Stephanie
"Stephanie mata lang ang nakuha ng mga bata sayo" bulong ni Gichelle habang pinagmamasdan ang kambal na lantakan ang panibagong ice cream na binili ni Gichelle para sa kanila "Confirm 100 percent anak nga nung si Lucian, kahit hindi na kailangan ng DNA test isang tingin pa lang alam mo nang anak nga ni Lucian" pag iingay niya sa akin "Huwag mong isigaw marinig ng mga bata" ani ko sa kaniya Kasalukuyan kami ngayong narito sa isang karinderya para kumain ng pananghalian, hindi naman namin afford ang mamahaling restaurant lalo na at marami pa akong babayaran para sa mga gamot na kailangan ni Abby "Hindi mo ba na ikwento sa mga anak mo ang tungkol sa tatay nila?" Tanong niya saakin kaya umiling ako habang nilalaro lamang ang pagkain sa pinggan Ngayong pinag uusapan na namin ito, para akong nanghihina "ANO?" bigla niyang sigaw dahilan para maagaw niya ang atensiyon ng lahat sa karinderya Agad kong tinakpan ang bibig niya at nahihiyang sumulyap sa mga tao sa paligid "Nahiya kapa hindi ka nalang nag microphone" sita ko sa kaniya habang masama ang tingin "Tita Chelle why are you shouting po?" mahinahong tanong ni Ally na itinigil ang pagkain sa ice cream "I think she smell putok somewhere" bulong na pasigaw naman ni Abby na nilalantakan naman ang oreo cookies na nasa ice cream cup, iniiwasan ko ang pakainin siya ng ice cream dahil sa asthma niya "Sorry sorry, hindi na sisigaw si tita" paghingi nito ng paumanhin kaya bumalik sa paglantak sa pagkain ang dalawa "Seryoso kaba? Hindi ka naa-awa sa mga anak mo lumaki silang walang tatay?" aniya kaya ngumuso ako "Hindi mo ako naiintidihan, hindi ko kilala ng maayos ang tatay nila at isa pa alam mo naman na hindi tayo sigurado kung masamang tao yung Lucian na yo, paano kung may gawin siyang masama sa kambal kapag nalaman niya ang tungkol sa kanila" aniko at bumuntong hininga siya "Tama ka naman, pero kasi kung ako ang nasa posisyon ng kambal hahanap at hahanapin ko ang tatay ko" ani nito kaya napakagat ako ng labi "Kamusta pala ang lola?" pag-iiba ko ng usapan namin dahil lumalalim na ng lumalalim ang pinag uusapan namin "Ayos naman siya, malaking tulong si Lucian sa paggaling ni lola kasi dinala niya sa mas maayos na hospital si lola kaya ngayon maayos parin ang kalagayan niya kahit na tumatanda na siya at nanghihina na din" pag-kwento nito saakin kaya nakahinga ako ng maluwag "Mabuti naman at walang masamang ginawa sa inyo ang lalaking iyon" sagot ko "Dalawang beses ko lang siya nakita pagkatapos nang pag-alis mo, hindi nga siya dumadalaw sa hospital ni lola eh basta siya lahat ang gumagastos ng mga bills sa hospital" ani nito kaya nagtaka ako Bakit niya tinutulungan si lola sa paggaling niya? May koneksiyon ba siya kay lola o ano? Naguguluhan ako "Nga pala, dapat ay bisitahin niyo rin si lola. Antagal niyo nang hindi nagkikita, para narin maipakilala mo sa kaniya ang kambal. Huwag kang mag-alala, wala naman roon si Lucian kaya ligtas kayo" pagsigurado saakin ni Gichelle kalaunan Pagkatapos naming mananghalian ay tumuloy nga kamisa hospital kung saan naroon si Lola, malaki ang hospital at mukhang mga mayayaman lang talaga ang nakakapasok sa lugar na ito. Napalunok ako at sinulyapan ang paligid, tahimik ang kambal at may sarili silang mundo habang papasok kami sa loob ng hospital "Nasaan ba ang kwarto ni Lola?" tanong ko kay Gichelle habang sinusulyapan ang paligid "Nasa pinakataas na building, sa may VIP section ang lola" sagot nito at binuhat si Ally ng makitang nahihirapan na itong maglakad Tumayo ang aking balahibo ng makarating kami sa lobby, ramdam na ramdam ko ang mga titig. Sinubukan kong lumingon sa paligid ngunit wala ni isa ang pumapansin saamin, pero hindi nakatakas sa akin