LOGINAndami report na dapat tapusin, tambak ang paperworks sa table ko, di na nga ako nakapag lunch dahil di ko namalayan ang oras.
" Miss Montana pa email ng mga ito. And book a 5 star restaurant for tonight 8PM. Under Sir Ashton and Miss Ara Cortez. And pa deliver ka ng bouquet narin. Asap yan ha, dadalahin ni Sir Ashton yan mamaya sa dinner date nila ni Miss Cortez. " si Sir Leomore pinatawag ako nito sa office nya para sa pinapagawa nya sa akin. " Copy, Sir. " habang tina-type ko sa hawak ko na ipad ang mga instructions at utos nya. " And please bring me a black coffee, thank you! " Agad akong tumalima at naghanda ng kape na hinihingi ni Sir Leomore. After ko mahatid ang coffee sa office ni Sir Leomore ay kaagad ako naghanap ng available fine dining restaurant while nag ddial ng number ng flower shop para naman sa bouquet. "All set na po, Sir. " sabi ko sa kabilang linya ng itercom na hawak ko. " Alright, Miss Montana." narinig ko na sagot nito sa kabilang linya. Sobrang swerte ni Miss Cortez, ang effort ng date nila palagi ni Sir Ashton. Fiancee ito ni Sir Ashton, at palaging may pa ganito si Sir Ashton para dito. Sweet na gwapo pa, sobrang blessed ni Miss Cortez. Sabagay napaka-ganda rin naman ni Miss Cortez isa itong model at galing din sa kilalang pamilya, bagay na bagay sila ni Sir Ashton. Mapapa sana all ka nalang talaga sa lovelife ng iba. "Beks, naglunch ka na? " chat ko kay Domini " Tapos na, ikaw?" reply nya. " Di ko namalayan yung oras, pero nagco- coffee ako ngayon. " sabay higop ng kape na hawak ko. " Kumain ka parin hoy! Baka tumagos ka na nyan!" ni-kaugh react ko yung chat nya na yun. " Beks, sa weekends wag mo kakalimutan baka mamaya maglast minute cancel ka ha. Masasabunutan talaga kita! " nagbanta pa talaga ang bakla. Natatawa akong nag reply ng " Oo nga!" sa kanya. " Miss Montana, nandito na po ang delivery ng flowers. " si Rita isa sa mga ka officemate ko sa department na'to. " Okay, Rita. " nakingiti kung tugon dito. Agad ko itong dinala sa office ni Sir Leomore. At nang makita ako ni Sir Leomore na bitbit ang bouquet tinuro nya ako pinto ng private office ng Boss namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paanong hindi masisilayan ko na naman ang ultimate crush ko. Bibihira lang ako makapasok sa private office na iyon. Kung hindi importante ang sadya di ako naakakalapit doon. Kumatok muna ako sa pinto at nag antay ng permiso bago ito buksan. " Come in. " anang ng baritonong boses mula sa loob. Dahan-dahan kong binuksan pinto. At maingat na naglakad papasok. " Here's the flowers, Sir. " mahina ang boses kong sabi. Nag angat ng tingin si Sir Ashton at tiningnan ang dala ko. "Put it, there." mwestra nya sa mini table sa tapat ng sofa sa gitna ng office nya. Agad akong kumilos at nilapag ang bulaklak doon. Magpaalam na ako bago umalis ng bigla itong nagsalita muli. "Hmm, Miss-?" " R-Rafaela Montana, Sir. " nauutal kong sabi. " Miss Montana, I need you to buy me some chocolates." " Okay po, Sir. " mabilis na sagot. Agad akong nagpaalam at nagmamadaling naglakad palabas ng private office ni Sir Ashton. Pagbalik ko sa table ko ay agad kong dinampot ang bottled water na kinuha ko sa mini ref ng office kanina at tinungga ko ito ng derecho. Pakiramdam ko kasi uhaw na uhaw ako. Gwapo talaga ni Sir lalo na sa malapitan at yung boses nyang may pa bedroom voice effect. Sino ba naman ang di magkakandarapa dun. Naranasan ko rin namang magcrush noong highschool ako pero ewan ko ba at malala ata ang pagka crush ko sa Boss ko ngayon dahil buong sistema ko ang nabubulabog kapag nasisilayan ko ito ng malapitan. Agad kong binura ang kung ano anong nasa isipan ko. Naupo na ako sa desk ko at tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa ko. ------------------------------------------------------- " Raf, balak ko magloan ng car. What do you think beks? " sabi ni Domini. Kasalukuyan kaming nasa sala ng apartment ko nakaupo sa sofa at nanood ng netflex, kakatapos lang namin maghapunan dahil ang baklang to dito pa nakikain at nakitambay narin. "Ikaw, kung sa palagay mo ay handa ka sa monthly problem. Why not." sagot ko sa kanya sa pagitan ng pag nguya