 Masuk
MasukPAGLABAS niya sa opisina ng kanya Uncle Ricardo ay sinalubong siya ni Mitch nang nakangiti. Tila hindi nangangawit ang babaeng ito sa pagngiti.
"Uuwi na kayo, Lt. Col.?" nakangiting tanong nito sa kanya, parang gustung gusto nitong binibigkas ang ranggo niya. Huminto siya nang matapat dito. "Yeah. By the way, thank you," seryosong sabi niya nang maalalang hindi pa nga pala siya nakakapagpasalamat dito sa pagsundo sa kanya. "You're welcome, sir," sumaludo pa ito sa kanya habang nakangiti. "Sigurado ka, ayaw mong ipagdrive kita?" may halong pagbibiro ang tanong nito. "No thanks." maikling tugon niya. "Anyway, nice meeting you," inilahad pa nito ang kamay sa harap niya at hindi naaalis ang mga ngiti sa labi. Tiningnan niya ang kamay nito saka tumingin sa mukha ni Mitch. Sadya lang sigurong palabati at palangiti ang kaharap niya. Kung susuriin niya ay hindi naman kaartihan ang pinapakita nito sa kanya kundi nakikipagkaibigan ito. Inabot niya ang kamay nito at nakipagkamay kahit saglit. "Me, too," tipid niya itong nginitian. "See you around," dagdag pa niya at lumakad na papuntang elevator. "See you around, Lt. Col." narinig pa niyang habol nito bigkas ang ranggo niya. Tumango lamang siya kahit nakatalikod na siya kay Mitch. BAGO siya dumeretso ng bahay sa Alabang ay dumaan muna siya sa isang flower shop upang ipasalubong sa Mama Claire niya. Mahilig ito sa mga bulaklak kaya siguradong matutuwa ito, sa isip isip niya. Pagbaba niya ng sasakyan ay dumeretso siya sa loob ng shop at tumingin tingin ng iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakahilera doon. Wala siyang gaanong alam pagdating sa mga bulaklak kaya lumapit siya sa isang staff doon at nagpa-assisst. "Good morning," bati niya. "I want something simple but elegant bouquet for my Auntie, can you do it for me?" kaswal sa tanong niya habang nililinga ang mga mata sa paligid ng shop. "Ilang taon na po ang Auntie ninyo?" nakangiting tanong ng florist. Biglang natigilan si Adrian. "For reference lang po, sir para alam namen kung ano nababagay sa flower sa kanya," tila nabasa ng florist ang ekspresyon ng mukha niya. "She's in her sixties," sagot niya nang maunawaan ang ibig sabihin ng florist. "Okay, sir. Kame na po ang bahala. Maupo muna po kayo." tinuro nito ang bakanteng upuan na sadya sigurong nakalaan sa mga costumer. "How long it will take?" tanong muna niya sa florist. "Mga thirty minutes po, sir," sagot ng florist na nakangiti habang kinukuha ang mga gagamitin. "Okay, I'll just wait inside my car. Babayaran ko na rin," sabi ni Adrian at dinukot ang wallet sa bulsa. Sinabi ng florist ang halaga ng isang boquet ng bulaklak at ipinaliwanag kay Adrian ang halaga ng bawat piraso ng mga bulaklak. Binayaran niya ito at nagbilin sa florist na iabot na lamang sa kanya sa labas at doon na lang maghihintay sa sasakyan. Tinuro niya sa florist ang sasakyan niyang nakapark sa harapan ng shop ng mga ito. "AKO NA lang ang magpipick-up sa shop ng bulaklak. Huwag na kayong bumaba ng sasakyan," bilin ni Ceryna at pinahinto sa driver ang Van kasunod ng nakaparadang sasakyan sa harap ng shop. "I'll go with you," sabi ni Anthony, ang asawa niya at akmang susunod sa kanya. "Huwag na, hindi rin naman ako magtatagal sa loob." nakangiting wika niya. "Okay," hindi na rin ito nagpumilit at bumalik sa pagkaka-upo. Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan at maingat na sinarado ang pinto upang hindi makalikha ng ingay. Pagbaba niya ay bigla siyang natigilan nang mapansin ang Toyota Fortuner na nasa harap ng Van nila. Hindi niya napansin iyon nung nasa loob siya ng Van. Bigla ay kinabahan siya at tila pinagpawisan ng malapot. Saglit na gumuhit sa alaala niya ang dalawang taong nakalipas na, na hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip niya ang mga pangyayari. Maaaring kamukha lang iyan. Marami na din may nagmamay-ari ng ganoong model at kulay ng ganoong sasakyan. Napahawak siya sa gilid ng Van nila at tila sasamaan ng katawan. Tila napansin naman ni Anthony mula sa loob na parang nahilo ang asawa kaya binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Are you okay, Ceryna?" tanong nito sa nag-aalalang boses. "Y-Yeah... o-of course. Nasilaw lang ako sa matinding sikat ng araw," alibi niya at pilit na itinindig ang katawan ng maayos. "Are you sure?" tila hindi kumbinsido ang asawaat tiningnan siyang mabuti. Ngumiti siya at tumango. Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa flowershop habang simpleng pinagmamasdan ang sasakyan iyon. Maraming ganoong klaseng sasakyan at ang ganoong kulay ay common n rin niyang nakikita. Pero bakit iba ang pitik sa kanya nang makita niya ito. Nasa may likod na siya ng sasakyan na iyon nang lumabas ang staff na may bitbit na isang bouquet na bulaklak at inabot mula sa bintana ng sasakyan. Narinig pa niyang nagpasalamat ang sakay sa loob kaya bigla siyang napahinto. That voice seems so familiar. O baka naman nakaringgan lang niya? Mabilis niyang inaninag ang loob ng sasakyan sa pagbabakasaling makumpirma niya ang hinala niya. Ngunit nagmaniobra na ito paalis ng shop hanggang sa humalo na ito sa mga ibang sasakyan sa kalsada. "Ma'am Ceryna, nandyan po pala kayo," nagulat na sabi ng staff ng flower shop nang makita siya. "Nandyan ba si Celeste?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang nakakatandang kapatid niya na nagmamay-ari ng flower shop na iyon. "Nasa loob po, ayos lang po ba kayo, Ma'am?" takang tanong nito habang nakatitig sa magandang mukha ni Ceryna. Nag-alala para sa kapatid ng ama. Para ba itong namumutla. Tumango lamang si Ceryna at pilit na inayos ang paglalakad kahit na sa kabila noon ay gusto na niyang takbuhin ang loob ng shop upang itanong sa kapatid ang pangalan ng costumer nito. "Bakit ngayon ka lang dumating? Isang oras nang naghihintay ang pinagawa mong bulaklak para sa mahal mong mother-in-law." parang nang-iinis ang tono ng kapatid niya nang makita siyang pumasok sa loob ng shop. Tiningnan niya ito ng masama. "Nadelayed ang flight ni Anthony pabalik dito kaya naghintay pa kame ng ilang oras sa airport." tugon niya. "Patay na iyong tao, kaya igalang mo naman," sabi nito. "Nasaan na ang mga bulaklak?" tanong niya. First death anniversary ng mother-in-law niya ngayon at doon sila dederetso sa himlayan nito. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa iyo. Kaya kahit patay na siya, hindi ko ginandahan ang arrangements ng bulaklak na para sa kanya," sabi nito at isa isang nilapag ni Celeste ang bulaklak na pinagawa ng kapatid. "Nasaan si Anthony?" tanong nito. "Hindi ko na pinababa." maikling sagot niya. "Ang pamangkin ko?" nakapamaywang ito. "Nakatulog sa sasakyan kaya hindi ko kasama," sagot ulit niya habang tinitingnan ang ginawa nitong bulaklak. "Heto ba ang hindi maganda? Mukhang nag-effort ka pa nga eh," biro niya sa kapatid at ngumiti. Inirapan siya nito. Bigla ay sumeryoso si Ceryna. "Sino iyong costumer nyo nga pala na kaaalis lang?" pinakaswal niya ang pagtatanong sa kapatid. "Ah! Iyong kanina ba? Bagong costumer lang. Nagpagawa ng bouquet para sa tita," balewalang sagot ni Celeste. Napatango lang siya. Mukhang wala siyang makukuhang impormasyon mula sa kapatid tungkol sa may-ari ng sasakyan. O pwede rin naman na namali lamang siya ng kutob. Sa loob ng dalawang taon ay ni minsan ay hindi na niya nakita pang muli ang lalaki. Marahil nga ay nahahawig lamang iyon sa sasakyan. At namamalikmata lamang siya. "Bakit mo naitanong?" "Wala lang. Nakita ko yung bulaklak na pinagawa niya. Maganda nga." palusot niya. "Syempre, ako ang nag-arrange noon," nagmamalaking sagot nito. "Sige na, hindi na ako magtatagal. Baka naiinip na si Anthony," sabi nito at binitbit ang isang bulaklak na nakalagay sa paso. Umikot ang mga mata ni Celeste nang marinig ang pangalan ng bayaw. Tinitigan lang niya ito ng masama. "Pakisuyo na lang sa staff mo yung ibang bulaklak. Salamat." nginitian niya ito ng matamis at nagmamadaling tumalikod na. Kung magtatagal pa siya ay siguradong makakarinig na naman siya ng pang-iinis mula dito.
