Share

CHAPTER 4

Penulis: Anna Marie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-27 14:09:59

SA ISANG kilalang subdivision nakatira ang mag-asawang Ricardo at Claire kung saan siya pinalaki ng mag-asawa. Ayon sa mga ito, sanggol pa lamang siya ay mga kamay na ni Claire ang nagpala sa kanya. Ito na rin ang tumayong ina niya, na kulang na lang ay ito ang magluwal sa kanya.

Hindi pinalad na magkaanak ang mag-asawang Ricardo at Claire kaya naman nang ihabilin siya sa mag-asawa ay buong pusong tinanggap at tinuring na sariling anak ni Claire si Adrian.

Namatay ang ina ni Adrian sa panganganak sa kanya dahil sa komplikasyon at problema sa puso.

Na habang lumalaki siya ay ipinapamulat din sa kanya ng mag-asawa kung sino talaga ang tunay niyang ama... ang tunay niyang pagkatao. Habang ang alam ng lahat ay anak siya ni Ricardo at Claire pero lingid din sa kaalaman ng lahat ng nakakakilala sa kanila, siya si Adrian ay totoong anak nang nakakatandang kapatid ni Ricardo, na tinago at pinaako sa mag-asawa. Na hanggang ngayon ay hindi siya kayang ilantad ng sariling ama dahil sa personal nitong dahilan.

Ngunit ganoon pa man ay ipinaramdam naman ng Daddy niya sa kanya ang pagmamahal nito noong maliit pa siya. Hindi ito nagkulang sa kanya, hanggang sa tumuntong siya ng edad na pitong taong gulang. Nag-asawang muli ang Daddy niya at tuluyan na siyang nakalimutan at mas pinili ang anak ng asawa nitong akuin. Ang mga nagpalaki sa kanya na handa siyang ipagsigawan at ipagmalaki sa mundo habang ang totoong ama niya ay lihim at ikinukubli siya sa bago nitong pamilya. At siya na naiwan sa dilim habang tinatanaw sa malayo ang tunay niyang ama na kapiling ang anak anakan nito.

Napapikit siya habang naiisip niya ang naging kapalaran ng kanyang buhay. Kung hindi lamang kila Ricardo at Claire ay hindi na niya nanaisin pang muling bumalik sa Pilipinas.

Pagtapat niya ng gate ay automatic na bumukas ito at idineretso na niya sa garahe ang sasakyan. Sa connecting door na nag-uugnay sa garahe at kitchen area siya dumaan dala ang bag at ang binili niyang bulaklak para sa tiyahin niya.

Simple lamang iyon pero elegante ang dalawang palapag na bahay ng mag-asawang Ricardo at Claire. Ang bakuran ay malawak at puno ng mga pananim ng mga halaman na puro paborito nito.

Saktong alas-sais ng hapon siya nakarating sa bahay ng mag-asawa.

Nakita niya si Claire na nakatalikod at minamanduhan ang katulong kung saan ilalagay ang mga pagkain sa lamesa. Sinenyasan niya ang katulong na huwag ipaalam na nandoon siya, aimpleng tumango ito sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit sa likuran ng tiyahin at maingat na binaba ang gamit sa lapag. Tinakpan niya ang mga mata nito ng kamay niya.

"Hay naku, Adrian. Alam ko namang ikaw lang iyan," sabi ng tiyahin niya na kabisado na siya.

Natatawang tinanggal ni Adrian ang kamay sa mga mata ng tiyahin.

"Hindi ka man lang nagkunwari, 'Ma," nakangiting sabi niya at kinuha ang bulaklak na nilapag niya sa ibabaw ng bag niya. "For you," inabot niya ang bulaklak sa tiyahin.

"Mag-iba ka naman ng way para surpresahin ako," nakangiti ding sabi nito at kinuha ang bulaklak sabay yakap sa alaga. Nasisiyahan ang mukhang tinanggap nito ang bulaklak at bahagya pang sinamyo ang amoy nito at tumingin sa alaga. "Thank you sa flowers. Hindi mo man lang sinamahan ng chocolates," biro nito at mahigpit pa ring nakayakap sa pamangkin. Gumanti ng yakap si Adrian at dinama ang pangungulila sa nagpalaki sa kanya.

