Share

Mistake 21

Author: Writer Zai
last update publish date: 2026-03-16 21:36:17

ILANG beses na napabuga ng hangin si Erin. Nasa silid na siya pinag-iisipan ang sinabi ni Tyler, ang huli nama'y hinatid ang ina sa gate. May sarili itong sasakyan. Ilang sandali pa ay narinig niya ang yabag. Papalapit sa kaniya. Muli siyang napahinga ng malalim.

"Mahal..." Tila sawang umikot ang dalawang braso ni Tyler sa kaniyang baywang. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko sa iyo?" Inamoy-amoy nito ang buhok niya.

"Hindi naman kasi ganoon kadaling magdesisyon, kahit pa sabihing puwede mo a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 34

    "HE'S here!" Naumid ang dila ni Tyler nang sabihin ni Sebastian na dumating si Mr. Del Carmen. Hindi puwedeng malaman ng ginoo ang gusot na nangyayari sa pamilya niya. Tiyak na mapapasama ang image nila sa ginoo. Pero paano niya paplantsahin ang gusot? At si Erin, matagal na pala nitong alam ang napag-usapan nila ni Katrina. Ang tagal na pala nitong kinikimkim ang sama ng loob na siya ang may pakana.Maliliwanagan pa kaya ito sa ipaliliwanag niya kung bakit siya nakipaglapit kay Katrina? Nahinto siya sa pagmumuni. Parang batang hinila ni Seb ang kamay niya palabas ng room. Marami pa rin ang tao sa labas. Ang iba ay empleyado ng Green Ivory, nandoon din ang ilan niyang investor. Nagawi ang paningin niya sa VIP table. Nakaupo roon si Victor. Luminga-linga ang kaniyang paningin, may kung anong hinahanap. Naramdaman niya ang pagsunod ng ama at sa isang saglit ay kasabay na nila ito."Where is he, Mr. Armona?" Hindi ito sumagot bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad. Bawat hakbang ay nadar

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 33

    "MINAMAHAL? What do you mean?" Hapyaw na tumawa si Erin sa tanong ng lalaking kaharap niya. Tama nga siya, itatanggi nito ang nalaman. Tama lang talaga ang desisyon niyang umalis sa poder nito. "Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis?" Saglit niyang sinulyapan si Katrina, parang ito pa ang inaapi sa sulok. "Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo noong birthday ng ina mo sa likod ng restaurant. At ngayon ay itatanggi mo pa!" Mapait siyang ngumiti. Tuluyan nang nawala ang espiritu ng alak sa katawan niya Kita niyang natigilan ito. Natakot sa sinabi niya, mukhang ayaw ipaalam ang namamagitang lihim na relasyon nito at ng dating asawa. Kung ayaw nito, siya ang magsisiwalat sa lahat. Tamang-tama dahil ang lahat ay nasa kaniya ang atensyon, sa kaniya nakatuon ang paningin, maging ang dalawang babaeng kasama ni Katrina. "Ilang beses kitang nahuli na kausap mo siya at nagpapalitan pa kayo ng 'I love you'! Hindi ako manhid, Tyler! Kung ayaw mo sa akin, magsabi ka lang.

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 32

    MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Erin kay Dorothy, aminin man niya o hindi, giliw na giliw siya sa ginang. Marahil, nami-miss niya ang kalinga ng isang ina. Hanggang sa nagsimula na ang party. Nagsalita ang ama ni Tyler, nagpasalamat sa pagtangkilik sa Green Ivory at maging sa bagong kasosyo sa negosyo... si Seb at Mr. Del Carmen. Luminga ang kaniyang paningin, hinahanap ang lalaking nagsama sa kaniya sa event na ito, pero hindi na niya ito mahagilap. Nang matapos ang ginoo, si Tyler naman ang humarap sa microphone. Tulad ng ama, nagpasalamat lang din ito. Tinawag nito si Seb, nasa sulok ang lalaki at may kausap sa phone. Matapos ang pasasalamat ng dalawa ay umalis na si Tyler sa harap ng mikropono. Tinanaw niya kung saan ito papunta. Palabas ito at sumunod si Katrina. Gumuhit ang pamilyar na kirot sa dibdib niya. Naalala pa niyang tinawag na 'honey' ni Katrina si Tyler."Well, congrats! Sila na palang muli," anas ng isipan niya. Pero hindi pa niya napapansin si Victor. "Kumusta kaya

