[RANN]
Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin.
Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko.
Tahimik ko lang na pinag mamasdan ang payapang pag-agos ng tubig sa sapa habang nakasandal ang katawan ko sa nag-iisang puno ng manga na nakatirik sa tabi mismo ng sapa. Ito ang unang beses na hinayaan ako ni Tanya na makapag pahinga muna sa pag-aaral kaya naman sinulit ko na at dito ko ginugol ang aking pag-guhit. Dala ang sketch pad at lapis na ibinigay sa akin ni Damon, sinimulan kong iguhit ang mga imaheng ilang beses ko nang nakikita sa panaginip ko.
"Is that a demon or an angel?" Napapitlag ako nang may biglang nasalita sa mismong tenga ko. Agad akong napatayo at gamuntikan nang mawalan ng balanse dahil sa biglaang pagtayo ko. Mabuti nalang at mabilis akong nahigit ng lalaking dahilan ng pagka gulat ko.
"Careful there." Nakahinga ako ng maluwag nang nakatayo ako ng maayos at binitiwan niya na ang braso kong hinila niya kanina. Agad ko siyang tinignan ng masama dahil sa nangyari. Tumawa lang naman siya saka niya itinaas ang dalawang kamay niya, indikasyon na sumusuko siya sa kung ano mang argumento na maaring sambitin ko sa kaniya.
"Ano bang problema mo? Bakit ka nang-gugulat?" Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya. Isang linggo na simula nang ipakilala siya sa akin ni Damon at isang linggo na rin simula nang makaramdam ako ng kakaiba sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ito kagaya ng sa mga taong nagkaka gusto sa iba, iba ang nararamdaman ko dahil sa tuwing nahuhuli kong tinitingnan niya ako ay pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ang buo kong pagkatao.
Pakiramdam ko ay alam niya kung ano man ang itinatago ko.
"Spyru…."
Ngumisi siya saka iniabot sa akin ang sketch pad ko na hindi ko namamalayang nasa kamay na niya pala. Agad ko namang hinablot iyon at niyakap nang mahigpit. "Ano bang kailangan mo?," tanong kong muli sa kaniya. Ngumisi lang siya at saka ako muling tinitigan.
"I knew it. Sabi ko na nga ba at pamilyar ang mukha mo." Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti at saka nag simula nang maglakad pabalik sa mansion. Hindi ko naman maiwasang hindi mapakali sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang pamilyar ang mukha ko? Nagkita na ba kami noon?
"Damon's looking for you. Mukhang may pag-uusapan nanaman kayo ng kapatid ko," nakangising sambit niya nang nilingon niya ako ng bahagya. "By the way, fallen angel ba yang dino-drawing mo? It kinda reminds me of someone," saad niya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong pinag sasabi mo?" Iritado kong tanong pero hindi na siya nag salita at nag patuloy na sa paglalakad pabalik ng mansion. Hindi talaga ako mapakali sa tuwing nakikita ko siya. Pakiramdam ko ay hindi rin ako ligtas sa tuwing magkasama kaming dalawa o sa tuwing lalapit man siya sa akin.
Ilang saglit pa ang hinintay ko bago ako nagdesisyong bumalik ng mansion.
"So ibig mong sabihin, ngayon mo lang din siya nakilala pero inaya mo na siya kaagad na maging asawa? Are you out of your mind, Damon?" Napa hinto ako sa pinto nang madinig ko ang boses ni Spyru. Mukhang kausap niya si Damon.
"Ni hindi mo man lang ako kinunsulta? Bigla kang nawala ng Maynila, ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, maski email mo ay hindi mo binubuksan. Nagmamakaawa na sa akin ang sekretarya mo na pabalikin ka na ng Maynila dahil tambak na ang mga papeles na kailangan mong ireview at pirmahan doon." Halata ang iritasyon sa boses ni Spyru. Hindi ko tuloy alam kung papasok pa ba ako o hahayaan ko muna silang mag-usap.