"Baka tumaas ang sugar mo, 'Ma," tugon niya at saglit na may nagflash sa alaala niya.

"Welcome home, son. I hope this time magtagal ka naman na kasama namin," tila naglalambing nitong hiling kay Adrian at hinimas himas ang likod nito.

"I missed you, 'Ma," sabi niya at hinalikan sa noo ang tiyahin.

"Hindi kayo nagsabay ng Papa mo?" bigla ay naalala ang asawa. Bumitaw sa alaga.

Umiling siya.

"Nauna akong umalis sa office niya. Baka naman pauwi na rin iyon," sabi niya at inakbayan ang matandang babae.

"Bakit hindi pa kayo nagsabay? At ano ang sinasabi ng Papa mo na sa hotel ka tutuloy?" humarap ito sa kanya at tila disappointed ang mukha.

Napakamot ng ulo si Adrian.

"Mama, nagbago na isip ko," tugon niya at tiningnan ang nakalapag na bag.

Sinundan ni Claire ang tingin ng pamangkin at nakita ang bag.

Umaliwalas ang mukha nito.

"Magtatampo talaga ako sa iyo at magagalit sa Papa at Daddy mo kung hindi ka dito tutuloy." nagbabanta ang tono nito.

Nakangiting niyakap niya muli ang matandang babae. Ang puso niya ay lumalambot sa pinapakitang pagmamahal sa kanya ng tiyahin niya.

"Thank you, 'Ma. Kahit thirty-five years old na ako, lagi mo pa rin pinaparamdam ang pag-aalaga mo sa akin," emosyonal na pahayag niya sa tiyahin.

"Adrian, hangga't nabubuhay ako, ako lang ang Mama mo. Kung hindi ka kayang ipagmalaki ng Daddy mo, andito ako, anak." maluha luhang sabi nito at tumingin sa mukha ng alaga. "Baka pwedeng magstay ka na lang dito at ikaw na ang humalili sa Papa mo. Hanggang ngayon ay hindi ko binabati ang Daddy mo dahil sa ginawa niya sa iyo." ang tono nito ay kababakasan ng galit para sa totoong ama niya.

Pinahiran niya ang luhang namuo sa gilid ng mga mata ng tiyahin.

"Huwag mo kaming masyadong intindihin, 'Ma." sabi niya, "Darating din ang araw na magstay for good na ako dito," nakangiting alo niya kay Claire.

"Kailan pa iyon, Adrian? Baka ang tinutukoy mong stay for good eh yung nasa kwadradong kahon ka na. Ayokong humantong sa ganoon na ikaw pa ang ihahatid ko sa huling hantungan mo, Adrian," matigas ang toni ng pananalita nito.

Pumalatak si Adrian at hinimas ang braso ng tiyahin.

"No, Mama, hindi mangyayari iyon. At huwag mong iniisip iyon. Lagi mo akong ipagdasal, 'Ma. Iyon lang ang magliligtas sa akin," masuyong sabi niya sa tiyahin.

Inihilig ni Claire ang ulo niya sa alaga at pinahiran ang luhang pumatak sa mga mata.

Napabuntong hininga si Adrian. Sa tuwing uuwi siya ay iyon lagi ang kahilingan ng tiyahin niya. Magretire na sa millitary force at pangasiwaan na lang ang security agency ng Papa niya.

"Pinaiyak mo na naman ang Mama mo," sabi ni Ricardo na hindi man lang nila napansin na nakauwi na pala.

Kasama nito si Mitch na nasa likod ng tiyuhin at nakasunod.

"Hello po, Ma'am Claire," nahihiyang bati ni Mitch. " Hi, Lt. Col. Rodriguez," nakangiting baling nito kay Adrian.

Tumango lang si Adrian.