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 31

    NALAGLAG ang panga ni Tyler habang nakatitig sa babaeng naglalakad, ang babaeng matagal na niyang hinahanap... si Erin. Ngunit mas nagulat siya sa taong kasama nito, si Mr. Armona. Nakaangkla ang kamay nito sa lalaki, dinaig pa ang mag-asawa."Totoo ba ito? O isang panaginip lamang?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.Hindi pa siya napapansin ni Seb, abala pa ito sa hawak na cellphone. Nahinto ang paghakbang niya para salubungin ang dalawa nang may humawak sa braso niya."Honey..." Nag-iba ang awra niya matapos siyang tawaging 'honey' ni Katrina kahit may ibang tao. Binabakuran siya na para bang pag-aari nito. Simula nang umalis si Erin sa poder niya, hindi pa sila nagkakausap. Nagpapadala ito ng text message sa kaniya at may oras na tumatawag din, pero hindi niya sinasagot. Simula rin nang umalis si Erin ay hindi na niya binibigyan ng pansin ang dating asawa. May dahilan siya kung bakit siya nakipaglapit dito, pero hindi niya alam na ang babaeng minamahal ang magiging kapal

  • Loving You Is A Mistake    Chapter 30

    KAHARAP ni Tyler ang ama't ina, kasama na si Victor at Katrina. Nasa sala sila para pag-usapan ang gaganaping event party ng Green Ivory. Ang kaniyang ama ay hindi maipinta ang mukha, samantalang ang ina ay nakaguhit ang pangamba. "I'm so disappointed, Tyler," tinig nito. "Imagine, ang isang matayog na Tyler Samniego, bumabalik-balik sa mababang uri ng bar--" "Papa!" awat niya rito. Pakiramdam niya'y umakyat ang dugo niya sa ulo. "Hindi mababang uri ang bar na yun, nang dahil sa lugar na yun nakilala ko ang babaeng nagbigay muli ng kulay sa buhay ko, ang babaeng nagpatibok muli ng puso ko." Hindi siya galit, mababa ang timbre ng boses, pero sapat na para maunawaan ng mga kaharap na totoo ang kaniyang sinasabi. Sa sulok ng kaniyang mata, kita niya ang pagdan ng kirot sa mukha ni Katrina. Hindi yata makapaniwala sa narinig. "Ipinagmamalaki mo pa rin ba ang babaeng yun, kuya?" biglang singit ni Victor. "Kaysa naman sa girlfriend mo, na ex-wife ko!" patutyang ganti niya. Tumalim ang

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 29

    HINDI pa man sumasapit ang seven ay nasa tapat na ng bar na pinasukan ni Erin si Tyler, nagbabaka-sakaling nandoon ito. Ilang araw na ba simula nang umalis ito at magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam kung nasaan ito. Namalagi siya sa loob ng sasakyan, nakamasid lang sa pinto. Habang lumalalim ang gabi ay parami nang parami ang pumapasok. "Sana nandiyan ka sa loob, mahal ko," piping usal niya. Pinagpasyahan niyang lumabas na ng sasakyan. Sinalubong siya ng maingay at madilim na room. Ganun pa rin ito, walang pinagbago. Kung mayroon man, yun ay siya. Nang una siyang pumasok dito, malungkot at nagdurugo ang puso niya. Nanumbalik ang saya sa kaniyang pagkatao nang makilala ang waitress na si Erin. And now, here he is... malungkot pa rin. Durog na durog ang puso. Iisang tao lang makagagamot ng sugatang puso niya at si Erin yun. Umupo siya sa sulok, kung saan ay tanaw niya ang counter. Inisa-isa niya ang mga babaeng lumalapit doon, pero sadyang hindi niya makita ang pakay. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status