Share

Kabanata 3

DOMINIQUE’S POV

“Dom, wag ka nga malugmok diyan na parang malaking kawalan si Carl!” sabi ni Jayvee. “Maraming mas better riyan, wag ka mag settle sa kanya na hindi makuntento!”

Ngumuso ako at umirap sa kawalan. Nandito kami ngayon sa field at nakatambay. Lunch break namin at mahaba pa ang oras para tumambay. Katabi ko si Suzette na naglalagay ng lipstick sa labi at si Renz na seryosong nakasandal sa wooden chair sa harap namin at nakapikit.

“Ag kapal ng mukha niya…” iritado kong bulong.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, umiyak lang ako ng umiyak. Nasasaktan parin ako dahil hindi rin naman biro ang pinagsamahan namin. Pero hindi rin naman tamang kunsintihin ko siya.

“Dapat noon mo pa yan ginawa noong una ka niya’ng niloko,” sermon ni Suzette. “Ano ba kasing nakita mo sa kanya? Hindi naman siya kagwapuhan, manloloko pa!”

“True!” segunda ni Jayvee. “Tignan mo nga ang mukha mo! Yan ang pantasya ng mga estudyante dito sa school! Junior, senior o college pa! Tapos iiyakan mo lang si Carl na mukhang kuto?”

Tumawa si Suzette sa sinabi ni Jayvee.

That was one of my point. Hindi naman sa mayabang pero masasabi kong hindi naman ako pangit, maganda rin ang katawan ko at magaling ako sa cademics. Marami ang pumupuri sa’kin na maganda raw ako at naniniwala naman ako sa kanila.

But…why did Carl manage to fool me? Maybe I'm boring?

Or maybe he got mad when I refused his request to do that ‘thing’ to me? Kung iyon nga ang dahilan ay sobrang babaw niya! Pero nang maalala ko na naman ang nagyari samin ng lapastangan na lalaking yon ay parang gusto ko masuka!

“Oh my god. Ano itong nakikita ko? Yan na ba ang ipinalit niya kay Dominique?”

Nilingon ko si Jayvee at Suzette na magkatabi at may itinuturo sa gitna ng field. Sinundan ko ‘yon ng tingin at halos malaglag ang puso ko sa nakita.

It was Carl with a tall and petite girl. They were laughing and I want to ruin their happy moments by slapping their faces but I can’t. I just clenched my fist with so much anger.

The girl he's with is the one I saw him kissing last time. Ang kapal ng mukha nila!

“Oh…is that Trixie? Yung cheerleader sa engineering?”

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Suzette at lumapit na rin. They was right. It was Trixie who I saw with Carl that day. They were kissing. Maganda si Trixie. Maputi at mahaba na tuwid ang buhok. Samantalang ako ay maputi rin pero kulot na umaalon ang mahaba kong buhok. Ganoon ba ang tipo niya? Hindi ako nainform na nagbago na pala.

“Siya nga…” sagot ko. “Siya ang kahalikan niya noong nakaraan,”

Napailing si Jayvee.

“Ano ba yan! Pipili na lang ay yung pipitsugin pa! Kung dancer at maganda pala ang gusto niya, aba, mas angat parin si Dom! Hindi niya ‘yata alam na lahat ng talent ay na kay Dominique Dela Fuente na!”

Wow, nag buhat pa talaga siya ng bangko.

“Sa true lang!” Suzette agreed. “Nakakadisappoint naman ang taste niya! Ano ba ang maibubuga ni Trixie? Puro talon at split lang naman ang alam niya! Kung sasampalin ko ba siya, may magagawa ang pagiging cheer leader niya?”

Halos masindak ako sa sinabi ni Suzette.

“Tumigil na nga kayo. Hayaan na lang natin sila…”

Pareho silang suminghap.

“You’re more way better than her!” Jayvee hissed. “You can dance, sang, paint and won to a beauty pageants! Whole package ka na, Dom! Kaya wag ka makaramdam na may mali sayo. Harap-harapan ka niya’ng niloko dahil mabait ka! Show them what you’ve got!”

Tila may isang reyalisasyon na pumitik sa utak ko. Masasabi kong nasaktan nga ako sa ginawa ni Carl pero wala na ako’ng nararamdaman na pagmamahal sa kanya. I’m so worried. I just feel an urge to slap him with the reality that I can live without him!

He’s begging me yesterday but now? He was able to smile like that with Trixie, huh? Magsama sila!

Tumayo ako. “Tara na sa room…”

Sumunod sila sa’kin at habang naglalakad kami pabalik sa classroom, biglang nag salita si Jayvee.

“Nga pala, Dom. No’ng nag bar tayo at bigla kang nawala, hindi na kami masyado nag-alala dahil sabi ni Rosemarie ay nakita ka niya’ng may kasama…”

Napatigil ako at nanlalaki ang matang bumaling sa kanya.

