Basta Garcia kakaiba magmahal hahaha
=Elvira’s Point of View= Two Weeks Later – Regional Trial Court Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ko habang nakaupo sa loob ng courtroom. Sa harap ko, nakaupo si Leon, suot ang paborito niyang gray suit—yabang ang postura, pero bakas ang iritasyon sa bawat kurba ng mukha niya. Nasa kanan ko si Atty. Gomez, ang abogado ko. Nasa kaliwa naman si Zian, tahimik pero palaging alerto. Ramdam ko ang kamay niyang nakapatong saglit sa likod ng silya ko bago pa man magsimula ang session. Parang sinasabi niyang, “Kahit anong mangyari, nandito lang ako.” Lumapit na ang judge at nagsimula ang session. “Criminal case number 26453—Elvira Monteverde vs. Leon Arase, re: harassment, falsification of public documents, and coercion.” Bumigat ang dibdib ko. Ito na. Ito na ang simula ng pagtapak ko sa kalayaan. Unang nagsalita si Atty. Gomez. “Your Honor, we have in our possession certified true copies from the UK registrar disproving the authenticity of the so-called prenup
=Elvira’s Point of View= Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko habang nakaupo sa wheelchair, tinutulak ni Caleb palabas ng ospital. Isang linggo na ang lumipas simula ng aksidente, at kahit papaano ay nakalalakad na ako kahit kaunti. Pero mas mabigat pa rin ang bitbit ng loob ko kaysa sa katawan kong pilit na bumabangon. Paglabas namin ng lobby, agad kong natanaw ang isang pamilyar na kotse. At doon, nakatayo si Zian. Malamig pa rin ang ekspresyon, gaya ng dati. Pero may tensyon sa pagkakatayo niya, na parang handa siyang sumugod sa digmaan. Napatigil si Caleb. “Gusto mo ba akong umalis?” Umiling ako. “Hayaan mo lang siya.” Lumapit si Zian, ang mga mata’y diretsong nakatuon sa akin. Walang ngiti. Walang galit. Pero may bigat. Parang may gustong sabihin, pero pinipigilan. “Pwede ba kitang makausap… alone?” tanong niya kay Caleb. Tumango si Caleb, tumalikod, pero bago tuluyang lumayo ay tumingin pa sa akin. “Kung magpapakatanga ka na naman, Elle… siguraduh
Elvira’s POV. Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ulit ang pinto. Akala ko si Caleb na, pero nagulat ako nang makitang si Yssa ang pumasok. “Elle,” mahinang tawag niya at mabilis na nilapitan ang gilid ng kama ko. Nakasuot siya ng simpleng blouse at slacks, pero halata ang pagka-bothered sa mukha niya. “Y-Yssa?” gulat kong tanong, medyo paos pa rin ang boses ko. “Anong ginagawa mo rito?” Sumulyap siya sa pinto, parang sinisiguradong walang makakarinig sa amin, bago umupo sa tabi ng kama ko. “Binalitaan ako ni Caleb. Sobrang nag-alala ako nang malaman kong naaksidente ka,” seryosong sabi niya, pero halatang kinakabahan siya. Napatingin ako sa kanya ng mabuti. Mula pa noon, alam kong may alam si Yssa na hindi pa niya sinasabi sa akin. At ngayon, parang dumating na ang pagkakataon para ipagtapat niya ang lahat. “Elle,” hinawakan niya ang kamay ko. “May kailangan kang malaman.” Napatitig ako sa kanya, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Leon… he’s plannin
=Elvira’s Point of View=Pagmulat ko ng mata, agad na sumalubong ang puting kisame at malamig na hangin ng air conditioner. Masyadong maliwanag, masakit sa mata, at ang amoy ng antiseptic ay sumundot sa ilong ko.Hospital.Nasa ospital ako.Sinubukan kong igalaw ang kanang binti ko ngunit halos mapasigaw ako sa sakit. Napangiwi ako at agad na napakapit sa gilid ng kama. Hindi ko rin maiangat ang kaliwang kamay ko dahil nakakabit ang IV drip.Mabilis na bumalik ang mga alaala ng pagguho ng building, ng pagbagsak namin ni Zian, at ng paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko habang tinatakasan namin ang gumuguhong mga pader.“Elle!”Napalingon ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Si Caleb, nakanganga at namumula ang mga mata, halatang puyat. Agad siyang lumapit sa gilid ng kama ko.“Shit! You’re awake! You’re finally awake!” Halos hindi niya alam kung saan hahawak, parang natataranta habang tinitingnan ang buong katawan ko.“C-Caleb…” paos kong sabi, halos hi
=Elvira’s Point Of View=Parang naninigas ang buong katawan ko. Sakit, takot, at kawalan ng pag-asa ang sabay-sabay na bumalot sa akin habang nakahandusay ako sa malamig na semento.Ang kanang braso ko ay mabigat, halos hindi ko maigalaw, at nararamdaman ko ang mainit na dugo na dumadaloy mula sa sugat ko. Parang ang bawat pintig ng puso ko ay nagpapalala ng kirot.Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, ngunit ang bawat paggalaw ay parang pagkudlit ng kutsilyo sa laman ko. Humihingal ako, pilit na sinisipat ang paligid, ngunit unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko.“Ma’am! Ma’am Elvira!” sigaw ng isang boses mula sa malayo.Pilit kong idinilat ang mga mata ko, nakikita ko ang ilang tauhan na pilit sumisilip mula sa mga nakalugmok na bakal at debris.“A-Ang sakit…” bulong ko, halos hindi na marinig ng sarili kong tenga.Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa takot. Dito na ba matatapos ang lahat? Dito na ba magwawakas ang lahat ng pinaghirapan ko?Biglang naramdaman ko ang pag
=Elvira’s Point Of View= Napapikit ako ng mariin, nang matapos ang maikseng rebelasyon ay nabatid ko ang galit na galit na tingin ni Leon sa amin ni Zian. Lumabas kami sa conference room ngunit mabilis niya akong pinigil. “You’ll regret doing this to me, I swear…” mariing banta niya at matalim akong tinitigan. Binawi ko ang pulsuhan. Sinamaan ko rin siya ng tingin. “I won’t let you, Leon. Just go back to where you belong,” tugon ko at pasimpleng lumingon sa buong paligid. “Then just go back to UK! That’s where you belong! You belong to me! I own you!” galit na galit niyang sabi at hinablot ang pulsuhan ko dahilan para bahagya akong masaktan. “You don’t own me, Leon! If it’s money I can pay it back with money! Hindi mo—” “Money?! How about the efforts I did? The name your father tainted?!” bulyaw niya at halos magpumiglas ako sa sapilitan niyang paghila sa akin papalapit. “Then I’ll pay it back!” “You don’t have a lot! You bitch—” “I’ll pay it.” Natuod ako sa kinatatay