LOGINAng sumunod na tatlong araw pagkatapos ng kanilang mainit na pag-aaway sa loob ng kotse ay naging isang malaking parusa para kay Nalah. Sa tuwing dadaan siya sa tapat ng mansyon ni Hakeem para sa kaniyang pang-araw-araw na field work sa barangay 4, ang malaking bakal na gate ay laging sarado nang mahigpit.
Wala si Aling Maria na nagwawalis sa driveway at wala ring paper bag ng kape na naghihintay sa kaniya. Ang mansyon ay mukhang isang kastilyong tuluyan nang iniwan ng mundo at alam ni Nalah na si Hakeem ay muling nagtago sa kaniyang pinakamalalim na lungga at tuluyang isinarado ang p***o para sa kahit na sinong tao. "Huwag mo na kasing isipin, Nalah. Hayaan mo siya kung gusto niyang maging yelo habambuhay," bulong niya sa sarili habang nag-eencode ng mga huling household data sa kaniyang tablet sa may lilim ng isang puno ng mangga malapit sa dulo ng kalsada. Sabado ng hapon ngayon at ang init ng panahon ay tila sumasabay sa bigat ng kaniyang kalooban. Habang tinatapos niya ang pag-check sa mga detalye ng isang pamilya, narinig niya ang tunog ng isang motorsiklo na huminto sa tapat mismo ng gate ng mansyon ni Hakeem. Paglingon niya, nakita niya ang isang delivery rider na mukhang litong-lito. Hawak nito ang isang logbook at isang maliit ngunit makapal na rectangular package na nakabalot sa bubble wrap na may mga tatak ng international shipping. "Kuya, may hinahanap po ba kayong tao riyan?" sambit ni Nalah at lumapit nang mapansin niyang pabalik-balik ang rider sa pagpindot ng doorbell nang walang sumasagot mula sa loob. "Ah, opo, Ma'am. Itong Block 3, Lot 12 pala," kamot-ulong sagot ng rider habang pinapahid ang pawis sa mukha nito. "May mahalagang dokumento at hard drive po kasi ito na galing sa Bureau of Customs para kay Mr. Hakeem Takahashi. Ang nakalagay po rito sa instruction ng app, kailangang pirmahan mismo ng consignee o ng isang authorized person na nakatira sa loob ng bahay. Kanina ko pa po pinipindot 'yung intercom at doorbell, walang lumalabas, eh. May emergency pa naman po akong hahabuling tatlong delivery doon sa kabilang subdivision bago mag-alas singko." Tiningnan ni Nalah ang dambuhalang mansyon. Alam niyang nandoon sa loob si Hakeem, marahil ay deeply focused sa kaniyang ginuguhit na karakter o kaya naman ay natutulog dahil galing sa puyat ng US time zone workflow nito. Naalala rin niya na bawal magpapasok si Aling Maria o tumanggap ng kahit anong papel nang walang pahintulot ng may-ari kaya malamang ay nagtago lang din ang matanda sa loob o kaya ay namalengke ito. "Kuya, kakilala ko po ang may-ari ng bahay na 'yan. Ako na lang po ang pipirma rito sa logbook ninyo kung papayag kayo. Ako na lang din po ang mag-aabot sa kaniya mamaya kapag lumabas siya," mungkahi ni Nalah, dala na rin ng kaniyang likas na pagiging mapagmalasakit at ang pagnanais na magkaroon ng magandang dahilan para makita ang lalaki. "Naku, talaga po, Ma'am? Sige po, malaking tulong po ito para hindi ma-cancel ang booking ko!" pasalamat ng rider sabay abot ng ballpen at ng logbook sa kaniya. "Sulat na lang po rito ang pangalan niyo at relasyon niyo sa may-ari, Ma'am." Relasyon? Kabit, kirida, relasyon? Napatigil si Nalah sa pagsulat nang marinig ang salitang 'relasyon'. "Ah... authorized enumerator na lang ilalagay ko, Kuya." Matapos mapirmahan at makuha ang package, napatitig si Nalah sa hawak niyang bagay. Medyo mabigat ito at ang label ay nagpapakita na galing nga ito sa isang tech supply company sa ibang bansa. Isang malaking tsansa ito para sa kaniya na tapusin ang malamig na digmaan sa pagitan nilang dalawa at humingi na rin ng paumanhin kung medyo sumobra ang kaniyang pagsigaw noong