LOGINKASALUKUYANG pinatutulog niya ang anak nang sunud sunod na tumunog ang cellphone niya. Sinilip muna niya ang mukha ng bata kung tulog na bago niya damputin ang cellphone. Napakunot ang noo niya nang makitang seven missed calls and three text messages ng unsave numbers ang nakalagay sa screen. She curiously opened the inbox message. Hi! I have your ID's. Tatlong message na ganoon ang pinadala ng sender sa kanya. Lalong lumalim ang guhit sa mga noo niya. Gusto na sana niyang balewalain ang message na iyon nang maalalang tingnan ang bag. Dahan-dahan siyang bumangon at inabot ang bag na ginamit kahapon. Inilabas lahat ang mga laman nito sa loob at tiningnan kung ano ang kulang sa mga gamit niya. Kaagad inapuhap ng mga mata ang card wallet niya dahil importante sa lahat iyon, ngunit hindi niya iyon makita. Chineck niya ang side pocket ng bag ngunit wala din doon. Naisip niyang baka sa department store niya nalaglag iyon dahil gumamit siya ng credit card sa pagbabayad kahapon.
PABAGSAK na humiga ng kama si Adrian at ang mga mata ay tagus tagusan sa kisame. Hindi niya maalis sa sistema ng katawan niya ang maganda ngunit mapait na alaalang pinagsaluhan nilang dalawa ni Faye. Hindi iyon ang inaasahan niyang paghihiwalay nila kanina. Umaasa siya na makakapagsimula silang dalawa ng isang magandang relasyon, ngunit hindi iyon ang nangyari. Mula sa bulsa ng pantalon ay hinugot niya ang nahulog nitong card wallet kung saan nakalagay ang mga ID's at bank cards nito. Ceryna Faye Alonzo, ang totoong pangalan nito. Napansin niyang nahulog iyon kanina nang kuhanin nito sa loob ng bag ang cellphone. Marahil ay hindi nito napansin iyon. Binuklat niya at inisa-isa ang mga cards nito sa pag-asang makahanap ng contact number ni Faye. Hindi naman siya nabigo dahil may isang ID ito na may nakalagay ng contact number. Dinial niya ang numero sa cellphone at sinubukan tawagan si Faye. Napangiti siya nang magring ito. "How could you say this is our last meeting when you’ve
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit
HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n
HINDI alam ni Ceryna kung paano sila humantong ng estrangerong ito sa apat na sulok ng silid na iyon. Ang alam lang niya ay ang kagustuhang palayain ang damdaming tinago niya ng dalawang taon na nag-umpisa lamang sa isang gabing hindi malilimutan. It was her first. He was her first in everything. And its always hard to forget the first time. But this time, it's different. She was married. And it's forbidden. Why does her life have to be so unfair? Paanong sa loob ng nakaraang dalawang taon ay ngayon lamang ulit sila nagkita? Bakit kung kailan na hindi na siya malaya? Kahit naman siya ay hindi na umasa na muli pa silang magkikita. Pero sadyang mapanadya ang tadhana, dahil heto siya ngayon, nagpapakalunod sa mga halik at haplos ng lalaking dalawang beses pa lamang niya nakikita. NANG makita ni Adrian ang nagpakilala sa kanya ng "Faye" dalawang taon na ang nakakaraan, walang pag-aalinlangan niyang hinintuan ito. He knew that it was her. At alam niyang nakilala din siya nito. Ang da
SAKTONG alas tres ng hapon nang lumabas siya ng flower shop ni Celeste at dumeretso na sa malapit na mall. Hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid dahil marami pa itong aayusing bulaklak na gagamitin bukas ng umaga kaya kailangan din nitong tapusin kaagad. Ilang oras din siyang naglibot sa loob ng mall pero wala din siyang nagustuhan bilin para sa sarili. Sinadya lang talaga niya sa mall ang ni-request ng anak niyang laruan. Pauwi na rin siya at nag-aabang ng taxi nang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang baka ang yaya ng anak niya ang tumatawag. Pagtingin niya sa screen ay si Anthony pala. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Ceryna," bungad nito. "Yes, Anthony," tugon niya at tumingin tingin sa mga nagdadaang taxi. "Huwag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ako ng uwi." wika nito. "Okay, sige. Ingat ka," sabi niya. Hindi na ito sumagot at naputol na ang linya. Saktong may humintong taxi sa harap niya ngunit naunahan naman siy







