แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: KISMET
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-13 06:47:48

Lexi Ignacio POV

Nakatitig pa rin ako sa labas ng bintana habang dahan-dahang nawawala sa kadiliman ang lalaking nakasuit. Nandoon pa rin si Ethan sa ilalim ng puno ng acacia, hawak ang itim na envelope at ang tablet na kabibigay lang sa kanya.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Kumuha ako ng cardigan, isinuot ito nang mabilis, at dahan-dahang lumabas ng guest house. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong makumpirma kung ano ba talaga ang pakay ng security guard na ito sa bahay namin.

Mabilis ngunit tahimik ang bawat hakbang ko sa damuhan. Nagtago ako sa likod ng malaking hedge malapit sa lumang gazebo. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko dahil sa kaba at lamig ng hangin sa gabi.

Narinig kong nagsalita si Ethan. Nakatapat ang telepono sa tainga niya at nakatitig siya sa liwanag ng tablet.

"Nakuha ko na ang panibagong financial reports ng Aragon Group," mababa at seryoso niyang sabi sa telepono. "Puno ng iregularidad ang accounts ni Adrian. He is moving money around to cover his losses."

Napatakip ako sa aking bibig. Iniimbestigahan niya ang asawa ko?

"Don't worry," patuloy ni Ethan. "Lahat ng ebidensya laban kay Adrian, hawak ko na. Matatapos din ang kalokohan niya sa kumpanya."

Namutla ako sa narinig ko. Galit ako kay Adrian dahil sa ginagawa niya sa akin, pero ang malaman na ang sarili niyang security guard ay nagpaplano laban sa kanya ay ibang usapan na 'yun. Nagtatrabaho ba si Ethan sa kalaban? O isa siyang espiya na pumuslit sa mansyon para pabagsakin ang pamilya Aragon?

Pumasok sa isip ko ang takot. Kapag bumagsak si Adrian, paano ang pamilya ko? Paano ang negosyo ni Papa na nakatali sa Aragon Group?

Sa sobrang kaba ko, napaatras ako nang bahagya. Hindi ko napansin ang tuyong sanga ng halaman sa likod ko.

Narinig ang malakas na tunog ng pagkabali ng sanga.

"I'll call you back," mabilis na sabi ni Ethan bago ibinaba ang telepono.

Bago pa man ako makatakbo pabalik sa bahay, naramdaman ko na agad ang mabilis na paglapit ng isang anino. Sa isang kurap lang, nakatayo na si Ethan sa harap ko. Harang ang matangkad niyang katawan sa daan ko.

"Ma'am Lexi," malamig niyang sabi. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig sa akin. "Anong ginagawa mo rito sa labas?"

Sumandal ako sa pader ng gazebo, pilit na itinatago ang panginginig ng mga kamay ko. "Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin."

Lumapit pa siya nang kaunti. Dumilim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Sariwang hangin? O sinusundan mo ako?"

"Hindi kita sinusundan!" matapang kong sagot kahit nanginginig ang boses ko. "This is our property, Ethan. Ako ang asawa ng amo mo, kaya wala kang karapatang tanungin ako kung bakit ako nandito!"

Hindi siya natinag sa pagsagot ko. Ibinaba niya ang tingin sa hawak kong cardigan at pabalik sa mga mata ko.

"How much did you hear?" seryoso niyang tanong.

"I... I didn't hear anything," mabilis kong tanggi habang nakatingin sa malayo.

"Sinungaling ka, Lexi," pabulong niyang sabi. Sa unang pagkakataon, hindi niya ginamit ang salitang Ma'am. "Ano ang narinig mo?"

"I heard enough to know that you're planning something against my husband!" sigaw ko habang itinuturo siya. "Sinong kausap mo? Sino ang nagbayad sa 'yo para mag-espiya kay Adrian? Traydor ka!"

Tinitigan ako ni Ethan nang matagal. Walang bakas ng takot o kaba sa mukha niya kahit nalaman ko ang sekreto niya. Hahakbang pa sana siya palapit sa akin para magsalita nang biglang magliwanag ang buong paligid dahil sa malakas na ilaw ng isang sasakyan.

