Share

Chapter 13

Leana’s POV

“Ate, hindi ka pa matutulog?”

Napalingon ako dahil sa tanong ni Chance. Umiling ako at umupo mula sa pagkakahiga.

“Hindi ko ba lalayuan si Nico? Sa tingin mo?”

Agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

“Close na ba kayo?”

Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya.

“Ewan ko eh. Cold kasi siya kaya hindi ko masabi.”

“Alam mo ate, hindi mo alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Malay mo na-attach na ‘yun sa 'yo,” saad niya na naging dahilan upang mapasinghal ako.

“Imposible ‘yan! Ang sungit sungit kaya nun.”

“Kung gusto mo siyang kaibiganin edi gawin mo. Anong masama ‘ron?”

Napanguso ako.

“Ano? Nakuha mo na ba ‘yung kailangan mo sa kanya? Lalayo ka na?”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipagkakaila na malaking tulong ang paglapit ko sa kanya.

“Oo.”

Agad siyang suminghal.

“Lalayo ka na ‘no? Ang bastos mo ate.”

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

“Grabe ka! Nag-iisip nga ako kung kakaibiganin ko siya o hindi.”

“Tanungin mo kasi ‘yang sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status