Share

CHAPTER 83

Author: Anna Marie
last update publish date: 2026-07-27 20:52:24

HINDI SA MANSION kundi sa opisina ni Gilbert dumeretso si Adrian at Ceryna. Last day na ni Gilbert bilang CEO at sa mga susunod na araw ay si Adrian na ang magmamanage ng kumpanya ng mga Rodriguez.

Habang nasa loob silang dalawa ni Adrian ng elevator ay hindi siya mapakali. Nagpapawis ang dalawang palad niya dahil sa nerbyos.

"Tama ba itong gagawin natin?" wala sa loob niyang tanong habang nakatingin sa numerong nakarehistro sa loob ng elevator.

"Mas lalong hindi tama kung patuloy natin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 83

    HINDI SA MANSION kundi sa opisina ni Gilbert dumeretso si Adrian at Ceryna. Last day na ni Gilbert bilang CEO at sa mga susunod na araw ay si Adrian na ang magmamanage ng kumpanya ng mga Rodriguez. Habang nasa loob silang dalawa ni Adrian ng elevator ay hindi siya mapakali. Nagpapawis ang dalawang palad niya dahil sa nerbyos. "Tama ba itong gagawin natin?" wala sa loob niyang tanong habang nakatingin sa numerong nakarehistro sa loob ng elevator. "Mas lalong hindi tama kung patuloy natin itatago ang katotohanan," seryosong tugon ni Adrian at hinawakan ang kamay niya. Napabuntong hininga si Ceryna. "Paano si Kael? What if-" "Stop thinking, Faye," hinawakan niya sa magkabilang balikat si Ceryna at iniharap sa kanya. "Malayo sa iniisip mo ang mangyayari kay Kael, sa iyo at sa akin. Trust me," bahagyang piniga ang magkabilang balikat ni Ceryna. "How can you be so sure? You know my father-in-law. Ma-impluwensya siyang tao." "So, do I. I'm a Rodriguez, too. I'm more influent

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 82

    THIS WOMAN REALLY DRIVES him crazy. Tama nga siguro ang sinabi ni Gilbert sa kanya kanina. Hindi siya nag-iisip. Pero bakit nga ba? Because this woman took his heart, he is now drowning and feels like he is going to die if he loses her again. At habang pinagmamasdan niya si Ceryna ay gusto niyang lundagin ang bakod na nakaharang at sagabal sa daan niya upang yakapin ito. He wants to give her comfort and assurance. Dahil hindi nakaligtas sa kanya ang sobrang takot sa mga mata nito nang makita sila ni Gilbert na magkasama kanina. At hindi siya mapakali habang tinatanggap ang paglilipat sa kanya ng posisyong iniwan ni Gilbert dahil ang buong isip niya ay na kay Ceryna. Kailangan pa siyang bulungan ni Ricardo para lamang bumalik sa katinuan ang isip niya para makipagkamayan at tanggapin ang pagbati ng mga mahahalagang taong naroon. Ni hindi niya ma-appreciate ang mga sinasabi ng mga nakaharap niya. Maging ang mapang-uyam na pagbati ni Anthony ay hindi rumehistro sa isip niya. At ang big

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 81

    NANGINGINIG AT HALOS PANAWAN nang katinuan si Ceryna dahil sa magkahalong kaba at takot. Ang butil butil na pawis sa noo niya ay humahalo na sa mga luha niya. Napapikit siya nang maalala ang madilim na mukha ng byenan kanina habang gulat na nakatunghay sa kanila ni Adrian. Sa bikas niya ay hindi na kailangan ni Gilbert magtanong kung ano ang namagitan sa kanila ni Adrian. Ang atmospera sa loob ng apat na sulok ng silid na ang nagkumpirma. Sa kabila ng pagkagulo ng isipan niya ay napagpasiyahan niyang ayusin ang sarili sa nakalaang silid nilang dalawa ni Anthony. Kailangan niyang ikalma ang sarili at mag-isip ng mabuti. Siguradong hindi palalagpasin ni Gilbert ang nasaksihan nito. Huminga siya ng malalim at pinahid ang mga luha. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya pagkatapos ng gabing ito. At kung tatakas siya kasama si Kael ay tiyak na mas lalo lamang liliit ang mundo niya. Kahit saan sila magpuntang mag-ina ay tiyak na mahahagilap siya ni Gilbert at Anthony. A

