GRAESON'S POV
"ANG liit lang ng barangay na 'to, bro. Kaya imposibleng hindi ko kilala ang babaeng sinasabi mo. Natanong ko na rin si Nanay, walang Beth dito. Kaya tigilan mo na ang paghahanap sa kanya. Baka mamaya hindi taga rito ‘yon,"
"Damn! Hindi kaya multo siya?" Napatitig pa ako kay Isagani. "O 'di kaya engkanto? ‘Di ba, uso ‘yon dito?"
"Baliw. May multo bang nahahawakan?” Sinuyod pa niya ako. “Mukhang nasarapan ka pa nga at hinahanap mo, tapos multo? Tsk. Tsk.” Umiling-iling pa ang kaibigan. “Ano 'yon, malakas siya kay Lord? At wala ring engkanto na ganoon, bro."
Iniwan ako ni Isagani at nagpatuloy na lang sa pag-araro. Naiiling din siya sa akin nang lingunin ako. Nakaupo ako no’n sa pinakagilid habang nakalubog sa putikan ang aking paa.
Ilang araw ko nang hinahanap siya at ngayon ko lang natanong kay Isagani kung may kakilala siyang Beth.
Usually, hindi ko na hinahanap ang babaeng nakakatalik ko kahit na sabihing nasarapan ako sa kanya. Pero ang Beth na ‘yon? Ibang-iba. Hindi dahil sa naging wild siya at maging ako rin. May kakaiba lang akong naramdaman. At sa lahat ng naikama ko, siya lang ang bukod tangi kong niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo pagkatapos. O ‘di ba? At higit sa lahat, sa kanya ko lang nagawa ang mag-cuddle. As if magkarelasyon kami.
Ah, isa pa pala. Hindi ko alam kung inis ba ang aking nararamdaman. Hindi ko na kasi siya nagisnan. Kaya parang umuusok ang butse ko. Iniwan niya lang naman akong mag-isa sa bahay na ‘yon!
Napahilot ako ng sintido ko kapagkuwan.
“Kung ako sa ‘yo, bro, umuwi ka na lang muna! Ang init dito tapos nag-iisip ka? Hindi kaya matutong ang isip mo? Baka lumala pa ‘yan mental na ang abot mo.” Natawa ako sa sigaw ng kaibigan.
“Later!” Hindi pa nga ako nakasubok mag-araro uuwi kaagad ako?
Pero ang sabi ko tutulong ako pero heto nagpapasaway lang ako mula pa kanina sa kanya.
Bandang alas onse nang subukan kong mag-araro. Nahirapan ako sa una. Napapasunod ako sa kalabaw at natatanggal sa lupa ang talim kaya natatawa si Isagani. Ang dumi na ng sarili ko lalo na ang mukha ko kaya hindi ko na halos makilala ang sarili nang umahon. Mas marami ang practice ko kesa sa actual na araro. Kaya napilitan na lang din si Isagani na siya ang magpatuloy.
Naupo na lang ako habang pinapanood ang kaibigan sa pag-araro.
Hindi pa man nagtatagal ako sa kinauupuan ko nang may nakitang papalapit sa amin.
“Isagani!” sigaw ng isang babae.
Napasimangot ako nang mapagtanto ang kabuohan ng babaeng papalapit sa amin. Mukhang bata pa naman siya pero nakasuot siya ng bestida na parang sa Nanay na. May suot din siyang salamin na halos sumakop na sa mukha niya tapos kulay itim ang frame.
“Uy, Ate Athena! Anong ginagawa mo dito?”
Itinaas ng babae ang dala niyang basket.
“Ah, nakisuyo sa ‘yo si Nanay?”
Akmang sasagot ang babae nang mapatingin sa akin. Pero kaagad din niyang binawi at inilapag ang dalang basket na may lamang pagkain. Tinanggal din niya ang suot na lumang tsinelas at lumusong sa isang kahon ng palayan kung naroon ang kaibigan.
