Mag-log inMULA SA ITAAS ng silid na inuukopa ni Adrian ay tanaw niya si Anthony at Ceryna. Mukhang hinatid lamang ni Ceryna hanggang sasakyan si Anthony at nang makaalis ang sasakyan nito ay bumalik na ulit si Ceryna sa loob ng mansion. Nakita pa niya kung paano pasadahan ng kamay ni Anthony ang likod ni Ceryna at kabigin ito upang halikan sa pisngi. Napapikit siya ng mariin nang maramdamang tila may tumarak na kutsilyo sa dibdib niya. Nasasaktan siya na makita ang dalawa sa ganoong tagpo. Mabigat ang loob na umalis siya sa bintana at itinuloy ang pagbibihis. Hanggang kailan niya kayang pagtimpihan ang sarili? Kahapon nang isoli niya ang isa sa mga koleksyon ni Anthony ay nakita niya ang picture frame sa silid ni Kael. Nagawa niyang itaob iyon dahil hindi niya kayang tingnan ang larawan ng mag-ina niya na masaya sa piling ni Anthony. Pilit niyang inalis sa isip ang sakit na nararamdaman at hinanda na ang sarili sa paglabas ng silid niya. Kailangan niyang tutukan ang misyon niya at matapo
MALALIM NA ANG gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Ricardo. Balisa ang katawan at pabiling biling siya ng pwesto sa higaan, habang ang asawang si Claire ay mahimbing nang natutulog. Hindi nakatiis si Ricardo at maingat na bumangon upang hindi maistorbo ang asawa. Marahang binuksan ang pinto sa balkonahe at sumalubong sa katawan niya ang malamig na simoy ng hanging panggabi. Maingat siyang lumabas at tiningala ang madilim na kalawakan ng gabi na tanging mga bituin at ang bilog na buwan ang nagsisilbing tanglaw sa buong kadiliman. Itinukod niya ang dalawang kamay sa railings habang nakatingala sa madilim na langit at naglabas ng isang malalim na buntong hininga. "May problema ka ba?" tanong ni Claire mula sa likuran niya nang may pag-aalala. Mabilis siyang napalingon sa likuran niya at nagulat nang marinig ang tinig nito. Biglang nabahala ang mukha ni Ricardo. "Huwag mong sasabihing wala, dahil nasesense ko, Ricardo," may babalang saad ni Claire at tiningnan ang as
INILAPAG NI Ricardo sa kanya ang dokumentong itinawag nito sa kanya kaninang umaga. "Ayon sa imbestigador na inatasan ko upang hanapin ang judge na nagkasal kay Anthony at Ceryna..." bahagya nitong binitin ang iba pang sasabihin at tiningnan ang pamankin na noon ay nakatingin lang sa dokumentong binaba nito sa ibabaw ng table, "matagal nang wala sa Pilipinas ang judge na nagkasal sa kanila at nasa ibang bansa na naninirahan," dugtong pa nito. Napakunot ang noo ni Adrian nang marinig ang sinabi ng tiyuhin. Hindi pa rin niya hinahawakan ang dokumento. "Kaya mas minabuti na lang namen na kumuha ng kopya sa PSA ng marriage certificate ng dalawa," napabuntong hininga si Ricardo at tinuro ang dokumento. Lumipat ang tingin ni Adrian kay Ricardo. "Tell me, Papa, that my instinct is right. They're not married," buong kumpiyansang saad ni Adrian habang nakatingin kay Ricardo. Nagtama ang mga mata ng magtiyuhin. Marahang tumango si Ricardo at bumuntong hininga. "Anong balak mo?" ta
PAPUNTA si Adrian sa opisina ni Ricardo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag bago ito sagutin. Si Brix. Kaagad niya itong sinagot. "Brix," bungad niya at sa hindi sinasadya ay namataan niya si Ceryna at Anthony sa loob ng mansion na magkaagapay palabas. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Anthony. Kailan pa ito dumating? Bahagyang naningkit ang mga mata niya nang makitang nakahawak ang kamay ni Anthony sa balakang ni Ceryna. Nakabihis ang dalawa at mukhang aalis at hindi kasama si Kael. Malayo pa lang ay kitang kita na niya ang masayang mukha ni Ceryna habang kausap si Anthony. Kakaiba ang aliwalas ng mukha ni Ceryna at sa paningin niya ay kakaiba ang gandang tinataglay nito ngayon araw. Bigla ay naalala niya kung paano ito mahumaling sa mga bisig niya na tila ba walang hadlang sa kanilang dalawa. How deeply he missed her moans and the sound of her screaming his name as she reached her climax. Suddenly, he felt something sti
Naalimpungatan ng umagang iyon si Ceryna. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya habang natutulog. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata upang magulat lamang nang makita si Anthony na nakaupo sa gilid ng kama katabi si Kael na mahimbing pa rin ang tulog. Napabalikwas siya dahil hindi niya inaasahan ang pag-uwi ni Anthony. "Kailan ka pa umuwi?"bagamat nagulat si Ceryna ay naroon ang kasiyahan na nakauwi na si Anthony. "Kanina lang madaling araw," nakangiting sagot nito habang hinihimas ang buhok ni Kael. "Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na uuwi ka na pala sana ay nasundo ka namin," sumandal si Ceryna sa headboard at humalukipkip. Hindi nagsalita si Anthony sa halip ay humiga sa tabi ni Kael at niyakap ang anak at pinupog ng halik sa pisngi ang bata. Nakangiting pinagmasdan ni Ceryna ang dalawa habang sa sulok ng puso niya ay nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang. Bahagyang siyang natigilan. Panghihinayang? Para saan? Mabilis niyang inalis sa is
MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha siya ng sample mula kay Kael at pinatest niya. Sa bahay nila Claire at Ricardo siya nagpalipas ng buong gabi. Sa kabila nang malakas ang paniniwala niya na anak niya si Kael ay hindi pa rin siya nakatulog. At sa unang pagkakataon ay iniyakan niya iyon buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang anak niya na iba ang kinikilalang ama. Matutulad ba si Kael sa kanya na lumaki sa ibang pamilya? Lagi na lang ba ganoon ang sitwasyon niya? Bilang isang anak na tinago sa matagal na panahon at ngayon bilang isang ama na nagkukubli sa dilim? Na sa kasalukuyan ay hanggang tanaw lamang sa sariling anak? History repeats itself. Sobrang nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa buhay niya.







