Share

CHAPTER 2

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-10-26 06:37:51

"SIR, kung hindi lang sinabi sa akin ni General na binata ka pa, baka isipin kong anak mo iyong bata. Bagay kayong mag-ama," wala sa loob na sabi ni Mitch habang palapit sa sasakyan ni Adrian. Magkasunod lang silang dalawa.

Seryoso ang mukha ni Adrian na tiningnan ang kasamahan. Ganoon na ba siya katanda para pag-isipang may anak na siya?

Hindi siya mahilig sa bata, pero kanina habang karga niya ang batang iyon ay napaisip siya, kung talaga bang ito na ang buhay na pinili niya, ang isugal ang sariling buhay sa giyera. Ang maging commitment ay ang mga misyong nagbabanta sa buhay niya na maaaring ikamatay niya at iuwi sa tiyuhin niya na wala nang buhay.

"Are you sure, sir, na kayo ang magdadrive?" tanong nito nang makalapit na sa sasakyan at tumingin sa kanya.

Tumango lamang siya at pinagmasdan ang sasakyan niya na dalawang taon ding hindi nakita. Mukhang alaga sa linis ang sasakyan niya. Namiss niya ang pangyayari sa loob ng sasakyan niya dalawang taon na ang nakakalipas.

Pinindot niya ang unlocked na kasama ng susi at tumunog ito ng dalawang beses. Lumapit siya sa driver's seat at binuksan ang pinto. Nang makasakay na ay kaagad din sinarado ang pinto. Sandaling natigilan nang mapatingin sa passenger's seat.

Dalawang taon na ang nakalipas pero parang minumulto siya ng nakaraan. Ni minsan ay hindi nawaglit sa isip niya ang pangyayaring naganap dito mismo sa loob ng sasakyan niya.

"Where are you now?" mahinang anas niya habang titig na titig sa passenger's seat.

Bigla siyang natauhan nang bumukas ang pinto, bumungad ang nakangiting si Mitch at akmang sasakay na sana.

"No! Huwag kang sasakay," mataas ang boses niya nang pigilan niya si Mitch.

Napatigil ang dalaga at tila nabigla sa sinabi niya. Parang na-offend. Napapikit siya at naikuyom ang kamao.

"I'm sorry, Mitch. That's not what I mean to say," nakonsensya naman siya sa naging reaksyon nito.

"Ah! Okay lang, sir. Pwede naman akong magcommute pabalik ng office," tila napahiya ito at pilit na ngumiti.

"Sa backseat ka maupo," utos nito at nilingon ang backseat.

Bahagyang natigilan ito at ngumiti na parang hindi napahiya.

"Mas gusto ko iyon, sir. Kaysa magcommute," mabilis nitong sang-ayon at mabilis na sinara ang pinto ng passenger's seat at lumipat sa backseat sa takot na baka magbago pa ang isip nito.

"Let's go, Lt. Col. Rodriguez," sumandal ito at nagde-kwatro pa.

Napailing si Adrian habang nakatingin sa rearview mirror.

"Nasaan si Uncle ngayon?" tanong ni Adrian habang minamaniobra na ang sasakyan palabas ng airport.

"Nasa office, sir. Pero ang bilin niya sa akin sa bahay ka ideretso," tugon nito.

"Office tayo," sabi ni Adrian at pinasibad ang sasakyan nang nasa expressway na.

Hindi na tumutol si Mitch sa pag-aalalang baka pagkinontra niya ito ay ibaba siya sa kalagitnaan ng expressway.

Hindi sinabi ni Generel Ricardo na masungit pala ang susunduin niya at hindi man lang marunong makaappreciate.

NAGULAT pa si Ricardo nang makita si Adrian sa loob ng office niya na nakaupo sa swivel chair niya habang nakapatong ang magkacross na paa sa ibabaw ng lamesa. Kulang dalawang oras na atang naghihintay si Adrian sa tiyuhin.