"Kaya ako bumalik dito ay para kumbinsihin kang bumalik at kalimutan na lang ang kung ano mang binabalak mo, pero ano itong nadatnan ko? Asawa? Nag-uwi ka ng isang babaeng hindi mo naman talaga kilala at saka mo ipinakilala kila Tanya bilang asawa mo?" Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Alam kong ako na ang pinag-uusapan nila ngayon.
"Pagkakataon ko na siguro ito para malaman ang dahilan kung bakit nga ba niya ako inayang maging asawa niya," bulong ko sa sarili ko. Alam kong hindi tama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko maiwasan ang kuryusidad ko.
"Just leave me be Spyru. Hayaan mo muna ako dito sa probinsya. Hayaan mo muna akong makapag isip-isip," boses naman ngayon ni Damon ang naririnig ko. Ang malumanay ng boses niya habang kausap niya ang kapatid niya.
"How? Paano kita hahayaan kung ito nga ang madadatnan ko? Damon alam kong malungkot ka, pero hindi mo naman--"
"SHUT UP!" Halos mapatalon ako sa lakas ng boses ni Damon. Pakiramdam ko ay maski puso ko ay tumalon rin nang marinig ko ang boses niya. Dumagundong ba naman ito sa loob ng buong salas ng mansion.
"I know what I'm doing okay? Hindi na ako bata na kailangan mong pag sabihan ng tungkol sa mga magiging desisyon ko. Kung talagang mahal mo ako bilang kapatid mo, irerespeto mo ang desisyon ko at susuportahan mo ako!" Napahigpit ang hawak ko sa sketch pad ko at dahan dahang pumasok sa loob ng mansion. Doon lang natigil ang magkapatid sa pag-uusap nila. Tahimik lang kaming tatlo na nandoon pero dama ko ang bigat ng tensyong kanina lang ay namumuo na sa pagitan nilang magkapatid.
"Tama ba ang desisyon kong pumasok?" Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang naging pag pasok ko. Ilang saglit pa ay tumikhim si Damon at saka nagsimula nang maglakad paakyat ng hagdan. Kami na lang tuloy dalawa ni Spyru ang naiwan dito. Tinignan niya ako ng masama at saka inis na nagtungo sa kusina.
"Ano bang problema ng dalawang yun? Sa isang banda, magkapatid nga sila. Parehas silang madaling mag-iba ng mood" halos mapanguso ako sa naisip ko. Humugot muna ako ng isang buntong hininga bago ako nag desisyong sundan na lang si Damon sa aming silid.
Madilim ang buong silid nang pumasok ako, at tanging ang ilaw lang na nanggagaling sa tabi ng kama namin ang nag sisilbing ilaw ni Damon. Doon ko siya nakita, nakasandal siya sa "headboard" ng kama at habang suot niya ang roba niya. Suot niya ang salamin niya at mukhang nagbabasa nanaman siya ng libro niya.
Kinatok ng ng mahina ang pinto at napalingon naman siya sa gawi ko.
"Ano?," iritado niyang tanong. Napabuntong hininga akong muli at saka naglakad papalapit sa kaniya. Umupo ako sa kama at saka bumuntong hininga.
"Kung yan lang ang gagawin mo, lumabas ka na lang muna o kaya matulog na lang. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wag mo nang isipin pang gumawa ng ikaiinit nito lalo," iritadong sambit niya pero hindi ko na lang iyon pinansin at saka siya nilingon.
"Mukhang nag-awat kayo kanina ng kapatid mo," panimula ko, sinisilip ko ang magiging reaksiyon niya pero nanatili lang siyang tahimik at salubong ang mga kilay. Bumuntong hininga muna ako bago muling nag salita. "Dinig ko mula kila Gael na may pista raw sa bayan…," huminto muna ako saglit at saka nagdasal na sana ay hindi niya masamain ang sunod kong sasabihin.
"Nais mo bang mamasyal sa nayon bukas?"
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si