LOGINT@nga rin itong si Erin. Nagsusumiksik e hindi nga siya makilala ni Tyler hahaha
PINAGSALUHAN ni Erin at Dorothy ang dala niyang pagkain. Kaya pala ito lumabas ay may inutos ang doktor dito. Nang umalis ito, wala pa si Katrina. Tumangging kumain si Tyler. "Siya nga pala, anak. Tumayo si Dorothy matapos kumain. "May ilang test na gagawin sa iyo ang doktor at 'pag naging okay ay puwede ka nang umuwi." Nasiyahan siya sa ibinalita ng ginang. Ligtas na sa kapahamakan si Tyler. Makakauwi na ito. "And please lang, Tyler, nakikiusap ako, kung maaari lang huwag ka munang lumapit o huwag mo munang palapitin si Katrina sa iyo. Tiyak na magtatalo na naman kayo ni Victor 'pag nalaman niya ito," sumamo ng ginang sa binata. "I'm just wondering, tita. Paano nalaman niya ang hospital na kinaroroonan ni Tyler?" "Iniisip ko rin 'yan, hija. Posible bang ipinaalam ni Victor kay Katrina kung saang hospital nandoon ang kapatid niya?" Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Posible nga kaya? Pero bakit? Ipinapain ni Victor si Katrina kay Tyler? "No! Imposibleng mangyari 'yan!" marii
GUSTONG palakpakan ni Erin ang sarili. Matapang niyang sinagot si Tyler. Gayon pa man ay may kaba pa rin sa dibdib niya. Taas-noo siyang tumingin dito. Kailangan niyang lumaban, hindi lang para sa sarili niya, kundi para na rin sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Darating din ang araw na maaalala siya nito, na matatanggap din nito ang kaniyang anak. "Hindi ba't sa bar ka nag-work?" Bumaling ang paningin niya sa babaeng nasa gilid. Hindi talaga ito titigil sa pang-aalipusta sa kaniya. Gusto talaga nitong palabasin na isa siyang maruming babae. "Yes!" nakangiting tugon niya. "And why are you asking? Balak mo rin bang pumasok doon?" "Duh! Kadiri ka! I would never do that." Umikot ang itim ng mata nito at pansin niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito. Humakbang ito palapit sa kaniya. Nakangisi. Sinayod siya mula ulo hanggang paa na animo'y diring-diri sa kaniya. "Sigurado ka bang kay Tyler 'yan? Hindi ba't marami kang naging costumer sa bar?" Tumaas ang gilid ng labi nito. Humagalpa
MATAPOS makausap ni Erin ang pinsan, kaagad siyang natungo sa kusina. Naabutan niyang masayang kumakain ang mga kasambahay. "Seniorita, ano pong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong ng isa sa kasambahay. Bigla ring napatayo ito. Ngumiti siya. "Dadalahan ko lang ng makakakain sina Tyler." "Dapat tinawag niyo na lang po kami. Hindi na sana kayo pumunta rito," hayag naman ng isa pa.Nahiwagaan siya. Bahagyang nagsalpukan ang kilay. "Bakit?" "W-wala naman po. Dadalahan niyo ng almusal sina Ma'am Dorothy?" Tila takot ito. Malupit ba ang mga Samaniego sa kasambahay? Pero sa nakikita niyang pag-uugali ng mag-asawa, mabait naman ang mga ito."Oo sana," naisagot niya. Aligagang lumapit sa kaniya ang isa. Ito yung kasambahay na tumawag sa kaniya nang nagdaang gabi. "Ipaghahanda ko na po sila, Seniorita." Napangiti siya. "Hindi na kailangan. Ituloy niyo na ang pagkain niyo. Kaya ko na ito." Hinarap niya ang mga kabinet. "Saan ba puwedeng maglagay ng pagkain?"Tinulungan pa rin siya ng lum
IBINAGSAK ni Erin ang pagal na katawan sa kama. Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng Samaniego. Pagod na pagod ang katawan maging ang isipan niya matapos ang mahabang diksyusong naganap sa pagitan ni Victor at Hernan sa hospital. Ipinaglalandakan nito na hindi si Tyler ang ama ng batang dinadala niya. Ilang beses itong nasermunan ng ama, ganoon din ni Dorothy. Umalis itong masama ang titig sa kaniya. Magpahanggang ngayon, hindi niya alam kung bakit galit ito sa kaniya. Wala siyang natatandaang nagawang pagkakamali rito. Isinama siya ng ginang sa mansyon para makapagpahinga, pero babalik din ito agad sa hospital para bantayan si Tyler. Kumuha lang ito ng ilang gamit nilang mag-ina. Gusto sana niyang siya ang magbantay, pero sa kalagayan ng binata ngayon, hindi makabubuting magsama sila sa iisang lugar. Huminga siya, pinakawalan ang bigat na nasa loob. "Nakakapagod din pala." Sa pagpikit ng kaniyang mata, binalikan niya sa isipan ang masasayang alaala nila ni Tyler. Magmula kung paan
