Share

Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)
Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)
Author: Anoushka

1 - Betrayal

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-04-30 22:42:52

Napabuntong-hininga si Jasmine habang nakatitig sa gusot at nadumihang damit na kulay pula.

"Isang buwan ko pang inipon ‘tong tela…” bulong niya, may halong panghihinayang at pait sa kanyang tinig.

Dalawampung taong gulang pa lamang siya, at sa edad na ‘yon, marapat sana’y kinikilala pa lamang ang mundo—hindi ginagawang aliwan sa ilalim ng mesa.

Nasa ilalim siya ng mesang may alak, nakahiga sa carpet, at may tumulong malagkit na likido sa pagitan ng kanyang mga hita. Mainit at tila ba nag-aapoy ang pakiramdam, pero hindi ito dulot ng ligaya. Ang paulit-ulit at marahas na galaw ay nag-iwan ng kirot na hindi niya maipaliwanag.

“...Ralph,” mahinang sambit ni Jasmine.

Paglingon niya, nakita niya ang lalaki—ang kanyang kasintahan na naging sandalan niya tuwing gabi—si Lieutenant Colonel Ralph Advincula, 29 anyos. Nakaupo ito sa tabi ng mesa, may sigarilyo sa bibig at malamlam ang tingin.

Hindi inaasahan ang pagdating ni Ralph. Basta na lang itong sumulpot, ibinagsak siya sa mesa, ginamit ang katawan niya para sa sariling pagnanasa, at tila walang pakialam kung ano ang mararamdaman ni Jasmine.

Para kay Jasmine, si Ralph lang ang tanging kasama—ang tanging pamilyang natitira—kaya inisip niyang ito na talaga ang normal sa kanila. Sa totoo lang, hindi siya nasisiyahan sa mga gabi nilang ganito. Pero kung hindi niya ito gagawin, baka tuluyan nang hindi bumalik si Ralph na palaging nawawala.

Kaya ngayong naroon pa rin si Ralph sa tabi niya—na hindi agad umalis gaya ng dati—kahit papaano, may kaunting ligaya siyang nadama.

Dahan-dahan siyang bumangon, pinilit iwasto ang sarili. Napakunot ang kanyang noo sa kirot na naramdaman sa ibaba, pero pinilit niyang ngumiti at nagsalita sa magaan at malambing na tinig.

“Ralph… may gusto ka bang sabihin?”

Sa pag-alis niya mula sa mesa, napansin niya ang nabasag na baso ng alak. Ito ang natumba kanina habang itinutulak siya ni Ralph sa mesa. Ang mamahaling alak ay mas lalong naging matingkad sa pulang sahig, at sa tabi nito, may nakahagis na sinturon. Pinulot ito ni Jasmine at tinignan nang mabuti.

“...Wow.”

Habang malalim na humithit si Ralph sa sigarilyo, walang imik itong nagbuga ng usok at hindi sumagot sa tanong ni Jasmine.

Inayos ni Jasmine ang palda niya at lumapit sa kanya. Marahang hinimas niya ang sinturon, napansin ang ukit na emblem ng militar.

“Congratulations, Ralph. Natupad na rin ang pangarap n’yo.”

Ang sinturon na iyon ang natanggap ni Ralph ngayong araw, kasabay ng kanyang promosyon bilang Lieutenant Colonel—isang ranggo na bihira lamang maabot sa edad niya, lalo na isa siyang hindi tunay na anak ng isang kilalang pamilya sa bayan.

Inihagis ni Ralph ang sigarilyo sa sahig na may likido ng alak.

Tumitig si Ralph kay Jasmine. “Thank you. This is all thanks to you. Kung hindi dahil sa’yo, paano ako aabot sa ganito kataas na posisyon?”

May bahid ng panlilibak sa kanyang tono, pero may halong katotohanan.

Si Jasmine ang sumuporta sa kanya—mula sa mga training, tuition, at koneksyon sa loob ng sistemang militar.

“Lieutenant Colonel... Ang taas na niyan,” sabi ni Jasmine, may pilit na ngiti sa labi.

“…Oo. Pero hindi lang 'to dahil sa sipag. You know what I had to do just to get here, don’t you?”

