تسجيل الدخولLexi Ignacio POV
Sa mga sumunod na araw, naging pormal ang pagsasama namin sa guest house. Walang nangyaring hawakan o kahit anong kahalayan. Kapag gabi, sa sofa natutulog si Ethan habang sa malaking kama ako. Subalit kahit walang pisikal na nangyayari, ramdam ko ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa. Araw-araw, sinusundan niya ako sa kahit saan ako pumunta sa loob ng estate. Siya ang nagmamaneho ng kotse kapag lumalabas ako. Natutunan kong obserbahan siya. Napansin kong napakatahimik niya, pero napakasharp ng mga mata niya. Bawat taong lumalapit sa akin, bawat sasakyang dumadaan, sinusuri niya. Para siyang isang leon na laging nakahanda sumalakay kapag may banta. Isang hapon, pumunta ang pinakamatalik kong kaibigan na si Mara sa estate para bisitahin ako. Dahil wala si Adrian para magbantay, pinalabas ko muna si Ethan sa terrace para makapag-usap kami ni Mara nang maayos sa living room. Nakaupo kami sa coffee table. Si Mara ay abala sa pag-inom ng kanyang paboritong iced latte habang nagrereklamo tungkol sa trabaho niya sa fashion magazine. "Girl, kaloka ang stress ngayong linggo," sabi ni Mara habang nagpapatak ng maraming creamer sa kape niya. "Ang daming feelingera na models. Pero teka, bakit parang puyat na puyat ka? Tsaka bakit parang problemado ka d'yan?" Tumingin ako sa paligid para siguraduhing walang ibang tao. Huminga ako nang malalim. Hindi ko na kayang itago ang lahat. Sasabog na ang dibdib ko kapag wala akong pinagsabihan. "Mara," bulong ko habang yumuyuko palapit sa kanya. "May sasabihin ako sa 'yo, pero kailangan mong mangako na wala kang pagsasabihan. Kahit kanino." Kumunot ang noo ni Mara sabay baba ng baso niya. "Ano 'yan? Huwag mo akong tinatakot, Lexi. Ano’ng nangyari?" Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Mula sa fertility problem ni Adrian, sa kagustuhan niyang magkaroon ng heir para sa inheritance ng Aragon Group, sa pananakot niya sa negosyo ng pamilya ko, hanggang sa kontratang pinapirmahan niya sa aming dalawa ni Ethan. Habang nagkukuwento ako, dahan-dahang nagbabago ang mukha ni Mara. Ang dating masayang aura niya ay napalitan ng sobrang gulat at galit. "Wait, wait, wait!" sigaw ni Mara sabay hawak sa ulo niya. "Are you fucking kidding me, Lexi?! Nababaliw na ba si Adrian?! Ipapa-impregnate ka niya sa ibang lalaki para lang sa pera at kumpanya niya?!" "Huwag kang maingay!" pabulong kong utos sa kanya. "Baka may makarinig sa 'yo!" "No way, Lexi! This is insane!" sabi ni Mara, halos mapatayo sa upuan. "Inabuso ka na nga niya emotionally, tapos ngayon gagawin ka pa niyang breeding factory?! At pumayag ka?!" "Wala akong choice, Mara," malungkot kong sabi. "Dahil ang banta niya, idadamay niya ang kumpanya ni Papa. Mawawala ang lahat sa pamilya ko." "Gago talaga 'yang asawa mo!" galit na sabi ni Mara. Saka ininom na animo'y malamig na tubig ang iced latte para palamigin ang ulo niya. "So nasaan na 'yung security guard na sinasabi mo? Nasaan 'yung gwardyang gagamitin niya?" Tumingin ako sa glass wall patungo sa terrace. "Nandiyan lang siya sa labas." Uminom uli si Mara ng kape habang tumitingin sa labas. "Teka, nasaan? 