"Put your feet down, Adrian," utos ni Ricardo at tinapik ang binti ng pamangkin. "Why are you here? I told Mitch to take you straight home." sabi nito.

Hindi sumagot si Adrian. Lumipat sa mahabang upuan na naroon.

"Sa hotel ako mag-i-stay, Pap." tugon nito at doon nahiga.

"At bakit hindi sa bahay? Naghihintay sa iyo ang Mama mo sa mga oras na ito." Ito naman ang umupo sa swivel chair.

"One week lang ako dito. Babalik din ako ng US." Hinugot ang cellphone sa bulsa at chineck ang inbox.

Narinig niyang pumalatak si Ricardo.

"Papa, huwag na ninyo akong pilitin. Umuwi ako para makita kayo ni Mama, hindi para tanggapin ang inaalok mo sa aking trabaho." ni hindi man lang natinag si Adrian.

"Makipagkita ka sa Daddy mo," utos nito sa matigas na paraan ng pananalita.

Natigilan si Adrian at nanigas ang bagang nang marinig ang pagbanggit ni Ricardo sa daddy niya. Naalala ang huling pagtatalo nilang mag-ama.

"Para saan pa, 'Pa?" tanong niya. "Wala na akong nakikitang dahilan para magkita pa kame," hindi mapigilan ni Adrian ang makaramdam ng hinanakit sa ama.

Lumapit si Ricardo sa pamangkin at umupo sa lamesitang nasa tabi ni Adrian.

"For once, Adrian," sabi ni Ricardo at tiningnan ang pamangkin na sadyang inabala ang sariling magcellphone, "can you listen to me?" nagsusumamo ang mga mata nito.

Napatigil si Adrian sa pagcecellphone at tumingin sa tiyuhin. Seryoso ang mukha nito pero ang mga mata ay nakikiusap sa kanya.

"Kung hinihiling mo sa akin na makipagkita ako sa kapatid mo, gagawin ko para sa iyo pero hindi para sa kanya," mabigat ang kalooban niyang pagbigyan ang tiyuhin pero hindi niya kayang tiisin ito.

"Matanda na kameng pareho ng Daddy mo, Adrian. Sa pagtanda namen, may mga bagay kameng nagawa noon na hindi tama sa buhay namen na ngayon lang namen pinagsisisihan," tumayo na ito. "Umuwi ka na sa bahay at naghihintay ang Mama mo sa iyo." tinapik nito ang balikat niya. "Isama mo si Mitch para ipagdrive ka."

Napabangon siyang bigla nang maalala ang inutusan nito para sunduin siya.

"Papa, alam mong hindi ako nagpapadrive lalo na sa babae," tiningnan niya ang tiyuhin niya ng may pagdududa.

Biglang napalingon si Ricardo sa kanya.

"Oh! Sorry I forgot. Wala kasi akong mautusan kanina at nagkaroon ako ng urgent meeting. Si Mitch lang ang available," tila sinusubukan pang ilusot ang dahilan nito sa kanya.

Napailing siya at tumayo na.

"Don't try to be a matchmaker. It won't work." dinampot ang bag at sinukbit sa balikat. "I hate a lady who talks a lot. You know that."

"That's not what I intended to do, son," palusot pa rin nito. "Inisip ko na baka mainip ka sa byahe, lalo pa at madalas ang traffic ngayon sa mga daanan." nagkibit ng balikat ang tiyuhin niya.

Bahagyang natawa si Adrian sa palusot ni Ricardo.

"'Pa, I had rather go to war than be in a relationship at this time. It's more peaceful for me," biro pero totoo sa loob niyang sabi sa tiyuhin.

"You're not getting any younger, Adrian... you're getting older. Bago man lang kame lumisan ng Mama mo ay gusto naman naming makita ang magiging apo namin sa iyo," bigla ay lumambot ang mukha nito.

"Papa, it seems like you’re going to ask a lot from me — I just arrived two hours ago." nakangiting sabi niya at muling ibinaba ang bag.

