Share

Chapter 3

Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid. Hindi ako kumukurap habang tinititigan ang mukha ng lalaking nasa ibabaw ko. Hindi ako p’wedeng magkamali.

Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang itsura ng lalaking nakasama ko no’ng gabing ‘yon at kamukhang-kamukha siya ng step-brother ko.

“Am I still drunk? Or am I dreaming again? Bakit nakikita na naman kita? Hindi mo ba talaga ako titigilan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Mukhang naguguluhan din siya at mukhang hindi rin siya makapaniwalang makita ako. Sino ba naman ang hindi magugulat?

Tatlong buwan. Tatlong buwan na mula nang huli ko siyang makita. Oo, may parte sa akin na gusto rin siyang makita pero hindi sa ganitong pagkakataon. Grabeng coincidence naman ito! Parang kailan lang ka-one night stand ko siya tapos ngayon step-brother ko na siya?

“Teka nga!” sigaw ko bago siya itinulak. Bumangon kaagad ako at huminga nang malalim. “Paano nangyari ‘to?”

“Wait...this is not a dream? You’re really here? Paano ka napunta sa kwarto ko?” gulat niyang tanong.

Mukhang ngayon lang siya nahimasmasan. So, inakala niya talagang nananaginip lang siya kanina?

“Don’t tell me...you're my step-sister?” he asked again.

Hindi ako kumibo pero mukhang naintindihan niya na ang lahat. Tumayo siya habang sinasapo ang kaniyang noo.

“Sa dami ng p’wede kong maging step-sister, bakit ikaw pa?”

Suminghap ako. “Aba! The feeling is mutual! Sa dami ng p’wede kong maging kuya, bakit ikaw pa? Na-disappoint ako nang sobra. Pero wala na tayong magagawa. Let’s just forget what happened between us and move on as a family.”

He stared at me. Seryoso at mapanganib ang titig niya. Mayamaya lang ay dahandahan siyang lumakad papalapit sa akin. He looked like a predator and I was the prey.

“Forget about what happened?” he asked mockingly. “You don’t know what you’re saying.”

Napalunok ako. “B-Bakit? Madali lang gawin ‘yon. Isang gabi lang naman may nangyari—”

“You're right. That was just one fucking night. But do you know what happened after that? You ruined my life. You corrupted my mind. Gabi-gabi akong hindi makatulog nang maayos dahil palagi ka na lang sumusulpot sa panaginip ko. Now tell me, how will I damn forget about that night?”

Hindi ako nakasagot. Nasa harap ko na siya ngayon at halos isang dangkal na lang ang distansya naming dalawa sa isa’t isa.

Pareho pala kaming dalawa. Hindi ko rin siya nagawang alisin sa isip ko. Pero normal naman ‘yon dahil siya ang unang nakakuha sa akin. Hindi katulad niya na marami nang naging babae kaya bakit naman gano’n ang epekto ko sa kanya?

Pero kahit na pareho kami ng nararamdaman, hindi ko aaminin iyon sa kanya. Ayaw ko nang dugtungan pa ang naging koneksyon namin noon. Anak siya ni Tito Rayver na pakakasalan ni mama. Magiging isang pamilya na kami kaya mas mabuting layuan ko na lang siya.

“H-Hindi ko na problema ‘yon. Sinasabi ko na nga ba, ikaw ang sentimental sa ating dalawa. Humanap ka lang ng ibang babae para makalimutan ako. Dahil simula ngayon, magkapatid na tayong dalawa—”

“No!” he cut me off. “We both know that’s impossible. I know that you’re still thinking about that night. You still feel my lips on your skin and my hands on every inch of your body.”

He stepped closer that I could feel his breath on my lips. Gustuhin ko mang umatras pa ay hindi ko na magawa dahil may drawer sa likuran ko.

“Mali ka. Nakalimutan ko na ang nangyari no’n. That was just one night stand. Kaya please lang, let’s just be casual with each other. Ikakasal na ang parents natin at hindi nila kailangang malaman ang tungkol sa nangyari.”

Natahimik siya pero alam kong malalim ang iniisip niya ngayon. Kalaunan ay bigla siyang ngumisi.

“Okay. We will be casual to each other but we both know that we couldn't hide the sexual tension between us. But don’t worry, I won’t do anything without your permission. I’m sure that sooner or later, you will beg for me.”

I scoffed. “That won’t happen,” I said but I know deep inside I was scared. Scared that he might be right. I was scared that I couldn't stop myself from wanting him.

“Confident. I like it. Let’s see about that,” he whispered. “Pero sa ngayon, alam mo ba ang isang bagay na hindi mo dapat ginawa?”

Tinitigan ko lang siya.

“Hindi ka dapat pumasok dito sa kwarto ko. No one dares to enter my room especially when I’m sleeping. Do you know why?” he asked again.

Napaisip ako. Kaya siguro hanggang pagkatok lang ang ginawa ni Manang Aida kanina. Hindi niya naman sinabi sa akin na bawal palang pumasok sa kwarto ng lalaking ‘to!

