Share

Loving you from Afar
Loving you from Afar
Author: Salexcha

Chapter 1

Author: Salexcha
last update publish date: 2026-01-30 17:32:19

" Rafaela!" malakas ang boses na sigaw ng baklitang kakapasok lang ng pantry.

Agad kong nilingon ito at kinawayan, mabilis itong naglakad papunta sa table kung saan ako nakaupo at kasalukuyang kumakain.

" Ikaw ang bibig mo talaga! Kailangan mo talagang sumigaw?" pabulong na sabi ko dito ng makalapit ito sa akin.

Agad naman itong humila ng upuan at naupo sa tapat ko.

" Sorry naman girl! Na-excite kasi. Anniversary kasi ang Company at alam mo bang malaking party iyon! Maraminh malalaking tao ang darating dun!" kumikislap ang mga matang sabi nito.

" So? " nakataas ang kilay na tanong ko.

" Anong so? Gaga, baka sa gabing yan may makilala tayong pag-ibig natin na syang aahon sa atin sa kahirapan! "

Inirapan ko ito. " Di naman yun oras para blind dates or love search, tangek! " nakanguso kong wika.

" Ah, basta paghahandaan natin yun gurl! "

" Talaga naman need natin paghandaan yun kasi mandatory ang pag attend natin dun noh! "

" Alam mo ikaw- " naputol ang sasabihin nya ng mag ring ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa.

Tumatawag si Inay, agad ko itong sinagot.

"Nay! Napatawag po kayo? " bungad ko.

"Anak, Rafa? Kamusta ka dyan? " boses ni Inay iyon.

"Mabuti naman po Inay, kumakain po ako ng tanghalian ngayon, kasama ko po si Dominador." tumaas ang kilay ni Domini ng banggitin ko ang buong pangalan nya. Nginisihan ko sya habang sinimangutan nya naman ako.

" Ay sya nga ba? Ikamusta mo nalang ako kay Dominador ha. Oo nga pala anak, napatawag ako sa iyo para sabihing magpapatanim na si Itay mo sa palayan nya kung maaari sanang makahingi kami sa iyo ng pandagdag pambili ng binhi. "

" Osige po, Inay. Mamaya po ay magpapadala po ako sa bank account ni Augustine." Sumunod sa akin at bunsong kapatid ko si Augustine kasalukuyang nag aaral at 2nd Year College na.

" Maraming salamat anak! Sasabihan ko si Augustine mamaya. " kahit di ko nakikita alam kong nakangiti ang Inay ngayon.

" Isasabay ko narin po ang pang grocery mo Inay at pandagdag mo narin sa mga paninda mo sa iyong tindahan. " masaya kong wika.

" Hay naku anak ko, Rafaela namin! Sobrang maraming salamat anak ko! Mag-iingat ka dyan sa Maynila ha anak! Mahal na mahal ka namin ng iyong Itay at mga kapatid mo dine.

Napangiti ako,sapat na ang mga salitang iyon upang lalo ko pang sipagan at galingan sa trabaho ko. Nagpaalam na ako sa Inay at ibinababa ko na ang tawag.

"Bait naman talaga ng kaibigan ko! Huwarang anak at mapagmahal na kapatid! "

"Heh! Kumain ka na nga dyan, at maya maya matatapos na ang lunch time natin! " natatawa kong sagot sa pambobola nya sa akin.

Sinimangutan nya ako habang nilalabas ang lunch box mula sa paper bag na dala nito at nagsimula narin itong kumain.

" Hoy! Basta paghahandaan natin yung Anniversary ha, mamimili tayo ng susuutin natin at dapat bongga tayo! " , maarteng sabi neto habang ang mga mata at kumikinang sa excitement. Ngitian ko lang sya, habang nag bbrowse ako ng cellphone ko.

"Bilisan mo ng kumain dyan beks," sabi ko na di inaalis ang mata sa screen ng cellphone ko. Nagttransfer ako ng pera galing sa online banking ko papunta sa account ng kapatid ko. At ng makapagtransfer na ako ng halagang kailangan nila Inay ay tinawagan ko ang kapatid ko.

Tatlong ring bago nya ito sagutin.

" Ate Rafa? " bungad nito sa akin.

"Nagsend ako ng pera Icchat ko sayo kung magkano ang ibibigay mo kay Itay at ang pang grocery at pambudget naman kay Inay. At kung magkano naman ang para sa iyo pang allowance mo. "

"Okay, Ate. Thank you!" masayang sagot nito.

"Sige na, ibaba ko na tong tawag ha. Mag-aral ng mabuti Agus ha! "

"Yes Mam! Ingat ka po dyan ate ha! I love you! "

Huminga ako ng malalim, nag usal ng pasasalamat sa Panginoon para sa nga blessing na ipinagkaloob nya sa akin. Kung kaya nakakatulong ako sa magulang at mga kapatid ko. Salamat sa La Ortega at nabigyan ako ng magandang trabaho na may malaking sahod. Salamat at unti-unting naaabot ko ang mga pangarap ko. Mag-isa man dito sa Maynila ay masasabing maayos naman ang kalagayan ko. May maayos na apartment akong tinutuluyan maliit man pero masasabing maayos at safe itong tirahan. Nakapag ipon na rin ako kahit papaano at nakakatuwang di ko ito nagagalaw kahit pa nagkakaroon ng pangangailangan sila Itay para sa aming sakahan. Salamat talaga ng marami panginoon, mahinang usal ko.