'Yung mama na 'yon?" Nakatayo si Ethan sa terrace, nakatalikod sa amin habang nakatingin sa malawak na hardin. Biglang humarap si Ethan para tingnan kami nang marinig niya ang lakas ng boses ni Mara. Dahil mainit ang panahon, hinubad niya ang kanyang security suit jacket at nakasando lang siyang itim. Litaw na litaw ang malalaking muscles sa braso niya, ang malapad niyang dibdib, at ang perpektong kurba ng kanyang panga habang nakatingin sa amin gamit ang napakaseryoso niyang mga mata. Nang makita siya ni Mara nang buo, biglang nabilaukan si Mara. "Pfft! Ahoo! Ahoo!" Mabilis na naisuka ni Mara ang kape pabalik sa baso at sa mesa. Nagsimula siyang maubo nang napakalakas habang hawak ang dibdib niya. Lumaki ang mga mata niya sa sobrang gulat habang nakatitig kay Ethan. "Mara! Okay ka lang?!" dali-dali akong kumuha ng tissue at inabot sa kanya. "Ahoo! Ahoo! Diyos ko, Lexi!" ubo pa rin nang ubo si Mara habang pinupunasan ang bibig niya. Tumingin uli siya kay Ethan na dahan-dahang naglalakad pabalik sa loob para tingnan kung anong nangyayari. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ni Ethan sa mababang boses habang nakatayo sa tabi ng pintuan ng terrace. "O-Okay lang! Fine! Super fine!" mabilis na sagot ni Mara habang pilit na inaayos ang sarili niya, pero halatang natataranta. Tumingin siya sa akin sabay bulong sa napakalakas na tono. "Lexi! Girl! That's the security guard?!" Nahiya ako bigla at napahawak sa noo ko. "Mara, please, umayos ka." Tumingin uli si Mara kay Ethan mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay humarap sa akin sabay bulong ulit. "Lexi, my god. I thought he would look like some random sketchy guy! Bakit mukhang Greek god na binayaran ng milyon para maging bodyguard?! Bakit napakatangkad at napakagwapo niyan?!" "Mara!" pabalik kong bulong habang namumula ang mukha ko. "Naririnig ka niya!" Nangiti nang bahagya si Ethan. Halatang narinig niya ang sinabi ni Mara, pero mabilis niyang itinago ang reaksyon niya. "I'll step outside again to give you privacy," sabi niya bago tumalikod at bumalik sa terrace. Nang makalabas si Ethan, tinapik ako ni Mara sa braso. "Girl! Sinabi mo ba sa akin na 'yang lalaking 'yan ang binayaran ng asawa mo para buntisin ka? I mean, galit ako sa asawa mo dahil demonyo siya, pero girl, if you have to choose a security guard to ruin your marriage, that is definitely the right choice!" "Nababaliw ka na rin ba, Mara?" ilag ko sa kanya. "Walang nangyayari sa amin. Sinabi niya sa akin na hindi niya ako gagalawin o pipilitin kapag ayaw ko." Napatigil si Mara. Kumunot ang noo niya. "Wait, really? Siya mismo ang nagsabi niyan?" "Oo," tango ko. "Pinrotektahan niya ako. He respects my boundaries. Sabi niya, ako lang ang makakapagdesisyon kung may mangyayari o wala." Pinagmasdan ako ni Mara nang mabuti. "That's strange, Lexi. Isang simpleng security guard, tatanggihan ang napakalaking perang inaalok ni Adrian? At rerespetuhin ka nang ganyan? Something doesn't add up." "I know," pabulong kong sagot. "I feel it too. May mga itinatago siya." "Mag-ingat ka, Lexi," seryosong paalala ni Mara, wala na ang biro sa boses niya. "Ang mga lalaking ganyan kagwapo at ganyan kalalim, sila ang pinakamapanganib. Baka sa huli, hindi lang ang kasal mo ang masira. Baka kasama pati ang puso mo." Umalis din si Mara pagkaraan ng ilang oras pagkatapos niyang siguraduhin na maayos ang lagay ko. Naiiwan na naman akong mag-isa sa malaking bahay kasama si Ethan. Gabi na noong makabalik kami sa guest house. Habang naghahanda ako para matulog, nakaramdam ako ng pagkauhaw. Lumabas ako ng silid para kumuha ng mainit na tubig sa kusina. Napansin kong wala si Ethan sa lounge area kung saan siya madalas natutulog. Nagtaka ako. Saan siya pupunta sa ganitong oras? Bawal lumabas ang mga security guard sa guest zone kapag gabi na ayon sa rules ni Adrian. Lumapit ako sa