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 80

    "D-DADDY!..." Gulat na gulat at namimilog ang mga mata ni Ceryna nang mapagtanto na biyenan niya ang nasa harapan. Humarap si Adrian at tumingin kay Gilbert. Madilim ang mukha ni Gilbert na pinaglipat lipat ang tingin sa kanila ni Ceryna. Kung anong pagkabahala ni Ceryna ay kabaligtaran naman ng kay Adrian. Tila hindi ito nahintakutan nang makita si Gilbert na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila. Ramdam ni Adrian ang takot at pagkabigla ni Ceryna kaya hinila niya ito sa kamay. Nanlalamig ang mga kamay nito at nanginginig sa takot. "Relax," hindi iyon malakas pero sapat na upang marinig nito. Pinisil niya ang kamay ni Ceryna. Dumako ang mga mata ni Gilbert sa kamay nilang dalawa at narinig nila ang pagpalatak nito. "Let go of her, Adrian," mahinahon pero madiing utos ni Gilbert. "Kanina pa hinahanap ni Anthony si Ceryna." Nakita niyang napamaang si Ceryna nang malamang nasa ibaba si Anthony. Lalo lamang nadagdagan ang pag-aalala nito sa mukha. Humigpit ang hawak

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 79

    MAINGAT ANG BAWAT galaw ni Ceryna at ang bawat hakbang ay pinagsisikapan din niyang huwag maglikha ng anumang ingay. Kailangan niyang makalabas ng silid bago pa magising si Adrian. Kulang dalawang oras din nilang pinagsaluhan ang pananabik sa bawat isa at nang matantiya niyang tulog na ito ay dahan-dahan siyang bumangon at nagbihis. Malamang na hindi pa tapos ang selebrasyon sa ibaba. Maaaring ang iba ay umuwi na ngunit siguradong ang mga may kabataan pa na edad ay tiyak nag-eenjoy pa sa party. Balak niyang dumaan sa nakareserve na room para sa kanila ni Anthony, doon na lamang niya aayusing mabuti ang sarili. Nagtiis siya sa madilim na paligid at pilit inaninaw ng mga mata ang gamit niya. Natatandaan niyang inilapag niya ang pares ng sandals at clutch bag niya sa sofa kaya doon siya lumapit. Marahan niyang kinapa ang gamit niya at nang mahawakan ay patingkayad siyang lumakad palapit sa pinto. Hangga't maaari ayaw na niyang lingunin pa si Adrian. Ito na rin ang huling pagkakataon

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 78

    PAGDATING NI ANTHONY sa hotel ay kaagad siyang dumeretso sa loob at saktong nakasalubong niya sa lobby ang driver ng Daddy niya. "Sir, palagay ko po ay nagpahinga si Ma'am Ceryna sa silid, nagtanong po ako sa receptionist kanina pero wala pa daw pong nagbabalik ng keycard mula sa mga VIPs," halata ang pigil na paghingal ng driver habang nagrereport sa kanya. Tumango siya at marahang tinapik sa balikat ang driver. "Salamat. Ako na ang maghahanap sa asawa ko," pilit ang ngiting tugon niya sa driver sabay hagilap sa pinakamalapit na elevator. Napabuntong hininga na lamang ang driver habang sinusundan ng tanaw ang amo niya. Habang tumatakbo ang oras ay lalo lamang hindi mapakali si Anthony. Pumasok siya sa malaking bulwagan ng hotel kung saan naroon pa ang mga guests ng event ng gabing iyon. Lumapit siya kay Gilbert at nagulat pa ito nang makita siya. "Where's my wife? Did you see her, Dad?" kaagad na tanong ni Anthony. Nahalinhan ng pagtataka ang mukha ni Gilbert. "Hindi

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 62

    ISANG MALALIM NA buntong hininga ang pinakawalan ni Ceryna at tila wala sa sariling inaayos ang bulaklak. Isinabay siya ni Anthony nang malaman na pupunta siya sa shop ni Celeste. Ibinaba lamang siya nito sa harap ng shop at dumeretso na sa pupuntahan nitong meeting. Sa mga oras na iyon ay nasa

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 59

    DAHAN-DAHANG IBINABA ni Ceryna si Kael sa kama upang hindi magising. Bahagya pa itong kumislot nang mailapag niya at tila may inaabot ang kamay. Binuksan niya ang isang ilaw na nakainstall sa dingding malapit sa kama. Hindi gaanong maliwanag iyon pero sapat na upang mapagmasdan ang mukha ng anak.

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 55

    "HOW DID YOU end up marrying Anthony?" tanong ni Adrian kay Ceryna. Ibinalik ni Adrian si Kael sa loob ng sasakyan at inihiga sa backseat sa pangamba na baka magkasakit ang bata dahil sa lamig na dala ng hangin. At ngayon nga ay parehong nakatayo ang dalawa sa harap ng sasakyan "How did you kn

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 54

    KINUHA NI ADRIAN mula kay Mitch ang nakatulog na si Kael. "Thank you, Sir Adrian," saad ni Mitch bago bumaba ng sasakyan niya. Nagpababa lang si Mitch sa entrance ng subdivision kung saan ito nakatira at mula sa entrance ay sasakay na lamang daw ito ng tricycle. Kulang isang oras din nila binay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status