FAZER LOGINKAGAt ni Erin ang ibabang labi. Nanlilit siya sa sarili. Galit sa kaniya si Tyler, akala nito'y siya ang sumira ng relasyon nito kay Katrina. Sarado ang isipan nito sa katotohanang isinisiwalat nila, o sadyang ayaw nitong paniwalaang dahil ang nasa isipan nito'y isang mabuting may bahay ang dating asawa nito. "Masabi mo pa kaya ang mga bagay na yan sa oras na bumalik ang alaala mo? Masabi mo pa kayang nag-iisa lang sa puso mo si Katrina at siya lang ang gusto mong makasama habambuhay once na bumalik na ang alaala mo?" "Kung ganoon, huwag na sanang bumalik ang memorya ko," katagang lalong nagpadurog sa damdamin ni Erin. Mariin siyang pumikit para pigilan ang panunubig ng mata. "Sana lang, anak, hindi mahuli ang lahat. Sana, bago mo ma-realize kung sino ang nasa puso mo ngayon, sana lang ay nasa tabi mo pa si Erin."Lumapit siya sa ginang. Pinigilan ito sa pagtatanggol sa kaniya. "Tita..." Hinarap siya ng ginang. Humingi ito ng paumanhin sa kaniya dahil sa inaasal ni Tyler. Nauunawa
"TYLER!" hiyaw ni Hernan. Nakaguhit sa mata ang matinding galit. "What? Akala ko ba'y may sarili tayong negosyo? Pero, bakit wala tayong sasakyan?" pagalit nitong tanong. "Anak, malayo ang lugar na ito." Muli, si Dorothy ang nagpaliwanag dito. Wala kaming sasakyan nang pumunta. Sinundo lang nila kami gamit ang kanilang sasakyan," malumanay nitong sabi. Hindi na muli pang sumagot si Tyler, pero mababakas pa rin sa mukha ang galit. Humingi ng despensa si Hernan sa kaniyang ama dahil sa inasal ng anak nito. "It's okay, balae. I understand his situation. Sa ngayon ay nangangapa pa siya dahil hindi niya maalala kung sino siya at ang mga nakaraan. I'll go ahead. May aasikasuhin pa ako at ipahahanda ko na ang inyong masasakyan." Tumalikod na ang kaniyang ama, hindi man lang ito kinakitaan ng katiting na hinanakit sa pagsigaw ni Tyler. Malapit na ito sa pinto nang huminto ito at muling humarap sa kanila. "By the way, balae, about sa branch ng Green Ivory na ipapatayo dito sa Sta. Barba
"NAGDESISYON kaming ililipat namin sa Manila si Tyler." Inaasahan na ni Erin ang sasabihin ng matandang Samaniego. Wala siya sa posisyon para magreklamo, isa pa'y maayos na ang kalagayan ni Tyler, maliban lang sa wala itong maalala. Hindi siya tututol sa gusto nitong mangyari. "Iha, you can come along? Ipagpapaalam kita sa papa mo," nangingiting sabi ni Dorothy. Ang kamay ay nakapatong sa kaniyang palad. Natahimik siya at mataman na nag-isip. Wala naman nga sigurong masama kung sumama siya. Hindi naman siguro magagalit ang papa niya, unlike noong una. Umalis siya nang walang paalam. Nasermunan siya ng kaniyang ama, lalo na nang malamang nagtrabaho siya sa bar. Tiyak na mauunawaan siya ng kaniyang papa kung bakit siya luluwas ng Manila. "Ako na po ang bahala roon, tita," tugon niya."Kung ganoon, aayusin ko na ang bill ni Tyler." Lumabas na ng room si Hernan para ayusin ang bill ng anak. Naiwan sila ng ginang. Wala pa ring malay ang binata dahil sa itinurok dito. Si Katrina, matap
ISANG masamang balita ang bumungad kay Erin, nagkamalay na si Tyler pero nawala ang memorya nito at ang mas gumimbal sa kaniya ay namumukod tanging si Katrina ang naaalala nito. Kahit ang ina nitong si Dorothy ay hindi rin makapaniwala. Bakit sa dinami-rami ng tao siya pa ang nakalimutan nito? Bakit ang ex-wife lang ang naalala nito?"Honey..." Pinapalapit ni Tyler si Katrina, pero sa halip na dumaan sa gilid ay hinawi sila nito. Sa pagitan niya at ng ginang ito dumaan, na para bang hindi ina ng binata ang tinapig nito.Nakadama siya ng inis sa ginawang yun ni Katrina. Kaagad niyang sinaklolohan ang ginang na muntikan nang mabuwal."Okay ka lang po ba?" Marahang tumango ito. "I'm fine, iha. Don't worry about me." Pinong ngumiti ito at itinuon ang paningin sa lalaking nakahiga sa hospital bed. "I'm here, honey." Niyakap nito si Tyler. "May masakit ba sa iyo?" maarte nitong salita."Sino sila?" Pumihit paharap si Katrina sa kanila. "Sila ba? Si Mommy Dorothy, siya ang 'yong ina, si
HINDI makahuma si Erin sa sinabi ni Dorothy kay Katrina. Sumimangot lang naman ang huli. Alam niyang hinding-hindi ito hihingi ng tawad sa mga nasabi sa kaniya. Hindi na niya inaasahan yun. Ang pinsan niyang si Seb ay wala ring imik. Tahimik lang na nagmamaneho. Mukhang inaasahan na ring hindi mangyayari ang gusto ng ginang. Minabuti niyang ibahin ang usapan. "Tita, gusto mo po ng orchids?" baling na tanong niya sa ginang. Nasa hilira na sila ng iba't ibang uri ng mga orchids. "Kuya, stop the car, please po," pakiusap niya sa pinsan. Agad namang huminto sa gilid ang kanilang sinasakyan. Bumaba siya, sumunod si Dorothy. Naiwan sa loob si Katrina, mukhang napahiya sa sinabi ng ginang. Kasama nila si Seb na pumili ng orchids. Lumapit ang isa sa tauhang nag-aalaga ng mga bulaklak. Kinuha nito ang mga pinili ng ginang. Sa pagbalik nila sa sasakyan ay aligagang tinapos ni Katrina ang pakikipag-usap sa phone. Kung sino ang kausap nito'y hindi na niya saklaw yun. Tuwang-tuwa si Dorothy sa
NAKATAYO sa gilid si Erin, ang mata ay nakatuon sa ginang na walang humpay na umiiyak, at nang dahil sa nakikita, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Kasalanan niya kung bakit nasa ganoong kalagayan ngayon si Tyler. Dapat hindi na siya nag-inarte. Dapat pinakinggan na lang niya ang sigaw ng puso. "Anak ko..." Sa bawat paghikbi ng ginang, parang dinudurog ang puso niya. Sinasakal. Hindi makahinga. Nakaagapay dito si Katrina, si Hernan ay nasa may paanan. Tahimik lang na lumuluha, pero pansin niya ang matinding kuyom ng kamao. Nakadama siya ng takot. Paano kung sa kaniya ito galit? Paano kung ilayo nito si Tyler?Bumaling ang paningin ng lahat nang bumukas ang pinto. Pumasok ang doktor. Sa labas na nito kinausap ang mag-asawa."Doc, ano ang lagay ng anak ko?" May takot sa tinig ni Dorothy. "Ligtas na sa kapahamakan ang inyong anak, but still, kapag hindi siya nagkamalay within twenty-four hour, may posibilidad na ma-coma ang inyong anak," pahayag nito. Mariing pumikit ang mata







