تسجيل الدخولMalamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan. Nasa Monte Claro na kami. Hotel and restaurant ito na isa sa pag aari ng La Ortega.
Kinapa ko ang phone ko mula sa bag at tsinek ko yung oras. Nakita kong may mga new messages ako. Galing kay Domini yung iba, yung iba naman sa kapatid ko kay Augus. Pinasadahan ko ng basa ang mga messages, wala namang importante. Mamaya ko na rereplyan binalik ko ulit sa bag ko ang phone. Nakababa narin ng sasakyan ang Boss ko. Naglakad ito patungo sa entrance kung kaya naglakad narin ako kasunod nya. " You can put your things there." nginuso nito ang isang table malapit sa pwesto nya. Agad kong nilapag doon ang mga dala ko at in-open ang laptop ko para makapag set up na ng mga tools na kakailanganin ko. Maya maya pa ay may mga nagsipasukan na naka formal suit. Sa tingin ko ay sila ang ka business meeting nii Sir Ashton. Nagkamayan ang mga ito bilang pagbati sa isa'isa. Pagkatapos ay nag umpisa na silang mag usap. Ako naman ay tahimik lang na nag ttake notes sa mga pinag uusapan nila. After a few minutes ay kumatok para magserve ng maiinom water, juice and coffee. Kinuhaan ko ng black coffee si Sir Ashton at nilagay sa harapan nya habang seryoso itong nakikipag diskusyon. Palagay ko ay malapit ng matapps ang meeting , maya maya pa ay may dumating naman na mga waiter. Nasa labas lang sila ng conference room. Tulak-tulak ang mga carts na may lamang mga pagkain. Di muna nila ito senerve. Inaantay pa nila ang hudyat bago nila ito ipasok. Tumayo na Si Sir Ashton at masayang nakipagkamay ulit sa mga kausap nya. Hudyat narin para pumasok ang may magsseve ng pagkain. Madilim na ang paligid ng matapos ang meeting. Kasalukuyang inaantay ko si Sir Ashton dahil may kausap pa ito na isa sa ka business meeting nya kanina. Nasa labas na ako at nakatanaw sa Taal. Payapa ito ngayon kahit medyo madilim na ay naaninag ko parin ang tanawin na dinarayo dito. Niyakap ko ang sarili ko nang naramdaman ko ang panunuot nang lamig sa kaloob-looban ko. Sinulyapan ko ulit ang Boss ko, busy parin ito sa kausap nya. Di kaya nakalimutan nya na ako dito? Kinuha kobang cellphone, saktong tumatawag si Domini. "Hello? Saan ka ngayon? " bungad na tanong nito sa akin pagka-sagot ko ng tawag. " Nasa meeting kami ni Boss, dito sa Tagaytay. " nailayo ko ang phone sa teynga ko ng bigla itong tumili. "Pagkakataon mo na 'to Rafa!!! Akitin mo na si Boss! " " Hoy! Ang bunganga mo! Mamaya may makarinig sayo dyan!" saway ko sa baklang ito na halos lumuwa ang lalamunan sa lakas ng tili. "Tangek, wala! Naglalakad na ako papunta sa rider ko na ppickup sakin pauwi. " " Basically nasa perimeter ka parin ng office building natin!" " Ano kaba, wala naman akong kasabay maglakad. Malay ba ng mga nakakasalubong ko kung sino kausap ko. " " O sya, nandito na ang rider ko sasakay na ako. Mag iingat si Sir sayo! Este mag iingat kayo! " bago pa ako makapagsalita ay binabaan nya na ako ng tawag. " Loka-loka talagang bakla yun! Anong si Sir ang mag iingat sa akin? Eh sa aming dalawa ako naman tong harmless. " nakasimangot kong kausap sa sarili ko. " Hey, Raffy! Matagal ba ako sobra para kausapin mo na sarili mo? " " Ay, kabayong aso! " nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko na sa sobrang gulat. Walastik nagpa antay na nga ng matagal nanggulat pa! "Hey! Nagulat ba kita?" sabay hawak sa balikat ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong dumantay ang kamay nya sa balikat ko. "Raffy??" bahagya nyang pinisil ang balikat ko para ata kumpirmahing ako pa ba 'to o nawawala na ako sa sarili ko. Ako man ay kumurap-kurap para mahimasmasan sa nararamdaman kong magkahalong kaba dahil sa panggugulat nya at paninigas dahil sa hawak nya. " Uhm-, a-ayos lang po ako. " tanging nasambit ko. "Nolalamig ka na ata kaya ka naninigas. " nakita kong hinubad nya ang coat nya at pinatong sa balikat ko. Giniya nya ako papasok ng sasakyan at inalalayang makaupo. " Feels better now? " tanong nya habang concerned na nakatitig sa mukha ko. Tumango nalang ako kasi kahit gustuhin ko magsalita walang lumalabas na boses sa bibig ko. " Dan, sa resthouse ko tayo. " narinig ko nalang na instruct nya sa driver nya. Resthouse? Nagtatakang napatingin ako sa kanya. " May kailangan lang ako kuhain doon." parang nabasa nya ang. asa isip ko. Agad akong nagbawi ng tingin. Di naman nya kailangan magpapaliwanag eh Boss naman sya. Tahimik nalang akong napasandal sa upuan. Nagulat ako ng biglang napahinto ang sasakyan na sinasakyan namin. Sabay kami ni Sir Ashton napatingin sa unahan. Nakita ko si kuyang driver na napakamot ng ulo. "Sir, nasiraan po tayo. Palagay ko ay nadale yung dalawang gulong natin. " naiiling na sabi ng driver. " Ganun ba? Tatawag ako ng mekaniko para mapuntahan tayo dito. " kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. " Mukhang matatagalan pa ang mekanino na tinawagan ko. " aniya sa driver pagkatapos nyang ibaba ang tawag. " Can you book a grab or taxi cab, papuntang resthouse?" nilingon nya ako. Napatigin ako sa paligid. Sa lugar na ito mukhang malabo ang taxi na sinasabi nya o grab man lamang. Pero may nakita akong pwede namin sakyan papuntang rest house nya. Natatawa akong nakikita syang tumatalbog-talbog sa loob ng tricycle na sinasakyan namin. Nagmistula syang kapre na nakaupo sa loob. Kada lubak na madaanan namin ay tumatalbog din sya paminsan ay nagkakauntugan pa kami.. Paano ba naman di marunong humawak ng maayos. Pagkababa namin ay agad syang nag abot ng isang libong piso sa trike driver. " Naku po bossing wala po akong panukli nyan. " nahihiyang sabi ng tricycle driver. "It's okay, you can keep the change, Manong." nakangiting sagot ni Sir Ashton. Lumiwanag ang mukha.ng trike driver. Malaki ang ngiti nitong nagpasalamat ng paulit-ulit bago umalis. Sinalubong kami ng matandang lalaki pagdating namin sa resthouse. " Gandang gabi, Sir Ashton! Long time no see! " masiglang salubong nito sa amin. " Gaod evening Manong Eli. " magalang na bati ni Sir sa matanda. " Naku, si Sir Ashton pala ito! " anang ng matandang babae ng mapagsino ang paparating. " Aba, ang iyo bang kasama ay ang iyong nobya, Sir? Napakagandang babae naman nito." nangiting baling nya sa akin. " Assistant secretary ko po sya Manang Linda. Siya po SI Rafaela. " pagtatama ni Sir Ashton. Oo nga naman mas di hamak na maganda naman si Miss Cortez sa akin para mapagkamalang girlfriend nya. "Ay, ganun ba?? Pasensya na po, hehe. Na excite pa naman ako dahil kung sakali ay perstaym mo po magdala ng nobya dito. " " Linda papasukin mo na ang mga bata! Malamig dyan sa labas. " tawag ni Mang Eli mula sa loob. Nakamasid lang ako at minsan ngumingiti sa dalawang matandang katiwala ng Boss ko dito sa resthouse nya. " Raffy, pwede ka munang magpahinga sa taas may kwarto doon." napansin nya siguro ang pagod sa mukha ko. Ipatatawag