Share

Chapter 3: Pissed

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2023-08-02 00:02:54

ATHENA’S POV

“GUSTO mo bang sumama bukas, Ate Athena?”

“H-huh?” nauutal kong sabi kay Graeson nang kausapin niya ako.

Nasa hapag kami noon. Nagkukuwentuhan sila ni Isagani tungkol sa gagawing pag-akyat bukas sa bukid. Hindi na ako naging interesado sa pinag-uusapan nila kaya si Auntie na ang kinakusap ko tapos biglang singit siya no’n.

“Tinatanong niya kung gusto mong sumama bukas sa bukid. Kukuha lang mga buko at i-tsek ko pwede na bang mag-kopra,” ani ni Isagani. 

“Ah– eh, baka umulan.”

“Hindi naman yata. Hindi ko naman narinig sa balita na uulanin tayo bukas,” ani ni Grae sa akin.

“‘P-pag hindi siguro umulan,” sagot ko na lang.

“Sige. Mas maganda kasi umakyat kapag marami.” Bahagya akong ngumiti kay Graeson.

“Ang sabihin mo, magde-date lang kayo doon ni Elwina,” singit ni Auntie.

“‘Nay hiwalay na po kami ni Georgina kaya wala namang masamang makipagmabutihan sa iba.”

“Pipili ka na lang, ‘yong taga rito pa. Paano kapag nalaman ng ama niya ‘yan?” Umiling-iling pa si Auntie.

Napatikhim si Graeson kaya sinamantala ko na lang na sumingit para hindi na uminit ang hangin sa hapag.

“Anong oras ba ang alis bukas?” tanong ko.

“Mga alas otso daw kasi magluluto pa raw sila Elwina.”

Sila? Sinong sila? Pati mga kaibigan ni Elwina? Hindi kaya ma-out of place ako?

“O-okay.” 

Dahil sasama ang mga kaibigan ni Elwina, nagpasya akong hindi na lang sasama. Magkukunwari na lang siguro akong tulog bukas para iwan nila ako. Saka pupunta ako bukas sa  bayan para tingnan ang bahay. Umalis kasi ang magulang ko papuntang Maynila dahil pinapunta doon ng aking mga kapatid. Pinapasama nga ako pero hindi ako pumayag  dahil baka biglang tumawag ang boss ko na magbukas ng restaurant.

MAAGA akong nagising kinabukasan pero hindi ako bumangon. Dapat magwawalis ako sa paligid pero mamaya ko na lang gawin kapag nakaalis na sila Isagani.

Bigla akong napatalukbong nang marinig ang boses ni Graeson sa pintuan ng bahay.

“Ang aga niya namang nagising,” naisatinig ko.

“Ate Athena! Gising! Aalis na tayo mayamaya!” sigaw niya.

Hindi ako sumagot kahit na anong tawag niya. Pero mayamaya ay nanahimik siya. Wala na akong marinig na boses niya kaya napaupo ako sa higaan ko. 

Buti naman.

Tumayo ako at lumapit sa bintana ko. Akmang sisilip ako sa bintana nang bumukas iyon.

“G-Graeson,” gulat kong sabi nang makita sa bintana. Gumamit pa pala siya ng hagdan.

Nilakihan ko na lang ang awang ng bintana ko. Sliding lang kasi iyon kaya madaling buksan. Hindi naman ako nag-lock dahil mababait naman ang mga taga-rito.

“Buti na lang gising ka na, Ate.” Hingal na hingal pa si Graeson nang tumalon mula counter ng bintana ko.

“A-ano bang ginagawa mo dito?”

Napalunok ako nang isara niya ang bintana. Hinihingal pa siya nang bahagya nang bumaling sa akin.

Hinawakan niya lang basta ang kamay ko pero napabitaw din dahil sa kuryenteng dumaloy sa namin.

Nang sa tingin niya ay nakabawi ako ay muli niyang hinawakan ang aking kamay at hinila niya ako papunta sa isang bintana na nakasara. Bahagya niyang binuksan iyon at sumilip.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak pa rin. Nakasilip pa rin siya sa maliit na awang ng bintana.

