Share

Chapter 7

Author: disguisedname
last update publish date: 2026-09-07 11:33:24

Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang p***o. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.

“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”

Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya.

"Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"

Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, tila ba nagpadala siya sa matinding gravity ng presensya nito. At higit sa lahat, bakit tila ba nag-enjoy pa siya sa init ng katawan at amoy ng digital artist na iyon?

Ilang malalalim na hininga ang kaniyang ginawa bago dahan-dahang humarap sa malaking vanity mirror. Tinitigan niya ang sariling repleksyon: ang buhok na bahagyang gulo-gulo, ang mga mata na puyat, at ang kaniyang blouse at vest na may malaking mantsa ng iced coffee sa gitna.

"Magpapalit ka lang, Nalah. Lalabas ka, magpapasalamat sa banyo, at uuwi na. Back to professional enumerator mode," pag-aalo niya sa sarili.

Mabilis niyang hinubad ang basang vest at blouse. Suwerte na lang at mayroon siyang dalang ekstra na simpleng white t-shirt ngayon sa kaniyang backpack para sa kaniyang pang-gabi na klase. Ngunit nang hawakan niya ang kaniyang panloob, napadaing siya sa malamig na katotohanan—basa rin ang gitna ng kaniyang bra dahil sa lakas ng pagtapon ng kape.

"Hala. Basa rin 'to!" inis niyang bulong.

Kung huhubarin niya 'to, magiging bakat na naman ang loob niya dahil sa manipis na puting t-shirt. Pero kung isusuot niya 'to habang basa, malamang ay magkakasakit siya o kaya ay mananatiling malamig ang dibdib niya.

Binalot siya ng matinding hiya nang maalala ang unang beses na napadpad siya rito at nakalimutang mag-bra.

Wala siyang choice. Mabilis niyang tinanggal ang bra, isinilid ito kasama ng basang damit sa kaniyang plastic bag, at isinuot ang malinis na white shirt. Nipis na nipis siya sa kaniyang sarili. Mabilis niyang isinuot ang kaniyang backpack sa harap upang takpan ang kaniyang dibdib bago pikit-matang binuksan ang p***o ng banyo.

Paglabas niya, tahimik na ang sala. Wala na ang boses ni Hakeem na nakikipag-usap sa client sa telepono.

Nakatayo na ang binata sa gilid ng kitchen island, nakasandal ang balakang sa counter habang may hawak na baso ng tubig. Nakapagpalit na rin ito ng bagong itim na shirt. Nang marinig nito ang lagutok ng p***o ng banyo, dahan-dahan itong lumingon.

Bahagyang napahinto si Hakeem. Ang kaniyang matatalim na mata ay dahan-dahang bumaba mula sa namumulang mukha ni Nalah, patungo sa backpack na nakayakap nang mahigpit sa kaniyang dibdib.

Isang ilang at tensyonadong katahimikan ang muling bumalot sa kanila. Ibinaba ni Hakeem ang baso sa counter at dahan-dahang naglakad patungo sa kaniyang gawi. Sa bawat hakbang ng binata, mas lalong napapakapit si Nalah sa kaniyang bag, pilit na iniiwas ang kaniyang tingin sa madidilim na mata ng lalaki.

"Nalah," malamig at mababang tawag ni Hakeem.

"Aalis na ako. Maraming salamat sa banyo," mabilis na sabi ni Nalah sabay hakbang patungo sa p***o.

Ngunit bago pa man siya makalagpas, gumalaw si Hakeem at humarang sa kaniyang daan. Napaatras si Nalah nang kalahating hakbang. Iniyukod ni Hakeem ang kaniyang ulo, tinitigan ang manipis na puting t-shirt ng dalaga at ang paraan ng pagkakayakap nito sa kaniyang backpack.

Dahil sa angulo at sa nipis ng tela, mabilis na naunawaan ni Hakeem ang sitwasyon.

Bahagyang kumunot ang noo ng binata. Isang halo ng inis, pagtataka, at matinding pagkabalisa ang pumasok sa kaniyang mga mata.

"You're not wearing a bra... again," hayag ni Hakeem. Direkta iyon, walang paligoy-ligoy, at walang halong biro.

"Hakeem!" halos mabilaukan si Nalah sa matinding hiya. Mabilis na tumaas ang init mula sa kaniyang leeg patungo sa kaniyang buong mukha. "Nabasa nga kasi nung kape 'yung damit ko! It's fine, nakatakip naman 'yung bag ko!"

