مشاركة

Chapter 5

مؤلف: Salexcha
last update تاريخ النشر: 2026-02-06 02:42:54

Tunog ng lagaslas ng ulan, malamig na simoy ng hangin, malambot na kama at makapal na blanket. Kay sarap matulog kapag ganito.

Ngunit nang magmulat ako ng mga mata ay napabalikwas ako, napatingin ako sa paligid ko.

Gaano naba ako katagal nakatulog? Anong oras na? Dumating naba ang sasakyan at 'yong driver?

Dali-dali akong bumangon ako at nagtungo sa banyo. Naghilamos ako ng mukha, napansin kong may mga extra toiletries na nakapatong sa cabinet ng lababo Kumuha ako ng gagamitin ko. Ipagpapaalam ko nalang mamaya sa Boss ko na nangialam ako ng stocks nya.

Paglabas ko ng banyo ay binalikan ko ang kama na hinigaan ko. Inayos ko ang nalukot na bahagi nito at binalik ang unan sa dati nitong ayos.

Kinuha ko ang handbag ko at naglakad pababa. Tahimik ang paligid, tanging malalakas na patak ng ulan ang naririnig ko mula sa salaming bintana.

"Manang?, " tawag ko sa babaeng katiwala habang naglalakad papuntang kusina.

" Gising ka na pala, " nakangiting salubong ni Manang Linda sa akin.

" Si Sir Ashton po? ," nakakunot ang noo pero nakangiting tanong ko.

" Nasa library sya, iyong silid sa dulo ng pasilyo na ito. Mabuti pa ay puntahan mo sya doon, magtitimpla lang ako mg kape para sa inyong dalawa. "

" Sige po Manang. Thank you po. " agad akong naglakad patungo sa dereksyon na sinabi ni Manang.

Kumatok ako pagkatapat ko sa nasabing pinto. Katahimikan lang, walang tugon.

" Sir Ashton?" kumatok ako ulit pero sinabayan ko ng pagtawag sa kanya.

Wala pa ring sumagot. Pinihit ko ang doorknob, hindi sya naka-lock. Marahan kong tinulak ang pinto.

Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng silid. Library nga ito, may shelves ng mga libro palibot sa kwarto. Maraming iba't ibang klaseng libro ang maayos na nakasalansan dito.

Nahagip ng tingin ko ang isang bulto ng lalake na nakaupo sa sofa. Nakataas ang dalawang paa sa lamesa at payapang nakapikit ang .mga mata.

Marahan akong naglakad palapit dito.

"Sir..? ," malumanay ang boses na tawag ko kasabay nang mahinang pagtapik sa balikat nya.

Mahinang ungol lang ang tugon nya. inulit ko ang pagtapik sa balikat nya. Pero nagulat akong bigla nyang hawakan ang kamay ko sa balikat nya. Nanigas ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko.. Akma kong babawiin ang kamay ko pero nabigla ako ng hilahin nya ito dahilan para mapasubsob ako sa dibdib nya.

Dinig na dinig ko ang tibok ng puso nya pati ang banayad na paghinga nya. Napapikit ako ng mata, ano bang ginagawa nya!

Tatayo na sana ako nang bigla nyang kabigin ang beywang ko palapit ulit sa kanya. This time pagalit ko syang tiningala. Nanadya na ba sya? Pero ganun parin ang itsura nya tulog parin sya at walang kabakas-bakas na nagpapanggap.

Napaka intimate na ng posisyon naming dalawa ngayon kung titingnan. Nakakabingi narin ang sobrang lakas ng heartbeat ko ngayon at nakakapagtakang bahagyang bumilis din ang tibok ng puso nya.

" Nandito na ang kape nyo- ," halata ang pagkagulat sa mukha ni matandang katiwala sa naabutan nyang posisyon namin ni Sir Ashton.

Pinilit kong bawiin ang katawan ko sa matipunong braso ni nakapulupot dito. Napangiwi ako, ambigat ng mga kamay nya. Tinapik ko na ang mukha nya para magising sya at mabitawan ako.

" Hmm, what are you doing? " paos ang boses na tanong nya nang dumilat sya at naabutan nya ang posisyon ko sa kanya.

" Nagtanong ka pa talaga?," masama ang tingin kong bulong sa kanya.

"Bakit di mo kaya ako bitawan!?," asik ko sa kanya.

Sa mga sandaling iyon di ko na inisip na Boss ko sya. Dahil siguro sa sobrang inis at pagkapahiya ko.

Naramdaman kong binitawan nya ako at umayos ako ng tayo. Naglakad ako palayo sa kanya at lumapit ako ako Manang Linda para kuhain ang dala nitong kape.