Tumango si Jasmine, iniwas ang tingin, pero may ngiti pa rin. “Alam ko. Ang dami mong tiniis.”

Inilapit niya ang sarili para yakapin ang braso ni Ralph, pero marahan siyang itinulak nito palayo.

“Ralph?”

Parang may naalala si Jasmine kaya bumalik siya sa drawer at kinuha ang isang dokumentong may selyo at hugis bilog.

Ito ang opisyal na katibayan ng pagmamay-ari ng “Deniz Merchants,” ang kompanyang ngayon lang opisyal na naipasa sa kanya dahil sa edad niyang twenty-five.

“Masaya ako na naabot mo na ang pinapangarap mong ranggo. Kailangan kasi ng mataas na posisyon para pamunuan ang supply operations sa taas.”

“Ako na ang magiging representative, right?”

“Oo. Kapag hawak mo na ito—ang dokumento’t selyo—lahat ng utos mo ay parang utos ko na rin.”

Ngumiti si Ralph at niyakap si Jasmine.

“Okay. Thank you, Jasmine.”

Pero habang yakap siya, ang kamay nito ay gumapang pababa sa kanyang likod, sabay haplos sa kanyang balakang.

Napakislot si Jasmine at tinignan siya. “Ralph… uulitin mo na naman ba?”

“Gusto ko sana, but I have to go soon,” sagot niya habang kinuha ang dokumento at selyo, at itinago ito sa kanyang panloob na bulsa.

“Alis ka na agad? Ah, may party pa kayo, ‘di ba? Ralph, kailan mo naman ako ipakikilala? Pwede ba akong sumama ngayong gabi?”

Hindi naman labis ang hinihiling ni Jasmine. Siya ang pinakamalaking sumuporta kay Ralph; may karapatan siyang maging bahagi ng tagumpay nito. Pero hindi siya kailanman nagpumilit. Ayaw niyang mapahiya si Ralph sa mga tao.

‘Pero ngayon…’

Tiningnan siya ni Ralph, pero wala nang init sa kanyang mga mata.

“You said you understand me, right? And alam mong bawal malaman ang relasyon natin hindi.”

Biglang nanlamig ang kanyang tono.

“Ano… ibig mong sabihin?” tanong ni Jasmine, kinutuban sa biglang pagbabago ni Ralph. “Hindi naman na bawal dahil nasa tama na ang lahat.”

“Jasmine,” sagot ni Ralph matapos ang ilang segundong katahimikan. “I’m getting married.”

Napakurap si Jasmine, pilit na iniintindi ang narinig. Inulit niya ang tanong, umaasang baka nagkamali lang siya ng dinig. Pero agad niyang nabasa ang totoo sa mukha ni Ralph—walang bakas ng pagbabago, walang panghihinayang.

Hindi siya ang babaeng pakakasalan.

“Anong... ibig mong sabihin, Ralph?” mahina ngunit nanginginig ang kanyang tinig.

Napaatras siya ng kaunti, habang lumalapit si Ralph. Hanggang sa tumama ang likod niya sa pader. Wala pa ring emosyon sa mukha ni Ralph, pero bahagyang nakangiti ito—isang ngiting may bahid ng pagkapanalo.

“Matagal nang may magandang pagtingin sa akin ang General,” simula ni Ralph. “Isang taon na kaming nagde-date ng anak niya. Sa pamamagitan ng kasal namin, mas makakalipad ako nang mas mataas, Jasmine.”

“Hindi... Ralph...” Halos mapunit ang laylayan ng suot niyang pulang damit sa higpit ng pagkakakapit niya. Nanginginig ang mga kamay niyang pilit hinahawakang buo ang sarili. “Hindi mo puwedeng gawin ‘to sa’kin…”

Hinawakan ni Ralph ang magkabilang balikat ni Jasmine, mahigpit ngunit walang galit.

“Alam kong marami kang naitulong sa akin. Pero Jasmine, pera lang ‘yon. At kahit kailan... hindi ka kasing taas nino man.”

Nanlaki ang mga mata ni Jasmine sa narinig. “Ako ang dahilan kung bakit ka napunta sa position mo ngayon.”