nakaraang araw sa loob ng sasakyan. Naglakad siya patungo sa gate ng mansyon, huminga nang malalim para kumuha ng lakas ng loob, at pinindot ang doorbell nang tatlong beses nang sunod-sunod, nang walang tigil. Ilang mahabang minuto ang lumipas at nang akalain niyang hindi talaga siya rerespondehan ng lalaki, narinig niya ang tunog ng pag-click ng electronic lock mula sa maliit na p***o ng malaking bakal na gate. Dahan-dahang bumukas ang p***o at tumambad doon si Hakeem mismo. Naka-oversized na asul na hoodie ito ngayon, gulo-gulo ang kaniyang buhok na tila bagong gising o sadyang hindi lang talaga nagsusuklay, at ang kaniyang mga madidilim na mata ay may kasamang matinding pagod at kaunting iritasyon nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng kaniyang property. "You? What do you want, Nalah?" bungad nito, ang kaniyang boses ay mababa, paos, at walang bakas ng emosyon, ngunit hindi naman ganoon katinik katulad noong huli silang magkausap. Itinaas ni Nalah ang rectangular package na hawak niya sa tapat ng mukha ng lalaki. "May delivery ka mula sa Customs. Naliligaw ang rider at nagmamadali dahil may emergency pa siyang pupuntahan, kaya ako na ang pumirma para sa'yo para hindi ma-return to sender ang hard drive mo. Huwag kang mag-alala, hindi ko binuksan at hindi ko sinipat ang laman." Napatitig si Hakeem sa package, pagkatapos ay lumipat ang kaniyang tingin sa mukha ni Nalah. Dahan-dahan niyang kinuha ang bagay mula sa mga kamay ng dalaga. Sa bilis ng pangyayari, muling nagkadikit ang kanilang mga daliri. Ang malamig na balat ng kamay ni Hakeem laban sa mainit at medyo pawisang kamay ng dalaga dahil sa paglalakad sa initan ay nagdala ng kung anong pakiramdam sa kanila. Pareho silang napatigil ng isang saglit, tila naramdaman ang parehong kuryente na palaging sumisiklab sa tuwing nagkakalapit ang kanilang mga katawan. "Thanks," maikling saad ni Hakeem, sabay urong nang isang hakbang pabalik sa loob ng bakuran. "You can go back to your work now." "Sandali lang, Hakeem," pigil ni Nalah at mabilis niyang itinukod ang kaniyang kanang kamay sa gilid ng p***o ng gate para hindi ito tuluyang maisara ng lalaki. "Gusto ko lang magsalita tungkol sa nangyari noong isang araw. Galit ka pa ba sa akin?" Napatigil si Hakeem at ang kaniyang kamay na nasa hawakan ng p***o ay nanigas. Hindi siya sumagot agad, sa halip ay tinitigan niya lang ang kamay ni Nalah na nakaharang, bago ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. "I am not angry at you, Nalah. I told you, I don't have time for such useless emotions." "Pero ang tindi ng sinabi mo sa akin sa loob ng kotse mo, di ba?" malumanay na sabi ni Nalah, ang kaniyang tono ay tuluyang nawalan ng pagiging defensive at napalitan ng natural niyang pagiging empathetic at mapag-alaga bilang isang psychology student. "Gusto ko lang malaman mo na wala na talaga kaming ugnayan ni Mark. Kahit hindi mo naman tinatanong. Tapos na kami pitong buwan na ang nakalipas. At hindi ako ang uri ng tao na babalik sa taong sumira sa tiwala ko. Alam ko kung kailan dapat bitiwan ang mga bagay at tao na tapos na ang bahagi sa buhay ko." Humalukipkip si Hakeem gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang package. Isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa kaniyang mga labi, at ang kaniyang matigas at malamig na ekspresyon sa mukha ay bahagyang lumambot, na parang isang yelo na unti-unting natutunaw sa ilalim ng banayad na init ng sikat ng araw. "I am just... not used to people who care too much, Nalah," bulong ng lalaki, ang kaniyang boses ay naging mas totoo, mas malapit, at walang kahit anong pader na nakapaligid ngayon. "In