"Dito ka na kumain, Mitch," sabi ni Claire na sisinghot singhot.

Biglang lumapad ang ngiti ni Mitch at lumapit sa hapag kainan upang tingnan ang pagkaing nakahain. Sa tingin ni Adrian ay palagay na ang babae sa bahay ng mag-asawa.

Bumitaw ito kay Adrian at lumapit sa asawa upang humalik sa pisngi.

"Kausapin mo ang anak mo, kumbinsihin mong huwag nang bumalik sa US," bulong nito sa asawa. "Kung hindi mo magagawa iyon, Ricardo, maghiwalay na tayong dalawa. Umuwi ka na sa kuya mo at magsama kayong dalawa." seryoso nitong demand sa asawa.

Namamanghang napatingin si Ricardo sa asawa.

"Seryoso ka ba?" nagugulantang sa sabi nito at sinulyapan si Adrian na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanilang mag-asawa at hindi marinig ang pinaguusapan ng dalawa.

Hindi ito kumibo. At tinalikuran ang asawa.

"Let's eat, hangga't mainit ang pagkain," ngumiti ito nang makaharap kay Adrian.

Nagkatinginan ang magtiyuhin. Ang mga mata ni Adrian ay nagtatanong kay Ricardo habang napailing na lamang sa kanya ito.

Mukhang seryoso ang asawa niya sa pagkakataong ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 47

    MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha siya ng sample mula kay Kael at pinatest niya. Sa bahay nila Claire at Ricardo siya nagpalipas ng buong gabi. Sa kabila nang malakas ang paniniwala niya na anak niya si Kael ay hindi pa rin siya nakatulog. At sa unang pagkakataon ay iniyakan niya iyon buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang anak niya na iba ang kinikilalang ama. Matutulad ba si Kael sa kanya na lumaki sa ibang pamilya? Lagi na lang ba ganoon ang sitwasyon niya? Bilang isang anak na tinago sa matagal na panahon at ngayon bilang isang ama na nagkukubli sa dilim? Na sa kasalukuyan ay hanggang tanaw lamang sa sariling anak? History repeats itself. Sobrang nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa buhay niya.

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 46

    "SIR ADRIAN, CONFIRM. MAY MGA DIAMONDS SA LOOB ng object na ito," sabi ni Brix habang nakatuon ang buong atensyon sa monitor at namamangha ang mukha. Mas malinaw nilang nakikita ngayon sa scanner ang nasa loob ng object. "Literal na tinatago niya ang mga diamonds na sinasabi ni Mr. Rodriguez sa collection niya," ani Jordan na hindi makapaniwala sa nakikita. Matamang nakatingin si Adrian sa monitor at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala na may ganoong bagay na pa-aari si Anthony. "Dalhin nyo ngayon sa isang alahera iyan, baka may machine sila na pwede matukoy kung totoong diamond ang nasa loob ng bagay na iyan," seryosong utos ni Adrian. "As soon as possible, kailangan maibalik ko rin iyan," dugtong pa nito. "Copy, Sir," halos sabay sa tugong ni Brix at Jordan. "I have to go, may iba pa akong aayusin," paalam niya at umalis na. Malaking palaisipan kung saan kinukuha ni Anthony ang ganoong bagay, at kung dumaan ba ito sa tamang proseso. Paniguradong lahat ng coll

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 45

    "ANTHONY TOLD ME YOU'RE GOING TO RESIGN today," ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kanya. Malayo sa ugali ni Anthony na laging nakangiti. Napalunok siya bago sumagot. "It's true, Doc," maikling tugon niya at yumuko. "What's the reason of a sudden resignation?" tanong nito. Naisip ni Ceryna na mukhang wala pang alam ang doktor sa kalagayan niya. "It's personal, Doc," iyon lang ang sinagot niya dahil ayaw na niyang ilatag ang anumang dahilan dito. Narinig pa niyang pumalatak si Anthony pero hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ang doktor sa kanya at para bang bitin sa sinagot niya at naghihintay pa ng karudgtong. "I can't accept you resignation," deretsahang sabi ng doctor sa kanya. "Mahirap humanap ng katulad mo na dedicated sa trabaho," wika nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka maaappreciate niya ang komento nito sa kanya, pero totoo ba ang sinasabi nito? "Thank you po," mahina namang sambit niya. "But my decision is final," pinagmatigasan na niya ang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 44