" Beks ha, wag mo kakalimutan. Magsshopping tayo sa weekends ha! Punta tayo Divisoria makakamura tayo dun. " napukaw ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Domini na nagsalita.

" Sige.". tipid na sagot ko bilang tanda ng pag agree ko sa sinabi nya.

Nasa Executive Department ako naka assigned samantalang itong kaibigan ko ay nasa Marketing Department Sabay kaming na promote ako naman ay naging Assistant Secretary ng Executive Assistant ng isa sa Big Boss na si Sir Ashton Ortega. Ang boss namin ay isa sa lalakeng apo ng Matandang Founder ng La Ortega. Kasalukuyang hinahasa si Sir Ashton sa La Ortega Corporation bago ito pahawakin ng sariling negosyo at kompanya. Kilalang pamilya ang mga Ortega sa larangan ng negosyo. Marahil isa sa dahilan kung bakit nagkakandarapa ang mga babae sa mga Bachelors ng Ortega. Mga gwapo at makikisig ba naman na para bang mga main lead character sa telenovela. Tall, dark and handsome ika nga nila pero kung para sa akin nahigitan iyon ni Sir Ashton, talaga namang napaka-gwapo almost perfect nga eh pero sablay sa ugali. Masungit at istrikto ito.. Di namamansin, ni hindi nga ako nito natatapunan ng tingin kahit pa na assistant secretary ako ng secretary nya na Sir Leomore.

Huminga ako ng malalim, crush na crush ko kasi si Sir Ashton. Pero di naman ako umaasang pamansin nito, sapat na yung nasisilayan ko sya sa malayo. Ang mahalaga maganda na ang posisyon ko sa kompanya at ang may napakalaking sahod. Di na ako mag aambisyon na makapag asawa ng mayaman mukhang magulo ang mundo nila.

At si Dominador ang kababata at kaibigan ko na nakasama ko noong napadpad kami sa Maynila Mga iskolar kami ng La Ortega, pusong babae at malambot pa ito sa akin. Dito lang sa Maynila ito nakakapagladlad dahil tiyak matataga sya ng kanyang Itay kapag natuklasan nito na lalaki rin ang nais ng kanyang anak.

Napailing nalang ako, buong akala pa naman ni Tatang Domeng ay nagkakamabutihan kami ng anak nya sa sobrang close namin ni Dominador di nya alam na ako ang tanging hingahan ng baklitang ito. Napangiti nalang ako dahil kung makikita nya lamang ang anak nya ngayon. Jusmiyo mapula pa ang labi sa labi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving you from Afar   Chapter 28

    Sinimulan na ang proyekto ng paaralan sa kabilang bahagi ng isla. Gumayak ang dalaga upang makita ang kaganapan na nagpa abala sa nga taga isla. Mula sa kinatatayuan nya makikita ang malaking tarpaulin ng magiging outcome ng proyekto. Anim na magkakatabing silid at tatlo naman ang silid sa magkabilang panig nito. Mahusay ang pagkakadesenyo, maliit man ay halos kompleto ang facilities. Sadyang napakabuti siguro ng sponsor nito, biglang sumagi sa isip ng dalaga ang pamilya ng nobyo. Dahil ganito rin ang ang proyekto ng pamilya nito sa kanila at nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kapuspalad ngunit determinadong makapag aral. Nahaplos nya ang tyan, nakagawian nya na itong gawin. Naglakad pa ang dalaga para libutin ang lugar. Lahat ay abala, may mga mangilan-ngilang humihinto sa ginagawa upang batiin sya. May nakita syang silungan at mauupuan, tumungo sya doon at sumilong. Tinanggal nya ang suot na malapad na sumbrero. Mula sa pwesto nya tanaw nya ang maliit na improvis

  • Loving you from Afar   Chapter 27

    " Magandang umaga Miss Ela! ," sabay-sabay na bati ng mga bata sa bagong dating na dalaga. " Magandang umaga mga bata! ," masigla din nitong bati nito sa mga bata. " Nais kong matuto kayong isulat ang buo ninyong pangalan sa papel na ipapamahagi ko. Pagkatapos ninyo, ay pagsasaluhan natin ang aking inihahandang almusal. ," Nagsimulang tumayo ang dalaga at namahagi ng papel at lapis sa mga bata. Pagkatapos nya mabigyan ang lahat ng bata ay binilinan nya itong magsulat ng tahimik. Pagkatapos ay bumalik na sya kung saan sila nagluluto ng pagkain na ihahain sa mga bata. Nandoon ang ibang nag volunteer na magulang na tumutulong sa kanya sa pagluluto. " Mukha pong may gagawing malaking proyekto sa kabilang bahagi ng isla? Marami raw pong mga kalalakihan dito ang kinuha bilang manggawa doon. ," tanong ng dalaga sa mga kasamang abala sa pagluluto ar paghahanda ng mga rekado. " Ang balita ay may isang good samaritan ang nagsponsor sa pagpapatayo ng paaralan dito sa isla. ," kwento