malaking bintana na nakatapat sa likod ng estate kung saan naroon ang dense garden at ang lumang gazebo. Madilim ang paligid, maliban sa kaunting ilaw mula sa mga garden lamps. Hinanap ng mga mata ko ang anino ni Ethan. At doon, sa ilalim ng malaking puno ng acacia malapit sa gate ng mga tauhan, nakita ko siya. Nakatayo si Ethan habang may kausap na isang lalaki. Ang misteryosong lalaki ay nakasuot ng mahal na custom-tailored suit, malayo sa mga suot ng mga empleyado sa estate. May inabot ang lalaki kay Ethan na isang itim na envelope at isang encrypted tablet. Mas lalo akong nagtaka nang makitang hindi umarteng subordinate si Ethan. Sa halip, ang lalaking nakasuit ang yumukod sa harap ni Ethan nang may sobrang paggalang bago ito mabilis na umalis sa kadiliman. Napatigil ang paghinga ko. Sino ang lalaking 'yon? At bakit yumuyukod ang isang taong mukhang milyonaryo sa isang simpleng security guard ni Adrian?Lexi Ignacio POV Nakatayo pa rin ako sa likod ng haligi habang hawak ang dibdib ko. Ang boses ni Ethan noong nasa telepono siya, his tone, the sheer authority in his voice—hindi iyon boses ng isang empleyadong tumatanggap lang ng utos mula kay Adrian. That was the voice of a man who was used to making the calls. Kinaumagahan, hindi ko na kayang idenial ang mga naiisip ko. Pagkaalis na pagkaalis ni Adrian para sa board meeting, hinarang ko agad si Ethan habang naglalakad siya pabalik mula sa perimeter check sa may garden. "Kailangan natin mag-usap," bungad ko agad. Tumingin sa akin si Ethan, perfectly calm at walang kahit anong bakas ng kaba sa mukha. "Good morning, Lexi. Is there something wrong?" "Huwag mo akong idadaan sa cold at professional guard routine mo, Ethan," inis kong sabi habang itinuturo ang dibdib niya. "Narinig kita kagabi. Narinig ko ang tawag mo." Bahagyang tumaas ang kabilang kilay niya, pero hindi siya nagulat. "Nang-eespiya ka na naman?" "I was standing rig
Lexi Ignacio POV Nakatayo si Adrian sa ilalim ng ilaw ng pathway, nanlilisik ang mga mata at nakakuyom ang dalawang kamay. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin habang galit na galit ang mukha. Mabilis akong tumayo mula sa damuhan at pilit na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Lumakad din si Ethan paitaas, kaagad na humarap kay Adrian upang pumagitan sa aming dalawa. "What the fuck are you doing with my wife?" galit na sigaw ni Adrian. Hawak niya ang collar ng shirt ni Ethan habang nanlilisik ang mga mata. "Sobra ka na, Ethan! You are crossing the fucking boundary! Inutusan kitang protektahan siya, hindi ang yakapin siya sa dilim!" Hindi man lang nagbago ang mukha ni Ethan. Hindi siya gumanti o gumalaw, pero nanatiling tuwid at matatag ang tayo niya. Ang mga mata niya ay nanatiling cold at composed, isang bagay na lalong nagpagalit kay Adrian. "Binabantayan ko lang si Ma'am Lexi, Sir Aragon," sagot ni Ethan sa mababang boses. "Umiiyak siya at kailangan niya ng tulong." "Tulo
Lexi Ignacio POVNakatayo pa rin ako sa labas ng cigar lounge habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ng ama ni Adrian. Your wife is becoming difficult to control. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan.Nang lumabas si Adrian mula sa kwarto matapos umalis ng ama niya, mabilis ko siyang hinarang sa may malaking hallway ng main mansion."Lexi? Anong ginagawa mo pa rito?" kunot-noong tanong ni Adrian habang inilalagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang trousers. "Akala ko ba umakyat ka na sa kwarto?""Narinig ko ang sinabi ng Dad mo," diretso kong sabi. Pilit kong pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig ang buo kong katawan. "He said I'm becoming difficult to control. Control, Adrian? Ganun na ba talaga ang tingin niyo sa akin sa pamilyang 'to? Isang bagay na kailangang kontrolin?"Nainis agad ang mukha ni Adrian. Pumasok siya sa kalapit na private living room at isinarado ang pinto para walang makarinig sa amin."You're imagining things again, Lex
