Share

CHAPTER 34

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-11-18 04:11:04

HINDI NA NAGAWANG PIGILAN NI ADRIAN SI CERYNA. Sinubukan pa niyang hawakan ang kamay nito, ngunit mabilis na iniiwas ni Ceryna ang kamay sa kanya at mabilis na nakababa. Nagagalit na ito pero napanatili pa rin nitong huminahon. Pero sa bawat kilos naman ni Ceryna ay palatandaan na naghihimagsik ang kalooban nito.

Hindi kaagad siya umaalis at ipinark muna ang sasakyan malapit sa entrance ng hospital. Naghintay siya ng ilang minuto doon.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito.

Nakadalawang attempt siya bago nito sinagot.

"Why?" malamig nitong tanong sa kabilang linya.

"There's something you forgot here inside the car," tugon niya at sumilip sa entrance ng building ng hospital.

Hindi ito sumagot at bumuntong hininga.

"Iwanan mo na lang sa guard." walang ganang sabi ni Ceryna. "Mamaya ko na kukunin sa guard.

"I can’t leave this with the guard, and I’m sure the guard also won’t agree to accept what you left behind." tumingin siya sa suot niyang relo. "And be quick, I h
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 47

    MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha siya ng sample mula kay Kael at pinatest niya. Sa bahay nila Claire at Ricardo siya nagpalipas ng buong gabi. Sa kabila nang malakas ang paniniwala niya na anak niya si Kael ay hindi pa rin siya nakatulog. At sa unang pagkakataon ay iniyakan niya iyon buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang anak niya na iba ang kinikilalang ama. Matutulad ba si Kael sa kanya na lumaki sa ibang pamilya? Lagi na lang ba ganoon ang sitwasyon niya? Bilang isang anak na tinago sa matagal na panahon at ngayon bilang isang ama na nagkukubli sa dilim? Na sa kasalukuyan ay hanggang tanaw lamang sa sariling anak? History repeats itself. Sobrang nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa buhay niya.

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 46

    "SIR ADRIAN, CONFIRM. MAY MGA DIAMONDS SA LOOB ng object na ito," sabi ni Brix habang nakatuon ang buong atensyon sa monitor at namamangha ang mukha. Mas malinaw nilang nakikita ngayon sa scanner ang nasa loob ng object. "Literal na tinatago niya ang mga diamonds na sinasabi ni Mr. Rodriguez sa collection niya," ani Jordan na hindi makapaniwala sa nakikita. Matamang nakatingin si Adrian sa monitor at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala na may ganoong bagay na pa-aari si Anthony. "Dalhin nyo ngayon sa isang alahera iyan, baka may machine sila na pwede matukoy kung totoong diamond ang nasa loob ng bagay na iyan," seryosong utos ni Adrian. "As soon as possible, kailangan maibalik ko rin iyan," dugtong pa nito. "Copy, Sir," halos sabay sa tugong ni Brix at Jordan. "I have to go, may iba pa akong aayusin," paalam niya at umalis na. Malaking palaisipan kung saan kinukuha ni Anthony ang ganoong bagay, at kung dumaan ba ito sa tamang proseso. Paniguradong lahat ng coll

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 45

    "ANTHONY TOLD ME YOU'RE GOING TO RESIGN today," ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kanya. Malayo sa ugali ni Anthony na laging nakangiti. Napalunok siya bago sumagot. "It's true, Doc," maikling tugon niya at yumuko. "What's the reason of a sudden resignation?" tanong nito. Naisip ni Ceryna na mukhang wala pang alam ang doktor sa kalagayan niya. "It's personal, Doc," iyon lang ang sinagot niya dahil ayaw na niyang ilatag ang anumang dahilan dito. Narinig pa niyang pumalatak si Anthony pero hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ang doktor sa kanya at para bang bitin sa sinagot niya at naghihintay pa ng karudgtong. "I can't accept you resignation," deretsahang sabi ng doctor sa kanya. "Mahirap humanap ng katulad mo na dedicated sa trabaho," wika nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka maaappreciate niya ang komento nito sa kanya, pero totoo ba ang sinasabi nito? "Thank you po," mahina namang sambit niya. "But my decision is final," pinagmatigasan na niya ang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 44