ang kakaibang kilos ng mga gwardiyang naka itim na mga nasa sulok. Hindi ko nakikitang pinagmamasdan nila ako ngunit kakaiba ang mga presensiya nila, parang may kakaiba "I'm sorry ma'am pero hindi puwedeng pumasok ang hindi ka ano ano ng pasyente sa kwarto" Napalingon ako sa mga staff ng hospital na kausap si Gichelle ngayon "Pinsan ko ang babaeng ito at siya ang nag iisang apo ng pasyente sa kwartong iyon" pakikipag away ni Gichelle "I'm sorry po ma'am pero ayun ang utos ni Mr---" hindi natapos sa pagsasalita ang babae ng may lumapit na lalaki "What's the matter here?" tanong ng lalaki na naka suot ng Lab gown at mukhang isang doctor "Doc, pinipilit po nilang magpa pasok ng ibang tao sa room ni Mrs. Sawit sa VIP room" sagot ng babae Binalingan ako ng Lalaking doctor at pinagmasdan ako "What's your name Miss?" tanong nito saakin Nag dalawang isip pa akong sabihin sa kaniya ang pangalan ko pero baka mas lalo lang akong hindi papasukin kapag hindi ko sinagot ang kaniyang tanong "S-stephanie Andres, ako ang apo ni Mrs. Sawit" sagot ko sa mahinang boses, pakiramdam ko kasi ay maraming mga tenga ang nakikinig saamin Biglang ngumisi ang lalaki at tumango "I'm sorry Ms. Andres but you're not allowed to enter the patient's room, pero puwede mong pakiusapan ang guardian ni Mrs. Sawir kapag nagkita na kayo" sagot nito saakin at umalis sa harapan ko, nakita ko pa kung paano niya ilagay sa tenga ang cellphone niya at mukhang may tinawagan Lumakas ang kabog ng dibdib at ramdam kong may kakaiba talaga Sa huli ay umalis na lang kami sa hospital, nagmamakatol ang dalawang mag tita habang si Ally at ako ay tahimik lamang "Nakakainis, hindi niyo tuloy makikita ang lola ninyo" ani ni Gichelle habang nakanguso "I will take revenge to them tita, don't worry. I will use my power and destroy them and everyone" sagot naman ni Abby habang naka pose pa ng pang spiderman Minsan ay napapa isip ako kung siya ba talaga ang may asthma sa kanilang dalawa ng kambal niya dahil sa dami ng energy niya Sa huli ay naisipan na din naming umuwi sa unit ni Gichelle para magpahinga pero nagpaiwan ako at pinauna na sila dahil bibili pa ako ng mga gamot ni Abby sa drug store "Mag iingat kayo, Gichelle ikaw na ang bahala sa kanila. Susunod nalang ako sa inyo" paalam ko habang hinahalikan ang nuo ng kambal, naka yakap pa sa binti ko si Abby na akala mo ay spiderman talaga "Mommy, don't worry i'll use my defense to protect tita Chellot and Ally, walang makakapigil saakin yeahhh" paglalaro nito sa hita ko "Oo na bye na ingat kayo, Ally bye anak" pagpapaalam ko sa kanila at pinanood na sumakay sila sa taxi Ng tuluyan silang makaalis ay saka ako bumuntong hininga, nilabas ko ang aking wallet at binilang ang natitira kong pera roon. Hindi ko alam kung magkakasya paba ito Narinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa aking harapan kaya nagtataka akong nag-angat ng tingin at nakita ang isang itim na van, bigla itong bumukas at hinila ako ng isang lalaking naka itim Sobrang bilis ng pangyayari at hindi agad ako nakapag react "Sino kay--ghhhj" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa panyong tumakip sa aking ilong at mabilis akong nawalan ng malay ngunit bago ako tuluyang maka idlip ay narinig ko ang boses "Sir, nakuha na po namin siya. Papunta na po kami ngayon diyan"Eto na po yung end of the story, sana po ay na enjoy ninyo ____________________________________________________________________Ang simbahan ay puno ng puting mga bulaklak at mahahabang ribbons na kumikislap sa liwanag. Ang hangin ay tahimik at puno ng kaligayahan, at ang mga bisita ay dahan-dahang pumapasok. Ang mga bintana ng simbahan ay may makulay na salamin na naglalabas ng malambot na liwanag, parang isang eksena mula sa panaginip. Ngayon na ang araw na matagal nang pinakahintay nina Abby at Rafael—ang araw ng kanilang kasal.Si Abby ay nakatayo sa gilid ng altar, ang puso niyang mabilis ang tibok. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaligayahan na nararamdaman. Matapos ang lahat ng nangyari—ang mga pagsubok at sakit—narito siya, nakatayo, at handa na pakasalan ang lalaking hindi iniwan siya, si Rafael.Ang puting gown ni Abby ay kumikislap sa liwanag, tamang-tama sa katawan niya. Ang buhok niya ay nakaayos nang maayos, at ang simpleng belo na bumabagsak sa kanyang likod ay nagbiga
Abby’s POVBumangon ako mula sa pagkakahiga, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa katawan ko, pero mas magaan na ang pakiramdam kumpara sa mga unang araw ng aking paggaling. Nakaharap ako sa bintana ng kwarto, ang liwanag ng araw ay tila nagpapasigla sa aking puso. Nasa tabi ko si Rafael, tahimik na nag-aalaga at tumutulong sa lahat ng kailangan ko. Minsan, tinatanggal niya ang mga ulap ng takot at pangarap ko, pinapalitan ito ng mga pangako ng pagmamahal at proteksyon.“Puwede na akong maglakad, Rafael,” sabi ko habang nagbabalik-loob sa sarili kong lakas. “Hindi na ako laging nakahiga.”Tumingin siya sa akin ng may alalahanin sa mata, pero ngumiti rin. "Are you sure?." Ngunit nang makita niyang tumayo ako nang maayos, wala siyang magawa kundi ngumiti at magbigay ng suporta. "Baby you still need to rest"Kahit na may kahirapan, unti-unti kong natutunan kung paano maglakad ng mag-isa, at sa bawat hakbang, mas naramdaman ko ang kagalakan na muling magpatuloy sa buhay. Sa tuwing ako’y nag
Abby’s POVAng bigat ng talukap ng mga mata ko, parang hinihila ako pabalik sa dilim. Pero sa likod ng kadiliman, may naririnig akong boses. Isang pamilyar na tinig—malalim, puno ng emosyon, at pilit na pinipigil ang paghinga.“Abby... please... gising ka na...”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa una, malabo ang paligid, pero unti-unting luminaw ang kwarto. Ang puting kisame, ang ilaw sa gilid ng kama, at ang mukha ni Rafael—halos hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya.“Rafael...” mahina kong sambit, halos isang bulong lang.Parang biglang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pagbabago sa mukha niya. Ang takot, pagod, at bigat na kanina’y nakaukit sa kanyang mga mata, napalitan ng matinding pagluwag. Agad siyang yumuko, hinawakan ang kamay ko nang mahigpit na para bang natatakot siyang mawala ulit ako.“Abby...” boses niya’y nanginginig. “You’re awake... you’re okay...”Ngumiti ako nang mahina. “Buhay pa ako, Rafael. Hindi mo ako basta-basta matatalo.”Bigla siyang napabun
Habang nakaupo sa waiting area ng ospital, hindi mapakali si Rafael. Palakad-lakad siya, paulit-ulit na kinukusot ang kanyang mga palad habang ang malamig na pawis ay bumalot sa kanyang noo. Sa bawat segundo na lumilipas, tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Ang imahe ni Abby na duguan at walang malay ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na tinamaan din ng baril ni Dana si Abby kanina, ang akala niya ay napigilan nila ito pero nahuli sila“Abby… please be okay,” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig ng sino man sa paligid.Nang biglang bumukas ang pinto, tumambad si Lucian, mabilis na pumasok sa waiting area. Nasa likuran niya si Stephanie at Ally, parehong halata ang kaba at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Subalit si Lucian ang pinakamapanganib sa itsura. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit habang ang kanyang mga kamao ay nakatikom, halatang puno ng hinanakit.“You promised me, Rafael,” ani Lucian, malalim at puno ng galit ang boses.
