MasukIT WAS a painful truth that struck his heart like thunderbolt. And yet his heart was still aching for doubt. Ang daming pagdududa ang pumapasok sa isipan niya tungkol sa pagtatapat ni Ceryna sa status nito. Pero hindi magawang tanggapin ng puso niya ang katotohanang iyon. Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa mini bar. Kumuha siya ng alak at nagsalin sa baso. Gusto niyang magpakalunod sa alak sa pagbabakasakaling mawala ang sakit ng nararamdaman niya. Nakakailang lagok pa lamang siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Ricardo. "Hello, 'Pa," sagot niya at lumagok muli ng isa pa. "Where are you?" tanong nito. "I'm at home. Why?" balik niyang tanong at nagsalin muli ng alak sa baso. "Can you come to my office? I have something important to discuss with you," sabi nito na nagpapahiwatig na hindi siya pwedeng tumanggi. "How important is it, 'Pa?" pag-uusisa niya at nilaro laro ang basong may laman ng alak. Napabuntong hininga sa kabilang linya si Ricardo. "Just come o
HUMUGOT ng isang malalim na hininga si Ceryna. "I'm already married," mahinang mahina ang pagkakasabi niya pero parang bombang umabot iyon sa tainga ni Adrian. Kung ang pagsasabi kay Adrian ng totoong pagkatao niya ang paraan para lubayan na siya nito ay mas marapat lamang na malaman na ni Adrian upang maiwasan pang lumawak ang mga taong masasaktan niya. Katangahan ang umiral sa kanya kahapon kung bakit naulit pang muli na may mangyari sa kanilang dalawa at ayaw na niya iyong sundan pa. Malakas pa sa pagsabog ng bomba sa giyera ang bombang binitawang salita ni Ceryna sa kanya. Nakatutulig at nakabibingi. Parang huminto pansamantala ang tibok ng puso niya. Nasaksihan ni Ceryna ang halo halong reaksyong dumaan sa mga mata ni Adrian. Pangatlong beses pa lamang silang nagkikita pero parang matagal na silang magkakilala at malalim na ang pinagsaluhan nila. Ang naging pundasyon lamang nila ay ang unang pagkakataong pagkikita nila dalawang taon na ang nakalipas. At ang sakit na dulo
KASALUKUYANG pinatutulog niya ang anak nang sunud sunod na tumunog ang cellphone niya. Sinilip muna niya ang mukha ng bata kung tulog na bago niya damputin ang cellphone. Napakunot ang noo niya nang makitang seven missed calls and three text messages ng unsave numbers ang nakalagay sa screen. She curiously opened the inbox message. Hi! I have your ID's. Tatlong message na ganoon ang pinadala ng sender sa kanya. Lalong lumalim ang guhit sa mga noo niya. Gusto na sana niyang balewalain ang message na iyon nang maalalang tingnan ang bag. Dahan-dahan siyang bumangon at inabot ang bag na ginamit kahapon. Inilabas lahat ang mga laman nito sa loob at tiningnan kung ano ang kulang sa mga gamit niya. Kaagad inapuhap ng mga mata ang card wallet niya dahil importante sa lahat iyon, ngunit hindi niya iyon makita. Chineck niya ang side pocket ng bag ngunit wala din doon. Naisip niyang baka sa department store niya nalaglag iyon dahil gumamit siya ng credit card sa pagbabayad kahapon.
PABAGSAK na humiga ng kama si Adrian at ang mga mata ay tagus tagusan sa kisame. Hindi niya maalis sa sistema ng katawan niya ang maganda ngunit mapait na alaalang pinagsaluhan nilang dalawa ni Faye. Hindi iyon ang inaasahan niyang paghihiwalay nila kanina. Umaasa siya na makakapagsimula silang dalawa ng isang magandang relasyon, ngunit hindi iyon ang nangyari. Mula sa bulsa ng pantalon ay hinugot niya ang nahulog nitong card wallet kung saan nakalagay ang mga ID's at bank cards nito. Ceryna Faye Alonzo, ang totoong pangalan nito. Napansin niyang nahulog iyon kanina nang kuhanin nito sa loob ng bag ang cellphone. Marahil ay hindi nito napansin iyon. Binuklat niya at inisa-isa ang mga cards nito sa pag-asang makahanap ng contact number ni Faye. Hindi naman siya nabigo dahil may isang ID ito na may nakalagay ng contact number. Dinial niya ang numero sa cellphone at sinubukan tawagan si Faye. Napangiti siya nang magring ito. "How could you say this is our last meeting when you’ve
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit
HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n







