba nito pinag-iisipan ko siya ng masama. “Let's go." Ngumiti naman ako pero napalitan ng simangot ng marinig ko ang boses ng taong ayoko ng marinig or makita. “Sue?” Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Mike. Nagulat naman ako sa itsura nito ilang araw lang na di kami nagkita ay nagmukha siyang zombie. “Sino ‘yang kasama mo?" tanong pa nito. Hindi ko naman siya sinagot at inirapan lang siya. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin pagkatapos nila akong gaguhin. “Sue, sino siya?” Pag-uulit niyang tanong at may diin pa talaga ang pagkakabigkas niya ng salitang ‘siya’ na para bang may karapatan siyang malaman kung sino ang kasama ko. Napangisi naman ako dahil may naisip akong kalokohan. “He’s Ben." Niyakap ko naman ang kamay ko sa braso ni Uncle ben. Wala namang itong reaction sa ginawa ko. Nakita ko naman ang galit sa mukha ni Mike, lalapit na sana ito palapit sa amin ng pigilan siya ni Lara. Great! Magkasama pa talaga silang dalawa. "Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na kami. Let’s go, Ben.” “Ayaw mong may mangyari sa atin, kasi sa iba ka pala nagpapakama. Diring diri ka sa akin dahil sa ginawa namin ni Lara. Pero mas nakakadiri ka! Isa kang po—” Naputol ang sasabihin nito ng bumagsak siya sa sahig. Gulat ko namang tiningnan si Uncle Ben. Hindi ko man lang namalayan na wala na ito sa tabi ko at nasapak na si Mike na ngayon ay dumudugo ang bibig. "Keep your mouth shut, Cortez. You might regret it for the rest of your life.” Nilapitan ko naman si Uncle Ben at hinila ang kamay nito. “Tama na, umalis na lang tayo sa lugar na ‘to.” TAHIMIK lang kami sa loob ng kotse walang balak na magsalita. Pansin ko rin kasi na galit si Uncle Ben, umiigting ang panga niya na para bang nagpupuyos sa galit. 𝘈𝘯𝘨 𝘨𝘸𝘢𝘱𝘰! 𝘔𝘢𝘺 𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘜𝘯𝘤𝘭𝘦 𝘉𝘦𝘯𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵? Apat na taon din kasi akong walang balita sa kanya simula ng tumuntong ako ng college. Kung wala siyang asawa bakit naman? Ang gwapo niya kaya! Tanga lang ang hindi mahuhulog sa kanya. "Stop staring at me, kitten—it makes me think that you want to devour me." Nanlalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito. “Grabe! Masyado kang feelingero uncle.” pilit kong tinarayan ang boses ko para di mahalata na nahihiya ako. “Uncle? A few moments ago you called me, Ben.” “Para lang mainis ang ex kong cheater.” “EX, mo ang lalaking ‘yun?” sabi niya. Ine-emphasize pa talaga ang salitang ‘ex’ na para bang pinapahiwatig nito na wala akong taste pagdating sa mga lalaki. “Sadly,” maikli kong sagot at tumingin sa labas ng bintana. “Did your father know about it?” tanong nito habang nakatutok pa rin sa kalsada. “Wala naman siyang pakialam sa akin.” May halong pait ang pagkakasabi ko nun. Hindi naman siya nagsalita bumubuka ang bibig niya na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya tinutuloy. Dahil wala rin naman akong magawa ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko, para matulog. Mahaba pa naman ang byahe.Kinagabihan, tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng electric fan at ang marahang pagtunog ng orasan sa sala ang maririnig. Nasa kwarto na ako, nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Hindi ako agad dinadalaw ng antok. Siguro dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Mula sa pagdating ko, sa pagpasok sa bahay na ito, hanggang sa grocery na parang simpleng lakad lang pero para sa akin, isa na itong malaking pagbabago.Bumangon ako at muling lumapit sa terrace. Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip sa labas. Maliwanag ang buwan, tahimik ang paligid. May mga ilaw mula sa katabing bahay na tila maliliit na bituin sa lupa.Napangiti ako.Ilang buwan na rin mula nang huli akong makaramdam ng ganitong katahimikan. Yung hindi ka nag-aalala kung may mag-aaway, kung may sisigaw, kung may babasag ng gamit. Dito, parang may pahintulot kang huminga.Biglang may marahang katok sa pinto.“Gising ka pa ba?” boses ni Uncle Ben.“Opo,” sagot ko, sabay sara ng terrace door.Bahagya niya
