LOGIN“Hey,” nakaramdam naman ako ng mahinang payugyog, “wake up!”
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napalinga naman ako sa paligid nasa isang drive thru kami. Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko at kinusot ang mga mata. “Akala ko nakarating na tayo.” “Let’s order food first—” “Hamburger, coke float, french fries and sundae.” Pagputol ko sa sasabihin niya nakita ko naman mula sa pheripical vision ko ang pag-iling nito. “Still the same, nothing's changed," aniya. Narinig ko naman ang pagbigkas nito ng order ko. "Hamburger, Coke Float, French fries and Sundae—make 3 orders for everything.” Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito—nagtataka ko naman siyang tiningnan. Grabe naman kumain ‘to. Mauubos niya kaya ang lahat ng yun? Hindi halata sa kanya na malakas pala siya kumain. Pagkabigay sa kanya ng order namin inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko ‘yun at nilagay sa lap ko. Nagsimula naman siyang magmaneho palabas ng drive thru. “Mahilig ka pala sa jollibee?” tanong ko sa kanya. Nilagay ko naman sa cup holder yung dalawang coke float. Ang isa naman ay hawak ko, kinuha ko na rin ang burger at nagsimulang kumain. “Sakto lang.” Napatango na lang ako dahil sa sagot nito. Kumagat ulit ako sa burger habang nakatingin sa kalsada. “Hala! Kumain ka muna, uncle.” Nahiya ako bigla kasi ako kumakain tapos siya nagmamaneho. Pareho lang naman kaming hindi pa kumakain. “Later.” Maikli nitong sagot. Hindi naman nakisama ang tiyan niya dahil tumunog ito—sign na gutom na siya. Pinigilan ko naman na matawa sa biglaang pamumula ng mukha niya. Marunong pa lang magblush itong si uncle. Mabilis ko namang inubos ang hawak kong burger. Nang maubos ko na ay kinuha ko ang isang burge—inalis ang wrapper at itinapat yun sa bibig niya. “What are you doing?” taas kilay nitong tanong. “Burger?” sabi ko. “Alam kong burger ‘yan! The question is why?” “Huwag kang slow! Masyado kang napaghahalataan na gurang na. Syempre, nagmamaneho ka at gutom baka bigla kang himatayin diyan madisgrasya pa tayo. Ayoko pang ma deads! Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayokong mamatay na virgin! Hindi ko pa nararanasan ang langit! Kaya kumain ka na.” Mahaba kong lintaya at ibinalik ang ang burger sa tapat ng bibig niya. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa bago kumagat sa burger. “𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘨𝘰 𝘵𝘰 𝘩𝘦𝘢𝘷𝘦𝘯, 𝘐 𝘤𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦.” “Huh! Ano ‘yun?” Hindi ko kasi alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. “Nothing. Give me some cokefloat too.” Kinuha ko naman ang coke float sa cup holder at itinapat ang straw sa labi niya. Napatingin naman ako sa adams apple niya habang nags-sip ng cokefloat. Sexy! “Are you done fantasizing me?” Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya at kasunod nito ay mapanuksong ngiti. “Ang kapal, Uncle Ben. Kumain ka na nga lang.” Sinubuan ko ito kahit na iniinis niya ako. “Uncle, pwede bang ‘wag mo ako ihatid sa bahay?” Tumingin ako sa kanya umaasang pumayag siya. Ayoko talagang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako welcome doon. Ewan ko ba. Parang ang laki ng galit ng step mom ko sa akin. “Why?” “Hindi naman ako welcome sa bahay na ‘yun. Ihanap mo na lang ako ng apartment.” “How about work?” “Gusto ko muna magpahinga. Tsaka, kakagraduate ko lang gusto ko muna tumambay ng one year. Gusto ko nga magroadtrip. Kapag kasi nagstart ako magtrabaho agad ay doon na iikot ang oras ko.” “Does your father know about it?” “Yeah!” Kinuha niya ang cellphone niya at ilang segundo itong tinitigan bago tuluyang pinindot ang isang pangalan sa screen. Tahimik akong nakaupo, pinaglalaruan ang straw ng cokefloat habang hinihintay kung sino ang tatawagan niya. Ilang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya. “Bro,” bungad ni Uncle Ben. “Busy ka pa ba?” Narinig ko ang bahagyang pagod na boses ng daddy ko. “Hindi naman. Bakit?” Napatingin si Uncle Ben sa akin saglit bago muling tumingin sa kalsada. “Kasama ko si Sue ngayon.” Biglang tumahimik ang paligid sa loob ng kotse. Para bang mas naging malinaw ang bawat tunog, ang ugong ng makina, ang mahina kong paghinga, ang tibok ng dibdib ko. “Nasaan kayo?” tanong ni Daddy, halatang nag-aalala. “Galing kaming drive thru. May gusto siyang sabihin sa’yo,” sagot ni Uncle Ben, pero hindi niya agad ibinigay sa akin ang cellphone. “Bro, ayaw muna niyang umuwi.” Napahigpit ang hawak ko sa coke float. Naramdaman kong parang may bumigat sa dibdib ko kahit wala pa akong sinasabi. “Bakit?” mahinang tanong ni Daddy. Huminga ng malalim si Uncle Ben. “Hindi raw siya komportable sa bahay. Pakiramdam niya hindi siya welcome.” Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Daddy. “Sue, anak… naririnig mo ba ako?” Kinuha ni Uncle Ben ang phone at inabot sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang ilapit ko iyon sa tenga ko. “Dad…” mahina kong sabi. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin na ganyan ang nararamdaman mo?” Wala akong narinig na galit sa boses niya. Pagod lang at pag-aalala. “Sinubukan ko,” sagot ko. “Pero parang lagi na lang may mali sa ginagawa ko. Ayoko na pong makadagdag sa problema.” Tahimik siya sandali. “Hindi ka problema, Sue. Anak kita.” Napapikit ako. Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko. “Dad… pwede bang wag muna akong umuwi? Kahit sandali lang. Gusto ko lang huminga.” Narinig ko ang mahabang buntong-hininga niya sa kabilang linya. “Nasaan kayo ngayon?” “Kasama niya ako,” singit ni Uncle Ben. “Kung papayag ka, sa akin muna siya titira. Pansamantala lang. Hanggang makapag-isip siya nang maayos.” Napatingin ako kay Uncle Ben. Hindi siya nakatingin sa akin, pero ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa tinig niya. “Ben,” sabi ni Daddy, “sigurado ka?” “Oo,” matatag nitong sagot. “Hindi ko siya pababayaan.” Muling tumahimik ang linya. Parang bawat segundo ay hinihila ang nerbiyos ko. “Ayaw kong mag-away pa kayo diyan,” sabi ni Daddy kalaunan. “Ayokong pakiramdamin ni Sue na wala siyang lugar sa sarili niyang bahay. Pero kung kailangan niya ng pahinga… sige.” Napasinghap ako. “Dad—” “Makinig ka, anak,” putol niya. “Pansamantala lang ‘to. Hindi ka tumatakbo. Nagpapahinga ka. Mag-usap pa rin tayo. Tatawag ka. Magte-text ka. Hindi ka mawawala.” Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. “Opo.” “Ben,” sabi ni Daddy, “alagaan mo siya.” “Gagawin ko,” sagot ni Uncle Ben. Ibinalik ko ang cellphone. Naramdaman kong parang may unti-unting gumagaan sa dibdib ko, kahit hindi pa tuluyang nawawala ang sakit. “Salamat,” mahina kong sabi. Ngumiti si Uncle Ben ng bahagya. “Okay na. Sa akin ka muna.” Tahimik kaming nagmaneho. Hindi na ako gaanong kinakabahan. Sa halip, may kung anong pakiramdam ng seguridad na dahan-dahang pumalit sa bigat. Maya-maya, nagsalita siya. “May bakanteng kwarto sa bahay. Hindi magara. Pero tahimik.” “Okay lang,” sagot ko. “Sanay naman ako sa simple.” “May desk doon. Kung gusto mong magsulat at magbasa. May maliit na bintana rin.” Napangiti ako. “Ayos na ‘yon.” Lumiko kami sa isang mas madilim na kalsada. Mas kaunti ang ilaw, mas kaunti ang sasakyan. Hindi ko kabisado ang lugar, pero hindi na ako natatakot. “Hindi mo kailangan ayusin agad ang buong buhay mo,” sabi niya. “Isang araw lang muna. Isang hakbang lang muna.” Tumango ako. “Gusto ko lang…. magpahinga at mag-isip.” “May pahinga ka rito,” sagot niya. Pagkaraan ng ilang minuto, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Hindi ito malaki, pero maayos. May munting bakuran at ilaw sa may pinto. Napakasimple lang ng bahay pero ang gara ng design. “Welcome,” sabi niya habang pinapatay ang makina. Bumaba ako at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mangyayari bukas, o sa mga susunod na araw. Pero sa gabing iyon, alam kong may isang lugar akong pwedeng paghingahan.Kinagabihan, tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng electric fan at ang marahang pagtunog ng orasan sa sala ang maririnig. Nasa kwarto na ako, nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Hindi ako agad dinadalaw ng antok. Siguro dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Mula sa pagdating ko, sa pagpasok sa bahay na ito, hanggang sa grocery na parang simpleng lakad lang pero para sa akin, isa na itong malaking pagbabago.Bumangon ako at muling lumapit sa terrace. Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip sa labas. Maliwanag ang buwan, tahimik ang paligid. May mga ilaw mula sa katabing bahay na tila maliliit na bituin sa lupa.Napangiti ako.Ilang buwan na rin mula nang huli akong makaramdam ng ganitong katahimikan. Yung hindi ka nag-aalala kung may mag-aaway, kung may sisigaw, kung may babasag ng gamit. Dito, parang may pahintulot kang huminga.Biglang may marahang katok sa pinto.“Gising ka pa ba?” boses ni Uncle Ben.“Opo,” sagot ko, sabay sara ng terrace door.Bahagya niya