Bumukas ang p***o ng isang itim na SUV na katitigil lang sa may driveway ng gazebo.

Lumabas mula sa sasakyan si Adrian. N*******d ang kanyang suit jacket at gulo-gulo ang kanyang buhok. Mukha siyang galing sa isang madugong gyera kaysa meeting. Galit ang mukha niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Ethan na nakatayo nang napakalapit sa isa't isa sa dilim.

Naglakad palapit si Adrian, mabilis at mabigat ang bawat hakbang nito.

"What the hell is going on here?" galit na tanong ni Adrian habang nakatitig sa akin, pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Ethan.

"Adrian," tawag ko, nagugulumihanan kung sasabihin ko ba agad ang narinig ko o hindi.

Pumagitan si Adrian sa aming dalawa ni Ethan. Tumingin siya nang malamig sa security guard na higit na mas matangkad sa kanya.

"Ethan," galit na sabi ni Adrian habang nakaduro ang daliri sa dibdib nito. "You were supposed to be nowhere near my wife."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 12

    Lexi Ignacio POV Nakatayo pa rin ako sa likod ng haligi habang hawak ang dibdib ko. Ang boses ni Ethan noong nasa telepono siya, his tone, the sheer authority in his voice—hindi iyon boses ng isang empleyadong tumatanggap lang ng utos mula kay Adrian. That was the voice of a man who was used to making the calls. Kinaumagahan, hindi ko na kayang idenial ang mga naiisip ko. Pagkaalis na pagkaalis ni Adrian para sa board meeting, hinarang ko agad si Ethan habang naglalakad siya pabalik mula sa perimeter check sa may garden. "Kailangan natin mag-usap," bungad ko agad. Tumingin sa akin si Ethan, perfectly calm at walang kahit anong bakas ng kaba sa mukha. "Good morning, Lexi. Is there something wrong?" "Huwag mo akong idadaan sa cold at professional guard routine mo, Ethan," inis kong sabi habang itinuturo ang dibdib niya. "Narinig kita kagabi. Narinig ko ang tawag mo." Bahagyang tumaas ang kabilang kilay niya, pero hindi siya nagulat. "Nang-eespiya ka na naman?" "I was standing rig

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 11

    Lexi Ignacio POV Nakatayo si Adrian sa ilalim ng ilaw ng pathway, nanlilisik ang mga mata at nakakuyom ang dalawang kamay. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin habang galit na galit ang mukha. Mabilis akong tumayo mula sa damuhan at pilit na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Lumakad din si Ethan paitaas, kaagad na humarap kay Adrian upang pumagitan sa aming dalawa. "What the fuck are you doing with my wife?" galit na sigaw ni Adrian. Hawak niya ang collar ng shirt ni Ethan habang nanlilisik ang mga mata. "Sobra ka na, Ethan! You are crossing the fucking boundary! Inutusan kitang protektahan siya, hindi ang yakapin siya sa dilim!" Hindi man lang nagbago ang mukha ni Ethan. Hindi siya gumanti o gumalaw, pero nanatiling tuwid at matatag ang tayo niya. Ang mga mata niya ay nanatiling cold at composed, isang bagay na lalong nagpagalit kay Adrian. "Binabantayan ko lang si Ma'am Lexi, Sir Aragon," sagot ni Ethan sa mababang boses. "Umiiyak siya at kailangan niya ng tulong." "Tulo

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 10

    Lexi Ignacio POVNakatayo pa rin ako sa labas ng cigar lounge habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ng ama ni Adrian. Your wife is becoming difficult to control. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan.Nang lumabas si Adrian mula sa kwarto matapos umalis ng ama niya, mabilis ko siyang hinarang sa may malaking hallway ng main mansion."Lexi? Anong ginagawa mo pa rito?" kunot-noong tanong ni Adrian habang inilalagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang trousers. "Akala ko ba umakyat ka na sa kwarto?""Narinig ko ang sinabi ng Dad mo," diretso kong sabi. Pilit kong pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig ang buo kong katawan. "He said I'm becoming difficult to control. Control, Adrian? Ganun na ba talaga ang tingin niyo sa akin sa pamilyang 'to? Isang bagay na kailangang kontrolin?"Nainis agad ang mukha ni Adrian. Pumasok siya sa kalapit na private living room at isinarado ang pinto para walang makarinig sa amin."You're imagining things again, Lex