“I didn’t know na mga bata pa ang kaibigan ni Elwina. Look.”

Hinila pa niya ako palapit sa sarili niya pero natigilan siya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

“Oh, I’m sorry, Ate.” Sabay bitaw ng kamay ko. “Kasi naman, ayokong kasama ang mga batang ‘yon. Baka mamaya makasuhan pa ako,” paliwanag niya.

“Kaya matanda ang isasama mo?” Tumaas pa ang kilay ko pagkuwa’y sinimangutan siya.

“Hindi naman sa ganoon. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga kakausbong pa lang. Ayokong umasa sila kaya sumama ka na, please? Ayoko silang kausap. Akala ko kasi mga kasing-edad na ni Elwina.”

“Bata pa rin naman si Elwina, a. 21 pa lang siya.”

“I know. Pero ang mga kasama niya, 19 at may 18 pa nga. Damn!” Napaupo pa siya sa higaan ko.

“Nakita ka na ba nila?”

“Oo. Lagi silang nanood kasi kapag nagba-basketball kami.” 

Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kaya pala.” 

“So, sasama ka na, Ate?”

“Pag-iisipan ko pa.”

“Oh, no. Ate Athena, please?” pilit niya sa akin.

Napatitig ako sa guwapong mukha niya, at ganoon din siya pero bumaba din ang mata niya sa aking dibdib na ikinalunok niya mayamaya. 

“Bumalik ka na sa kabila, Graeson.”

“Kailangan ko bang lumuhod?” biglang tanong niya na ikinailing ko.

“Sasama na nga lang ako. Mag-aalmusal lang ako.”

Tinalikuran ko na siya at lumabas ng aking silid. Doon naman ‘yan siguro sa bintana dadaan pabalik.

Pero natigilan ako nang may mapagtanto.

Wala akong suot na bra! 

“Sh!t!” Sabay takip ko sa aking dibdib.

Ngayon lang nag-sync-in sa aking isipan kung bakit napalunok ang binata sa akin nang mapatingin sa aking dibdib.

 At akmang babalik ako sa silid ko nang maalalang nandoon pa si Graeson. 

Saglit pa akong naghintay. Baka bumalik na siya.

Wala na akong marinig na kaluskos sa aking silid kaya nagpasya akong bumalik para tingnan kung umalis na ba si Graeson. 

Napangiwi ako nang makitang nandoon pa si Graeson at prenteng nakahiga. As if naman higaan niya. Napailing na lang ako.

Nagpasya na lang akong pumunta sa kusina at magkape. May tira pa naman akong tinapay na binili ko kahapon. Hindi naman na sigurong bababa ang lalaking ‘yon? Sana lang hindi niya nakita ang dibdib kong proud na nakatayo.

Pag-akyat ko sa silid ko, wala na si Graeson. Narinig ko kasi siyang nagpaalam kanina na lilipat na sa kabilang bahay. Hintayin daw nila ako kaya wala akong nagawa kung hindi sumama.

TAMA nga si Graeson, mga bata pa ang sumama. Si Elwina lang ang sumama sa kanila na nasa 20’s. At halata sa mga mata ng mga dalagang kasama namin na attracted ang mga ito kay Graeson. Pero hindi nilalapitan ang mga ito ni Grae, sa likuran ko lang siya nakasunod at umaalalay sa akin kapag medyo matarik. Napapansin ko rin ang panaka-nakang paghawak niya sa aking beywang kapag inaalalayan ako.

“Bakit ka pa kasi naka-duster,” dinig ko mula kay Graeson mayamaya dahil hawak ko ang dulong bahagi kapag humahakbang.

Nang makarating kami sa patag na bahagi ay sumabay na siya sa akin, gano’n din ang dalawang dalaga. Bale, napapagitnaan naming mga babae ang binatang dayo.

Ang isa kasi may kasamang lalaki din kaya may distansya sila mula sa amin. Talagang ginagawang date’an ng mga ito ang bukid. Magkukunwaring magkukuha ng buko pero ang totoo, gusto lang nilang makasama ang mga lalaking gusto, gaya na lang ni Elwina at Isagani.