  • Loving you from Afar   Chapter 26

    " Good morning, Sir Ashton. ," bati ni Dom sa binatang maaga palang ay mukhang delubyo na ang itsura. " Have a sit, Dom. ," walang buhay na utos nito sa kaharap Pinatawag nya ito sa opisina nya. " May balita ka naba kay Rafaela? ," tanong nito sa kaharap. Umiling si Dom, bagsak ang balikat na napapikit ng mariin si Ashton. Nakaraang buwan ay sinamahan sya nito umuwi sa probinsya nila Rafaela at doon nya nakilala ang magukang at mga kapatid ng nobya. Ayun sa mga ito ay nagpadala ng malaking halaga ang nobya nya at nagsabi na magbabakasyon muna ito. Kung kaya't kampante sila na nasa maayos na kalagayan si Rafaela. " Para na akong mababakiw, Dom.. Sobrang nag aalala na ako sa kanya at sa dinadala nya . ," bakas ang labis na pag alalala sa tinig nito. " Hindi ko naisip na magagawang maglaho ni Rafaela ng ganun. Kahit katiting na bakas wala syang iniwan. ," " Mabuti nalang nakaoaglagay ako ng malaking halaga sa vault nya sa apartment. Kahit paano ay may nadala sya, inaal

  • Loving you from Afar   Chapter 25

    Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang ingay na maririnig sa kinaroonan nya. Mula sa kinauupuan nya ay kitang kita nya ang palubog na araw na unti-unting kinakain ng malawak na dagat. Pinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata. Katahimikan... Iyon ang nasumpungan niya sa lugar na ito. Ngunit sadyang di patas ang mundo, dahil ang kapalit ng katahimikang nasumpungan ay ang kalungkutan na kumakain sa buong sistema ng nya. Marahan nyang hinaplos ang maliit na umbok sa puson nya. Kinausap ito na para bang katabi nya lamang ang maliit na buhay sa loob ng sinampupunan nya. " Anak.. Dito walang mang aapi sa atin.. Walang mangmamata at walang mananakit pa. ," hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha nya bago nagsalitang muli. " Wala man akong yaman tulad nila pero bubusugin kita ng pagmamahal ko.. ," bulong nito habang hinihimas ang tyan. Bago pa man dumilim ay naglakad na ito sa buhanginan na pandaliang iniwan ng tubig dagat. Tinuntun ng mga yaak nya ang daan pabalik sa ku

  • Loving you from Afar   Chapter 24

    " Ashton! Why are you acting like that? ," sita ni Frank sa kapatid matapos ntong iwasan ang yakap ng Mommy nila. " Hindi ka na nga nagpapakita dito ng ilang linggo ganyan ka pa umasta! ," segunda ni Lucas. " Why don't you ask our good mother what she did? ," galit na sagot ni Ashton. Napatingin ang lahat sa Ginang. " I'm trying to protect you, son! ," depensang sagot nito sa anak na matalim ang tingin sa kanya. " Protect from whom? Rafaela? Or from my innocent child? ," ngising tanong ni Ashton sa ina. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ashton, maging ang ina nya ay halatang nabigla din sa huli nitong sinabi. " What are you two, talking about? ," naguguluhang usisa ni Benedict ama ni Ashton. " Oh, yeah, in case you didn't know the story. Here it is: once upon a time, there was a girl named Rafaela who used to work as an assistant to my secretary. She was a young and innocent woman who made me fall in love in the hardest way I could ever imagine. We created a world of o

  • Loving you from Afar   Chapter 23

    " Baby... Please forgive me.. I am really sorry... ," paulit-ulit na usal ni Ashton habang hawak nito ang kamay ng nobya. Nawalan ito ng malay habang kinokompronta ng Mommy nya sa mismont opisina nya. Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at nurse na tumingin sa nobya. " Are you the husband of the patient? ,," tanong nito sa kanya. " Yes, I am.," mabilis na sagot ni Ashton. " Your wife is three weeks pregnant.," imporma ng Doctor sa kanya. " P-pregnant? Rafaela is pregnant?! ," ulit nito sa sinabi ng Doctor. " Yes, Mr-? ," " Mr Ortega ," dugtong ni Ashton. " Well Mr Ortega, your wife had a spotting earlier and luckily naitakbo mo sya agad dito kaya naagapan si baby. Baby is safe now. Pero kapag naulit muli ito may posibilidad na makunan si Misis. ," nakuyom ni Ashton ang kamao nya, dahil sa ginawa ng mommy nya muntik pa mapahamak ang mag ina nya. " Masyadong na pressure at na stressed si Misis kaya sya nagspotting. Iiwasan ma stressed si Misis ulit, medyo nasa maselan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status