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 9

    Lexi Ignacio POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng dressing room habang inaayos ng kasambahay ang dulo ng elegante kong gintong gown. Ngayong gabi ang formal family dinner na inihanda ng pamilya Aragon sa main dining hall ng mansyon. Isang gabi kung saan kailangan kong magpanggap na perpektong asawa ng nag-iisang tagapagmana ng Aragon empire.Pumasok si Adrian sa silid, nakasuot ng kanyang mamahaling tuxedo. Inayos niya ang kanyang hair gel habang nakatitig sa akin sa salamin."You look stunning, Lexi," sabi niya sa malamig niyang boses. "Siguraduhin mong magiging maayos ang kilos mo ngayong gabi. Dad is in a very critical mood lately.""Gagawin ko ang papel ko, Adrian," sagot ko nang walang emosyon. "Tulad ng lagi kong ginagawa."Nang bumaba kami sa malaking dining hall, nakaupo na sa dulo ng mahabang mesa si Victor Aragon, ang ama ni Adrian. Ang kanyang aura ay napakabigat at nakakatakot. Sa paligid ng silid, nakatayo ang ilang security guards para sa proteksyon ng pamilya

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 8

    Lexi Ignacio POV Hawak ko pa rin ang papel mula sa luxury hotel sa Tagaytay habang hinihintay ang pagdating ni Adrian. Ang bawat minutong lumilipas ay parang impyerno sa bagal. Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan niya sa driveway, dali-dali akong bumaba papunta sa study room niya. Pumasok si Adrian habang tinatanggal ang kanyang necktie. Mukha siyang pagod mula sa trabaho, pero nawala ang lahat ng awa ko sa kanya nang maalala ko ang resibo. "Adrian," tawag ko sa boses na pilit kong ginagawang kalmado. Lumingon siya at kumunot ang noo. "Lexi? Anong ginagawa mo rito nang ganitong oras? Akala ko ba nasa guest house ka na?" Inilapag ko ang resibo sa ibabaw ng malaking desk niya. "Paki-explain naman 'to." Lumapit si Adrian at tiningnan ang papel. Sa isang saglit, nakita ko ang kaunting gulat sa mga mata niya, pero mabilis ding bumalik ang malamig at perpekto niyang awra. Kinuha niya ang resibo at itinapon lang sa basurahan sa tabi niya. "Isang hotel receipt," sagot niya habang nag

  • Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG)   Chapter 7

    Lexi Ignacio POVNakatitig pa rin ako sa screen ng phone ko habang bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Pinalaki ko ang litrato para mas makita ang mukha ng babae. Maganda siya, classy, at halatang galing sa mayamang pamilya. Kilala ko ang luxury restaurant kung saan kuha ang picture, pero hindi ko kilala ang babaeng kasama ng asawa ko.Kinaumagahan, nakaupo kami ni Adrian sa dining table para mag-almusal. Nagbabasa siya ng tablet habang umiinom ng kape, mukhang sobrang normal ng lahat para sa kanya."Adrian," pambabasag ko sa tahimik na paligid. "Saan ka nga pala nag-dinner last Tuesday night? Nag-crave kasi ako sa steak house sa BGC, 'yung malapit sa gallery at parang nakita kita doon."Napatigil si Adrian sa pag-scroll sa tablet niya. Tumingin siya sa akin, at napansin kong bahagyang tumigas ang panga niya bago siya ngumiti nang pilit."May client meeting ako sa Makati noong Tuesday, Lexi," sagot niya sa sobrang kalmadong boses. "Bakit mo natanong? Did someone tell you something?""Wa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status