ng popcorn. "Kapagod na kasi magmoto taxi. Yung sexy kong wetpaks nabubogbog eh. " maarteng reklamo nito. Napapanahon kasi ang moto taxi, mas convenient ito at mas mabilis lalo na kapag peak hour. Medyo risky nga lang lolo na kapag careless ang driver na makukuha mo. "Marunong ka bang magdrive?" tanong ko sa kanya. " Oo naman, may jeep si Tatang diba? Doon ako nakapagpraktis noon. Tsaka may sasakyan ang tyahin ko minsan kapag nagpapasama yun sa akin ako ang tiga park nun kasi di sya marunong magpark. " "Yun naman pala eh, di push mo na. " " Balak ko sanang magcash kaya lang baka masaid naman ang savings ko." " Sabagay, magloan ka nalang tiyak naman ma-approved ka nyan. " pag eencourage ko sa kanya.. Stable naman ang posisyon ng trabaho namin sa La Ortega. " Pero pag nakapagloan na ako beks araw araw akong makikihati sa baon mo. At araw araw ako makikikain ng hapunan dito." kunwaring malungkot ang mukha nyang pagddrama. Hinampas ko sya sa braso habang natatawa. Imbes kasi malungkot ako sa pagddrama nya eh yung itsura nya naman ayaw makisama. Mukha syang komedyamte na natatae. " Kaso diet na ako sa mga susunod na araw paano ba yan?" kunwaring seryoso ako pero pilit pinipigil ang tawa. " Edi diet narin ako." nakanguso nyang sagot sakin. Nagtawanan kami lalo. Sinong maniniwala eh ang takaw takaw nya pa naman. Ganito kami madalas, nasa kabilang kanto lang kasi ang apartment nya. Pagtinatamad ito magluto pupunta to dito sa apartment ko at mambuburaot ng makakain. Pero minsan sa labas kami kumakain at libre nya naman. Mag 11pm na ito umuwi at inaantok na raw sya, ako rin naman nakaka idlip na nga ako sa sofa kanina. Nakahiga na ako at nagbbrowse muna ng hone ko, pag swipe ko may nahagip akong paparazzi article post. " Exclusively dating! Kilalang young businessman at model spotted na magkasama." naka-caption sa post. Si Sir Ashton at Miss Cortez ang nasa litrato ng article. Kanina marahil to sa pina-set na date sa akin ni Sir Leomore. Hawak ni Miss Cortez ang flowers at paperbag ng mga chocolates na binili ko rin kanina. May kung anong pinong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Di ko maintindihan bakit nakakaramdam ako ng ganun, ang weird naman. Nilapag ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko, at mariing pumikit para makatulog na.Sinimulan na ang proyekto ng paaralan sa kabilang bahagi ng isla. Gumayak ang dalaga upang makita ang kaganapan na nagpa abala sa nga taga isla. Mula sa kinatatayuan nya makikita ang malaking tarpaulin ng magiging outcome ng proyekto. Anim na magkakatabing silid at tatlo naman ang silid sa magkabilang panig nito. Mahusay ang pagkakadesenyo, maliit man ay halos kompleto ang facilities. Sadyang napakabuti siguro ng sponsor nito, biglang sumagi sa isip ng dalaga ang pamilya ng nobyo. Dahil ganito rin ang ang proyekto ng pamilya nito sa kanila at nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kapuspalad ngunit determinadong makapag aral. Nahaplos nya ang tyan, nakagawian nya na itong gawin. Naglakad pa ang dalaga para libutin ang lugar. Lahat ay abala, may mga mangilan-ngilang humihinto sa ginagawa upang batiin sya. May nakita syang silungan at mauupuan, tumungo sya doon at sumilong. Tinanggal nya ang suot na malapad na sumbrero. Mula sa pwesto nya tanaw nya ang maliit na improvis
" Magandang umaga Miss Ela! ," sabay-sabay na bati ng mga bata sa bagong dating na dalaga. " Magandang umaga mga bata! ," masigla din nitong bati nito sa mga bata. " Nais kong matuto kayong isulat ang buo ninyong pangalan sa papel na ipapamahagi ko. Pagkatapos ninyo, ay pagsasaluhan natin ang aking inihahandang almusal. ," Nagsimulang tumayo ang dalaga at namahagi ng papel at lapis sa mga bata. Pagkatapos nya mabigyan ang lahat ng bata ay binilinan nya itong magsulat ng tahimik. Pagkatapos ay bumalik na sya kung saan sila nagluluto ng pagkain na ihahain sa mga bata. Nandoon ang ibang nag volunteer na magulang na tumutulong sa kanya sa pagluluto. " Mukha pong may gagawing malaking proyekto sa kabilang bahagi ng isla? Marami raw pong mga kalalakihan dito ang kinuha bilang manggawa doon. ," tanong ng dalaga sa mga kasamang abala sa pagluluto ar paghahanda ng mga rekado. " Ang balita ay may isang good samaritan ang nagsponsor sa pagpapatayo ng paaralan dito sa isla. ," kwento