“Dahil nangangain ako,” seryosong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. “You know that, right? You experienced it already.”

“Bastos ka talaga!” sigaw ko kaya bigla siyang natawa.

He laughed so hard that I guess his stomach ached because of it. We were interrupted by a series of knock from the outside. Agad akong umalis sa harap ni Arc at nagtungo sa pinto. Si Manang Aida ulit iyon.

“Gising na po siya. Susunod na siya sa baba,” sabi ko bago bumaba sa dining area.

Umupo ako sa tabi ni mama at bumuntonghininga.

“Lian, nagising mo ba si Arc? Sabi ko naman sa ‘yo, mahirap siyang gisingin, ‘di ba?” nakangiting tanong ni Tito Rayver.

Pilit akong ngumiti at tumango. “Gising na po siya.”

Nagsimula na akong kumain habang iniisip ang mga nangyari. Mukhang hindi ko rin magagawang maging casual kay Arc lalo na kung patuloy niya akong tutuksuhin. Pero kailangan kong pigilan itong namamagitan sa amin. Dahil kapag nalaman ni mama at ni Tito Rayver ang tungkol dito, baka pati sila ay mailang. Ayaw kong maapektuhan ang relasyon nila nang dahil sa amin.

Ano ba’ng dapat kong gawin? Kung bumalik na lang kaya ako sa dati naming bahay? Pero siguradong magtataka sila mama kapag ginawa ko iyon at saka hindi siya papayag.

Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Arc at umupo sa kaliwang parte ng mesa. Katapat niya si mama habang nasa kabisera si Tito Rayver. Sumulyap siya sa akin kaya napayuko ako.

“Arc, this is your Tita Annika and her daughter, Lian. Dito na sila titira simula ngayon. Kaya iyong mga madalas mong gawin noon, sa condo mo na lang gawin,” sabi ni Tito Rayver.

Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious. Don’t tell me nagdadala siya ng babae dito? O baka naman may iba pa siyang kababalaghang ginagawa.

“Noted, dad. Hello, Tita Annika, dad’s right you’re really beautiful. Hi, Lian.”

Ayaw ko man pero nag-angat pa rin ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

“Mukhang nahihiya pa si Lian sa ‘yo, Arc. Mabuti pa pagkatapos nating kumain, ilibot mo siya sa buong bahay para hindi siya maligaw,” sabi ni Tito Rayver kaya muntik na akong mabulunan.

Isa ‘yon sa mga bagay na hindi dapat mangyari. Ang makasama ko si Arc nang kaming dalawa lang.

Inabutan ako ni mama ng tubig para mahimasmasan. “Dahandahan lang kasi, Lian.”

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Lalo pa nang tumawa ang mag-ama.

“Bukod sa maganda, matakaw din pala ang little sister ko,” pang-aasar ni Arc.

Talagang paninindigan niya ang pagtawag sa akin niyan? Kadiri!

“By the way, Lian. Your mother told me that you are a tourism student?” Tito Rayver asked.

Uminom ako ulit ng tubig bago tumango. “Opo. Graduating student na po ako ngayong taon.”

“I see. Nakahanap ka na ba ng company kung saan ka mag-iinternship?”

Umiling ako. “Wala pa po, e.”

Isa pa ‘yon sa pinoproblema ko ngayon. Kanya-kanya kasi kami ng hanap ng company kung saan kami mag-o-OJT. Iyon nga lang, nahihirapan talaga akong makahanap at halos kaunti lang ang tumatanggap ng intern.

“Huwag ka nang lumayo pa. You can have your internship in one of our hotel businesses. Doon kita ilalagay sa pinakamalaki naming hotel at si Arc ang nagma-manage no’n kaya p’wede ka niyang i-mentor.”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako mas mabibigla. Doon ba sa sinabi niyang sa malaking hotel ako mag-i-intern o doon sa sinabi niyang si Arc ang magme-mentor sa akin?

Alanganin akong umiling. “Hindi na po. Nakakahiya po kasi—”

“Don’t be. You’re the daughter of my soon-to-be wife so I will treat you as my daughter, too. I only want the best for my family.”

“Dad’s right,” Arc interrupted us. “That’s a big opportunity for you. Besides, kapag maganda ang results ng internship mo, p’wede kang magtrabaho sa hotel namin pagka-graduate mo. Hindi ka na mahihirapang maghanap ng trabaho.”

Lumingon sa akin si mama kaya tumingin din ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Tanggapin mo na ang offer nila, anak. Makakatulong ‘to sa future mo,” sabi ni mama.

Tatlo na silang kumukumbinsi sa akin kaya paano pa ako makakatanggi? Ayaw ko namang isipin ni Tito Rayver na paimportante ako at nag-iinarte. Sa totoo lang, gusto ko ang offer ni Tito Rayver pero hindi ko gustong makasama si Arc sa trabaho.

I guess, I just have to bare with his presence.

“Sige po. Salamat po, Tito Rayver. Gagalingan ko po para hindi kayo ma-disappoint sa ‘kin,” sabi ko.