“Oo nga!” segunda ni Suzette. “Sabi ni Rosemarie ay sobrang lasing ka na raw at mukhang mabait naman daw ang kasama mo at mayaman! Sobrang guwapo rin daw!”

Kinabahan agad ako. M-May nakakita pala samin?

“Ikaw ha…” nginisian nila ako. “Hindi mo sinabi samin ang tungkol doon! Kaya pala parang may kakaiba sayo!”

“Pero ayos na ‘yon at least, may kapalit na agad si Carl!” tumili si Suzette. “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo-“

“Wala!” putol ko at naunang mag lakad.

Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoong nangyari! Hindi naman sa hindi ako handa pero wala talaga ako’ng balak sabihin sa kanila! Nakakahiya…

Nakarating kami sa classroom at nag simula na ang discussion. Kaklase ko pareho sila Suzette at Jayvee, si Renz lang ang hindi dahil Engineering siya. Hindi ako makapag-focus sa lesson namin dahil nalipad parin ang utak ko.

Bukod sa pag-iisip kung paano ko makakalimutan ang ginawa sa’kin ni Carl, bumabagabag parin sa’kin ang gabing nangyari samin ng lalaking hindi ko kilala mula sa bar! Hindi ako pinapatulog niyon sa gabi. Feeling ko nga, mas pinoproblema ko pa ang bagay na ‘yon kaysa sa hiwalayan namin ni Carl.

Duh, he took my virginity! My precious thing that I should’ve preserved for the right guy!

“Huy, teh! Kanina ka pa lutang!”

Pumitik ang daliri ni Jayvee sa harap ko.

Napakurap ako at kalaunan ay inirapan siya.

“Break na natin, teh! Tara na sa canteen!” anyaya ni Suzette at hinila na ako.

Magkakatabi kaming tatlo sa isang table sa canteen habang ang kaklase naming si Jessa ang bumili ng mga kakainin namin. I’m just sitting there with my sophisticated face while my legs were crossed. I’m still not in the mood.

Napansin ko ang ilang lalaki sa kaharap naming table na panay ang sulyap samin. Kumunot ang noo ko.

“Yung mga nasa harap natin halos tumulo na ang mga laway sa kakatitig kay Dom!” saad ni Suzette. “Dominique, kanina ka pa pinanonood ng mga ‘yan! Siguro nabalitaan na hiwalay na kayo ni Carl!”

“Ano pa bang aasahan mo?” si Jayvee. “Sikat naman talaga kahit sa ano’ng department si Dominique!”

“Sino ba ang mga ‘yan?” mataray kong sabi.

“Ang iba ay sa crim pero karamihan ay sa engineering! Mga kaklase yan ni Renz!”

Tumaas ang kilay ko at bumaling ulit doon sa mga lalaki. Inirapan ko sila bago bumaling sa pagkain namin. I don’t have time for shit!

Kumain na lang ako habang pinag-uusapan parin ng mga katabi ko ang pahihiwalay namin ni Carl.

“Hoy, Dom, hiwalay na pala kayo ni Carl!” usisa ni Jessa. “Tapos si Trixie pala ang pinalit! Akala ko pa naman ay mabait ‘yon. Sulutera pala,”

“Suluterang frog siya, teh! Akala mo kung sinong maganda, maharot din pala!” si Jayvee. “Hindi na siya nahiya!”

“Hayaan na natin sila! Hindi naman siya kawalan kay Dom at kakarmahin din ang dalawang ‘yon!” usal ni Suzette. “Marami kaya riyan ang nagkakagusto kay, Dom! Mas mayayaman at guwapo pa!”

Ibinagsak ko ang kutsara sa sobrang irita.

“Pwede ba, wag niyo na pag-usapan ang tungkol diyan! Ang sakit sa tenga!”

Ayos na sa’kin ang makita silang masaya dahil alam kong hindi rin naman sila magtatagal. For now, I should focus to my studies. Tingin ko nga ay mas lalo ako’ng makakapagfocus dahil wala na kami ni Carl, wala ng mangungulit sa’kin para pumunta sa kung saang party kasama ang mga kaibigan niya!

After him, I don’t have time or plan for another relationship though. Mas mabuting mag-aral na lang ako’ng mabuti.

Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa room. Mas nakapagfocus na ako ngayon sa klase dahil hindi ko na iniisip si Carl.

Nang mag dismissal ay agad kong hinila si Suzette. Si Jayvee at Renz naman ay nakauwi na.

“May 30 minutes pa naman tayo. Bakit parang nagmamadali ka?” tanong ni Suzette.

Hinihila ko kasi siya hanggang makalabas kami ng campus. Ngayon ay naghihintay na kami ng jeep na masasakyan.

“Tignan mo nga at madilim na! Mamaya marami ng customer, pagalitan pa tayo ni boss!”