Habang binubuhos ang malamig na tubig sa kanyang ulo, ramdam ni Abby ang panghihina ng kanyang katawan. Nanginginig siya sa lamig, at ang sakit sa kanyang mga binti ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa kabila nito, patuloy niyang pinipilit na manatiling mulat. Para kay Biah.“Dana, tama na... gawin mo na lahat sa akin, pero huwag mo nang idamay ang anak ko,” bulong ni Abby, halos hindi marinig sa kahinaan ng kanyang boses.Ngunit tila bingi si Dana. Lumapit ito kay Abby at hinila ang kanyang mukha para magkatitigan sila. “Nakakainis, Abby. Kahit na anong gawin ko, para kang laging martir. Naiinis ako sa tapang mo, sa pagmamahal mo sa anak mo! Pero tignan natin kung hanggang saan mo kaya.”Muling iniabot ni Dana ang timba, pero biglang nagsalita si Biah, halos pasigaw. “Please po! Tama na po! Tita Dana, huwag mo nang saktan si Mommy! Ako na lang po ulit!”Napatingin si Abby sa anak. Sa kabila ng takot sa mga mata nito, kitang-kita niya ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kany
Habang abala sina Rafael at ang team ng ama ni Abby sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Biah, biglang tumunog ang cellphone ni Abby. Nasa gitna siya ng sala, nakatitig sa isang blangkong pader habang pinipilit kontrolin ang kaba sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang telepono at binasa ang natanggap na mensahe.“Kung gusto mong makita ang anak mo, pumunta ka sa address na ito. Mag-isa ka lang. Kapag may sumama sa’yo, papatayin namin siya.”Parang natuluyan nang nagdilim ang mundo ni Abby. Ang mga kamay niya’y nanginginig habang hawak ang telepono. Ramdam niya ang bigat ng banta. Hindi siya makapagsalita. Niyakap niya ang sarili, pilit na nilalabanan ang takot."Abby, anong nangyari?" tanong ni Rafael, napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Lumapit ito, halatang nag-aalala.“Wala… wala,” mabilis na sagot ni Abby, pilit na pinapakalma ang boses niya. Tumayo siya, mabilis na nilihis ang tingin para maitago ang lungkot at kaba. “Kailangan ko lang umakyat sa kwarto. Sa
Pagkarating nila Rafael at Abby sa bahay, umaasa si Abby na magkakaroon sila ng isang tahimik na lunch kasama si Biah. Ngunit pagkapasok nila sa pinto, isang hindi inaasahang tanawin ang sumalubong sa kanila—ang mga kasambahay na karaniwang kalmado ay kitang-kitang nag-aalala, ang mga mata nila'y puno ng takot."Ano'ng nangyari?" tanong ni Rafael, ang boses ay matalim, puno ng utos.Nagmadaling lumapit ang head maid, kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha. "Sir, Ma'am... Si Biah... nawawala po siya. Nandiyan lang siya kanina, pero nung marinig namin ang sigaw niya, tinanong namin siya... at wala na siya. Isang sasakyan po ang dumaan at... at tinangay siya bago pa kami makarating."Ang mundo ni Abby ay biglang nabulabog. Ang mga salitang iyon ay parang dagok sa kanyang dibdib. Nawawala si Biah? Parang ang lahat ng hangin ay nawala sa kanyang katawan. Lahat ng kanyang mga pandama ay parang huminto. Hindi makapaniwala na mangyayari ito sa kanila. Ang kanilang anak, ang kanilang prinsesa,
Habang nag-aalala si Abby kung anong gagawin, lumapit si David at nagtanong, "May kailangan ka po ba?" Tiningnan siya ni Abby, at hindi niya maiwasang mag-isip kung anong klaseng galit ang maaaring ipadama ng mga tao sa paligid ni Rafael sa kanya. Alam niyang busy siya at hindi siya nais makialam sa trabaho ni Rafael, kaya nagdesisyon na lang siyang ipasa na lang kay David ang lunch na dala niya para kay Rafael."Ah, kung okay lang , maaari niyo na lang pong dalhin ang packed lunch kay Rafael," sabi ni Abby, medyo nahihiya pa. "Siguro masyadong busy siya sa trabaho at ayokong mag-abala."David, na may malumanay na ngiti, ay tumango. "Walang problema. I’m sure he’ll appreciate it." Tumingin siya kay Abby, at nagtanong ng hindi inaasahan, "I just have to ask, what’s your relationship with Mr. Rafael?"Sumabog ang katahimikan sa tanong na iyon, at si Abby ay medyo nagulat. Hindi niya naisip na magiging ganito kabilis ang pagtatanong ni David tungkol kay Rafael, ngunit nagdesisyon siyang
Nagising si Abby sa malumanay na halik sa kanyang pisngi at leeg. Hindi pa siya makapagmulat ng mata, ngunit naramdaman niyang nakayakap si Rafael sa kanya. Habang binabati siya ng mahinang, "Baby, I'm going to work now. I know you're still asleep, but I want to kiss you before I go," unti-unting nawala ang antok ni Abby at ngumiti sa nararamdaman niyang pagmamahal. "Love you," sabi ni Rafael bago siya lumabas ng kwarto. Si Abby ay bumalik sa pagtulog, at dahil sa pagod, ilang oras pa bago siya muling magising. Pagkagising niya, agad niyang narinig ang ingay mula sa sala, at sa tunog ng mga tawa at boses ni Biah, agad niyang naisip kung ano ang nangyayari. Nagtungo siya sa banyo at nag-ayos, ngunit hindi siya makapaniwala nang makita ang dami ng mga sling bags na nakakalat sa sala. "Ate, saan galing ang mga 'to?" tanong ni Abby, nakatingin sa mga sling bags na abot sa mga daliri ng anak niya. Ang mga ito ay puno ng kulay at mukhang para kay Biah. Tinatantiya niyang nasa dalawampu't p