Kakaisip ko sa mga dalagang kasama namin ay nawala na ako sa sarili. Hindi ko napansin na malalim na butas ang nilubugan ng aking paa. 

“O-ouch!” d***g ko mayamaya na ikinabaling sa akin ni Grae. Napatitig din siya sa akin imbes na tulungan akong makaalis sa butas.

“Bro, tulungan mo si Ate Athena!” untag ni Isagani nang malingunan kami dahil sa d***g ko.

“O-oh. R-right, of course!” Natatarantang sagot ni Graeson. Lumuhod siya sa akin kapagkuwan.

Napapitlag ako mayamaya nang hawakan niya ang aking paa. Napaangat din siya sa akin dahil mukhang naramdaman niya rin ang spark na naramdaman ko.

Ilang beses na ‘yang spark na ‘yan, huh. 

“I’m sorry,” aniya.

Tinanguhan ko lang siya para sabihing pwede na niyang tanggalin. Masakit na kasi hindi ko magalaw basta-basta kaya kailangang sabay kami nang galaw.

Tumingin siya sa paa ko at maingat na tinanggal sa butas. Napaupo ako sa kahoy na inilagay ni Isagani sa aking likuran. 

“Hala, Ate Athena! Nagkasugat ka pa yata!” ani ng isang dalaga namin na may kasamang lalaki. May dugo kasing lumabas din.

Ngumiwi ako nang may tanggalin si Graeson sa aking paa na bumaon na bahagi yata ng kawayan.

Sunod kong ginawa ay lumunok nang maramdaman ang maiinit na hininga ni Graeson. Hinihipan niya kasi nang masuyo.

“Masakit ba?” 

“H-hindi naman masakit ang tinanggalan mo ng kawayan. Pero masakit ang ankle.”

“Oh. Nagka-sprain ka pa yata.” 

“O-oo. Namali din kasi ako ng hakbang kanina.”

Sumimangot si Graeson sa naging sagot ko. 

“Bakit hindi mo sinabi?” Tumingin siya sa pinsan ko. “Malayo pa ba, bro?”

“Actually, nandito na tayo. Kaso nandoon pa ang kubo namin.” Tinuro niya kay Graeson ang kubo.

“Papangkuin na lang kita para hindi lumala.” 

“H-huh?” sagot ko lang.

Pero ang totoo niyan, narinig ko naman ang sinabi niya. Ayaw ko lang kasi dahil kakaiba na ang tingin ng dalawang kasama namin sa akin. Nakakahiya kung pangkuin niya ako. Pwede ko namang lakarin–

“Wala,” naiinis na sagot ni Graeson sa akin. Hinawakan niya muna ang aking paa ulit at hinilot iyon bago ako pinangko.

Napakapit na lang ako sa leeg niya. Nagtama ang mata naming dalawa nang bumaling siya sa akin. Ramdam ko rin ang mabilis na paghinga niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.

Ako ang unang nag-iwas nang tingin at nginuso ang mga kasama namin. Nauna na kasi sila sa amin.

Pakiramdam ko ang tagal naming makarating sa kubo. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit dahil naiilang na ako na magkadikit ang balat namin ni Graeson. Hindi rin sinasadyang napadikit ang labi ko sa leeg niya. Hihinto pa talaga siya tatapos titingin sa akin tapos ipapakita ang paglunok. At pagkatapos niyon, biglang seseryoso kaya naiilang na ako.

“S-salamat,” nauutal kong sabi nang iupo niya ako sa sahig ng kubo. Bandang pintuan lang iyon.

“No problem.”

Imbes na tumulong kila Isagani, nakaabala pa ako. Ayaw naman pumayag din ni Isagani na sumama ako, kahit na si Graeson, kaya pinagkasya ko ang aking sarili na panoorin na lang sila.

Kita ko nang kumapit sa braso ni Graeson si Chamae. Nilingon pa niya si Sharon na parang kinikilig. Paano paakyat sila dahil may itinuro si Graeson na isang puno ng bayabas. Nagpaalalay pa ang mga ito sa binata na ikinakataas ko ng kilay. Basta palitan lang ang dalawa na lumandi sa binata kaya maya’t maya ang iling ko. 

