Share

Chapter 4

Author: disguisedname
last update publish date: 2026-08-23 13:00:30

Matapos ang naging usapan sa sasakyan at ang pakiusap ni Hakeem na alisin na ang 'sir' at mga po at opo kapag silang dalawa lang ang nag-uusap, tila nagkaroon ng hindi nakasulat na kasunduan sa pagitan nila. Hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ni Nalah kapag dumarating siya sa barangay 4. Ang dating kalbaryo ng sementadong daan na may matatarik na paakyat sa ilalim ng nagbabagang sikat ng araw ng Marso ay naging mas madaling tiisin.

May mga hapon na kapag pababa na siya galing sa pinaka-tuktok ng sitio, nagkakatagpo sila sa tapat ng gate. Minsan ay inaabutan siya ni Aling Maria ng malamig na tubig o kaya naman ay juice na malinaw namang galing sa utos ng binatang nasa loob ng mansyon.

Subalit, isang Huwebes ng hapon, bandang alas-kwatro, habang naglalakad si Nalah pababa mula sa dulo ng barangay 4, ang kaniyang maayos na takbo ng araw ay biglang nakatagpo ng isang malaking pader. Sa may kanto kung saan nagtatapos ang matarik na kalsada ng subdivision at bumubukas patungo sa terminal ng mga jeep, may isang pamilyar na pigura na nakatayo malapit sa isang malaking puno ng akasya.

Napatigil ang mga paa ni Nalah. Ang kaniyang hawak na clipboard ay awtomatikong nayakap niya nang mahigpit sa kaniyang dibdib, tila ginagawa itong panangga sa emosyong biglang sumiklab sa kaniyang sistema.

"Nalah!" tawag ng lalaki nang mapansin siya nito.

Si Mark. Ang kaniyang dating kasintahan na halos pitong buwan na niyang hindi nakikita o nakakausap mula noong araw na nagdesisyon itong makipaghiwalay dahil sa dahilan na "kailangan muna nitong hanapin ang sarili"—na kalaunan ay nalaman ni Nalah na may iba na palang kinakasama. Naka-polo shirt ito ngayon, maayos ang gupit ng buhok, at may bitbit na bouquet ng mga pulang rosas habang nakatitig sa kaniya na may bakas ng matinding pagnanais at pagsisisi.

"Mark? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Nalah, pilit na pinapanatili ang kaniyang boses na matatag kahit na ang totoo ay naghahalo ang gulat, inis, at ang kaunting kirot ng nakaraan sa kaniyang dibdib. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

Lumapit si Mark nang ilang hakbang, sinusubukang abutin ang kaniyang braso ngunit mabilis na dumaan si Nalah sa kabilang gilid para umiwas sa hawak nito. "Nalaman ko mula sa kaklase mo sa university, Nalah. Nagtanong-tanong ako kung saan ang assignment mo para sa census ng PSA. Ilang araw na kita hinahanap."

"Para saan pa, Mark? Tapos na tayo, di ba? Pitong buwan na ang nakalipas! Diba sabi ko sayo tigilan mo na ako? Tigilan mo na din ang pagpunta sa school ko," tugon ni Nalah at pilit na iniiwas ang tingin sa mga bulaklak na paborito niya sanang tanggapin noon ngunit ngayon ay mukhang basura na lang sa kaniyang paningin. "May klase pa ako mamayang alas-sais ng gabi. Marami pa akong kailangang i-encode na household data sa system."

"Nalah, please, mag-usap naman tayo kahit tatlumpung minuto lang. Mag-kape tayo doon sa mall malapit sa school mo," pagmamakaawa ni Mark, muling humakbang papalapit at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay na hawakan ang kaniyang kanang pulso. "Sobrang nagsisisi ako, Nalah. Narealize ko na ikaw lang talaga ang nagmalasakit sa akin nang totoo. Nagkamali ako, nadala lang ako ng pressure noon. Pwede ba nating ayusin 'to?"

