Share

Loving the Opposite
Loving the Opposite
Author: Patrisha Sulio

Prologue

“Hanggang kailan ka iiyak dyan ate?”

Inis kong binalingan ang magaling kong kapatid habang nanlalabo pa rin ang mga mata dahil sa mga luha. Nakita ko ang inip na inip na itsura niya kaya mas lalo akong nainis. Dahil masama ang loob ko, nag-iwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang mga luha sabay singhot.

“Akala ko ba malakas ka?” pang-aasar niya pa.

Tumayo ako dere-deretsong naglakad papunta sa pwesto niya. Hinigit ko ang kwelyo niya at tinitigan ng masama sa mga mata.

“Hindi porke’t malakas ang panlabas na imahe ko ay wala na akong karapatang umiyak. Lahat ng tao ay umiiyak Chance,”  mariing saad ko habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya senyales na sumusuko siya..

“Chill ka lang ate. Bakit kasi umiiyak ka ng dahil sa isang kaibigan? Ang dami-dami kayang tao sa mundo!”

Suminghal ako.

“Gusto ko lang naman kasi ng kaibigan pero bakit alis sila ng alis? Walang nagtatagal ni isa! Naging mabuti naman ako sa kanila ah.” Nabasag ang tinig ko at sunod sunod na lumandas ang mga luha pababa sa pisngi ko.

“Ate, wala kang magagawa kapag sa tingin nila ay mayroong mas better kaysa sa 'yo. Alam mo sa sarili mong binigay mo ang best mo para sa kanila.”

Kunot noo akong tumitig sa kawalan.

“Why don’t you try to make new friends again ate? Kahit isa lang. Walang masama kung susubukan mo ulit.”

Natigilan ako.

Dahil sa dami ng mga naging kaibigan ko na hindi nagtagal, may parte na sa akin na natatakot makipag kaibigan muli. May parte na sa akin na natatakot ma attach.

“Paano kung ganon ulit?”

Hindi ako ganito eh. Yung sinabi ko, ibang iba sa ugaling mayroon ako. Bakit ako natatakot eh wala namang dapat ikatakot?

“Then try again! Ate, tulad ng sabi mo sa akin noon, hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari hangga’t hindi mo sinusubukan.”

Napalingon ako sa kanya.

“Sinabi ko ba 'yun?”

Nalukot ang mukha niya.

“Oo! ‘Yan ang motto mo sa buhay noon pa man! Ano bang ginawa ng taong 'yun sa 'yo at nagkaganyan ka bigla ha?! Hindi ikaw ang ate ko!” Umiling siya ng paulit-ulit.

“Tumahimik ka nga.”

Humiga ako sa kama at pumikit.

“Hoy! Kama ko 'yan!”

“Tumahimik ka kung ayaw mong malintikan, Chance. Mainit ang ulo ko.”

Suminghal lang siya.

Totoo ang sinabi ng kapatid ko. Walang mangyayari kapag hindi ko susubukan.

Ang unfair naman.

Gusto ko lang naman ng kaibigan. Best friend kumbaga. Ang daming tao sa mundo pero bakit ni isa ay wala akong mahanap? Bakit ni isa ay walang nagtatagal?

Bakit lahat sila ay ginagamit lang ako?

Kaya ba wala akong mahanap dahil kadalasan ay naa-attach ako sa mga taong kabalikataran ng ugali ko? Kabaliktaran ng buong pagkatao ko?

Pero may kasabihang “opposites attract” at naniniwala ako roon.

Sa tingin ko ay kailangan ko lang maniwala na may tao rin na makakatanggap kung sino talaga ako. Kailangan ko lang maniwala na pagdating ng araw ay may darating din na magiging kaibigan ko magkaparehas man ang ugali namin o hindi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Geralyn Descartin Bolandres
hintayin mo lng para sayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status