Kesa tingnan ko ang mga simpleng galawang ng mga dalaga, tinuon ko na lang ang sarili ko sa pag-praktis ng lakad. Mukhang wala akong katulong mamaya pagbaba ng bundok. Saka parang okay naman na ang aking ankle. Nagagalaw-galaw ko na hindi sumasakit. Saka hindi naman malalim ang sugat ko kaya hindi ko masyadong ramdam iyon.

Napangiti ako nang makahakbang ako. Wala na nga akong naramdaang sakit kaya tinuloy-tuloy ko na. At habang tumatagal ay bumabalik sa dati ang lakad ko. Mukhang maayos ang pagkakahilot kanina sa akin ni Graeson.

Sa likod ng kubo ako pumunta. Nakakita ako ng bayabas doon. Marami ring hinog na pwedeng makain kaya pumitas ako. 

Nakailang subo na ako nang mapansin na nandoon pala si Isagani na nakatingin sa mga puno ng niyog, kasama niya si Elwina.

“Hindi na ba masakit ang paa mo, Ate?” tanong niya nang makita ako.

“Hindi na masakit.” Tumango ang pinsan ko at muling tumingin sa taas.

“Ilang buko ang gusto mo, Ate Athena?” tanong ni Elwina sa akin.

“Dalawa lang,” sagot ko. 

“Dalawa daw kay Ate, Mahal,” ani ni Elwina kay Isagani na kaagad namang nilingon ng pinsan at tinanguhan. 

May pa-Mahal na si Elwina kay Isagani. Ibig sabihin, sila na.

Tumabi ako kay Isagani nang maipon na ang buko na kakainin namin. Napapameywang pa ako ng mga sandaling iyon. Nakabalik na rin sila Graeson. Lahat sila nakangiti. Mukhang nag-enjoy sa pamimitas ng bayabas. 

Nag-iwas ako nang tingin nang lumapit siya sa akin.

“Nilakad mo kaagad?” Halata ang iritasyon sa boses niya kaya napaangat ako ng kilay.

“Um. Namitas din kasi ako ng bayabas,” nakangiting sagot ko sabay turo ng mga nakuha kong apat na malalaki.

“Sabi ko ipahinga mo kasi mahihirapan ka sa pagbaba niyan mamaya.”

“‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Kahit tanungin mo pa si Isagani. Nakaakyat pa nga ako sa mangga.”

“What?” Naningkit ang mga mata niya pagkuwa’y lumuhod sa akin. Hinawi niya bestida ko para makita nang maayos. “Namumula pa rin ang bukong-bukong mo,” aniya sa akin.

“Hindi naman na nga masakit.” Pero bigla niyang diniinan ang kamay kaya napadaing ako. 

“Ano, hindi masakit?” may halong inis na tanong ng binata.

“Malamang na sasakit kasi diniinan mo ng kamay mo! Kaloka ka!” inis na sabi ko.

Napaupo ako at sinipat iyon. Sinamaan ko rin siya nang tingin at iniwan ang mga ito kapagkuwan. Naupo na lang ako sa kubo na naiinis.

Hindi ko nga pinansin si Grae hanggang uwian. Kay Isagani ako nagpaalalay at kay Elwina. May inaalalayan naman siyang dalawang pabebe.

Naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan kung bakit kasi kailangang pisilin ang aking paa. Bumalik tuloy ang sakit niyon at hanggang gabi ay iniinda ko dahil napuwersa na rin siguro nang pauwi na kami.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ikaw nman kasi Graeson yan tuloy galit si Athena sayo... hahaha...
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
goodnovel comment avatar
Rosemarie Borines
ay nagselos c Athena Kya ganin woww ha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Special Chapter

    MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Chapter 63: The End

    ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Chapter 62: Aireen

    ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Chapter 61: Honeymoon

    GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Chapter 60: Welcome Home

    CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero

  • Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)   Chapter 59

    ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status