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit
HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n
HINDI alam ni Ceryna kung paano sila humantong ng estrangerong ito sa apat na sulok ng silid na iyon. Ang alam lang niya ay ang kagustuhang palayain ang damdaming tinago niya ng dalawang taon na nag-umpisa lamang sa isang gabing hindi malilimutan. It was her first. He was her first in everything. And its always hard to forget the first time. But this time, it's different. She was married. And it's forbidden. Why does her life have to be so unfair? Paanong sa loob ng nakaraang dalawang taon ay ngayon lamang ulit sila nagkita? Bakit kung kailan na hindi na siya malaya? Kahit naman siya ay hindi na umasa na muli pa silang magkikita. Pero sadyang mapanadya ang tadhana, dahil heto siya ngayon, nagpapakalunod sa mga halik at haplos ng lalaking dalawang beses pa lamang niya nakikita. NANG makita ni Adrian ang nagpakilala sa kanya ng "Faye" dalawang taon na ang nakakaraan, walang pag-aalinlangan niyang hinintuan ito. He knew that it was her. At alam niyang nakilala din siya nito. Ang da
SAKTONG alas tres ng hapon nang lumabas siya ng flower shop ni Celeste at dumeretso na sa malapit na mall. Hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid dahil marami pa itong aayusing bulaklak na gagamitin bukas ng umaga kaya kailangan din nitong tapusin kaagad. Ilang oras din siyang naglibot sa loob ng mall pero wala din siyang nagustuhan bilin para sa sarili. Sinadya lang talaga niya sa mall ang ni-request ng anak niyang laruan. Pauwi na rin siya at nag-aabang ng taxi nang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang baka ang yaya ng anak niya ang tumatawag. Pagtingin niya sa screen ay si Anthony pala. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Ceryna," bungad nito. "Yes, Anthony," tugon niya at tumingin tingin sa mga nagdadaang taxi. "Huwag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ako ng uwi." wika nito. "Okay, sige. Ingat ka," sabi niya. Hindi na ito sumagot at naputol na ang linya. Saktong may humintong taxi sa harap niya ngunit naunahan naman siy
"SIGURADO ka ba na magcocommute ka na lang pag-uwi?" tanong ni Anthony kay Ceryna. "Hindi ka magpapasundo sa driver?" dugtong pa nito habang nadadrive at nilingon siya. "Hindi na. Pag hindi busy si Celeste mamaya, baka magpahatid din ako sa kanya sa bahay," tugon niyo. "Okay, don't forget your promise to your son," paalala nito nang malapit na sa flower shop ni Celeste. "I won't," sagot niya at sinukbit sa balikat ang bag na dala. Hininto ni Anthony ang sasakyan sa mismong harap ng shop ni Celeste. "Drive safely," sabi niya at humarap kay Anthony at humalik sa pisngi nito. "See you later," tugon nito at nginitian si Ceryna. Tumango lamang si Ceryna at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ito sa kanya bago pinasibat ang sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng flower shop ay may ilang mga costumer na ang nandoon. Hinanap ng mga mata niya si Celeste. "Nasaan si Celeste?" tanong niya sa isang staff nito. "Nasa stockroom po, Ma'am. Nagchecheck po ng mga stocks roon." tug
NASA mini bar silang dalawa ni Ricardo at inaya siya nitong uminom ng brandy pampatulog. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Mitch nang makapagpahinga saglit. Habang silang tatlo ay nagkwentuhan pa hanggang sa magpaalam na si Claire sa kanilang dalawa na magpapahinga na. Tila tinaon naman ni Ricardo na makaalis ang asawa bago siya nito ayain sa mini bar at mag-usap. "Parang kelan lang gatas ang pinaiinom ko sa iyo, hanggang sa naging juice at softdrinks... ngayon heto na tayong dalawa nag-one on one pa tayo sa brandy," natatawang sabi ni Ricardo habang tinitingnan ang basong may laman ng alak. Nilagok ni Adrian ang laman ng baso niya. Gumuhit ang pait at init nito sa lalamunan niya. Hindi siya palainom at wala siyang hilig sa alak. Nakakinom lang siya pag may okasyon o hindi naman kaya ay sa katulad ng pagkakataong ito. "Minsan lang naman ito, 'Pa," sabi niya at sinalinan ang baso niya. "Welcome home, son," aniya nito at tinitigan ang alaga. "Thank you," n