"Even your dad wants to see you start your own family, retire from your job, and finally settle down." tiningnan ang pamangkin. "Kahit sa amin ka lumaki ng Mama mo, mas magiging masaya ako kung magkakaayos kayong dalawa ng Daddy mo." pangungumbinsi nito sa kanya.

"Are you trying to hand me over to him?" nakangiting tanong niya kay Ricardo habang ang mga mata ay tila may pagtatampo.

"It's not what I'm trying to say, son. He's still your father. He may have commit mistakes and wrong decisions, but I'm sure it's for your own good." malumanay nitong sabi sa pamangkin.

"I don't know, Papa, but maybe for his own good," matabang na wika niya. "Call Mama, tell her I'm on my way home." tipid siyang ngumiti at tumalikod na.

Napabuntong hininga si Ricardo nang mawala na sa paningin si Adrian. Hindi niya masisi ang pamangkin kung bakit ganoon na lang ang hinanakit nito sa kapatid niya. Pero sa kabila noon ay nais pa rin niyang magka-ayos ang dalawa lalo na ngayong mas kailangan ng kapatid niya si Adrian.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 47

    MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha siya ng sample mula kay Kael at pinatest niya. Sa bahay nila Claire at Ricardo siya nagpalipas ng buong gabi. Sa kabila nang malakas ang paniniwala niya na anak niya si Kael ay hindi pa rin siya nakatulog. At sa unang pagkakataon ay iniyakan niya iyon buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang anak niya na iba ang kinikilalang ama. Matutulad ba si Kael sa kanya na lumaki sa ibang pamilya? Lagi na lang ba ganoon ang sitwasyon niya? Bilang isang anak na tinago sa matagal na panahon at ngayon bilang isang ama na nagkukubli sa dilim? Na sa kasalukuyan ay hanggang tanaw lamang sa sariling anak? History repeats itself. Sobrang nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa buhay niya.

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 46

    "SIR ADRIAN, CONFIRM. MAY MGA DIAMONDS SA LOOB ng object na ito," sabi ni Brix habang nakatuon ang buong atensyon sa monitor at namamangha ang mukha. Mas malinaw nilang nakikita ngayon sa scanner ang nasa loob ng object. "Literal na tinatago niya ang mga diamonds na sinasabi ni Mr. Rodriguez sa collection niya," ani Jordan na hindi makapaniwala sa nakikita. Matamang nakatingin si Adrian sa monitor at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala na may ganoong bagay na pa-aari si Anthony. "Dalhin nyo ngayon sa isang alahera iyan, baka may machine sila na pwede matukoy kung totoong diamond ang nasa loob ng bagay na iyan," seryosong utos ni Adrian. "As soon as possible, kailangan maibalik ko rin iyan," dugtong pa nito. "Copy, Sir," halos sabay sa tugong ni Brix at Jordan. "I have to go, may iba pa akong aayusin," paalam niya at umalis na. Malaking palaisipan kung saan kinukuha ni Anthony ang ganoong bagay, at kung dumaan ba ito sa tamang proseso. Paniguradong lahat ng coll

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 45

    "ANTHONY TOLD ME YOU'RE GOING TO RESIGN today," ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kanya. Malayo sa ugali ni Anthony na laging nakangiti. Napalunok siya bago sumagot. "It's true, Doc," maikling tugon niya at yumuko. "What's the reason of a sudden resignation?" tanong nito. Naisip ni Ceryna na mukhang wala pang alam ang doktor sa kalagayan niya. "It's personal, Doc," iyon lang ang sinagot niya dahil ayaw na niyang ilatag ang anumang dahilan dito. Narinig pa niyang pumalatak si Anthony pero hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ang doktor sa kanya at para bang bitin sa sinagot niya at naghihintay pa ng karudgtong. "I can't accept you resignation," deretsahang sabi ng doctor sa kanya. "Mahirap humanap ng katulad mo na dedicated sa trabaho," wika nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka maaappreciate niya ang komento nito sa kanya, pero totoo ba ang sinasabi nito? "Thank you po," mahina namang sambit niya. "But my decision is final," pinagmatigasan na niya ang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 44