Lexi Ignacio POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng dressing room habang inaayos ng kasambahay ang dulo ng elegante kong gintong gown. Ngayong gabi ang formal family dinner na inihanda ng pamilya Aragon sa main dining hall ng mansyon. Isang gabi kung saan kailangan kong magpanggap na perpektong asawa ng nag-iisang tagapagmana ng Aragon empire.Pumasok si Adrian sa silid, nakasuot ng kanyang mamahaling tuxedo. Inayos niya ang kanyang hair gel habang nakatitig sa akin sa salamin."You look stunning, Lexi," sabi niya sa malamig niyang boses. "Siguraduhin mong magiging maayos ang kilos mo ngayong gabi. Dad is in a very critical mood lately.""Gagawin ko ang papel ko, Adrian," sagot ko nang walang emosyon. "Tulad ng lagi kong ginagawa."Nang bumaba kami sa malaking dining hall, nakaupo na sa dulo ng mahabang mesa si Victor Aragon, ang ama ni Adrian. Ang kanyang aura ay napakabigat at nakakatakot. Sa paligid ng silid, nakatayo ang ilang security guards para sa proteksyon ng pamilya
Lexi Ignacio POV Hawak ko pa rin ang papel mula sa luxury hotel sa Tagaytay habang hinihintay ang pagdating ni Adrian. Ang bawat minutong lumilipas ay parang impyerno sa bagal. Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan niya sa driveway, dali-dali akong bumaba papunta sa study room niya. Pumasok si Adrian habang tinatanggal ang kanyang necktie. Mukha siyang pagod mula sa trabaho, pero nawala ang lahat ng awa ko sa kanya nang maalala ko ang resibo. "Adrian," tawag ko sa boses na pilit kong ginagawang kalmado. Lumingon siya at kumunot ang noo. "Lexi? Anong ginagawa mo rito nang ganitong oras? Akala ko ba nasa guest house ka na?" Inilapag ko ang resibo sa ibabaw ng malaking desk niya. "Paki-explain naman 'to." Lumapit si Adrian at tiningnan ang papel. Sa isang saglit, nakita ko ang kaunting gulat sa mga mata niya, pero mabilis ding bumalik ang malamig at perpekto niyang awra. Kinuha niya ang resibo at itinapon lang sa basurahan sa tabi niya. "Isang hotel receipt," sagot niya habang nag
Lexi Ignacio POVNakatitig pa rin ako sa screen ng phone ko habang bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Pinalaki ko ang litrato para mas makita ang mukha ng babae. Maganda siya, classy, at halatang galing sa mayamang pamilya. Kilala ko ang luxury restaurant kung saan kuha ang picture, pero hindi ko kilala ang babaeng kasama ng asawa ko.Kinaumagahan, nakaupo kami ni Adrian sa dining table para mag-almusal. Nagbabasa siya ng tablet habang umiinom ng kape, mukhang sobrang normal ng lahat para sa kanya."Adrian," pambabasag ko sa tahimik na paligid. "Saan ka nga pala nag-dinner last Tuesday night? Nag-crave kasi ako sa steak house sa BGC, 'yung malapit sa gallery at parang nakita kita doon."Napatigil si Adrian sa pag-scroll sa tablet niya. Tumingin siya sa akin, at napansin kong bahagyang tumigas ang panga niya bago siya ngumiti nang pilit."May client meeting ako sa Makati noong Tuesday, Lexi," sagot niya sa sobrang kalmadong boses. "Bakit mo natanong? Did someone tell you something?""Wa







