Chapter 2
"MILANA VICENTHIA! AH, YOU REALLY KNOW HOW TO GET INTO MY NERVES! " Rinig ko ang sigaw ni Sir Magnus mula sa opisina niya. "Deserve! Gunggong ka kasi." Bulong ko sa sarili ko at saka napahagikhik. Matapos ko kasing lumabas kanina ay tinawagan ko lahat ng Heads ng Departments at sinabing nasa opisina na niya si Sir Magnus. Wala pang samoung minuto ay kanya kanya na sila ng puntahan dito para kay Sir. Hinayaan ko na lamang siyang magdabog sa opisina niya. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin para sa araw na ito. Nang tingnan ko ang oras ay magtatanghalian na. Tumahimik na rin sa silid ni Sir Magnus kaya kinatok ko muna siya. Wala namang sumagot sa loob kaya pumasok na lang ako. "Tsk, akala ko naman busy sa work. Tulog pala." Naiiling na sabi ko. Lumapit ako sa mesa ni Sir Magnus para tingnan siya. "Kahit kailan talaga ang kalat kalat. " Bulong ko. Inayos ko muna ang ibang nakakalat sa table niya at saka ako nagsulat ng note para sa kanya. Well, half day ako today. Pamper day ko ulit, yes! Nang maisip ko yun ay masigla akong lumabas ng opisina niya. Pakanta kanta pa ako habang nakasakay ako sa elevator. May ilan pa akong nakasabay na empleyado. Napabuntong hininga na lamamg ako dahil sa pagbubulungan nila. Mukhang kumalat na agad ang balitang pinalayas na si James. Dumaan na muna ako sa canteen para ibilin doon ang pananghalian ng Boss kong napakaligalig. "Hmmm... Hmmm..." Pakanta kanta pa ako habang papuntang parking lot. Hays, sa wakas. Mabibili ko na ang matagal ko ng pinag iipunan na Heels. Tatlong taon na ako sa kompanya ni Sir Magnus at sa totoo lang ay ako lamang ang tumagal na sekretarya niya. Mabait naman kasi siya, ayun nga lang medyo mainitin ang ulo. He wants to get everything done ASAP! Hindi ata siya mapapakali kapag may kaunting naging mali sa mga ipinapagawa niya. Well, nasanay na rin naman ako dahil mabilis lamang kabisaduhin ang ugali niya. Lahat na lang ata ay ipinagawa niya sa akin, pati ng pagpapadala ng mga bulaklak at regalo sa mga nagiging babae niya ay ako pa ang nag aasikaso. Pati na nga rin minsan ang pamba-busted niya sa mga ito ay ako na rin ang gumagawa. Okay na rin naman, kesa humanap ako ng ibang kompanya. Sa pagtatrabaho ko sa kanya ay napatapos ko na ang dalawa kong kapatid. May naipundar na rin akong bahay para kila Nanay at munting negosyo para sa kanila. Malaki laki rin kasi minsan ang binibigay sa aking bonus ni Sir Magnus dahil nga halos all around secretary na niya ako. Kahit nga iyong mga hindi ko naman dapat ng gawin, ako pa ang gagawa?! Saan ka pa?! Kapag nga bigla siyang nawawala ay ako na ang umaako ng responsibilidad niya bilang Boss namin. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. "Hello, 'Nay." Malumanay na sabi ko ng masagot ko ang tawag. "Anak, kumusta ka?" Napailing na lamamg ako. Alam na alam ko na ang mga ganito kapag tumatawag si Nanay. "Okay lang, 'Nay. Kayo po? " "Ayos lang din naman, anak. Ah, iyong tatay mo may sakit na naman. Ang mga kapatid mo raw ay maraming bayarin. " Mas lalo lamang akong napabuntong hininga. " Kakapadala ko lang po sa inyo last week, Nay. Ano daw po ba ang binabayaran nila Maurice at Martina? Parang napapadalas na talaga ang hindi nila pagpapadala sa inyo? " "Ganito kasi anak... " Alinlangang sabi sa akin ni Nanay. " Si Martina kasi, kumuha ng cellphone. Aba, biruin mo at napakaganda ng camera. Sabi niya sa akin ay hulugan daw iyon. Kaya daw, baka hindi muna siya makapagbigay sa amin. Iyon namang si Maurice, tumaas daw ang singil sa inuupahan niya. " Malumanay na paliwanag niya sa akin. " Nasira na ba ang cellphone ni Martina kaya siya kumuha ng bago? " Kunot noong tanong ko. Parang anim na buwan pa lamamg ang nakakalipas ng bumili siya ng cellphone. Sa akin pa siya humingi ng pandagdag. " E, hindi daw pala niya gusto ang ganoong unit. " Parang wala lang na sagot niya. " Ah, ganon ba. " Napabuntong hiningang sabi ko. " Magpadala ka na lang agad, ha? Salamat, Vicenthia. " Pagkatapos noon ay pinatay na agad ni Nanay ang tawag. " Tsk. Tanginang buhay talaga 'to. " Inis akong napatawa habang nakatitig sa cellphone ko. Inubos ko na lamang ang oras ko para ipaayos ulit