Napatawa si Ralph, tuyong-tuyo ang tunog. “Sabihin na lang nating kahit papaano, may dugong mayaman pa rin ako—kahit anak lang ako sa labas.”

Wala nang nasabi si Jasmine. Tila nawalan siya ng boses sa gulat at pagkadismaya. Maya-maya, parang may naalala siya, kaya iniunat ang palad.

“Give it back to me.”

Alam ni Ralph kung ano ang tinutukoy niya—ang dokumento ng Deniz Merchants at ang kapangyarihang ibinigay niya para maging representative ng kompanya. Pero hindi ito sumunod. Sa halip, sinubukan niyang maging maamo ang boses.

“Jasmine, makinig ka muna. Hindi ko naman sinasabing iiwan kita. Magiging ganoon pa rin tayo gaya ng dati. Sa simula lang mahirap, pero kapag ayos na ang lahat… bibisita pa rin ako sa’yo paminsan-minsan.”

“So, gagawin mo akong kabit?” garalgal ang boses ni Jasmine, habang lumuluha na ang kanyang mga mata.

Tumingin sa kanya si Ralph, malamig ang mga mata.

“You don’t like it? That’s the best you can do.”

Umiling si Jasmine, desperadong humihingi ng kaunting awa. “Ralph, hindi mo pwedeng gawin ’to sa’kin. Isipin mo naman lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa’yo—lahat ng isinakripisyo ko—”

“Alam ko. Alam na alam ko. Ikaw pa nga ang nagpagawa ng pintuang ’yan, ‘di ba?” Tumango siya sa kurtinang tumatakip sa isang pintuan. “We were the only ones using that door.”

Lihim na lagusan iyon na ipinatayo ni Jasmine para mapanatiling lihim ang pagdalaw ni Ralph. Wala dapat makaalam sa relasyon nila. Hindi lang dahil sa pagkakaiba ng estado, kundi dahil ayaw ng pamilya niya kay Ralph.

“Alam mo lahat ‘yon… Ralph, ibalik mo na sa’kin ang document. Hindi ko ’yon kayang ibigay nang tuluyan!”

Sinubukan ni Jasmine halughugin ang dibdib ni Ralph para kunin ang dokumento, pero agad siyang inawat nito at hinapit palapit.

“Shh. Jasmine. Ang lakas ng boses mo. Baka may makarinig sa labas.”

“Wala na akong pakialam—” napahikbi siya.

Agad tinakpan ni Ralph ang bibig niya. Mabilis ang kilos, mabigat ang katawan. Hindi siya makagalaw. Habang nakalapat ang katawan nila, marahan nitong hinaplos ang buhok niya, tila ba may lambing.

“Jasmine, my pretty Jasmine... You will always be the most beautiful woman to me. Wala silang panama sa ‘yo. Nakakalungkot lang talaga.”

Bahagyang nag-iba ang tono ng boses niya. Mas banayad, ngunit may halong pagnanasa. Hindi napansin agad ni Jasmine ang pagbabago sa mga mata nito—makintab, puno ng panganib.

“Kung sana pumayag ka na lang sa kondisyon ko para hindi ako mawala sa’yo…”

Biglang tumigil ang kanyang pagsasalita.

Napansin ni Jasmine ang pagbabago. May masama siyang kutob. Pilit niyang itinulak si Ralph.

“Bitawan mo ako! Ralph, ano—”

“Shh. Tumahimik ka.”

Mabilis na pinisil ni Ralph ang leeg niya gamit ang malaki niyang kamay. Pilit na nagpumiglas si Jasmine, lasing pa rin at nanghihina, pero wala siyang laban sa lakas nito.

Nanghihilakbot siyang tumitig kay Ralph, na ngumiti ng payapa habang nakatitig sa kanya.

“Ang ganda mo ngayon sa suot mong ‘yan, Jasmine.”

Napalutang na ang mga paa niya sa sahig. Namumula na ang mga ugat sa mata niya. Pilit pa rin siyang lumalaban, pero nanghihina na ang katawan niya.

“Gagamitin ko nang maayos ang mga iniwan mo sa akin. Lalo na ‘yang power of attorney. Don’t worry. I won’t waste it.”

Tahimik na bumulong si Ralph habang pinagmamasdan ang namimilipit na si Jasmine.