Nakakapagtakang masayang nakamasid lang ito sa amin ni Sir Ashton pagkatapos nito makabawi sa pagkagulat kanina..

Nakangitong papalit palit ang sulyap nya sa aming dalawa ng pilyong Boss na 'to.

Nang makalabas si Manang Linda ay inirapan ko si Sir Ashton. Nagtatakang nakatingin lang ito sa akin na para bang wala syang inosente sya at wala syang ginawang kapilyuhan kanina.

"Dan, called and told me, na bukas pa magagawa ang sasakyan," kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Paano na kami nito makakauwi? Anlakas pa naman ng ulan.

" And as you see masama rin ang panahon. Kaya nagdecide ako na dito na tayo magpalipas ng gabi. " sinamaan ko sya ng tingin.

" What's wrong, Raf? ," sya naman ngayon ang magkasalubong ang kilay. Parang napipikon na sa sya sa pagtataray ko.

Nagbaba ako ng tingin kahit paano Boss ko sya. Pero naiinis parin ako sa ginawa nya! Di porket Big Boss sya at crush na crush ko sya eh mag ttake advantage na sya sa akin! Leche sya!

" You can stay in my room upstairs. I'll stay here" pormal ang tono na sabi nya sa akin.

Naka pokerface lang ako habang himihigop ng kape. Ramdam kong nakatitig sya sa akin.

" You can borrow some of my clothes, nasa closet ko sa kwarto mamili ka nalang ng comfortable sayo. At ibigay mo kay Manang Linda yang suot mo ngaayon para malabahan nya. ," tumayo na ito naglakad palabas ng library.

Naiwan ako mag isang nagkakape sa library. Tumayo ako at naglakad palapit sa bookshelves. Mataman kong pinagmasadan ang mga libro. Malikot ang mata kong pinasadahan ang mga ito. Until..

" Vióla! I found it! ," nangingiti kong kinuha ang hinahanap ko na libro at umupo ako sa sofa.

Mabuti naman at malilibang ako nito. Komportable akong sumandal sa sofa habang nag eenjoy sa pagbabasa.

"

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Loving you from Afar   Chapter 28

    Sinimulan na ang proyekto ng paaralan sa kabilang bahagi ng isla. Gumayak ang dalaga upang makita ang kaganapan na nagpa abala sa nga taga isla. Mula sa kinatatayuan nya makikita ang malaking tarpaulin ng magiging outcome ng proyekto. Anim na magkakatabing silid at tatlo naman ang silid sa magkabilang panig nito. Mahusay ang pagkakadesenyo, maliit man ay halos kompleto ang facilities. Sadyang napakabuti siguro ng sponsor nito, biglang sumagi sa isip ng dalaga ang pamilya ng nobyo. Dahil ganito rin ang ang proyekto ng pamilya nito sa kanila at nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kapuspalad ngunit determinadong makapag aral. Nahaplos nya ang tyan, nakagawian nya na itong gawin. Naglakad pa ang dalaga para libutin ang lugar. Lahat ay abala, may mga mangilan-ngilang humihinto sa ginagawa upang batiin sya. May nakita syang silungan at mauupuan, tumungo sya doon at sumilong. Tinanggal nya ang suot na malapad na sumbrero. Mula sa pwesto nya tanaw nya ang maliit na improvis

  • Loving you from Afar   Chapter 27

    " Magandang umaga Miss Ela! ," sabay-sabay na bati ng mga bata sa bagong dating na dalaga. " Magandang umaga mga bata! ," masigla din nitong bati nito sa mga bata. " Nais kong matuto kayong isulat ang buo ninyong pangalan sa papel na ipapamahagi ko. Pagkatapos ninyo, ay pagsasaluhan natin ang aking inihahandang almusal. ," Nagsimulang tumayo ang dalaga at namahagi ng papel at lapis sa mga bata. Pagkatapos nya mabigyan ang lahat ng bata ay binilinan nya itong magsulat ng tahimik. Pagkatapos ay bumalik na sya kung saan sila nagluluto ng pagkain na ihahain sa mga bata. Nandoon ang ibang nag volunteer na magulang na tumutulong sa kanya sa pagluluto. " Mukha pong may gagawing malaking proyekto sa kabilang bahagi ng isla? Marami raw pong mga kalalakihan dito ang kinuha bilang manggawa doon. ," tanong ng dalaga sa mga kasamang abala sa pagluluto ar paghahanda ng mga rekado. " Ang balita ay may isang good samaritan ang nagsponsor sa pagpapatayo ng paaralan dito sa isla. ," kwento