    "MARRY ME, CERYNA." Namilog ang mga mata ni Ceryna sa sinabi ni Anthony dahil hindi niya inaasahan na maririnig sa kaibigan niya ang salitang iyon. Maya maya ay humagalpak ng tawa si Ceryna. Nakaramdam ng inis si Anthony sa naging reaksyon ng kaibigan. Hinayaan siya nitong tumawa nang tumawa hanggang siya na mismo ang napagod sa katatawa, hanggang ang tawa niyang iyon ay napalitan ng impit na iyak. "Magkaibigan nga tayong dalawa," sabi ni Ceryna habang pinupunasan ang luhang sanhi ng pagtawa at pag-iyak niya. "Padalus-dalos tayo, hindi tayo nag-iisip," kumuha siya ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. "Iyon lang ang paraan para matulungan kita," tugon naman ni Anthony. "Anthony, alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong niya rito, "Matatali ka sa isang responsibilidad na hindi naman ikaw ang ama. Napabuntong hininga si Anthony. "You know mo, Ceryna," tiningnan siya ni Anthony, alam na ni Ceryna ang ibig sabihin nito. "I'd rather choose to marry you than marry someone I do

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 43

    SINIKAP NI CERYNA NA HUWAG NANG MAULIT ANG panenermon ni Doktora Karen sa kanya sa kabila nang nararamdaman niyang sama ng katawan tuwing umaga. Pero sa araw na iyon habang nagraround siya para kuhanin ang mga vital signs ng mga pasyente ay bigla na lamang siyang nahilo. Napaupo siya sa higaan ng pasyente at sapo ang kanyang ulo. "Nurse, ayos ka lang po ba?" tanong nang nagbabantay sa pasyente at hinawakan siya sa balikat. Marahan siyang tumango at bahagyang pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Pero habang tumatagal ay parang umiikot na ang nasa paligid niya at nararamdaman niyang nagpapawis na siya ng malapot. Pumikit siya at kahit sa pagpikit niya ay parang hinuhulog siya sa kadiliman. "Ate, p-pakitawag po ang Chief Nurse," sabi niya nang sa pakiramdam niya ay hindi na niya kaya dahil palala nang palala ang nararamdaman niya. "S-Sige po," dali dali naman lumabas ng silid ang taga bantay ng pasyente. Ilang saglit lang ay dumating si Anthony na humahang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 42

    HABANG PINAGMAMASDAN NI CERYNA SI KAEL habang naglalaro sa kid's zone kasama si Michelle ay may bahagi ng puso niya ang nangangamba. Nakaupo sila ni Celeste sa isang swing kung saan tanaw nila si Kael na naglulunoy sa mga maliliit na bolang plastic na may iba't ibang kulay. Masaya itong nakikipaglaro kay Michelle. Mabuti na lamang at nakagaanan ng loob ni Kael si Michelle. "Alam mo, Ceryna, habang pinagmamasdan ko si Kael nahahawig sya sa biyenan mo," seryosong komento ni Celeste. Bigla siyang napatingin kay Celeste na noon ay nakatingin sa pamangkin. Akala niya ay siya lamang ang nakakapansin noon. Napabuntong hininga siya habang mabilis na naglakbay ang alaala niya sa nakaraan... "NURSE ALONZO, YOU'RE LATE AGAIN?!" mahina pero may gigil na bulalas ng Hospital Director na si Doctora Karen Rodriguez. Muntik na niyang mabitawan ang nameplate niya na isinusuot pa lamang sa uniporme niya. Nasa loob siya ng locker room at nakalimutan niya na araw nga pala ng pagiinspeksyong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status