ang buhok ko at pati na rin ang nails ko. "Madam, ang bilis mong bumalik ngayon." Nakangiting sabi sa akin ng manicurista. "Ay naku, be! Nakabonus ako! " Hagikhik ko. Matapos sa aking kuko ay nagtungo naman ako sa isang mall. "Hmm, ang ganda ganda mo talaga! " Nakangiting sabi ko habang hawak ang isang nude color na stilleto heels. Medyo pricey talaga kaya hindi ko kaagad siya mabili, pero dahil sa card ni Boss. Wala na akong magiging problema. "I'll take this one, size eight." Sabi ko sa saleslady. Habang kinukuha niya ang size ko ay muling tumunog ang cellphone ko. From: Nanay Nak, ipadala mo na ngayon ang pera. Kailangan na kasi. "Tsk." Nakagat ko ang gilid ng labi ko. Ipinadala ko na ang perang hinihingi ni nanay. Sakto rin naman na naririto na ang heels. Isinukat ko iyon at ng mas magustuhan ko iyon ay agad ko ng binayaran. Baka mamaya ay makatawag pa si Sir Magnus . "Hay, sa wakas. Nabili rin kita." Halos yakapin ko na ang paper bag dahil sa tuwa. Patungo na ako sa parking lot ng tumunog na naman ang cellphone ko. Mag aala sais na ng gabi ng tingnan ko ang oras. "Hello, Sir? " "Nasaan ka na, Vicenthia? " Malamig na tanong nito. "Tsk. Nasa mall, Sir Magnus. Why? May kailangan pa po ba kayo? " Kunot noong tanong ko. "Yeah. Can you reserve a restaurant for me tonight? " Mukhang may ka-date na naman si Boss, a. "Sige, Sir. " "Buong restaurant ang gusto kong ireserve mo." Seryong sabi pa nito. Naks, sino na naman kayang chicks ng lalaking ito? Taas kilay na tanong ko sa isip ko. "What kind of flowers do you want, Sir? " " Anything. " " Noted, Sir. " Pagkasabi ko noon ay pinatay ko na rin ang tawag. Tatlong restaurant lang naman palagi ang ipinapa-reserve ni Sir Magnus. Nang matagawan ko ang isa sa mga iyon ay dumaan na rin ako sa isang flower shop. "Good afternoon, Ma'am." Bati sa akin ng naroroon. "One bouquet nga po ng tulips and roses. Yung baby pink po sana." I smiled. Mabilis naman nilang ginawa ang bouquet na sinabi ko. Binayaran ko na iyon para basta na lang ako aalis pagkatapos nila. Nag-message na rin ako kay Sir Magnus kung saang restaurant siya pupunta. Kailangan ko pa ring dumaan doon para ibigay sa kanya ang bulaklak at ang card niya. "Here, Ma'am." "Thanks." Ngiti ko at saka lumabas ng shop. " Tsk, swerte naman talaga ng mga chicks 'non. " Napabuntong hiningang sabi ko.Chapter 45"Bam, come back here! " Tumatawa naman akong tumakbo palabas ng opisina niya. Nagpaiwan kaming dalawa sa trabaho kanina dahil sa may inayos pa kaming dalawa. Alas nuebe na ng gabi at ibang bagay na ang gusto niyang gawin. Naiiling na tumigil ako sa tapat ng elevator. Ni minsan ay hindi dumapo sa isip ko ang pakikipagtalik sa kanya sa loob ng opisina! No! No! No!Magkikita kami dapat ngayon nila Sienna ngunit nagkaroon ng emergency si Haven. Emergency sa lalaki! Well, ilang beses na rin namang napag usapan ang tungkol doon. Nakailang dalaw na rin sila sa bahay dahil kay Miles. Tuwang tuwa ang dalawang iyon sa baby ni Martina. Si nanay naman ay mukhang nagbabago na. Palagi na siyang nag aasikaso sa bahay na siyang ikinatutuwa ni Maven. Ngunit kahit na ganoon ay mainit pa rin ang dugo niya sa akin."Vicenthia." Napatili ako ng biglang salikupin ni Magnus ang bewang ko. "Magnus Priam! " "Yes, my baby? " Sabi niya at saka humalik halik sa aking leeg. "Not here, okay? B
Chapter 44"Bango naman." Nakangiting sabi ko at saka yumakap sa malaking likod ni Magnus. "Ako ba o yung niluluto ko? " He smirked. "Ahm, both?" Tawa ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at saka ako niyakap. "Stop, hindi ka ba napapagod? " Angil ko sa kanya na mas ikinatawa niya. " Nope." Sagot nito sa akin at saka ako pinupugan ng halik sa mukha ko. "Let's get married, Vicenthia." Seryosong sabi nito sa akin. "Nababaliw ka na ba, Magnus? " Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "No. I'm serious, Bam." Iling niya sa akin. " Can we just enjoy the moment? Bakit ba parang nagmamadali ka? " Pinatay muna niya ang stove bago muling magsalita. " I don't want to lose you, Vicenthia. Hindi ko kaya, mababaliw ako." Napangiti naman ako sa kanya at sa tumitig sa mga matv niya. Kita ko ang takot doon... Well, I'm scared to. " Matagal ka ng baliw, Magnus Priam." Napabuntong hininga naman siya dahil sa naging sagot ko. "Natatakot din ako, Magnus. Ang daming pupwedeng mangyari. Pa