"You're crazy. It's not fine," putol ni Hakeem at mas lalong dumiim ang boses niya. Tumitig siya kay Nalah na para bang hindi niya lubos maisip kung paano ito mag-isip. "How can you be so careless? Lalakad ka sa labas para mag-commute, tapos lalabas ka ng bahay ko nang ganiyan ang ayos mo? Do you really think that bag covers everything?"

Napatitig si Nalah sa kaniya, napanganga sa bilis ng kaniyang panenermon. "Careless? Aksidente nga 'di ba? At saka anong pakialam mo—"

"I have a washing machine and a washer-dryer in the utility room," mabilis na putol muli ni Hakeem, ang kaniyang boses ay puno ng awtoridad na ayaw magpatalo. "Throw your clothes in there. It takes twenty minutes to dry."

Napakurap si Nalah, halos malula sa matinding ilang na naramdaman niya sa ideyang iyon. "Ano? Ayoko nga! Ipatutuyo ko na lang 'to sa bahay—"

"I'm not letting you walk out of my house like that, Nalah," malamig na banta ni Hakeem, humakbang pa-abante kaya mas lalong lumapit ang kaniyang matangkad na pigura sa dalaga. "Hand over the bag with your wet clothes. Now."

"Hakeem, nakakahiya!" sigaw ni Nalah at sinusubukang ilayo ang plastic bag sa kaniyang likod. "Mga panloob ko 'yon!"

Ngunit hindi natinag ang binata. Mabilis na dumaosdos ang kamay ni Hakeem sa gilid ng bewang ni Nalah. Isa iyong maikli at mainit na dulas ng balat na nagpadala ng kuryente sa buong katawan ng dalaga bago pilit na kinuha ang plastic bag sa kaniyang kamay.

Natigilan silang dalawa nang magkasalubong ang kaniyang mga daliri sa kamay ni Nalah. Ilang segundong naging mabilis ang paghinga ng dalaga habang nakatitig sa mga labi ng binata na napakalapit muli sa kaniya.

Nang malunod sa hiya at sa matinding sparks sa pagitan nila, tuluyang nabitiwan ni Nalah ang plastic bag.

Dahan-dahang dinala ni Hakeem ang plastic bag sa kaniyang tabi. Tumalikod siya patungo sa utility room ngunit bago tuluyang humakbang, lumingon siya muli kay Nalah gamit ang kaniyang karaniwang masungit ngunit may kakaibang tensyon na mukha.

"Sit on the sofa and wait," utos ni Hakeem habang nakatitig sa namumulang mukha ng dalaga. "And don't move an inch. Unless you want another accident to happen."

Napalunok si Nalah at hindi na makapagsalita habang pinapanood ang matangkad na likod ng binata. Mabilis siyang umupo sa gilid ng sofa at halos hindi makahinga sa matinding ilang, kilig, at pagkalito sa kaniyang sarili.

Napatakad siya sa pwesto niya saka impit na sumigaw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 11

    Maagang nagising si Nalah kinabukasan. Mas maaga pa sa kaniyang karaniwang gising kapag may schedule siya ng pag-eencode ng census data.Bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa tapat ng kaniyang buong salamin sa kwarto. Apat na beses niyang pinalitan ang kaniyang simpleng t-shirt bago napagdesisyunan ang isang maayos na maong na pantalon at ang kaniyang paboritong shirt at siyempre, ang kaniyang panloob na maayos at tuyong-tuyo na mula sa sampayan.Isinuot niya ang kaniyang asul na census vest, inayos ang kaniyang ponytail, at dahan-dahang kinuha ang clipboard mula sa kaniyang study desk.Ini-scan ng kaniyang mga mata ang checklist ng mga natitirang bahay sa exclusive subdivision. Pitong bahay na lamang sa mismong kalsada ni Hakeem at sa nakahiwalay na dulo ng sitio ang kailangan niyang puntahan para tuluyang matapos ang kaniyang assignment sa buong lugar na iyon."Pitong bahay na lang..." pabulong niyang usal sa sarili habang isinusuot ang kaniyang backpack.May