    "MARRY ME, CERYNA." Namilog ang mga mata ni Ceryna sa sinabi ni Anthony dahil hindi niya inaasahan na maririnig sa kaibigan niya ang salitang iyon. Maya maya ay humagalpak ng tawa si Ceryna. Nakaramdam ng inis si Anthony sa naging reaksyon ng kaibigan. Hinayaan siya nitong tumawa nang tumawa hanggang siya na mismo ang napagod sa katatawa, hanggang ang tawa niyang iyon ay napalitan ng impit na iyak. "Magkaibigan nga tayong dalawa," sabi ni Ceryna habang pinupunasan ang luhang sanhi ng pagtawa at pag-iyak niya. "Padalus-dalos tayo, hindi tayo nag-iisip," kumuha siya ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. "Iyon lang ang paraan para matulungan kita," tugon naman ni Anthony. "Anthony, alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong niya rito, "Matatali ka sa isang responsibilidad na hindi naman ikaw ang ama. Napabuntong hininga si Anthony. "You know mo, Ceryna," tiningnan siya ni Anthony, alam na ni Ceryna ang ibig sabihin nito. "I'd rather choose to marry you than marry someone I do

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 43

    SINIKAP NI CERYNA NA HUWAG NANG MAULIT ANG panenermon ni Doktora Karen sa kanya sa kabila nang nararamdaman niyang sama ng katawan tuwing umaga. Pero sa araw na iyon habang nagraround siya para kuhanin ang mga vital signs ng mga pasyente ay bigla na lamang siyang nahilo. Napaupo siya sa higaan ng pasyente at sapo ang kanyang ulo. "Nurse, ayos ka lang po ba?" tanong nang nagbabantay sa pasyente at hinawakan siya sa balikat. Marahan siyang tumango at bahagyang pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Pero habang tumatagal ay parang umiikot na ang nasa paligid niya at nararamdaman niyang nagpapawis na siya ng malapot. Pumikit siya at kahit sa pagpikit niya ay parang hinuhulog siya sa kadiliman. "Ate, p-pakitawag po ang Chief Nurse," sabi niya nang sa pakiramdam niya ay hindi na niya kaya dahil palala nang palala ang nararamdaman niya. "S-Sige po," dali dali naman lumabas ng silid ang taga bantay ng pasyente. Ilang saglit lang ay dumating si Anthony na humahang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 42

    HABANG PINAGMAMASDAN NI CERYNA SI KAEL habang naglalaro sa kid's zone kasama si Michelle ay may bahagi ng puso niya ang nangangamba. Nakaupo sila ni Celeste sa isang swing kung saan tanaw nila si Kael na naglulunoy sa mga maliliit na bolang plastic na may iba't ibang kulay. Masaya itong nakikipaglaro kay Michelle. Mabuti na lamang at nakagaanan ng loob ni Kael si Michelle. "Alam mo, Ceryna, habang pinagmamasdan ko si Kael nahahawig sya sa biyenan mo," seryosong komento ni Celeste. Bigla siyang napatingin kay Celeste na noon ay nakatingin sa pamangkin. Akala niya ay siya lamang ang nakakapansin noon. Napabuntong hininga siya habang mabilis na naglakbay ang alaala niya sa nakaraan... "NURSE ALONZO, YOU'RE LATE AGAIN?!" mahina pero may gigil na bulalas ng Hospital Director na si Doctora Karen Rodriguez. Muntik na niyang mabitawan ang nameplate niya na isinusuot pa lamang sa uniporme niya. Nasa loob siya ng locker room at nakalimutan niya na araw nga pala ng pagiinspeksyong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status