my world, when people show too much interest or care too much, they always end up wanting something from you. Or worse, they leave you when they realize you're not worth the trouble. It makes me highly uncomfortable." Napatitig si Nalah sa kaniya, ramdam na ramdam niya ang bigat ng katotohanan sa bawat salitang binitawan ng binata. Humakbang siya nang isang maliit na distansya papalapit, sapat na para maamoy niya muli ang pamilyar na bango nitong amoy mint at mamahaling sabon na may kasamang halo ng bagong timplang kape. "Ang pagmamalasakit ba at ang pagtitiwala ay isang masamang bagay para sa'yo?" Tumingin si Hakeem sa kaniyang mga mata nang napakatagal, na para bang may tinatimbang ito sa loob ng kaniyang sariling isip, sinusubukang basahin kung may kasinungalingan ba sa mukha ng dalaga. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ibinaling niya ang kaniyang katawan patungo sa loob ng driveway. "Inside this house, it usually is," sagot ni Hakeem habang binubuksan nang mas malawak ang p***o ng gate. "But since you already saved my shipping package from being returned to customs... do you want to come inside for a short moment? I just brewed some premium coffee before the delivery arrived. There's plenty left in the pot." Isang malaki at matamis na ngiti ang biglang sumilay sa mga labi ni Nalah. Ang pader na itinayo ng binatang digital artist ay hindi pa tuluyang gumuguho, ngunit sa hapon na ito, alam niya sa kaniyang sarili na nakagawa siya ng isang maliit ngunit mahalagang siwang para tuluyang makapasok sa kaniyang misteryosong mundo. "Sige ba. Basta siguraduhin mo lang na walang lason 'yang kape mo, ha? Baka mamaya ay gumaganti ka na pala sa akin," biro ni Nalah habang sumusunod sa kaniyang likuran patungo sa dambuhalang main door ng mansyon. Narinig ni Nalah ang isang napakahinang tawa mula sa lalaki. Isa iyong tunog na ngayon lang niya narinig mula rito mula noong unang araw silang magkita. At sa unang pagkakataon, nang lumingon ito nang bahagya sa kaniya, nakita niya ang isang maliit ngunit napakagwapong dimple sa gilid ng pisngi nito bago ito tuluyang nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.Maagang nagising si Nalah kinabukasan. Mas maaga pa sa kaniyang karaniwang gising kapag may schedule siya ng pag-eencode ng census data.Bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa tapat ng kaniyang buong salamin sa kwarto. Apat na beses niyang pinalitan ang kaniyang simpleng t-shirt bago napagdesisyunan ang isang maayos na maong na pantalon at ang kaniyang paboritong shirt at siyempre, ang kaniyang panloob na maayos at tuyong-tuyo na mula sa sampayan.Isinuot niya ang kaniyang asul na census vest, inayos ang kaniyang ponytail, at dahan-dahang kinuha ang clipboard mula sa kaniyang study desk.Ini-scan ng kaniyang mga mata ang checklist ng mga natitirang bahay sa exclusive subdivision. Pitong bahay na lamang sa mismong kalsada ni Hakeem at sa nakahiwalay na dulo ng sitio ang kailangan niyang puntahan para tuluyang matapos ang kaniyang assignment sa buong lugar na iyon."Pitong bahay na lang..." pabulong niyang usal sa sarili habang isinusuot ang kaniyang backpack.May