nalang kita kapag dumating na si Dan. " dugtong pa nya. Bilang masusuring empleyado ay tumayo ako at binaybay ko ang hagdan paakyat. May nag iisang kwarto nga dito sa taas., marahil ito ang kwarto na tinutukoy ni Sir Ashton. IInikot ko ng tingin sa buong kwarto ng makapaspk ako. Namangha ako sa itsura nito, kompleto ang mga gamit na animoy isang hotel room May malaking flat screen smart TV, mini fridge, electric kettle, lamesang good for 2 at maliit na couch. Mayroon din itong malaking banyo na may bathtub pa sa loob. At veranda kung saan tanaw ang malawak na lawa ng Taal. Napadako ang tingin ko sa malaking kama, pakirandam ko ay inaakit ako nito. Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa malambot na kama, na para bang pagod na pagod. Hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng antok.Sinimulan na ang proyekto ng paaralan sa kabilang bahagi ng isla. Gumayak ang dalaga upang makita ang kaganapan na nagpa abala sa nga taga isla. Mula sa kinatatayuan nya makikita ang malaking tarpaulin ng magiging outcome ng proyekto. Anim na magkakatabing silid at tatlo naman ang silid sa magkabilang panig nito. Mahusay ang pagkakadesenyo, maliit man ay halos kompleto ang facilities. Sadyang napakabuti siguro ng sponsor nito, biglang sumagi sa isip ng dalaga ang pamilya ng nobyo. Dahil ganito rin ang ang proyekto ng pamilya nito sa kanila at nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kapuspalad ngunit determinadong makapag aral. Nahaplos nya ang tyan, nakagawian nya na itong gawin. Naglakad pa ang dalaga para libutin ang lugar. Lahat ay abala, may mga mangilan-ngilang humihinto sa ginagawa upang batiin sya. May nakita syang silungan at mauupuan, tumungo sya doon at sumilong. Tinanggal nya ang suot na malapad na sumbrero. Mula sa pwesto nya tanaw nya ang maliit na improvis
" Magandang umaga Miss Ela! ," sabay-sabay na bati ng mga bata sa bagong dating na dalaga. " Magandang umaga mga bata! ," masigla din nitong bati nito sa mga bata. " Nais kong matuto kayong isulat ang buo ninyong pangalan sa papel na ipapamahagi ko. Pagkatapos ninyo, ay pagsasaluhan natin ang aking inihahandang almusal. ," Nagsimulang tumayo ang dalaga at namahagi ng papel at lapis sa mga bata. Pagkatapos nya mabigyan ang lahat ng bata ay binilinan nya itong magsulat ng tahimik. Pagkatapos ay bumalik na sya kung saan sila nagluluto ng pagkain na ihahain sa mga bata. Nandoon ang ibang nag volunteer na magulang na tumutulong sa kanya sa pagluluto. " Mukha pong may gagawing malaking proyekto sa kabilang bahagi ng isla? Marami raw pong mga kalalakihan dito ang kinuha bilang manggawa doon. ," tanong ng dalaga sa mga kasamang abala sa pagluluto ar paghahanda ng mga rekado. " Ang balita ay may isang good samaritan ang nagsponsor sa pagpapatayo ng paaralan dito sa isla. ," kwento
" Good morning, Sir Ashton. ," bati ni Dom sa binatang maaga palang ay mukhang delubyo na ang itsura. " Have a sit, Dom. ," walang buhay na utos nito sa kaharap Pinatawag nya ito sa opisina nya. " May balita ka naba kay Rafaela? ," tanong nito sa kaharap. Umiling si Dom, bagsak ang balikat na napapikit ng mariin si Ashton. Nakaraang buwan ay sinamahan sya nito umuwi sa probinsya nila Rafaela at doon nya nakilala ang magukang at mga kapatid ng nobya. Ayun sa mga ito ay nagpadala ng malaking halaga ang nobya nya at nagsabi na magbabakasyon muna ito. Kung kaya't kampante sila na nasa maayos na kalagayan si Rafaela. " Para na akong mababakiw, Dom.. Sobrang nag aalala na ako sa kanya at sa dinadala nya . ," bakas ang labis na pag alalala sa tinig nito. " Hindi ko naisip na magagawang maglaho ni Rafaela ng ganun. Kahit katiting na bakas wala syang iniwan. ," " Mabuti nalang nakaoaglagay ako ng malaking halaga sa vault nya sa apartment. Kahit paano ay may nadala sya, inaal
Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang ingay na maririnig sa kinaroonan nya. Mula sa kinauupuan nya ay kitang kita nya ang palubog na araw na unti-unting kinakain ng malawak na dagat. Pinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata. Katahimikan... Iyon ang nasumpungan niya sa lugar na ito. Ngunit sadyang di patas ang mundo, dahil ang kapalit ng katahimikang nasumpungan ay ang kalungkutan na kumakain sa buong sistema ng nya. Marahan nyang hinaplos ang maliit na umbok sa puson nya. Kinausap ito na para bang katabi nya lamang ang maliit na buhay sa loob ng sinampupunan nya. " Anak.. Dito walang mang aapi sa atin.. Walang mangmamata at walang mananakit pa. ," hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha nya bago nagsalitang muli. " Wala man akong yaman tulad nila pero bubusugin kita ng pagmamahal ko.. ," bulong nito habang hinihimas ang tyan. Bago pa man dumilim ay naglakad na ito sa buhanginan na pandaliang iniwan ng tubig dagat. Tinuntun ng mga yaak nya ang daan pabalik sa ku
" Ashton! Why are you acting like that? ," sita ni Frank sa kapatid matapos ntong iwasan ang yakap ng Mommy nila. " Hindi ka na nga nagpapakita dito ng ilang linggo ganyan ka pa umasta! ," segunda ni Lucas. " Why don't you ask our good mother what she did? ," galit na sagot ni Ashton. Napatingin ang lahat sa Ginang. " I'm trying to protect you, son! ," depensang sagot nito sa anak na matalim ang tingin sa kanya. " Protect from whom? Rafaela? Or from my innocent child? ," ngising tanong ni Ashton sa ina. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ashton, maging ang ina nya ay halatang nabigla din sa huli nitong sinabi. " What are you two, talking about? ," naguguluhang usisa ni Benedict ama ni Ashton. " Oh, yeah, in case you didn't know the story. Here it is: once upon a time, there was a girl named Rafaela who used to work as an assistant to my secretary. She was a young and innocent woman who made me fall in love in the hardest way I could ever imagine. We created a world of o
" Baby... Please forgive me.. I am really sorry... ," paulit-ulit na usal ni Ashton habang hawak nito ang kamay ng nobya. Nawalan ito ng malay habang kinokompronta ng Mommy nya sa mismont opisina nya. Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at nurse na tumingin sa nobya. " Are you the husband of the patient? ,," tanong nito sa kanya. " Yes, I am.," mabilis na sagot ni Ashton. " Your wife is three weeks pregnant.," imporma ng Doctor sa kanya. " P-pregnant? Rafaela is pregnant?! ," ulit nito sa sinabi ng Doctor. " Yes, Mr-? ," " Mr Ortega ," dugtong ni Ashton. " Well Mr Ortega, your wife had a spotting earlier and luckily naitakbo mo sya agad dito kaya naagapan si baby. Baby is safe now. Pero kapag naulit muli ito may posibilidad na makunan si Misis. ," nakuyom ni Ashton ang kamao nya, dahil sa ginawa ng mommy nya muntik pa mapahamak ang mag ina nya. " Masyadong na pressure at na stressed si Misis kaya sya nagspotting. Iiwasan ma stressed si Misis ulit, medyo nasa maselan