Hindi naman siguro girlfriend ng kaibigan ang babaeng iyon dahil dinig kong tinawag niyang Ate.
Napatingin ako sa dala niyang basket. Humangin kasi at papunta sa gawi ko kaya naamoy ko ang laman niyon. Nagugutom na pala ako.
“Maghugas ka na ng sarili mo, bro, at kakain na tayo! May sapa doon.” May tinuro ang kaibigan kaya tumango siya dito.
Iniwan ko ang dalawa na nag-uusap.
Tiningnan ko pa ang babaeng nakapameywang. Parang Nanay na talaga. Tapos ang pagkakatali pa niya ng buhok, messy. Typical na Nanay. Pero mukhang matanda lang sa kaibigan ng kaunti at sa akin.
“Wow!” naibulas ko nang makita ang malinis na sapa.
Mabilis ang mga naging kilos ko pababa ng sapa. Kaagad akong naghubad ng damit at shorts. Tinanggal ko muna ang mga putik at sinampay ulit. Isang saplot na lang ang natitira sa akin. Ramdam ko rin ang putik kaya sa ilalim ako ng tubig naghubad para tanggalin din ang putik.
Hindi pa man ako tapos sa paglaba niyon nang biglang dumating si Isagani at ang Ate Athena niya.
“Tang’na, Grayson! Bakit ka naman naghubad! Wala ka sa farm niyo!” sigaw ni Isagani sa akin.
Mabilis kong inilubog ang sa sarili ko at nilingon sila. Nakatalikod ang Ate niya at hindi maipinta ang mukha ng kaibigan.
“I’m sorry. Wala namang tao kanina kaya dito na ako naglaba-labahan.” Alanganin ang mga ngiti ko sa kaibigan.
Kaagad kong sinuot ang underwear ko.
“I’m done,” ani ko.
Saktong paglingon ng kasama ni Isagani ang pag-ahon ko sa tubig. Pero napaiwas siya nang tingin sa akin na hindi nakaligtas sa kaibigan. Kaya napahilot siya ng sintido niya.
Damn! Hindi pa ba ito nakakita ng lalaking nakasuot ng brief? Hindi naman gano’n ako kasagwa. Saka maganda naman ang katawan ko kaya dapat hindi niya ma-miss iyon. Gustong-gusto nga ng ibang babae, e.
“Paabot naman ng short at damit ko, bro,” utos ko sa kanya.
Naiiling na lang ang kaibigan habang kinukuha ang sinampay ko.
“Iwasan mo ang ganyan dito, Graeson. Wala ka sa Maynila,” seryosong sabi ng kaibigan sa akin bago inabot ang damit at shorts ko.
“Sorry naman. Hindi na mauulit.” Tumingin ako sa kasama niyang nakatalikod. Mukhang maghuhugas din siya dahil maputik ang baba niya na umabot hanggang tuhod.
Naglatag lang si Isagani sa may puno na malapit sa sapa para makakain kami. Kaming dalawa lang ang kumakain dahil kumain na daw ang pinsan niya.
“Pipi na ba ang pinsan mo, bro?”
“Hindi. Bakit?” mabilis niyang sagot.
“Kanina lang sumisigaw ng pangalan mo, ngayon naman hindi nagsasalita,” komento ko.
“Hindi ko alam kay Ate. Baka may problema lang. Saka hindi talaga sanay na may ibang tao na hindi kakilala.”
“Ah, okay. Ilan na ba ang anak niya?”
Natawa ang kaibigan. “Wala pang anak at asawa ‘yan. Pero hindi ko alam kung may nobyo. Hindi ko naman kasi nakaausap ‘yan si Ate. Sa bayan na kasi sila nakatira din kaya bihira kami magkita. Ngayon lang ulit.”
Tumango-tango ako nang tumingin sa pinsan niya. Nangunguha siya ng tuyong kahoy na iuuwi daw niya para sa bahay nila na katabi lang din nila Isagani.
“Akala ko kasi meron na.” Para kasing Nanay na ni Isagani ang ayos niya. Kaya napagkamalan ko. Sorry naman.
