Share

Chapter 6

Author: disguisedname
last update publish date: 2026-09-03 14:08:24

Mataas na ang sikat ng araw sa labas, ngunit sa loob ng malawak at minimalistang sala ni Hakeem, ang malamig na hangin mula sa mga nakatagong aircon ay nananatiling sapat para magbigay ng kakaibang ginhawa.

Dahil hindi na ito ang unang beses na nakapasok si Nalah sa loob ng dambuhalang mansyon, hindi na siya tulad noong una na halos hindi makahakbang sa hiya. Kampante na siyang naglakad at sumunod patungo sa may kusina habang bitbit ang kaniyang clipboard at ang paboritong asul na ballpen na nakasuksok sa gilid ng kaniyang vest.

"I’m just gonna use the same mug as last time, Hakeem," kaswal na sabi ni Nalah habang ipinapatong ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng high-gloss kitchen island. "At huwag mo na akong titingnan nang masungit, binalik ko nang maayos 'yan sa cabinet noong huling pumunta ako rito."

Narinig niya ang mahinang singhal mula sa binata na nakatayo malapit sa mamahaling espresso machine. Naka-itim na oversized shirt ito at pambahay na maong na shorts. Isa iyong napakasimpleng suot ngunit mas lalong nagpilitaw sa kaniyang matangkad na pangangatawan at matatag na panga.

"I don't care about the mug, Nalah. Just don't spill anything on the counter," malamig ngunit may kaunting lambing na tugon ni Hakeem habang itinutulak ang baso ng bagong timplang iced coffee patungo sa kaniya. "You're lucky I brewed an extra shot."

Umismid si Nalah. "Puro ka talaga pananakot, pero nagtitimpla rin naman," panunukso ni Nalah sabay kuha sa baso. S******p siya rito at ninamnam ang pait at tamis ng kape bago ibinalik ang tingin sa kabilang bahagi ng sala.

Ang kaniyang mga mata ay napahinto sa nakabukod na sulok kung saan nakatayo ang puso ng mundo ni Hakeem—ang kaniyang napakalaking workstation.

Apat na malalaking curved monitors ang nakatutok doon, kumikislap sa gitna ng banayad na puting RGB lights mula sa kaniyang custom PC tower. May mga nakabukas na 3D rendering software, matitinding color palettes, at isang mamahaling drawing tablet na nakapatong sa gitna ng maitim na kahoy na mesa.

"Kailan mo ba tatapusin 'yang karakter na 'yan?" tanong ni Nalah habang dahan-dahang naglalakad patungo sa mesa ng binata, bitbit pa rin ang kaniyang iced coffee. "Nung unang punta ko rito, 'yang pakpak na 'yan ang nakita kong ginagawa mo."

"It's a high-concept piece for a game studio in LA," sagot ni Hakeem at dahan-dahang sumusunod sa kaniyang likuran habang may hawak ding sariling baso. "It takes time to layer the smoke shaders. Small details matter. Unlike your census work where you just check boxes."

"Hoy, grabe ka!"

Lumingon si Nalah at sinamaan ito ng tingin, ngunit may halong ngiti sa kaniyang mga labi. "Mahirap din kaya maglakad sa ilalim ng initan at mag-encode ng mga pangalan ng tao. Nakaupo ka lang, ako, nakabilad sa init, minsan umuulan pa. Huwag mong minamaliit ang trabaho ko, Mr. Takahashi."

Yumukod si Nalah nang bahagya sa ibabaw ng mesa para tingnan nang mas malapit ang mga detalyadong guhit sa monitor. "Pero seryoso, sobrang ganda. Ang dilim ng kulay pero may buhay. Ang galing ng utak mo mag-imagine."

"Tss. Compliments won't get you a free pass from census quota, Nalah," biro ni Hakeem. Lumapit siya sa tabi ng dalaga upang ipatong ang kaniyang sariling baso sa gilid ng desk pad.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, habang iniaabot ni Hakeem ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mesa, ang baso ng iced coffee na hawak ni Nalah ay bahagyang tumama sa braso ng binata. Dahil sa dulas ng pawis ng yelo sa gilid ng baso, nawalan ito ng balanse.

Splash!

"Ah—!"

Ang malamig na kape ay tumapon sa gitna nilang dalawa. Ang malaking bahagi nito ay pumatak diretso sa dibdib ng blouse at asul na vest ni Nalah, habang ang natitirang bahagi ay tumalsik sa mismong ibabaw ng drawing tablet ni Hakeem at sa mga kable ng kaniyang main monitor.

"Shit! The tablet!" mabilis na sigaw ni Hakeem.

Sa matinding pagnanais ng binata na mailigtas ang kaniyang gamit bago pa pumasok ang kape sa mga saksakan ng kuryente, mabilis siyang humakbang pwesto sa harap ng mesa at sumandal nang marahas. Ngunit dahil nakatayo si Nalah sa mismong tapat nito, agad na naipit ang dalaga sa pagitan ng matigas na gilid ng desk at sa malapad na dibdib ng binata.

Napasinghap si Nalah nang maramdaman ang pagbaon ng kaniyang likod sa gilid ng mesa. Ang dalawang kamay ni Hakeem ay mabilis na tumukod sa magkabilang gilid ng kaniyang balakang sa ibabaw ng desk upang maabot ang power switch ng tablet at ang tissue holder sa gilid.

"Wait, Hakeem—"

Napatigil ang dalawa. Ang tunog ng mga patak ng kape sa sahig ay tila tuluyang napawi.

Ang distansya sa pagitan nila ay naging ilang milimetro na lamang. Ang init ng katawan ni Hakeem ay agad na yumakap sa balat ni Nalah at nilalabanan niyon ang lamig ng aircon at ang basang tela sa kaniyang dibdib. Ang pamilyar na amoy ng binata, bagong giling na kape at ang likas na amoy ng lalaki ay tuluyang lumamon sa kaniyang sistema.

Tumingin si Hakeem sa kaniya. Ang kaniyang mga madidilim na mata ay dahan-dahang bumaba mula sa nagugulumihanang mukha ng dalaga, patungo sa kaniyang leeg, hanggang sa nababasang bahagi ng kaniyang blouse na ngayon ay naging bakat at halos nagpapakita sa kaniyang panloob.

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang kaniyang matatalim na tingin ay tila pumasok sa mga mata ni Nalah, dahilan para maging mabilis at mabigat ang paghinga ng dalaga. Nararamdaman ni Nalah ang mabilis na tibok ng kaniyang sariling puso habang nakatitig sa mga labi ng binata na ngayon ay napakalapit sa kaniyang sariling mukha.

Dahan-dahang inialis ni Hakeem ang kaniyang kamay sa power button ng tablet. Lumipat ang kaniyang mga daliri sa gilid ng basang collar ng vest ni Nalah, at sa isang maingat at mabagal na galaw, hinawakan niya ang tela nito para lang mas maipit ang dalaga sa kaniyang tapat.

"You're completely soaked," mababang bulong ni Hakeem, ang kaniyang boses ay paos at kakaiba ang lambing. "And you look like a total mess right now."

"Teka... ang lapit mo," bulong ni Nalah habang umiiwas sa titig ni Hakeem.

"You ruined my workstation."

Napakurap si Nalah. Sinusubukan niyang ibalik ang kaniyang utak bilang psychology student ngunit tila natutunaw ang kaniyang lakas ng loob sa sobrang lapit ng lalaki. "It's your fault... ikaw ang humagip sa braso ko."

"Is that so?" pabulong nitong tanong at lalong inilapit ang kaniyang mukha sa leeg ni Nalah. Tila inaamoy niya ang basang balat ng dalaga. "Then maybe I should help you take this off—"

Riiing! Riiing! Riiing!

Ang matinis at marahas na ringtone ng telepono ni Hakeem sa ibabaw ng desk ay umalingawngaw sa buong silid na naging dahilan upang pareho silang magulat at mabigla.

Mabilis na naitulak ni Nalah ang dibdib ng binata sa matinding hiya at gulat. Napaatras din si Hakeem nang isang hakbang at mabilis na humawak sa batok habang pilit na ibinabalik ang kaniyang kontrol sa sarili.

Ang kaniyang mga pisngi at leeg ay may bahagya ring pamumula habang pinapanood si Nalah na mabilis na inaayos ang kaniyang nabasang damit.

Tiningnan ni Hakeem ang screen ng kaniyang telepono. Ang caller ID: Art Director - Riot Games (LA)

Isang matinding mura sa Ingles ang ibinulong ng binata bago sinagot ang tawag. Tumalikod siya nang bahagya kay Nalah, ngunit ang kaniyang boses habang nakikipag-usap sa client ay hindi makapagtago sa kakaibang pagmamadali at tensyon na naiwan sa kanilang dalawa.

Samantala, si Nalah ay halos magpalamon sa lupa habang kinukuha ang kaniyang bag. Namumula ang buong mukha at nanginginig ang kaniyang mga kamay sa hindi maipaliwanag na halo ng hiya, kilig, at pagkalito sa nangyari.

Mabilis na bumulong si Nalah habang papunta sa pintuan ng banyo, "Gagamitin ko muna 'yung banyo mo!"

Lumingon si Hakeem nang mabilis, itinakip ang kamay sa receiver ng telepono, at tinitigan si Nalah gamit ang isang matalim ngunit may kasamang kakaibang ngisi sa mga labi.

"Go ahead," pabulong na saad ni Hakeem. Ang kaniyang boses ay may kasamang panunukso. "At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo."

"Ano?" nauutal na sabi ni Nalah ngunit ngisi ang isinagot ni Hakeem bago ito bumalik sa tawag.

Bago pa mamula nang sobra ang mukha ni Nalah ay mabilis siyang sumibat sa loob ng banyo. Nagpigil pa siya nang sigaw habang naaalala ang no-bra incident niya nang unang beses siyang makapasok sa bahay ng binata.

"Letche, Nalah. Palagi ka na lang nababasa!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 11

    Maagang nagising si Nalah kinabukasan. Mas maaga pa sa kaniyang karaniwang gising kapag may schedule siya ng pag-eencode ng census data.Bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa tapat ng kaniyang buong salamin sa kwarto. Apat na beses niyang pinalitan ang kaniyang simpleng t-shirt bago napagdesisyunan ang isang maayos na maong na pantalon at ang kaniyang paboritong shirt at siyempre, ang kaniyang panloob na maayos at tuyong-tuyo na mula sa sampayan.Isinuot niya ang kaniyang asul na census vest, inayos ang kaniyang ponytail, at dahan-dahang kinuha ang clipboard mula sa kaniyang study desk.Ini-scan ng kaniyang mga mata ang checklist ng mga natitirang bahay sa exclusive subdivision. Pitong bahay na lamang sa mismong kalsada ni Hakeem at sa nakahiwalay na dulo ng sitio ang kailangan niyang puntahan para tuluyang matapos ang kaniyang assignment sa buong lugar na iyon."Pitong bahay na lang..." pabulong niyang usal sa sarili habang isinusuot ang kaniyang backpack.May

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 10

    Nakatitig lang si Nalah sa malaking whiteboard sa harap ng kanilang classroom ngunit wala ni isang salita mula sa lecture ng kaniyang propesor ang tunay na pumapasok sa kaniyang isip."...and according to Cognitive Dissonance Theory, when an individual experiences conflicting attitudes, beliefs, or behaviors, it leads to a state of mental discomfort..."Inilagay ni Nalah ang dulo ng kaniyang paboritong asul na ballpen sa kaniyang mga labi. Sa halip na isulat ang halimbawa sa kaniyang notebook, ang kaniyang kamay ay kusa nang gumuhit sa gilid ng pahina. Isa iyong mabilis na sketch ng apat na monitors, isang custom PC tower, at isang matangkad na pigurang nakatayo sa tapat niyon na may hawak na baso ng iced coffee.“You're the only one who had the audacity to push my buttons...”Napapikit si Nalah at mabilis na itinupi ang notebook nang maramdaman ang muling pag-init ng kaniyang mga pisngi."Hoy, Nalah. Okay ka lang?"Napalingon si Nalah sa kaniyang katabi at matalik na kaibigang si Kir