" Good morning, Sir Ashton. ," bati ni Dom sa binatang maaga palang ay mukhang delubyo na ang itsura. " Have a sit, Dom. ," walang buhay na utos nito sa kaharap Pinatawag nya ito sa opisina nya. " May balita ka naba kay Rafaela? ," tanong nito sa kaharap. Umiling si Dom, bagsak ang balikat na napapikit ng mariin si Ashton. Nakaraang buwan ay sinamahan sya nito umuwi sa probinsya nila Rafaela at doon nya nakilala ang magukang at mga kapatid ng nobya. Ayun sa mga ito ay nagpadala ng malaking halaga ang nobya nya at nagsabi na magbabakasyon muna ito. Kung kaya't kampante sila na nasa maayos na kalagayan si Rafaela. " Para na akong mababakiw, Dom.. Sobrang nag aalala na ako sa kanya at sa dinadala nya . ," bakas ang labis na pag alalala sa tinig nito. " Hindi ko naisip na magagawang maglaho ni Rafaela ng ganun. Kahit katiting na bakas wala syang iniwan. ," " Mabuti nalang nakaoaglagay ako ng malaking halaga sa vault nya sa apartment. Kahit paano ay may nadala sya, inaal
Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang ingay na maririnig sa kinaroonan nya. Mula sa kinauupuan nya ay kitang kita nya ang palubog na araw na unti-unting kinakain ng malawak na dagat. Pinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata. Katahimikan... Iyon ang nasumpungan niya sa lugar na ito. Ngunit sadyang di patas ang mundo, dahil ang kapalit ng katahimikang nasumpungan ay ang kalungkutan na kumakain sa buong sistema ng nya. Marahan nyang hinaplos ang maliit na umbok sa puson nya. Kinausap ito na para bang katabi nya lamang ang maliit na buhay sa loob ng sinampupunan nya. " Anak.. Dito walang mang aapi sa atin.. Walang mangmamata at walang mananakit pa. ," hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha nya bago nagsalitang muli. " Wala man akong yaman tulad nila pero bubusugin kita ng pagmamahal ko.. ," bulong nito habang hinihimas ang tyan. Bago pa man dumilim ay naglakad na ito sa buhanginan na pandaliang iniwan ng tubig dagat. Tinuntun ng mga yaak nya ang daan pabalik sa ku
" Ashton! Why are you acting like that? ," sita ni Frank sa kapatid matapos ntong iwasan ang yakap ng Mommy nila. " Hindi ka na nga nagpapakita dito ng ilang linggo ganyan ka pa umasta! ," segunda ni Lucas. " Why don't you ask our good mother what she did? ," galit na sagot ni Ashton. Napatingin ang lahat sa Ginang. " I'm trying to protect you, son! ," depensang sagot nito sa anak na matalim ang tingin sa kanya. " Protect from whom? Rafaela? Or from my innocent child? ," ngising tanong ni Ashton sa ina. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ashton, maging ang ina nya ay halatang nabigla din sa huli nitong sinabi. " What are you two, talking about? ," naguguluhang usisa ni Benedict ama ni Ashton. " Oh, yeah, in case you didn't know the story. Here it is: once upon a time, there was a girl named Rafaela who used to work as an assistant to my secretary. She was a young and innocent woman who made me fall in love in the hardest way I could ever imagine. We created a world of o
" Baby... Please forgive me.. I am really sorry... ," paulit-ulit na usal ni Ashton habang hawak nito ang kamay ng nobya. Nawalan ito ng malay habang kinokompronta ng Mommy nya sa mismont opisina nya. Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at nurse na tumingin sa nobya. " Are you the husband of the patient? ,," tanong nito sa kanya. " Yes, I am.," mabilis na sagot ni Ashton. " Your wife is three weeks pregnant.," imporma ng Doctor sa kanya. " P-pregnant? Rafaela is pregnant?! ," ulit nito sa sinabi ng Doctor. " Yes, Mr-? ," " Mr Ortega ," dugtong ni Ashton. " Well Mr Ortega, your wife had a spotting earlier and luckily naitakbo mo sya agad dito kaya naagapan si baby. Baby is safe now. Pero kapag naulit muli ito may posibilidad na makunan si Misis. ," nakuyom ni Ashton ang kamao nya, dahil sa ginawa ng mommy nya muntik pa mapahamak ang mag ina nya. " Masyadong na pressure at na stressed si Misis kaya sya nagspotting. Iiwasan ma stressed si Misis ulit, medyo nasa maselan