“To be honest, I’m sad. Walang ibang babaeng nakapagbigay sa’kin ng ganitong kasiyahan. Pero...”

Tumingin ito sa katawan ni Jasmine habang unti-unti nang nawawalan ng malay ang dalaga.

“Ngayon, sagabal ka na. Sorry, Jasmine. Kailangan mo nang mawala.”

Dahan-dahang bumagsak ang katawan ni Jasmine. Pumikit ang kanyang mata, patak ng luha ang huling lumabas sa kanyang bughaw na mga mata.

Inayos ni Ralph ang katawan niya, binalot ito sa kurtina, at binuksan ang tagong lagusan.

Tahimik siyang lumabas, pasan ang katawan ni Jasmine. Walang sinuman ang nakakaalam na bumisita siya rito ngayong gabi.

Wala, kundi silang dalawa lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   43

    Narinig ni Yohan ang reklamo ni Daniel habang pababa na sila sa gusali. Hindi na nito napigilan ang sarili, ramdam sa tono ang pagkainis.“Hindi ba’t sobra naman ‘yon? Ang balita pa nga, siya pa raw mismo ang nag-request na isama ka sa pagtanggap sa kanila. Pero bakit ganon ang asal ng babaeng ‘yon? At kahit pa sabihin mong matagal nang kaharian ang Kerion, mas mataas pa rin ang estado natin sa ngayon. Kung sila ang lumapit, ibig sabihin may kailangan sila, di ba?”Lumingon si Yohan kay Daniel, kaya’t agad tumigil ito sa pagdadaldal. Ngunit kabaligtaran sa inaasahan niyang reaksyon, hindi mukhang galit si Yohan.“Napansin mo rin, ano?” mahinahon niyang sabi.“Opo, sir. Kahit na paborita siya ng hari ng Kerion, sobra naman ‘yong kayabangan niya. Sa mga ganitong pagkakataon, dapat ipinapakita ang dignidad natin bilang bansa. Bakit kailangan natin mag-adjust sa kanila? Kung ako lang, mas pipiliin ko pang bumalik.”“May punto ka,” sagot ni Yohan habang nakatingin sa kawalan. Tumahimik siy

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   42

    Habang naglalakad si Yohan sa kahabaan ng daan na kulay asul, bigla siyang napatigil. Nakita rin ni Daniel ang reaksyon ng kasamang guard na nag-ulat sa tabi ni Yohan, kaya’t agad niyang naintindihan ang dahilan."Sir, Sir.. unahin mo muna ‘to," sabi ni Daniel habang hindi mapakali, panay ang tapik sa balikat ni Yohan. Mabuti na lang at nagpatuloy din ito sa paglalakad pagkatapos ng ilang sandali.Pagbalik nila sa harapan ng gusali, isang malakas na palakpakan ang maririnig, hudyat ng pagdating ng mga bisita. Lahat ng mata ay napako sa pintuan habang dahan-dahang pumapasok mga bisita. Ngunit pagkakita nila sa mga sasakyan, maraming napakunot-noo at napabulong."Sandali... anong meron?"Isang gintong kotse ang pumasok, literal na kulay ginto ang buong sasakyan, mas marangya pa kaysa sa ginagamit ng Presidente sa mga state event. May ilang dosenang tauhan na kasama nito, bitbit ang mga mabibigat na bagahe, kasunod ang ilang sasakyang punô ng gamit.Sa isang tingin pa lang, makikita ang

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   41

    Sa gitna ng plaza kung saan nakarating si Jasmine mula sa paglalakad, may isang malaking rebulto na iniaalay sa isang kilalang tao. Paligid nito’y may mga maayos na upuan at ang mga puno at hardin ay maayos ang pagkakaayos sa gilid ng buong espasyo. Tahimik ang paligid, pero buhay ang galaw ng mga tao.Naupo si Jasmine sa isang bench na nakaharap sa gusali ng Mansyon. Mula roon, tanaw niya ang mga kotse at mga taong papasok at palabas sa malaking gate ng compound. Lahat sila ay may ipinapakitang identification card bago makapasok.Si Jasmine naman ay walang ganoon, kaya’t nanatili lang siyang nakaupo, pinagmamasdan ang mga dumadaan na may halong pagkainggit at pananabik. Wala pa man siyang plano kung paano makakapasok, tanging obserbasyon lang muna ang kaya niyang gawin.Bigla, isang estranghero ang dumaan sa harap niya. Napansin niyang may panyo itong nahulog. Agad niya iyong pinulot at tinawag ang lalaki.“Excuse me! Nahulog niyo po ‘to!”Lumingon ang lalaki. Isang disente at kagala