NAGLALAKAD sa gilid ng hospital si Erin. Gulong-gulo na ang isip niya. Ilang beses na siyang ipinagtutulakan ni Tyler, maging ang anak nila'y hindi nito kinikilala. Tangin si Katrina lamang ang nasa isipan nito. Pero sa tuwing maiisip na wala lang itong alaala, pansamantalang nakalimutan siya at balang-araw ay maaalala siya nito, pinipilit niyang manatili sa tabi nito. "Erin?" Naudlot ang paglalakbay ng diwa niya. Nilingon ang pinagmulan ng tinig. "Tita Dorothy..." Bumalik siya sa puwesto ng ginang. Nasa tapat ito ng restaurant. "Saan ka pupunta, hija?" Magtatampo ba ito kung sasabihin niyang nais sana niyang umalis, bumalik sa bisig ng ama? Pero may kung anong bagay ang pumipigil sa kaniya na sabihin yun. Umaasa pa rin siyang babalik sa dati ang pakikitungo ni Tyler sa kaniya. "Uhm, naglalakad-lakad lang po, tita," naidahilan niya rito. "Tsaka nagugutom na rin po ako. Parang gusto ko ng mangga." Nahaplos niya ang ibabang tiyan. "Ganoon ba? Sandali, sasamahan kitang humanap ng m
SALUBONG ang kilay ni Tyler. Pinagmamasdan niya ang nakapikit na babae. Magmula pa sa hospital na pinanggalingan, sinasabi ng magulang niya na ito ang kaniyang nobya. Si Katrina, ang asawa niya, mayroon na raw itong iba. No! That's a big lie. Hindi siya maniniwala sa sinasabi nila. Mahal siya nito. Imposibleng lokohin siya. Dalawang taon na silang kasal, bago yun ay ilang taon niya itong naging kasintahan n'ong nasa college pa sila. At ang isa pa niyang hindi paniniwalaan, ang kapatid pa niya mismo ang lalaki ng asawa niya. "Imposible!" Napailing siya. Nagising siyang walang alaala, kahit siya ay hindi malinaw sa kaniyang isipan. Ang tanging naaalala niya, ang asawang si Katrina at ang naging pagsasama nila. Sinabi kung sino ang magulang niya, pero hindi rin niya matandaan. At ngayon kasama niya sa iisang silid ang babaeng sinasabing nobya niya.Matalim niya itong tinitigan, kasing talim ng bagong hasa na kutsilyo. Nagmulat ito. Nakipagtitigan sa kaniya. Pero ito ang unang nag-iwa
MAHABANG paliwanagan ang nagaganap sa pagitan ng mag-ina, habang si Erin ay nakatayo lamang sa gilid. Pinapaliwanag ng ginang ang namagitan sa kanila nang malaman ni Tyler na may iba si Katrina. Para itong musmos na batang pinangangaralan ng ina. "Anak, huwag ka munang magsalita ng ikasasakit ng d
KAGAt ni Erin ang ibabang labi. Nanlilit siya sa sarili. Galit sa kaniya si Tyler, akala nito'y siya ang sumira ng relasyon nito kay Katrina. Sarado ang isipan nito sa katotohanang isinisiwalat nila, o sadyang ayaw nitong paniwalaang dahil ang nasa isipan nito'y isang mabuting may bahay ang dating
"TYLER!" hiyaw ni Hernan. Nakaguhit sa mata ang matinding galit. "What? Akala ko ba'y may sarili tayong negosyo? Pero, bakit wala tayong sasakyan?" pagalit nitong tanong. "Anak, malayo ang lugar na ito." Muli, si Dorothy ang nagpaliwanag dito. Wala kaming sasakyan nang pumunta. Sinundo lang nil
"NAGDESISYON kaming ililipat namin sa Manila si Tyler." Inaasahan na ni Erin ang sasabihin ng matandang Samaniego. Wala siya sa posisyon para magreklamo, isa pa'y maayos na ang kalagayan ni Tyler, maliban lang sa wala itong maalala. Hindi siya tututol sa gusto nitong mangyari. "Iha, you can come