    "MARRY ME, CERYNA." Namilog ang mga mata ni Ceryna sa sinabi ni Anthony dahil hindi niya inaasahan na maririnig sa kaibigan niya ang salitang iyon. Maya maya ay humagalpak ng tawa si Ceryna. Nakaramdam ng inis si Anthony sa naging reaksyon ng kaibigan. Hinayaan siya nitong tumawa nang tumawa hanggang siya na mismo ang napagod sa katatawa, hanggang ang tawa niyang iyon ay napalitan ng impit na iyak. "Magkaibigan nga tayong dalawa," sabi ni Ceryna habang pinupunasan ang luhang sanhi ng pagtawa at pag-iyak niya. "Padalus-dalos tayo, hindi tayo nag-iisip," kumuha siya ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. "Iyon lang ang paraan para matulungan kita," tugon naman ni Anthony. "Anthony, alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong niya rito, "Matatali ka sa isang responsibilidad na hindi naman ikaw ang ama. Napabuntong hininga si Anthony. "You know mo, Ceryna," tiningnan siya ni Anthony, alam na ni Ceryna ang ibig sabihin nito. "I'd rather choose to marry you than marry someone I do

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 43

    SINIKAP NI CERYNA NA HUWAG NANG MAULIT ANG panenermon ni Doktora Karen sa kanya sa kabila nang nararamdaman niyang sama ng katawan tuwing umaga. Pero sa araw na iyon habang nagraround siya para kuhanin ang mga vital signs ng mga pasyente ay bigla na lamang siyang nahilo. Napaupo siya sa higaan ng pasyente at sapo ang kanyang ulo. "Nurse, ayos ka lang po ba?" tanong nang nagbabantay sa pasyente at hinawakan siya sa balikat. Marahan siyang tumango at bahagyang pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Pero habang tumatagal ay parang umiikot na ang nasa paligid niya at nararamdaman niyang nagpapawis na siya ng malapot. Pumikit siya at kahit sa pagpikit niya ay parang hinuhulog siya sa kadiliman. "Ate, p-pakitawag po ang Chief Nurse," sabi niya nang sa pakiramdam niya ay hindi na niya kaya dahil palala nang palala ang nararamdaman niya. "S-Sige po," dali dali naman lumabas ng silid ang taga bantay ng pasyente. Ilang saglit lang ay dumating si Anthony na humahang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 42

    HABANG PINAGMAMASDAN NI CERYNA SI KAEL habang naglalaro sa kid's zone kasama si Michelle ay may bahagi ng puso niya ang nangangamba. Nakaupo sila ni Celeste sa isang swing kung saan tanaw nila si Kael na naglulunoy sa mga maliliit na bolang plastic na may iba't ibang kulay. Masaya itong nakikipaglaro kay Michelle. Mabuti na lamang at nakagaanan ng loob ni Kael si Michelle. "Alam mo, Ceryna, habang pinagmamasdan ko si Kael nahahawig sya sa biyenan mo," seryosong komento ni Celeste. Bigla siyang napatingin kay Celeste na noon ay nakatingin sa pamangkin. Akala niya ay siya lamang ang nakakapansin noon. Napabuntong hininga siya habang mabilis na naglakbay ang alaala niya sa nakaraan... "NURSE ALONZO, YOU'RE LATE AGAIN?!" mahina pero may gigil na bulalas ng Hospital Director na si Doctora Karen Rodriguez. Muntik na niyang mabitawan ang nameplate niya na isinusuot pa lamang sa uniporme niya. Nasa loob siya ng locker room at nakalimutan niya na araw nga pala ng pagiinspeksyong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status