"Bitiwan mo ako, Mark," mariing sabi ni Nalah, sinusubukang bawiin ang kaniyang kamay ngunit mas pinaluwag lang ng kaunti ng lalaki ang hawak nang hindi ito tuluyang binibitawan. "Huwag mo akong hawakan. Sabi nang tapos na tayo, eh. Ang gulo mo naman!"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako pinakikinggan, Nalah. Apat na taon din ang pinagsamahan natin, ganoon na lang ba kadaling itapon sa'yo ang lahat?" galit na may halong pagmamakaawa ang tono ni Mark.

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ganon na ba kadali itapon ang 4 na tao bago mo ako ginago?"

"Sorry na nga, 'di ba?"

Bago pa man makasagot si Nalah at tuluyang gumawa ng eksena sa kalsada ay isang pamilyar at malakas na busina ng sasakyan ang biglang umalingawngaw mula sa kanilang likuran. Isang tunog na napakatinis at sapat na para mapatalon silang dalawa sa gulat. Ang itim na pick-up truck ni Hakeem ay dahan-dahang huminto sa tabi ng bangketa kung nasaan sila nakatayo.

Bumukas ang p***o ng driver's seat at bumaba si Hakeem. Suot nito ang kaniyang itim na t-shirt, maong na pantalon, at ang kaniyang shades na bahagyang ibinaba nito sa kaniyang ilong habang naglalakad papalapit sa kanila. Ang kaniyang mukha ay mas seryoso kaysa sa normal nitong masungit na ekspresyon, at ang kaniyang mga mata ay nakatitig nang matalas—na parang kutsilyo—sa kamay ni Mark na nakahawak pa rin sa pulso ng dalaga.

"Hakeem..." bulong ni Nalah.

"Do you need my help?" malamig na tanong ni Hakeem habang humihinto sa tabi ni Nalah. Ang kaniyang anim na talampakang taas ay agad na nagpadama ng matinding intimidasyon, dahilan para mapabitaw si Mark sa pagkakahawak kay Nalah.

Napaatras si Mark, tumingin kay Hakeem mula ulo hanggang paa na may kasamang inis at pagtataka. "Sino ka ba? Nakikita mong nag-uusap kaming dalawa ng girlfriend ko, huwag kang manghimasok dito."

"Ex-girlfriend," pagtatama ni Nalah sa mabilis na tono, humakbang siya nang bahagya patungo sa likod ni Hakeem, tila ginagamit ang malapad na likod ng binata bilang kaniyang proteksyon. At iyon ang naging dahilan ni Hakeem upang tulungan si Nalah sa sitwasyon.

Hindi man lang tinapunan ni Hakeem ng tingin si Mark, na parang isang hangin lang ito na dumaan sa kaniyang tabi. Ibinalik niya ang kaniyang shades sa ayos at tiningnan si Nalah. "Aling Maria is waiting for the validation forms at the house. And you're going to be late for your first subject. Get in the truck."

Napatitig si Nalah sa kaniya, mabilis na nakuha ng kaniyang utak bilang psychology student na ginagawa lang ito ni Hakeem para bigyan siya ng ligtas na daan palabas sa sitwasyon. "Ah... oo."

"Nalah, sandali lang!"

"Umalis ka na!"

"Please..." hahabulin at hahawakan sana muli ni Mark si Nalah ngunit mabilis na humakbang si Hakeem papunta sa tapat nito, tuluyang hinaharangan ang kaniyang daan at nilalamon ito sa kaniyang malaking anino.

"She said she needs to leave," saad ni Hakeem, ang kaniyang boses ay napakababa, halos bulong na lang ngunit may kasamang matinding panganib na kayang magpatayo ng balahibo ng sinumang nakikinig. "Unless you want me to call the subdivision security and have you dragged out of here for harassment and trespassing, I suggest you take your cheap flowers and walk away."

Napakurap si Mark, halatang naramdaman ang bigat ng presensya ng digital artist. Tumingin muli ito kay Nalah na nasa likod ng sasakyan na, bago galit na binalingan si Hakeem. "Sino ka ba sa akala mo? Ano mo ba si Nalah?"