Nang makapasok kami sa loob ng bahay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakasimple lang ng bahay ni Uncle Ben. Wala pang masyadong gamit, bagong lipat ata siya.Umakyat kami sa second floor. Kung tiningnan ang kabuuan ng bahay ay simple lang talaga. Siguro ay minimalist si Uncle Ben. Tumigil naman kami sa tapat ng isang pinto, for sure kwarto ‘to. “Ito ang magiging kwarto mo.” Pinihit niya pabukas ang pinto, bumungad naman sa akin ang isang simpleng kwarto. May kama, bedside table, mini table, tapos sa kabilang side ay may isang malaking bookshelf na puno ng libro. Tapos mayroong round table sa gilid noon at dalawang upuan. Meron namang terrace sa kabilang side. 𝘒𝘺𝘢𝘢𝘢𝘢! 𝘔𝘺 𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮 𝘙𝘰𝘰𝘮! I am literally screaming inside. Napatingin naman ako kay Uncle Ben. “Parang sinadya talaga para sa akin ang kwarto na ‘to?” nakangiti kong turan. Nilibot ulit ang paningin ko sa buong kwarto. “It's good to know that you like your room.” Nilingon ko naman siya at nginitian. “𝘐
“Hey,” nakaramdam naman ako ng mahinang payugyog, “wake up!” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napalinga naman ako sa paligid nasa isang drive thru kami. Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko at kinusot ang mga mata.“Akala ko nakarating na tayo.” “Let’s order food first—”“Hamburger, coke float, french fries and sundae.” Pagputol ko sa sasabihin niya nakita ko naman mula sa pheripical vision ko ang pag-iling nito. “Still the same, nothing's changed," aniya.Narinig ko naman ang pagbigkas nito ng order ko. "Hamburger, Coke Float, French fries and Sundae—make 3 orders for everything.” Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito—nagtataka ko naman siyang tiningnan. Grabe naman kumain ‘to. Mauubos niya kaya ang lahat ng yun? Hindi halata sa kanya na malakas pala siya kumain. Pagkabigay sa kanya ng order namin inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko ‘yun at nilagay sa lap ko. Nagsimula naman siyang magmaneho palabas ng drive thru. “Mahilig ka pala sa jollibee?” tanong ko sa kanya. Nilag
Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Isinara ko muna ang maleta ko at hinila na ito palabas ng kwarto. Napatingin naman ako sa mga box na nakalagay sa sala kaunti lang naman ‘yung gamit ko dahil yung iba ay pinadala ko na sa bahay noong nakaraang linggo. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang napakamaskuladong amoy. Napapikit naman ako dahil sa sobrang bango. 𝘔𝘺 𝘵𝘺𝘱𝘦. Sabi ko naman sa isipan ko. Hindi ko alam pero naattract talaga ako sa mababangong lalaki. Kaya nga mabilis din ako nahulog kay Mike. 𝘛𝘴𝘬! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘩𝘦𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘯𝘢 ‘𝘺𝘶𝘯! “What took you so long to open the door?” tanong ng isang baritonong boses. Agad ko namang binalingan ito ng tingin. Nanlalaki naman ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng apartment ko. Isang gwapong lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto. Matangkad, makisig ang tindig, at may mga matang nakatitig sa akin. Ang kanyang mga labi ay
Nakangiti ako habang naglalakad papasok ng elevator. Anniversary namin ng boyfriend ko kaya plano kong surpresahin siya. Pinindot ko naman ang 7th floor, nahirapan pa ako dahil may hawak akong cake at flowers. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi lalo na nang huminto ang elevator sa 7th floor. Marahan lang akong naglakad, mamaya pa naman uuwi si Mike dahil nasa out of town sila ng family niya. Pero sabi naman niya ay mamaya ang uwi niya.ROOM 244Nilagay ko naman ang keycard para mabuksan ang pinto. Madilim ang paligid kaya binuksan ko ang ilaw. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mga nagkalat na damit ng lalaki at babae sa sahig. Nilapag ko naman sa mini table ang dala ko. Pinulot ko ang damit na nasa sahig at tiningna ito. Damit nga ng babae pinulot ko naman ang shirt—hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ang shirt. Kay Mike ‘to ako ang nagbigay sa kanya ng shirt. Nabaling naman ang tingin ko sa kwarto niya. Habang naglalakad papunta sa kwarto niya ay nanalangin a