“You’re welcome. Nabanggit din pala ng mama mo na may part-time jobs ka?”

Tumango ako. “Opo.”

“You can resign with your work and just focus on your studies. Handa akong suportahan ang pag-aaral mo, iha.”

Ngumiti ako bago umiling. “Hindi na po. Gusto ko po kasing pagtrabahuan ang ginagastos ko para sa sarili ko. Kaya ko naman pong pagsabayin.”

“Masipag talaga ‘yang si Lian. Hindi niya ugaling umasa sa iba kahit pa sa akin na mama niya. Kaya nga maswerte ako sa kanya,” sabi ni mama.

“Gano’n ba? Sige, mukhang hindi naman kita mapipilit. May pagkakapareho pala kayo nitong Kuya Arc mo. Bata pa lang siya business-minded na siya. Kaya ngayon, mas magaling na siyang mag-handle ng negosyo namin,” sabi ni Tito Rayver.

Napatingin tuloy ako kay Arc. May pakinabang naman pala siya kahit papaano. Pero teka, ilang taon na ba siya? Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa.

“Dad, ikaw naman ang nagturo sa akin ng mga bagay na alam ko ngayon. So, all the credits belong to you,” Arc said.

Natawa si Tito Rayver. “Sobrang responsable nitong anak ko at may pagka-workaholic din. Gusto ko na nga siyang mag-asawa para magka-apo na ako.”

Nasapo ni Arc ang kanyang noo at mukhang nahiya. Hindi na ako nagtaka. Wala naman sa itsura niya ang magseseryoso sa babae kaya madi-disappoint lang si Tito Rayver. Matagal pa o baka hindi na siya mabigyan ng apo ng anak niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain at naunang natapos sina mama at Tito Rayver. Nagpaalam silang magpapahinga muna sa itaas kaya naiwan kami ni Arc sa hapag. Ayaw ko siyang makasama kaya tumayo na rin ako at nagtungo sa kusina para maghugas ng kamay.

“You’re avoiding me, huh? Saan na napunta ang confidence mo kanina?”

Nilingon ko siya at nakitang nakasandal na siya ngayon sa door frame ng kusina. Inirapan ko siya pero hindi ako sumagot. Tinuyo ko ang kamay ko at balak ko na sanang umalis pero nakaharang siya sa daanan.

“Excuse me, Kuya Arc,” mariin kong sambit.

“Narinig mo naman ang sinabi ni dad kanina, right? Ilibot daw kita dito sa buong mansyon. Kaya halika na,” sabi niya bago hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa kung saan.

“Teka nga,” sabi ko at binawi ang braso ko. “Hindi ako sasama. Gusto ko nang magpahinga sa kwarto.”

Ngumisi siya bago tumango. “Okay. Let’s go to your room.”

Mabilis pa sa alas kwatro akong umiling. Talagang hindi niya ako titigilan ngayong araw ha?

“Nagbago na ang isip ko. Sige, ilibot mo na lang ako sa buong bahay,” sabi ko.

Mas mabuti nang magkasama kami dito kaysa naman sumunod siya sa kwarto ko. Hinayaan ko siyang ilibot ako sa buong bahay. Dumaan kami sa back door at bumungad sa akin ang swimming pool.

Sobrang laki no’n at parang hinihikayat na kaagad akong lumangoy. Sa susunod na lang kapag wala dito si Arc.

Dumiretso kami sa kaliwang side ng mansyon kung nasaan ang laundry area at dirty kitchen. Sa bandang unahan ay nandoon naman ang maids’ quarters. Umikot kami sa harapan at dumiretso sa may garahe.

“Sa inyo lahat ‘to?” tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nakaparadang sasakyan. Sampu ang lahat ng nandoon at iba-ibang model.

Tumango siya. “Yup. Pero hindi pa ‘yan lahat. Nasa ibang property namin ang ibang sasakyan.”

Grabe. Sobrang yaman talaga nila. Sabagay, dito pa lang sa itsura ng mansyon, halata naman na iyon. Halos hingalin na nga ako pagkapasok namin ulit sa loob.

“Let’s go upstairs,” he said.

Tumango ako. Inisa-isa niyang ipakita sa akin ang mga kwarto sa itaas. May limang guest room, dalawang master’s bedroom, study room, dalawang office, at library. Ang sabi ni Arc ay may sariling gym din siya pero nasa basement. Next time na lang ako sisilip doon.

Nang matapos sa paglilibot ay hinatid niya na ako sa kwarto ko. Ayaw ko man pero hindi ko naman alam kung saan ang magiging kwarto ko kaya nagpasama na ako sa kanya.

Napakunot pa ang noo ko nang ma-realize na magkalapit lang ang kwarto naming dalawa. Tinitigan ko siya pero umiling siya kaagad.

“Si dad ang pumili ng kwarto mo. I swear, wala akong kinalaman dito,” nangingising sabi niya.

I rolled my eyes. “My room is off-limits so don’t even try to get inside.”

Tumango siya. “Okay. But my room is always open for you,” he said then he winked.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status