"I'm the resident of Block 3, Lot 12. And I don't like trash cluttering my neighborhood," sagot ni Hakeem sabay talikod, hindi na hinintay ang tugon ng lalaki.

Mabilis na binuksan ni Nalah ang passenger seat at sumakay, habang si Hakeem naman ay bumalik sa driver's seat at marahas na isinarado ang p***o. Agad nitong pinaandar ang sasakyan nang mabilis, iniwan si Mark na nakatayo sa tabi ng kalsada habang hawak ang mga rosas nito, mukhang tangang natalo sa sarili nitong laro.

Sa loob ng unang limang minuto ng biyahe, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Ang tunog lang ng aircon at ang mahinang ugong ng makina ng pick-up truck ang naririnig. Ang awra sa loob ng sasakyan ay tila naging isang malaking tipak ng yelo sa tindi ng lamig na inilalabas ng katawan ni Hakeem. Ang kaniyang mga kamay sa manibela ay napakahigpit ang pagkakahawak na tila ba gusto nitong lamuyutin ang balat ng leather nito.

"Salamat sa pagtulong sa akin kanina," basag ni Nalah sa katahimikan, habang nakatitig sa labas ng bintana, pinapanood ang mga sasakyang mabilis nilang nadadaanan sa highway. "Si Mark 'yun... ang ex-boyfriend ko."

"I don't care who he is," malamig na sagot ni Hakeem, ang kaniyang tingin ay nanatiling nakatutok sa kalsada sa harap, walang kahit anong emosyon sa kaniyang mukha maliban sa isang matigas na linya sa kaniyang panga. "But if you're going to bring your personal drama into my working barangay, do it somewhere else. It's annoying. I don't pay association dues to watch a midday soap opera outside near my gate."

Naramdaman ni Nalah ang biglang kirot sa kaniyang dibdib, isang matinding inis ang pumalit sa kaniyang pasasalamat dahil sa tindi ng kawalan ng preno ng bibig ng lalaki. "Personal drama? Sir, hindi ko naman po—hindi ko naman ginusto na pumunta siya rito! Nagulat din ako na nandoon siya. At tsaka, bakit ba galit na galit ka? Parang kasalanan ko pa na lumapit siya sa akin para magmakaawa."

"Because you still look at him like you want to run back into his arms, Nalah," sulyap sa kaniya ni Hakeem, isang mabilis ngunit matalim na tingin bago muling humarap sa daan. Ang kaniyang boses ay may kasamang kakaibang tono ng iritasyon at pagkabigo—isang malinaw na senyales ng selos na hindi nito kayang aminin kahit sa sarili nito. "People like you are always the same. Nagpapakita ng tapang, nag-aaral ng utak at kilos ng ibang tao, pero sa isang tawag lang ng nakaraan, handang itapon ang lahat ng prinsipyo para sa lalaking nanakit sa inyo."

"Hindi mo ako kilala, Hakeem!" medyo pasigaw na sagot ni Nalah, ang kaniyang mga mata ay bahagyang nangilid ang luha dahil sa halo ng galit at pagkabigo sa kung paano siya nito husgahan. "Huwag mo akong itulad sa kung sinumang babaeng nakilala mo sa buhay mo na nang-iwan o nanakit sa'yo! Hindi ako babalik sa kaniya, at lalong hindi ako tanga para gawin 'yun pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin. Wala kang karapatan na diktahan at husgahan ang nararamdaman ko."

"Then why did you let him hold your hand?" mabilis na hirit ni Hakeem, ang kaniyang boses ay tumaas din ng isang antas habang biglang tinatapakan ang preno dahil sa stoplight. Humarap siya nang buo kay Nalah, ang kaniyang mga mata sa likod ng shades ay tila naglalabas ng kuryente. "You could have pushed him away. You could have walked past him. But you stood there, looking like a victim waiting to be saved."

"Sinubukan ko siyang itulak! Ang higpit ng hawak niya, ano ba!" laban ni Nalah, pilit na pinipigilan ang kaniyang luha na pumatak habang nakikipagtitigan sa kaniya. "At hindi ako naghihintay ng tagapagligtas. Kung hindi ka dumating, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng isang masungit na digital artist na magliligtas sa akin tapos ay susumbatan din naman ako pagkatapos!"

