Share

Chapter 44

Anika's POV

NAGING abala na ako nang makabalik si Sir Isaac sa office kaya nawala na rin sa isip ko ang nangyari sa restaurant. Bumawi ako kaya subsob kaming dalawa sa trabaho. Lalo ngayon na may pinaghahandaan silang malaking proyekto.

Nang dumating ang oras ng labasan, hindi pa rin ako umaalis ng opisina. Abala kong hinahanda ang mga papeles na kakailanganin ni Sir Isaac para sa business trip niya. Isa pa, ayaw kong umuwi. Ayokong makita si Daryl.

"Ang sipag naman ng PA ko."

Natigilan ako sa ginagawa at nilingon ang pinto kung saan pumasok si Sir Isaac. Nagpaalam kasi ito kanina at may pinuntahan.

"Bumabawi lang, sir."

"Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo. Kagagaling mo lang sa sakit."

Lumapit siya sa mesa ako. May sarili akong work desk dito sa loob mismo ng office niya. Ang gusto niya kasi, nasa malapit lang ako para madali niya akong matatawag.

"Here, I bought us something to eat." Malaki ang ngiti sa kaniyang labi nang ipakita sa akin ang takeout niya mula sa isang sikat na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Maridel Raguindin
sana mag update ka na miss A
goodnovel comment avatar
Aredañaba Acitsem Riza
authorrrrrrr updateeeeeee..plzzzzzzz..
goodnovel comment avatar
Aredañaba Acitsem Riza
kakainis nmn wla paring update...dalawang gabi n aqng ngaabang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status