[SPYRU]
"Damon! Tignan mo! Naisulat ko na ng buo ang mga pangalan ng mga tao dito sa mansion!" Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilag ko nang marinig ko ang boses ng aking hipag habang tuwang-tuwa na ipinapakita kay Damon ang papel na sinulatan niya ng mga pangalan naming lahat na naririto sa mansion. Inayos naman ni Damon ang salamin niya at saka tinignan ang papel. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa papel na binigay ng kaniyang asawa.
"Heh? Not bad. Maayos rin ang hand writing mo," sambit ng kapatid ko at saka binigyan ang asawa niya ng head pat. Awtomatikong gumulong ang mga mata ko sa senaryong nakikita ko sa harapan ko. Hindi ko alam pero talagang hindi ko gusto ang nararamdaman ko patungkol sa babaeng inuwi ng kakambal ko sa mansion.
"Mabilis ka naman pa lang matuto eh. Eto naman, subukan mong i-solve ang mga math equation na ito. Simple lang iyan, ipakita mo sa akin mamaya kapag tapos ka na. Okay?" Napa iling ako. Ibang-iba ang tono niya habang kinakausap niya ang mortal na ito. Hindi ko tuloy ma-ikalma ang sarili ko na isipin kung ano ang nangyari sa bayan nang lumabas silang dalawa kahapon. Ilang saglit ko pa silang pinanood saka ako umirap at nagpasya na lang na lumabas ng salas. Nangingilabot ako sa nakikita kong acting ng damuho kong kapatid.
"Hindi ko lubos maisip na nag-uwi talaga siya ng babae. Oo, alam kong matagal nang narito ang mortal na iyon pero hindi ko pa rin kayang ikalma ang sarili ko, " yamot na sambit ni Tanya habang marahas na pinag bubunot ang mga kawawang damo na nasa hardin ng manaion namin. Bumuntong hininga muna ako at saka naupo sa gazebo ng hardin. "It's no use acting like that Tanya. You know my brother, once na nag decide siya, gagawin niya talaga and hindi niya an lang iisipin kung maganda ba ang magiging dulot non o hindi, " yamot ko ring sambit habang nakahalukipkip pa.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. Kung minsan talaga ay hindi ko maisip na isa siyang servant sa pamilya namin. I mean, back in Erebus, palaging ang nakatatandang kapatid lang namin ang kasa-kasama niya. Kaya siguro malakas ang loob niyang singhalan kami ni Damon kahit na parehas kaming mas mataas sa kaniya.
"Bakit kasi hindi mo siya kinausap ng masinsinan? Alam mo namang hindi tayo maaring tumanggap ng mga kagaya ni Rann dito sa bundok, lalo na dito sa mansion--"
"That's my brother's decision, Tanya. Like what he told me, irespeto na lang natin ang desisyon niya para walang away. Alam mo namang hindi nagpapatalo sa argumento ang isang iyon." Sabay na gumulong ang mga mata namin ni Tanya matapos kong sabihin iyon.
"Bakit hindi niyo na lang muna tingnan kung maganda ba ang idudulot ng mortal na iyon kay Master Damon bago kayo magmukmok d'yan?" Sabay kaming napatingin ni Tanya sa nagsalita, si Sebastian na may hawak na tray, mukhang dinalhan niya kami ng merienda dito. Ngumiti siya sa aming dalawa at saka marahang inilapag ang tray ng pagkain sa harapan ko.
"Anong ibig mong sabihin, Seb? Mortal ang babaeng iyon. She's a complete stranger to us. How can we--"
"Just take a look, " saad ni Sebastian at saka iginiya ang kamay niya sa gawi nila Damon at Rann na nasa kabilang bahagi na pala ng hardin. Kung titignan ay para silang may sariling mundo, mundo na walang ibang laman bukod sa kanila kung hindi katahimikan at matitingkad na kulay.
Muli ko nanamang naramdaman ang hindi kaaya ayang pakiramdam na nasa kaibuturan ng aking puso. Hindi ko maiwasang kabahan habang pinapanood silang mag-asawa. Kita ang ginagawang korona na Rann gamit ang mga pinitas niyang mga bulaklak mula sa mga tanim ni Gael. Masuyo lang siyang pinapanood ni Damon. "Look at Master's eyes and expression, mas maamo na ito ng bahagya kesa sa dati, " muling saad ni Sebastian.
"Ang cute kaya nila, " komento naman ni Mirai na nakatitig rin pala sa kanilang dalawa. Para kaming nanunuod ng drama sa hitsura naming ito at hindi ako natutuwa sa isiping iyon. Bitter na kung bitter pero hindi ko gusto ang awrang nararamdaman ko sa babaeng iyon.
Kita pa ang pag senyas ni Rann kay Damon na yumuko siya dahil tapos na ang koronang bulaklak na ginawa niya, lalong nagtaas ang kaliwang kilay ko nang sumunod naman sa kaniya si Damon. Yumuko ito at may papikit pa ng mata.
Gross
"Haaah, iyan ang when, " natatawang komento ni Gael habang nakasandal pa kay Sebastian na siya namang nakangiti sa habang pinapanood ang dalawa. Umirap ako at saka binalingan si Tanya at kita ko ang pagka gulat sa mga mata niya. "He smiled, " mahinang bulong niya pero sapat na para madinig ko. Agad akong lumingon sa gawi nina Damon at kiang kita ko ang pag ngiti ng kapatid ko. Halos hindi ako makapaniwala.
Sa loob lang ng isang gabi, nagawa niyang paamuhin ang literal na demonyo kong kakambal. Sino ka ba talaga Rann? Anong pinakain mo sa kapatid ko at parang bigla siyang umamo sa iyo?
Iyon ang unang pagkakataon na nakita kong muli ang masuyo niyang ngiti, magbuhat nang mawala sa amin ang kapatid namin, hindi na siya muling ngumiti. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong hindi maganda ang ipinapahiwatig nito pero hindi ko rin magawang hindi pagtuunan ng pansin ang ngiti ng kakambal ko.
"See? What if Rann is the one?" Napalingon ulit kami kay Sebastian. "What do you mean?" I asked. Tinignan niya lang ako at saka ngumiti saka muling ibinaling ang tingin sa mag-asawa. "What if siya na pala ang maghihilom sa puso ni Master Damon? Sa tagal ng panahong nag silbi ako kay Master Damon, ito ang pinaka unang pagkakataong nakita ko siyang ganiyan kakalmado, " sambit niya at masuyong pinanood ng dalawa s di kalayuan. Damon's giving her head pats again.
"Let's give her a chance," malumanay na sambit niyang muli at saka kami tinignan ni Tanya. "Pero--, " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang awra ni Sebastian. "Hayaan muna natin siyang pasayahin si Master. Gawin natin ang lahat para masigurong hindi masasaktan si Master. At kung sakali mang mangyari nga iyon..." napalunok ako nang unti-unting magbago ang ekspresyon sa mukha ni Sebastian. "Ako mismo ang maghahatid kay Rann sa kabilang buhay. "
**
Piano.
Nilingon ko ang gawi ng mansion, tunog iyon ng grand piano na madalas tugtugin ni Damon sa tuwing bilog ang buwan. Sa tuwing tumutugtog siya nito ay awtomatikong may dugong pipinta nanaman sa mga tuyong dahon ng kagubatang ito. Hindi ko tuloy maiwasang mapa buntong hininga.
"Sigurado ka bang malaki ang makukuha nating premyo kapag may nahuli tayong kung ano man dito?" Tanong ng isang lalaki sa kasama niya. Gumulong na namang muli ang mga mata ko at saka bagot na sumadal sa puno habang nakaupo ako sa sanga nito. Patuloy lang na naglalakad ang mga lalaking ito sa gitna ng gubat, paakyat sa mismong tuktok ng bundok na ito.
"Bakit nga ba natin tinanggap ang misyon na ito? Paano nga kung talagang may mga demonyo nga sa bundok na ito? Anong magiging laban natin sa kanila?" Dinig ko ang bawat pintig ng kanilang mga puso at ang bawat daloy ng kanilang dugo sa kanilang mga ugat. Minasahe ko ang batok ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko ngayon. Agad kong binalingan ang mga taong nasa ibaba na mismo ng punong inuupuan ko.
"Aah, ang sabi ko mamamasyal ako ng bayan ngayong gabi, pero ang mga damuhong ito ay ngayong gabi pa napiling magpaka bobo?" Halos mapa iling ako dahil sa mga sinasabi ko. "Si-sinong nariyan!?" gulat na sigaw ng isa sa kanila at itinapat sa punong inuupuan ko ang flashlight niya. "Kung ako sa inyo, uuwi na lang ako. Wala ako sa mood para bigyan kayo ng atensiyon. Uwi!" singhal ko sa kanila, tumapat sa pwesto ko ang flashlight nila at tila ba nagimbal pa sa nakita nila.
"P-pulang mga mata? H-halimaw!" sigaw ng isa sa kanila. Umirap ako sa sigaw niya. "Oh shut up," singhal kong muli at saka tumalon mula sa sangang inuupuan ko kanina lang. Magaan lang ang yabag ng mga paa ko pero kita na ang pagka gimbal sa mga mata ng mga pobreng nilalang na ito. Kitang kita ko ang repleksiyon ko sa mga mata nila, pula nga na naman ang mga mata ko. "Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng kagaya ko?" Nakangisi kong tanong at saka naglakad palapit sa kanila. Lima silang magkakasama at lahat sila ay pawang mga pobreng nilalang na hindi man lang kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
"Su-subukan mong lumapit, papatayin kita!" Banta ng isa sa kanila pero lalo lang lumawak ang ngisi ko. Hindi ko nanaman mapigilan ang inner demon ko. Nagpipilit nanaman itong kumawala. Sumigaw ang lalaki at patakbong sinugod ako. "Wrong move, " bulong ko, sa isang iglap lang ay hawak ko na ang ulo ng lalaking iyon habang ang katawan niya naman ay naiwan lang sa kinatatayuan niya. Kita ang pagka gimbal sa mga mata ng mga natirang lalaki. Hindi mo maiwasang mapangisi dahil sa nakikita kong takot sa mga mata nila. Muling nabubuhay ang pagkauhaw ko sa dugo habang pinapanood ang dugong pumapatak mula sa ulong hawak ko ngayon.
"Mashado na ba tayong naging kampante at hinayaan na may mga damuhong makapasok sa teritoryo natin?" inis na sambit ni Tanya habang hawak ang isang lalaki sa leeg. Kitang kita ang pag liwanag ng kaniyang mga mata, kasabay noon ay ang pag alis ng buhay ng lalaki sa mga mata nito. Nang maging lupaypay na ang biktima niya ay saka niya sininghalan ang tatlo pang natira.
"Master, you're being unfair again. Having fun without us." Umirap ako nang madinig ko ang boses ni Sebastian, kita ang berdeng mga mata niya mula sa dilim. "So? Who's our visitor?" tanong ni Mirai habang bagot na nakatitig sa mga natitirang lalaki sa gitna namin. Inangat ko ang ulong kanina ko pa hawak at saka iniikot ito, nang makita ko ang marka nila sa putol niyang leeg, lalong lumawak ang ngisi ko.
"Hunters."
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si