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 9

    Ang dalawampung minuto sa loob ng laundry room ay tila naging dalawang oras para kay Nalah.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa gilid ng drying counter habang nakatitig sa umiikot na tambol ng washing machine. Ang kaniyang mga daliri ay hindi tumitigil sa paglaro sa strap ng kaniyang backpack, habang ang kaniyang utak ay abala sa paulit-ulit na pag-replay sa nangyari kanina.“You're the only one who had the audacity to push my buttons... So stop assuming stupid things about me.”"Gosh, Nalah... bakit ka kasi nagsalita nang gano'n?" pabulong niyang sermon sa sarili habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. "Anong pumasok sa isip mo para tanungin siya tungkol sa mga ex o fling niya? Psychology student ka pero ang dulas ng dila mo!"Ngunit sa kabila ng hiya, may isang bahagi ng kaniyang puso ang hindi mapakali. Siya lang daw ang nakagawa niyon. Wala siyang ibang babaeng dinadala rito. Ang ibig sabihin ba noon ay... espesyal siya? O sadyang abala lang talaga si Hakeem sa ka

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 8

    Walang muwang ang mga paa ni Nalah nang kusa itong humakbang kasunod ng matangkad na pigura ni Hakeem.Kahit sinabihan siya nitong maupo na lang sa sofa, paano naman siya kakalma sa sala kung ang pinakamaseselang bahagi ng kaniyang wardrobe—ang kaniyang basang blouse, ang vest na may tatak pa ng census, at ang kaniyang itim na lace bra—ay bitbit ng isang lalaking hindi naman niya katipan?Hindi niya pwedeng hayaan ang bra niya sa mga kamay ni Hakeem!Sa bawat hakbang ni Hakeem patungo sa sulok ng bahay kung saan naroroon ang laundry at utility area, nakasunod si Nalah na parang isang pusang nanginginig sa takot at hiya."Hakeem, teka lang!" pabulong ngunit mabilis niyang tawag nang makapasok sila sa isang napakalinis at modernong utility room.Puno ang silid ng amoy ng mamahaling sabon at fabric conditioner. Sa gitna ay nakatayo ang dalawang malalaking metallic gray na front-load washing machine at dryer na tila ba galing pa sa malayong hinaharap sa advanced ng mga pindutan.Lumingon

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 7

    Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya."Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, t

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 6

    Mataas na ang sikat ng araw sa labas, ngunit sa loob ng malawak at minimalistang sala ni Hakeem, ang malamig na hangin mula sa mga nakatagong aircon ay nananatiling sapat para magbigay ng kakaibang ginhawa. Dahil hindi na ito ang unang beses na nakapasok si Nalah sa loob ng dambuhalang mansyon, hindi na siya tulad noong una na halos hindi makahakbang sa hiya. Kampante na siyang naglakad at sumunod patungo sa may kusina habang bitbit ang kaniyang clipboard at ang paboritong asul na ballpen na nakasuksok sa gilid ng kaniyang vest. "I’m just gonna use the same mug as last time, Hakeem," kaswal na sabi ni Nalah habang ipinapatong ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng high-gloss kitchen island. "At huwag mo na akong titingnan nang masungit, binalik ko nang maayos 'yan sa cabinet noong huling pumunta ako rito." Narinig niya ang mahinang singhal mula sa binata na nakatayo malapit sa mamahaling espresso machine. Naka-itim na oversized shirt ito at pambahay na maong na shorts. Isa iyong napaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status