"Good. Dahil sa susunod na makita ko ang lalaking 'yan malapit sa bahay ko, hindi na ako ang makakaharap niya," matabang na sagot ni Hakeem habang muling pinaandar ang sasakyan nang mag-berde ang ilaw ng traffic light.

Ipinagpatuloy nila ang biyahe na wala nang imikan. Ang tindi ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ay tila isang bomba na konti na lang ay sasabog na. Nang makarating sila sa tapat mismo ng malaking gate ng university na pinapasukan ni Nalah, mas marahas ang pagpreno ng sasakyan ngayon kaysa noong unang beses na isinakay siya nito.

Hindi na nag-abala pa si Nalah na magpasalamat o tingnan ang lalaki. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang clipboard at tablet mula sa kaniyang kandungan, binuksan ang p***o ng passenger seat, at bumaba nang may kasamang dabog. "Salamat sa libreng sakay at sa libreng panghuhusga, Mr. Takahashi!" Isinarado niya ang p***o nang napakalakas, isang tunog na sapat na para ipakita ang kaniyang matinding galit.

Habang naglalakad siya pumasok sa campus, ang kaniyang mga luha na pilit niyang itinago kanina ay dahan-dahang pumatak sa kaniyang mga pisngi. Galit siya kay Mark dahil sa panggugulo nito, pero mas galit siya kay Hakeem dahil sa tindi ng kawalan nito ng tiwala sa kaniya at sa pagiging mapanghusga nito.

Ngunit habang naglalakad siya patungo sa kaniyang silid-aralan, ang kaniyang isip bilang isang psychology student ay nagsimulang gumana sa kabila ng kaniyang emosyon. Ang galit ni Hakeem kanina, ang paraan ng pagtaas ng boses nito, at ang kaniyang matatalim na salita tungkol sa nakaraan... hindi iyon para sa kaniya. Isa itong malinaw na projection ng sarili nitong trauma. May isang tao sa nakaraan ng lalaki na gumawa ng eksaktong bagay na kaniyang sinasabi—isang taong nang-iwan dito para bumalik sa iba. At ang pader na itinayo ni Hakeem sa paligid ng kaniyang sarili ay mas malalim at mas madilim kaysa sa inaasahan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 11

    Maagang nagising si Nalah kinabukasan. Mas maaga pa sa kaniyang karaniwang gising kapag may schedule siya ng pag-eencode ng census data.Bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa tapat ng kaniyang buong salamin sa kwarto. Apat na beses niyang pinalitan ang kaniyang simpleng t-shirt bago napagdesisyunan ang isang maayos na maong na pantalon at ang kaniyang paboritong shirt at siyempre, ang kaniyang panloob na maayos at tuyong-tuyo na mula sa sampayan.Isinuot niya ang kaniyang asul na census vest, inayos ang kaniyang ponytail, at dahan-dahang kinuha ang clipboard mula sa kaniyang study desk.Ini-scan ng kaniyang mga mata ang checklist ng mga natitirang bahay sa exclusive subdivision. Pitong bahay na lamang sa mismong kalsada ni Hakeem at sa nakahiwalay na dulo ng sitio ang kailangan niyang puntahan para tuluyang matapos ang kaniyang assignment sa buong lugar na iyon."Pitong bahay na lang..." pabulong niyang usal sa sarili habang isinusuot ang kaniyang backpack.May