  • Loving you from Afar   Chapter 26

    " Good morning, Sir Ashton. ," bati ni Dom sa binatang maaga palang ay mukhang delubyo na ang itsura. " Have a sit, Dom. ," walang buhay na utos nito sa kaharap Pinatawag nya ito sa opisina nya. " May balita ka naba kay Rafaela? ," tanong nito sa kaharap. Umiling si Dom, bagsak ang balikat na napapikit ng mariin si Ashton. Nakaraang buwan ay sinamahan sya nito umuwi sa probinsya nila Rafaela at doon nya nakilala ang magukang at mga kapatid ng nobya. Ayun sa mga ito ay nagpadala ng malaking halaga ang nobya nya at nagsabi na magbabakasyon muna ito. Kung kaya't kampante sila na nasa maayos na kalagayan si Rafaela. " Para na akong mababakiw, Dom.. Sobrang nag aalala na ako sa kanya at sa dinadala nya . ," bakas ang labis na pag alalala sa tinig nito. " Hindi ko naisip na magagawang maglaho ni Rafaela ng ganun. Kahit katiting na bakas wala syang iniwan. ," " Mabuti nalang nakaoaglagay ako ng malaking halaga sa vault nya sa apartment. Kahit paano ay may nadala sya, inaal

  • Loving you from Afar   Chapter 25

    Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang ingay na maririnig sa kinaroonan nya. Mula sa kinauupuan nya ay kitang kita nya ang palubog na araw na unti-unting kinakain ng malawak na dagat. Pinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata. Katahimikan... Iyon ang nasumpungan niya sa lugar na ito. Ngunit sadyang di patas ang mundo, dahil ang kapalit ng katahimikang nasumpungan ay ang kalungkutan na kumakain sa buong sistema ng nya. Marahan nyang hinaplos ang maliit na umbok sa puson nya. Kinausap ito na para bang katabi nya lamang ang maliit na buhay sa loob ng sinampupunan nya. " Anak.. Dito walang mang aapi sa atin.. Walang mangmamata at walang mananakit pa. ," hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha nya bago nagsalitang muli. " Wala man akong yaman tulad nila pero bubusugin kita ng pagmamahal ko.. ," bulong nito habang hinihimas ang tyan. Bago pa man dumilim ay naglakad na ito sa buhanginan na pandaliang iniwan ng tubig dagat. Tinuntun ng mga yaak nya ang daan pabalik sa ku

  • Loving you from Afar   Chapter 24

    " Ashton! Why are you acting like that? ," sita ni Frank sa kapatid matapos ntong iwasan ang yakap ng Mommy nila. " Hindi ka na nga nagpapakita dito ng ilang linggo ganyan ka pa umasta! ," segunda ni Lucas. " Why don't you ask our good mother what she did? ," galit na sagot ni Ashton. Napatingin ang lahat sa Ginang. " I'm trying to protect you, son! ," depensang sagot nito sa anak na matalim ang tingin sa kanya. " Protect from whom? Rafaela? Or from my innocent child? ," ngising tanong ni Ashton sa ina. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ashton, maging ang ina nya ay halatang nabigla din sa huli nitong sinabi. " What are you two, talking about? ," naguguluhang usisa ni Benedict ama ni Ashton. " Oh, yeah, in case you didn't know the story. Here it is: once upon a time, there was a girl named Rafaela who used to work as an assistant to my secretary. She was a young and innocent woman who made me fall in love in the hardest way I could ever imagine. We created a world of o

  • Loving you from Afar   Chapter 23

    " Baby... Please forgive me.. I am really sorry... ," paulit-ulit na usal ni Ashton habang hawak nito ang kamay ng nobya. Nawalan ito ng malay habang kinokompronta ng Mommy nya sa mismont opisina nya. Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at nurse na tumingin sa nobya. " Are you the husband of the patient? ,," tanong nito sa kanya. " Yes, I am.," mabilis na sagot ni Ashton. " Your wife is three weeks pregnant.," imporma ng Doctor sa kanya. " P-pregnant? Rafaela is pregnant?! ," ulit nito sa sinabi ng Doctor. " Yes, Mr-? ," " Mr Ortega ," dugtong ni Ashton. " Well Mr Ortega, your wife had a spotting earlier and luckily naitakbo mo sya agad dito kaya naagapan si baby. Baby is safe now. Pero kapag naulit muli ito may posibilidad na makunan si Misis. ," nakuyom ni Ashton ang kamao nya, dahil sa ginawa ng mommy nya muntik pa mapahamak ang mag ina nya. " Masyadong na pressure at na stressed si Misis kaya sya nagspotting. Iiwasan ma stressed si Misis ulit, medyo nasa maselan

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status