Nang makapasok kami sa loob ng bahay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakasimple lang ng bahay ni Uncle Ben. Wala pang masyadong gamit, bagong lipat ata siya.Umakyat kami sa second floor. Kung tiningnan ang kabuuan ng bahay ay simple lang talaga. Siguro ay minimalist si Uncle Ben. Tumigil naman kami sa tapat ng isang pinto, for sure kwarto ‘to. “Ito ang magiging kwarto mo.” Pinihit niya pabukas ang pinto, bumungad naman sa akin ang isang simpleng kwarto. May kama, bedside table, mini table, tapos sa kabilang side ay may isang malaking bookshelf na puno ng libro. Tapos mayroong round table sa gilid noon at dalawang upuan. Meron namang terrace sa kabilang side. 𝘒𝘺𝘢𝘢𝘢𝘢! 𝘔𝘺 𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮 𝘙𝘰𝘰𝘮! I am literally screaming inside. Napatingin naman ako kay Uncle Ben. “Parang sinadya talaga para sa akin ang kwarto na ‘to?” nakangiti kong turan. Nilibot ulit ang paningin ko sa buong kwarto. “It's good to know that you like your room.” Nilingon ko naman siya at nginitian. “𝘐
“Hey,” nakaramdam naman ako ng mahinang payugyog, “wake up!” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napalinga naman ako sa paligid nasa isang drive thru kami. Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko at kinusot ang mga mata.“Akala ko nakarating na tayo.” “Let’s order food first—”“Hamburger, coke float, french fries and sundae.” Pagputol ko sa sasabihin niya nakita ko naman mula sa pheripical vision ko ang pag-iling nito. “Still the same, nothing's changed," aniya.Narinig ko naman ang pagbigkas nito ng order ko. "Hamburger, Coke Float, French fries and Sundae—make 3 orders for everything.” Nagulat naman ako dahil sa sinabi nito—nagtataka ko naman siyang tiningnan. Grabe naman kumain ‘to. Mauubos niya kaya ang lahat ng yun? Hindi halata sa kanya na malakas pala siya kumain. Pagkabigay sa kanya ng order namin inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko ‘yun at nilagay sa lap ko. Nagsimula naman siyang magmaneho palabas ng drive thru. “Mahilig ka pala sa jollibee?” tanong ko sa kanya. Nilag
Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Isinara ko muna ang maleta ko at hinila na ito palabas ng kwarto. Napatingin naman ako sa mga box na nakalagay sa sala kaunti lang naman ‘yung gamit ko dahil yung iba ay pinadala ko na sa bahay noong nakaraang linggo. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang napakamaskuladong amoy. Napapikit naman ako dahil sa sobrang bango. 𝘔𝘺 𝘵𝘺𝘱𝘦. Sabi ko naman sa isipan ko. Hindi ko alam pero naattract talaga ako sa mababangong lalaki. Kaya nga mabilis din ako nahulog kay Mike. 𝘛𝘴𝘬! 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘩𝘦𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘯𝘢 ‘𝘺𝘶𝘯! “What took you so long to open the door?” tanong ng isang baritonong boses. Agad ko namang binalingan ito ng tingin. Nanlalaki naman ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng apartment ko. Isang gwapong lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto. Matangkad, makisig ang tindig, at may mga matang nakatitig sa akin. Ang kanyang mga labi ay
Nakangiti ako habang naglalakad papasok ng elevator. Anniversary namin ng boyfriend ko kaya plano kong surpresahin siya. Pinindot ko naman ang 7th floor, nahirapan pa ako dahil may hawak akong cake at flowers. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi lalo na nang huminto ang elevator sa 7th floor. Marahan lang akong naglakad, mamaya pa naman uuwi si Mike dahil nasa out of town sila ng family niya. Pero sabi naman niya ay mamaya ang uwi niya.ROOM 244Nilagay ko naman ang keycard para mabuksan ang pinto. Madilim ang paligid kaya binuksan ko ang ilaw. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mga nagkalat na damit ng lalaki at babae sa sahig. Nilapag ko naman sa mini table ang dala ko. Pinulot ko ang damit na nasa sahig at tiningna ito. Damit nga ng babae pinulot ko naman ang shirt—hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ang shirt. Kay Mike ‘to ako ang nagbigay sa kanya ng shirt. Nabaling naman ang tingin ko sa kwarto niya. Habang naglalakad papunta sa kwarto niya ay nanalangin a