“Hindi naman talaga mahilig ‘yan mag-ayos. Kung ano lang ang mahugot niyan sa damitan niya sinusuot niya. Wala ring pakialam sa sasabihin ng iba. Pero maganda naman siya, ‘di ba?”
Tinitigan ko siya kanina habang nag-aayos ng pagkain namin. Siguro kapag tinanggal ang salamin at magpalit ng dami, baka.
“I think so,” sabi ko na lang. Kaso hindi naman daw mahilig mag-ayos. Kaya hindi ko masabi pagdating naman sa ayos. Ang manang niya kasi.
“Ate, bakit ka nga pala bumalik dito?” tanong ni Isagani sa pinsan.
“B-bakasyon kasi,” tipid na sagot niya nang lingunin kami.
“Wala kang pasok sa restaurant?”
“Dalawang linggo kaming magsasara dahil sa renovation kaya nagpasya akong bumalik muna dito.”
Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang boses niya. Pero kaagad ko ring pinalis sa aking isipan nang marinig ulit siyang magsalita.
ATHENA’S POV
PAGKALAGAY sa basket ng mga pinggang ginamit nila Isagani ay kaagad akong nagpaalam sa kanya. Tinanguhan lang ako ng kaibigan niya nang tumingin ako sa kanya.
Hindi ko alam na iba ang kasama ni Isagani sa palayan. Akala ko, ‘yong isang pinsan namin, hindi pala.
Si Auntie dapat ang maghahatid kaso biglang inatake nang rayuma kaya inutusan na lang niya ako. Sumaktong kakatapos ko lang mag-general cleaning sa lumang bahay namin. Luma na rin pero maayos pa naman tirhan.
Pag-uwi ko sa bahay ay natulog muna ako sa may duyan sa may likod. Doon lang ang presko kaya doon ko na piniling matulog. Nagising ako dahil sa maingay na tawanan sa likod nila Isagani kaya napatingin ako doon. Nagkakape at nagkukuwentuhan pala ang magkaibigan.
Napatitig ako sa mukha ng kaibigan ni Isagani. Hindi ako magsisinungaling sa aking sarili, magandang lalaki siya. Ang ganda ng mga ngiti niya kahit ang mapilantik na pilikmata. Ang ganda rin ng mata niya at kissable lips.
Kaso, mukhang playboy. Saka parang kaedad lang siya ng aking pinsan. Anim na taon ang agwat namin ni Isagani kaya baka ganoon din ang agwat namin ni Graeson.
Ang sabi sa akin ni Auntie, mula sa mayamang pamilya daw ang bisita nila. Halata nga. At nakita ko ang sasakyan niya sa garahe nila Isagani kanina, pang-karera ang sasakyang dala niya.
Napaiwas ako nang tingin nang mapako ang tingin sa akin ni Graeson. Mabilis akong bumaba sa duyan na muntik ko ng ikahulog.
“Ang clumsy mo, Athena!” naisatinig ko na ako lang ang nakakarinig.
“Are you hurt, Ate Athena?” tanong ni Graeson sa akin na ikinapikit ko.
Bakit parang nasasagwaan ako sa pagtawag niya sa akin ng Ate Athena?
Bahagyang ngumiti lang ako bilang sagot.
“Ate, mag-iihaw kami ng isda dito. Dito ka na raw kumain mamayang gabi sabi ni Nanay!” ani sa akin ni Isagani nang tumingin sa akin.
Tinanguhan ko lang siya at mabilis na pumasok sa pintuan ng kusina namin.
Sinapo ko ang dibdib ko nang makapasok sa loob.
Sana, hindi ako nakita ni Graeson. Baka mamaya iba ang isipin niya sa pagtitig ko sa kanya. Ang sagwa tingnan dahil matanda ako sa kanya.
Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago lumipat sa kabilang bahay para tumulong sa pag-aayos ng hapag. Hindi pa magaling si Auntie kaya ako na ang nagsaing para sa hapunan namin.
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama