[RANN]
"Inilabas na ang picture ng limang taong di umano ay nawawala matapos huling makita sa ibaba ng bundok ng sitio Las Flores. Hinihinalang ang mga ito ay illegal hikers at--"
"Rann." Nilingon ko ang boses ng tumawag sa akin at nakita kong nakatayo si Damon sa likuran ko habang dala ang mga pinamili naming mga "stocks" daw para sa mansion. Hindi naman dapat kami ang mamimili nito pero si Damon na mismo ang nag-ayang kami ang bumili kaya sumunod na lang ako.
Ayos lang sana kung kami lang eh, kaso may damuhong nagpupumilit na sumama. "Now now, stop glaring at me like you're going to eat me alive, I know I'm a complete snack but you're not my type so pass." Nakangising sambit nitong si Spyru habang umaarte lang pinapaalis ako gamit ang kamay niya. Aba, awtomatikong gumulong ang mga mata ko dahil sa sobrang pagka presko niya. Gwapong gwapo sa sarili?
"Spyru, How many times do I have to tell you na wag mong kinakausap ng Ingles ang asawa ko? Malay ba niya kung iniinsulto mo na pala siya o hindi," singit naman ni Damon na pumagitan sa amin. Ibinigay niya ang cart at basket na dala-dala niya kay Spyru at saka siya itinulak papuntang counter. "Since you insisted on tagging along, you might as well pay for everything." Kumaway si Damon sa kaniya habang malawak ang ngiti at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. "Shall we go?" Masuyong tanong niya, hindi ko maiwasang mapanguso na naman dahil sa sinabi niyang di ko rin maintindihan.
"Kakasabi mo lang kay Spyru na wag akong kausapin sa Ingles kasi baka iniinsulto na niya pala ako, tapos ikaw naman tong kumakausap sa akin ng Ingles?" Natawa siya sa sinabi ko at saka umiling iling pa. "Yeah, sorry. Ang sabi ko kung aalis na ba tayo, or gusto mo pang mamasyal muna?" Napangiti naman ako sa tanong niya. "Talaga? Pwede ulit tayong mamasyal?" Excited kong tanong, tumawa naman siya at saka hinaplos ang ulo ko. "Of course, kaya nga ako nag-insist na tayo ang mag grocery ngayon eh," sagot niya. Matutuwa na sana ako nang bigla na namang sumingit si Spyru.
Dakilang epal.
"Get a room you d*mn lovey dovey couple," irap niya saka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng pamilihan. Pakiramdam ko ay gusto kong ihambalos sa kaniya ang cart na nadaanan namin palabas ng pamilihan, pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Rann, kumalma ka. Bayaw mo ang isang yan sa ayaw at sa gusto mo."
Dahil iisa lang ang sasakyang dala namin ay napilitan ring sumama sa aming pamamasyal si Spyru. Nilibot naming muli ang plaza, may mga iilan paring nagtitinda ng mga tirang charms at palamuti kahit na isang linggo na simula nung huling pasyal namin ni Damon dito. "Damon, Spyru gusto niyo bang pumasok muna ng simbahan?" tanong ko sa kanila habang nakaturo ako sa simbahang nasa di kalayuan. Nagkatinginan muna silang magkapatid bago bumaling sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nilang pareho.
"Ano namang gagawin natin d'yan?" iritadong tanong ni Spyru. Hindi ko na naitago pa ang irap ko. "Kakain siguro, Spyru. Malamang magdarasal. Ano bang ginagawa sa loob ng simbahan?" Natawa naman ng bahagya si Damon sa tinuran ko, ang sarap sanang panoorin ng pag tawa niya pero natatabunan iyon ng sunod-sunod na singhal sa akin ni Spyru. Hinawakan naman siya ni Damon sa magkabilang balikat at saka dahan-dahang inilayo sa akin. "Ikaw na lang muna ang pumasok, Rann. Nakakahiya kung papa pasukin natin ang kapatid kong wala man lang manners sa simbahan," saad niya habang patuloy ang paglayo sa akin. "Hintayin ka na lang namin dito sa labas, okay?" Tumango na lang ako saka naglakad papasok ng simbahan.
Napangiti akong muli nang makapasok ako sa loob ng simbahan. Matagal-tagal na rin simula ng huling bisita ko sa ganitong klase ng lugar. Naupo na lang ako sa pinaka dulong upuan at saka tumitig sa mga rebulto ng mga santo. Taimtim akong nag darasal nang marinig ko ang usapan ng ilang mga nakatatanda sa di kalayuan. "Isang linggo na raw pero hindi pa rin sila nahahanap. Ano na kayang nangyari sa mga hikers na iyon?" Saad ng isang matandang babae. "Kung sa paanan sila ng bundok huling nakita, isa lang ang ibig sabihin noon," hindi ko mapigilang hindi makinig sa usapan nila. Iyon rin ang binanggit ng balita kanina sa may pamilihan ah.