Chapter 43Naging okay na rin kami ni Magnus makaraan ang ilang araw. Paalis kami ngayon dahil inaya niya akong magbakasyon. Babalik raw kami sa rest house ng mga magulang niya. "Maven, kayo na ang bahala dito. Tawagan niyo agad ako kapag nagkaproblema." Nailipat ko na rin sila tatay sa bahay na nabili ko. Hindi pa alam nila Maurice ang tungkol doon. Ang huli kong balita sa kanila ay ibinenta na talaga ni nanay ang bahay. Si Maurice ay galit na galit sa akin, kung ano ano ring masasakit na salita ang nasabi niya. "Oo naman, ate. " Ngiti ni Maven sa akin. "Martina, ang baby mo ha? " "Ako na ang bahala, tsaka kila tatay." Tumango naman ako sa sinabi niya. Mas naging malapit rin sa akin si Martina simula ng nalaman kong buntis siya. Nagsisimula na siya sa trabaho niya online. "Aalis na rin po kami, Tay. " Pamamaalam ni Magnus kay Tatay. "Huwag mo nga akong matawag na itay, hindi naman kita anak." Ingos ni tatay na ikinatawa ko. Malimit na rin kasing pumunta rito si Magnus at wa
Chapter 42"Bam." Bungad sa akin ni Magnus ng magbukas ako ng pintuan ng condo. "Ah, wala po akong order today. Baka nasa maling unit po kayo." Seryosong sabi ko na ikinatitig niya sa mukha ko. Nang hindi siya nagsalita ay sinarhan ko na ang pintuan. JsMukhang saka niya lang iyon narealize. Nagdoorbell na lang siya ng nagdoorbell sa labas. Bahala ka diyan. Gago ka. Pinapalitan ko ng pass ang pintuan kaya hindi siya makapasok. Natulog na lamang ako at hinayaan siya sa labas. Kinabukasan ng umaga ay maaga akong naghanda para sa pagpasok ko. Mukhang marami akong na report papers sa boss ko. hi I'm yI wore a dark red colored suit terno. I also wore bold make up. Nang makalabas ako sa aking unit ay nakita kong nakaupo sa gilid si Magnus. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga braso. Hindi siya umalis simula kagabi? "Magnus... Hey, wake up." Naupo ako sa harap niya at saka siya patuloy na ginising. "Bam. Galit ka pa? I'm so sorry." Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Si
Chapter 41"Ms. Carreon! Wala pa din ba si Sir Magnus? " Tanong sa akin ng isang Head of department. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Isang buwan ng wala ang magaling na lalaki. Ang sabi niya sa akin ay dinala sa ospital si Ma'am Alexandria kaya naman kinakailangan niyang umuwi. Iyon ang huling update niya sa akin noong nakaraang buwan. "Tatawagan ko kayo once na bumalik na siya. " Seryosong sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at saka umalis. Napasandal ako sa swivel chair ko. " Tsk. Baka nagpakasal na ang lalaking iyon sa Greece. " Wala sa sariling sabi ko. May mga tauhan pa rin na nakasunod sa akin. Sa ngayon ay ay bahay ako nila tatay umuuwi. Pinapatapos ko pa ang lilipatan nila kaya hindi ko pa sila mapauwi doon. Si Maven naman ay araw araw na may naghahatid sundo, base na rin sa utos ng magaling na lalaki. Sa totoo lamang ay nag aalala na ako kay Magnus. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya doon. Kahit naman tawagan ko siya ay hindi
Chapter 40"Anak, sigurado ka bang dito kami titira? " Napatingin si tatay kay Magnus kaya napatikhim ako. "Opo, tay. Panandalian lang naman po, aasikasuhin ko pa po kasi yung binili kong bahay at lupa. Ayaw niyo ba rito? " Malumanay na tanong ko sa kanya. "Ah, hindi naman, anak. Parang masyado lamang itong malaki para sa amin." " Sakto lamang ito para sa inyo, tay. ""Kakausapin ko na lang din si Maurice tungkol sa nangyari. Pasensiya ka na, anak. Kargo mo pa rin kami. " " Huwag mo ng isipin iyon, tay. Ako na po ang bahala. " Malumanay na sabi ko. " Mag aapply din ako ng work from home, tay. Para po sa amin ng baby ko. "" Saka na, Martina. Unahin mo muna iyang pagbubuntis mo. Sabi ng doktor ay medyo maselan ka. " Sagot ko naman agad. " Tuloy pa rin naman ako sa pagpapart time ko, ate. Ako na ang bahala sa iba kong gagastusin. " Sabi naman ni Maven. " Kaso si nanay... " Dagdag pa niya. " Ako na roon. "Habang nag uusap kami ay may pumasok na tauhan si Magnus. " Ah, ma'am...