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 10

    Nakatitig lang si Nalah sa malaking whiteboard sa harap ng kanilang classroom ngunit wala ni isang salita mula sa lecture ng kaniyang propesor ang tunay na pumapasok sa kaniyang isip."...and according to Cognitive Dissonance Theory, when an individual experiences conflicting attitudes, beliefs, or behaviors, it leads to a state of mental discomfort..."Inilagay ni Nalah ang dulo ng kaniyang paboritong asul na ballpen sa kaniyang mga labi. Sa halip na isulat ang halimbawa sa kaniyang notebook, ang kaniyang kamay ay kusa nang gumuhit sa gilid ng pahina. Isa iyong mabilis na sketch ng apat na monitors, isang custom PC tower, at isang matangkad na pigurang nakatayo sa tapat niyon na may hawak na baso ng iced coffee.“You're the only one who had the audacity to push my buttons...”Napapikit si Nalah at mabilis na itinupi ang notebook nang maramdaman ang muling pag-init ng kaniyang mga pisngi."Hoy, Nalah. Okay ka lang?"Napalingon si Nalah sa kaniyang katabi at matalik na kaibigang si Kir

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 9

    Ang dalawampung minuto sa loob ng laundry room ay tila naging dalawang oras para kay Nalah.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa gilid ng drying counter habang nakatitig sa umiikot na tambol ng washing machine. Ang kaniyang mga daliri ay hindi tumitigil sa paglaro sa strap ng kaniyang backpack, habang ang kaniyang utak ay abala sa paulit-ulit na pag-replay sa nangyari kanina.“You're the only one who had the audacity to push my buttons... So stop assuming stupid things about me.”"Gosh, Nalah... bakit ka kasi nagsalita nang gano'n?" pabulong niyang sermon sa sarili habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. "Anong pumasok sa isip mo para tanungin siya tungkol sa mga ex o fling niya? Psychology student ka pero ang dulas ng dila mo!"Ngunit sa kabila ng hiya, may isang bahagi ng kaniyang puso ang hindi mapakali. Siya lang daw ang nakagawa niyon. Wala siyang ibang babaeng dinadala rito. Ang ibig sabihin ba noon ay... espesyal siya? O sadyang abala lang talaga si Hakeem sa ka

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 8

    Walang muwang ang mga paa ni Nalah nang kusa itong humakbang kasunod ng matangkad na pigura ni Hakeem.Kahit sinabihan siya nitong maupo na lang sa sofa, paano naman siya kakalma sa sala kung ang pinakamaseselang bahagi ng kaniyang wardrobe—ang kaniyang basang blouse, ang vest na may tatak pa ng census, at ang kaniyang itim na lace bra—ay bitbit ng isang lalaking hindi naman niya katipan?Hindi niya pwedeng hayaan ang bra niya sa mga kamay ni Hakeem!Sa bawat hakbang ni Hakeem patungo sa sulok ng bahay kung saan naroroon ang laundry at utility area, nakasunod si Nalah na parang isang pusang nanginginig sa takot at hiya."Hakeem, teka lang!" pabulong ngunit mabilis niyang tawag nang makapasok sila sa isang napakalinis at modernong utility room.Puno ang silid ng amoy ng mamahaling sabon at fabric conditioner. Sa gitna ay nakatayo ang dalawang malalaking metallic gray na front-load washing machine at dryer na tila ba galing pa sa malayong hinaharap sa advanced ng mga pindutan.Lumingon

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 7

    Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya."Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, t

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 6

    Mataas na ang sikat ng araw sa labas, ngunit sa loob ng malawak at minimalistang sala ni Hakeem, ang malamig na hangin mula sa mga nakatagong aircon ay nananatiling sapat para magbigay ng kakaibang ginhawa. Dahil hindi na ito ang unang beses na nakapasok si Nalah sa loob ng dambuhalang mansyon, hindi na siya tulad noong una na halos hindi makahakbang sa hiya. Kampante na siyang naglakad at sumunod patungo sa may kusina habang bitbit ang kaniyang clipboard at ang paboritong asul na ballpen na nakasuksok sa gilid ng kaniyang vest. "I’m just gonna use the same mug as last time, Hakeem," kaswal na sabi ni Nalah habang ipinapatong ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng high-gloss kitchen island. "At huwag mo na akong titingnan nang masungit, binalik ko nang maayos 'yan sa cabinet noong huling pumunta ako rito." Narinig niya ang mahinang singhal mula sa binata na nakatayo malapit sa mamahaling espresso machine. Naka-itim na oversized shirt ito at pambahay na maong na shorts. Isa iyong napaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status