Natahimik silang apat ng ilang saglit bago muling nag patuloy sa kanilang pag-uusap. Hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit ganun na lang ang reaksyon nila nang sabihin ng isa sa kanila ang lugar kung saan huling nakita ang mga nasabing nawawalang lalaki. "Paanan ng bundok? Iisa lang naman ang bundok na meron sa sitio las flores. Ang bundok ng mga Donovan. Anong ibig nilang sabihin?" Halos manakit ang ulo ko sa kakaisip ng posibleng dahilan pero wala pa rin akong maisip. Mahina ata talaga ang utak ko.
"Eh diba sabi-sabi lang naman na mayroong mga hindi kaaya-ayang nilalang ang naninirahan sa bundok na iyon?" tanong ng isa pa. Umiling naman ang kaninang naunang nagsalita bago seryosong tinitigan ang kausap niya. "Hindi iyon basta lang sabi-sabi. Ang asawa ko mismo, sabi niya ay may naririnig silang kakaibang musika na naglalaro sa paligid ng bundok tuwing kabilugan ng buwan. At tuwing nangyayari iyon, may mga ibinabalitang nawawalang mga tao hindi ba?" Napasinghap naman ang mga ito bago muling nagsalita. "Kung ganon, baka nga may kung anong naninirahan sa bundok na iyon. Ligtas pa ba tayo rito sa sitio?" Umiling na lang ako at saka tumayo na. Hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi nila o ano pero alam kong ang mga Donovan lang ang tanging naninirahan sa bundok na iyon dahil pagmamay-ari nila ang bundok.
Hindi mawala sa isip ko ang usapang narinig ko kanina. Paano nga kung totoong may kung anong naninirahan sa bundok nila Damon bukod sa amin? Ligtas rin ba kami sa mga iyon? Mga ligaw bang hayop? Si Cerbe na malaking aso, Kuro na itim na pusa at ang mga manok lang naman na alaga ni Gael ang alam kong hayop namin sa mansion. Hindi ko tuloy maiwasang mapa isip at kabahan. Patuloy lang ako sa paglalakad palabas ng simbahan nang mapalingon ako sa isang larawan ng isang taong may pakpak.
Isang anghel.
Talaga ngang nakaka akit ang mga larawang may kinalaman sa mga anghel dahil magagandang uri sila ng nilalang, sabi ng mga nakatatanda. Ngunit ang isang iyon ay kakaiba. Bukod sa napakalaking mga pakpak niya ay kulay itim rin ito. Naka upo siya sa isang bato habang ang mga pakpak niya ay nakatiklop lamang, animo'y tinatakpan ng mga ito ang kaniyang h***d na katawan. Dama ko ang unti unting oag bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang hindi iangat ang kamay ko at damhin ang larawan sa aking mga daliri. Hanggang sa isang imahe ang lumabas sa isipan ko. Madilim na paligid, malalaking anino ng pakpak at amoy ng dugo. Hindi malinaw sa akin ang imahe pero alam kong sa akin ito nakaharap. Ang kaniyang mga kamay na may matatalas na kuko ay pilit akong inaabot, ang kaniyang mga pulang mga mata ay hinihila ako papalapit sa kaniya.
Takot.
Iyon ang alam kong nararamdaman ko habang kaharap ang imahe, takot, ngunit hindi patungkol sa kaharap ko kung hindi patungkol sa isang bagay na hindi ko pa rin maalala. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi dahil sa natatakot ako sa imaheng nakikita ko sa isipan ko, hindi ko alam kung anong tawag sa pakiramdam na iyon.
Mariin akong pumikit at nagmamadaling lumabas ng simbahan habang pilit na inaalala kung saan ko nga ba nakita ang imaheng lumabas sa isipan ko. "Kamusta?" Halos mapatalon ako sa gulat nang madinig kong nagsalita si Damon muna sa likuran ko. Nakataas ang kaniyang parehong kamay na animo'y sumusuko habang nakatitig siya sa akin ng may pag-aalala. "D-Damon, ikaw pala, " wala sa sariling sambit ko. Tinitigan niya lang ako saka biglang hinipo ang noo ko, kapagkuwan ay naglabas siya ng panyo at saka pinunasan ang noo at leeg ko. "Namumutla ka, anong nangyari sa loob?" tanong niya habang hawak na ang parehong pisngi ko.
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong maniwala na dahil ito sa usapang narinig ko kanina o sa imaheng nakita ko sa isipan ko, pero may kung anong sumisingit sa pinaka sulok ng isipan ko at pinipilit na sabihin sa aking dahil ito sa hawak ni Damon ang mga pisngi ko. "Rann Donovan, tinatanong kita kung may nangyari bang hindi maganda sa loob ng lugar na iyon o wala, " muling tanong ni Damon. Nakatitig lang ako sa kaniya at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko.
"That's it. Uuwi na tayo, mukhang pagod ka na nga," saad niya saka ako masuyong hinila papasok sa kotse. "Anong nangyari?" Hindi ko na napansin si Spyru dahil tulala parin ako. Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Damon at iginiya ang ulo ko sa balikat niya. "Sleep first. Gigisingin na lang kita pag naka uwi na tayo." Pakiramdam ko ay may kung anong dumampi sa mga mata ko nang banggitin niya iyon. Parang mahika, dahan-dahang pumikit ang aking mga mata.
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si