Nakatitig lang si Nalah sa malaking whiteboard sa harap ng kanilang classroom ngunit wala ni isang salita mula sa lecture ng kaniyang propesor ang tunay na pumapasok sa kaniyang isip."...and according to Cognitive Dissonance Theory, when an individual experiences conflicting attitudes, beliefs, or behaviors, it leads to a state of mental discomfort..."Inilagay ni Nalah ang dulo ng kaniyang paboritong asul na ballpen sa kaniyang mga labi. Sa halip na isulat ang halimbawa sa kaniyang notebook, ang kaniyang kamay ay kusa nang gumuhit sa gilid ng pahina. Isa iyong mabilis na sketch ng apat na monitors, isang custom PC tower, at isang matangkad na pigurang nakatayo sa tapat niyon na may hawak na baso ng iced coffee.“You're the only one who had the audacity to push my buttons...”Napapikit si Nalah at mabilis na itinupi ang notebook nang maramdaman ang muling pag-init ng kaniyang mga pisngi."Hoy, Nalah. Okay ka lang?"Napalingon si Nalah sa kaniyang katabi at matalik na kaibigang si Kir
Ang dalawampung minuto sa loob ng laundry room ay tila naging dalawang oras para kay Nalah.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa gilid ng drying counter habang nakatitig sa umiikot na tambol ng washing machine. Ang kaniyang mga daliri ay hindi tumitigil sa paglaro sa strap ng kaniyang backpack, habang ang kaniyang utak ay abala sa paulit-ulit na pag-replay sa nangyari kanina.“You're the only one who had the audacity to push my buttons... So stop assuming stupid things about me.”"Gosh, Nalah... bakit ka kasi nagsalita nang gano'n?" pabulong niyang sermon sa sarili habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. "Anong pumasok sa isip mo para tanungin siya tungkol sa mga ex o fling niya? Psychology student ka pero ang dulas ng dila mo!"Ngunit sa kabila ng hiya, may isang bahagi ng kaniyang puso ang hindi mapakali. Siya lang daw ang nakagawa niyon. Wala siyang ibang babaeng dinadala rito. Ang ibig sabihin ba noon ay... espesyal siya? O sadyang abala lang talaga si Hakeem sa ka
Walang muwang ang mga paa ni Nalah nang kusa itong humakbang kasunod ng matangkad na pigura ni Hakeem.Kahit sinabihan siya nitong maupo na lang sa sofa, paano naman siya kakalma sa sala kung ang pinakamaseselang bahagi ng kaniyang wardrobe—ang kaniyang basang blouse, ang vest na may tatak pa ng census, at ang kaniyang itim na lace bra—ay bitbit ng isang lalaking hindi naman niya katipan?Hindi niya pwedeng hayaan ang bra niya sa mga kamay ni Hakeem!Sa bawat hakbang ni Hakeem patungo sa sulok ng bahay kung saan naroroon ang laundry at utility area, nakasunod si Nalah na parang isang pusang nanginginig sa takot at hiya."Hakeem, teka lang!" pabulong ngunit mabilis niyang tawag nang makapasok sila sa isang napakalinis at modernong utility room.Puno ang silid ng amoy ng mamahaling sabon at fabric conditioner. Sa gitna ay nakatayo ang dalawang malalaking metallic gray na front-load washing machine at dryer na tila ba galing pa sa malayong hinaharap sa advanced ng mga pindutan.Lumingon
Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya."Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, t
Mataas na ang sikat ng araw sa labas, ngunit sa loob ng malawak at minimalistang sala ni Hakeem, ang malamig na hangin mula sa mga nakatagong aircon ay nananatiling sapat para magbigay ng kakaibang ginhawa. Dahil hindi na ito ang unang beses na nakapasok si Nalah sa loob ng dambuhalang mansyon, hindi na siya tulad noong una na halos hindi makahakbang sa hiya. Kampante na siyang naglakad at sumunod patungo sa may kusina habang bitbit ang kaniyang clipboard at ang paboritong asul na ballpen na nakasuksok sa gilid ng kaniyang vest. "I’m just gonna use the same mug as last time, Hakeem," kaswal na sabi ni Nalah habang ipinapatong ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng high-gloss kitchen island. "At huwag mo na akong titingnan nang masungit, binalik ko nang maayos 'yan sa cabinet noong huling pumunta ako rito." Narinig niya ang mahinang singhal mula sa binata na nakatayo malapit sa mamahaling espresso machine. Naka-itim na oversized shirt ito at pambahay na maong na shorts. Isa iyong napaka