Sumakay agad kami sa kararating na jeep.

Mabuti ay mahaba ang tulog ko kanina para hindi ako antukin sa trabaho mamaya. Halos mag iisang taon na rin kaming nagtatrabaho sa isang club bilang waitress. Gabi ang trabaho namin at uuwi sa madaling araw, wala namang pasok sa school bukas kaya magtatrabaho kami ngayon.

Ito rin ang tumulong sa’kin na mabili ang kailangan namin sa bahay. Simpleng pag tulong ko na rin ito kay mama dahil mahina ang benta siya sa palengke minsan, kailangan ko rin kumayod.

Saglit lang ang biyahe at naglalakad na kami ngayon papasok sa club. Rinig ko ang malakas na music kahit dito sa labas.

“Dala mo ang uniform mo?” tanong ko kay Suzette.

“Oo, nasa bag. Sabay na tayo mag bihis, ah!”

Saktong pag pasok namin ay dumiretso kami sa office ni boss.

“Good evening, boss!” bati naming dalawa.

“Oh, aga niyo, ah. Mag bihis na kayo, marami tayong customer,”

Dumiretso kami sa banyo ni Suzette para mag bihis. Isang black skirt hanggang ibabaw ng tuhod at black blouse na may white collar ang uniform namin. It’s too tight for me, that's why my shape is more refined.

“Ang sexy mo talaga!” mangha na sabi ni Suzette habang nakatingin sa baywang ko. “Kaya hindi ka mabitawan ni boss Glenda, marami ang customer na gusto kang makita!”

Natawa ako bago inayos ang buhok sa salamin. Nakahalf bun lang ang mahaba at kulot kong buhok. Sabay kaming lumabas bago kinuha ang black na apron sa cabinet.

“Dom, table no. 8!”

Kinuha ko agad ang limang beer na nasa tray galing kay Paulo na nasa bar counter. I stood firmly when I saw bunch of boys in that table. I walked confidently towards them and smile a bit.

“Your order sir,”

Halos nasa anim ang lalaki sa table. Nanginginig ang binti ko habang inilalagay sa lamesa nila ang mga beer. Hindi ko pinapansin ang mga titig nila.

“Thank you, miss beautiful,” malambing na sabi ng isa.

I looked up and realized that they were in their 30's. Tingin ko ay mga may asawa na nga.

“You’re welcome, sir…”

Akma ako’ng tatalikod nang mag salita ulit ang isa sa kanila.

“You can sit with us-“

“I’m not an entertainer here, sir” mariin kong sabi at inis na tumalikod.

This is really I hate!

Mga bastos na customer. Pero kahit ganoon, wala naman nag tangka na humawak sa’kin kahit noong unang beses ko rito.

This bar is really big. Marami kaming waitress dito. Karamihan na mga customer ay talagang mayayaman, mga big time na kadalasan ay mataas mag bigay ng tip. Kaya kahit hindi ako komportable sa ibang customer, nagtitiis ako rito dahil malaki ang naitulong nito sa’kin.

Hindi ko na matanaw si Suzette dahil paniguradong nasa kabilang hanay na ‘yon ng mga table at nag se-serve. One hour straight, I’m just serving to the customers. Nasakit na nga ang mga binti ko dahil kanina pa ako nakatayo.

“Ano, kaya pa?” tanong ni Paulo pagkarating ko sa bar counter. “Ang daming customer, no?”

“Nakakapagod,” I wiped my sweat

“May mga dumarating pa. Sabi ni boss, nandito raw yung bilyonaryong CEO ng sikat na kompanya! Hindi ko lang natandaan kung ano’ng kompanya ‘yon,”

“T-Talaga?” mangha kong sabi.

Wow, kung nagkataon siguro na sa table nila ako nag serve…siguradong magbibigay ‘yon ng malaking tip!

“Paulo? Saan ang table?”

Natawa siya at napailing.

“Si boss na ang nag sabi na masungit daw ‘yon kaya wag mo na subukan mag serve…”

Inirapan ko siya bago kinuha ang panibagong tray.

Basta! Hahanapin ko kung sino ‘yon!

“Table 19…” luminga ako at napangiti nang mamataan ang table.

Medyo madilim sa parte na ‘yon dahil na rin sa mga dancing lights kaya hindi ko masyado makita ang mukha ng customer, but obviously, there’s two men sitting there.

“Your order, sir…”

I leaned and place the orders on the table. Tahimik lang ang dalawang customer.

“Enjoy po…” I said lastly before I turned my back.

“Thank you…”

Kinilabutan ako ng marinig ang malalim na boses. Yeah, it’s deep but it sounds so sexy! My chest suddenly throbbed so fast out of nowhere.

I just shook my head and continued walking away while an idea slowly forming in my mind.

Why do I have a feeling that I already heard that voice?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status