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   40

    "Alam mo ba kung bakit ka nandito?"“Oo.”Nang sumenyas si Ralph sa babae ay nag-alinlangan itong lumapit sa kanya."Okay, what’s your name?""Loraine po.""Loraine, simula ngayon ikaw na si Jasmine. Jasmine Deniz.""Sir? A-ano pong ginagawa ninyo, "Gulat na tumingin si Loraine kay Ralph nang ang kamay nito ay biglang pumasok sa ilalim ng palda ni Loraine nang walang pag-aalinlangan."Manahimik ka bago ka matamaan. Pag-aaralin kita basta sundin mo lang ako."Hindi mapakali si Loraine, takot at kaba ang naramdaman niya kay Ralph. Bago siya pumunta dito, marami siyang narinig tungkol sa kung gaano kahusay ang katayuan at background ng lalaki.Pera ang ginagamit nito sa lahat ng bagay na gustohin niya. Walang magawa si Loraine kundi ang pumayag dahil nakasalalay dito ang kinabuksan niya at ng pamilya niya.“Masyadong mataas ang downpayment mo, Loraine. Pero ayos lang, malaki ang magiging papel mo sa buhay ko.”Nanginig si Loraine at sinubukang pagsamahin ang kanyang mga paa. Pero napig

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   39

    Tahimik na pinagmasdan ni Jasmine ang mga gamit ni Lira na nakasabit sa gilid ng kwarto. May mga lumang damit at apron para sa kusina, pero may nakasabit ding leather protector at scabbard, mga gamit na tila pangdepensa.Mukhang marami na ring pinagdaanan si Lira. Marami sigurong istoryang dala ang bawat sulok ng silid na ito.Maingat na sinimulan ni Jasmine ang paglilinis. Iniiwasan niyang galawin ang mga gamit hangga’t maaari. Hindi siya sanay na basta-basta nagpapahinga habang may utang na loob sa isang tao.Ilang sandali pa, bumalik si Lira at mahigpit siyang pinayuhan, “Humiga ka na. Kailangan mong magpahinga. Hindi mo pa alam ngayon, pero tiyak na pagod na pagod ang katawan mo. Magpakatatag ka bukas. Kailangan natin magtrabaho.”Hindi man sinabi ni Jasmiine kung ano talaga ang nangyari sa kanya, nagsalita si Lira na parang alam na ang buong kwento.Humiga si Jasmine, tumagilid, at ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod ang katawan niya, parang anytime pwede na siyang mawalan ng m

  • Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)   38

    Sa isip ni Yohan, kung walang nangyari, ano kaya ang ginawa niya? Kung hindi siya nagka-gusto, tutulungan lang ba niya ito at basta na lang paalisin?Malabo mang aminin, pero kung tutuusin, wala siyang obligasyon. Siya naman ang nakakita at nagdala kay Jasmine mula sa bundok, pero hanggang doon lang sana ang lahat. Walang dapat iasahan pa."Bitawan na lang?" Napatingin si Yohan sa kanyang palad. Walang laman, pero para bang naroon pa rin ang bigat ng desisyong ginagawa niya. Napangiti siya, pilit, at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. “No way,” bulong niya. “Even if she wants to go… I won’t let her.”Hindi na ito tungkol sa simpleng awa. Gusto niyang manatili si Jasmine sa tabi niya, sa kahit anong paraan. Ang problema, ay kung paano niya ito ipapaliwanag sa iba. Alam niyang iyon ang punto ni Daniel kanina.Tungkol sa "kabit" ang nabanggit ni Daniel, magiging kabit si Jasmine dahil nakatakda na siyang ikasal saiba. Oo, may damdamin siya para kay Jasmine, pero sa mga taon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status