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 10

    Nakatitig lang si Nalah sa malaking whiteboard sa harap ng kanilang classroom ngunit wala ni isang salita mula sa lecture ng kaniyang propesor ang tunay na pumapasok sa kaniyang isip."...and according to Cognitive Dissonance Theory, when an individual experiences conflicting attitudes, beliefs, or behaviors, it leads to a state of mental discomfort..."Inilagay ni Nalah ang dulo ng kaniyang paboritong asul na ballpen sa kaniyang mga labi. Sa halip na isulat ang halimbawa sa kaniyang notebook, ang kaniyang kamay ay kusa nang gumuhit sa gilid ng pahina. Isa iyong mabilis na sketch ng apat na monitors, isang custom PC tower, at isang matangkad na pigurang nakatayo sa tapat niyon na may hawak na baso ng iced coffee.“You're the only one who had the audacity to push my buttons...”Napapikit si Nalah at mabilis na itinupi ang notebook nang maramdaman ang muling pag-init ng kaniyang mga pisngi."Hoy, Nalah. Okay ka lang?"Napalingon si Nalah sa kaniyang katabi at matalik na kaibigang si Kir

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 9

    Ang dalawampung minuto sa loob ng laundry room ay tila naging dalawang oras para kay Nalah.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa gilid ng drying counter habang nakatitig sa umiikot na tambol ng washing machine. Ang kaniyang mga daliri ay hindi tumitigil sa paglaro sa strap ng kaniyang backpack, habang ang kaniyang utak ay abala sa paulit-ulit na pag-replay sa nangyari kanina.“You're the only one who had the audacity to push my buttons... So stop assuming stupid things about me.”"Gosh, Nalah... bakit ka kasi nagsalita nang gano'n?" pabulong niyang sermon sa sarili habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. "Anong pumasok sa isip mo para tanungin siya tungkol sa mga ex o fling niya? Psychology student ka pero ang dulas ng dila mo!"Ngunit sa kabila ng hiya, may isang bahagi ng kaniyang puso ang hindi mapakali. Siya lang daw ang nakagawa niyon. Wala siyang ibang babaeng dinadala rito. Ang ibig sabihin ba noon ay... espesyal siya? O sadyang abala lang talaga si Hakeem sa ka

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 8

    Walang muwang ang mga paa ni Nalah nang kusa itong humakbang kasunod ng matangkad na pigura ni Hakeem.Kahit sinabihan siya nitong maupo na lang sa sofa, paano naman siya kakalma sa sala kung ang pinakamaseselang bahagi ng kaniyang wardrobe—ang kaniyang basang blouse, ang vest na may tatak pa ng census, at ang kaniyang itim na lace bra—ay bitbit ng isang lalaking hindi naman niya katipan?Hindi niya pwedeng hayaan ang bra niya sa mga kamay ni Hakeem!Sa bawat hakbang ni Hakeem patungo sa sulok ng bahay kung saan naroroon ang laundry at utility area, nakasunod si Nalah na parang isang pusang nanginginig sa takot at hiya."Hakeem, teka lang!" pabulong ngunit mabilis niyang tawag nang makapasok sila sa isang napakalinis at modernong utility room.Puno ang silid ng amoy ng mamahaling sabon at fabric conditioner. Sa gitna ay nakatayo ang dalawang malalaking metallic gray na front-load washing machine at dryer na tila ba galing pa sa malayong hinaharap sa advanced ng mga pindutan.Lumingon

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 7

    Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya."Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, t

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 6

    Mataas na ang sikat ng araw sa labas, ngunit sa loob ng malawak at minimalistang sala ni Hakeem, ang malamig na hangin mula sa mga nakatagong aircon ay nananatiling sapat para magbigay ng kakaibang ginhawa. Dahil hindi na ito ang unang beses na nakapasok si Nalah sa loob ng dambuhalang mansyon, hindi na siya tulad noong una na halos hindi makahakbang sa hiya. Kampante na siyang naglakad at sumunod patungo sa may kusina habang bitbit ang kaniyang clipboard at ang paboritong asul na ballpen na nakasuksok sa gilid ng kaniyang vest. "I’m just gonna use the same mug as last time, Hakeem," kaswal na sabi ni Nalah habang ipinapatong ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng high-gloss kitchen island. "At huwag mo na akong titingnan nang masungit, binalik ko nang maayos 'yan sa cabinet noong huling pumunta ako rito." Narinig niya ang mahinang singhal mula sa binata na nakatayo malapit sa mamahaling espresso machine. Naka-itim na oversized shirt ito at pambahay na maong na shorts. Isa iyong napaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status