Nang humupa ang tensyon sa pagitan nila, tahimik na sumilip ang kasambahay mula sa pinto. Saglit lang siyang tumingin sa babae, at tila nababasa ang katahimikan ng kwarto, dahan-dahan siyang lumapit at marahang nagsalita.
“Ihahanda ko lang po ang damit”
Tumango lang si Yohan, kaya’t iniwan na sila ng kasambahay. Sa pag-alis nito, bumalik ang katahimikan—ngunit ngayon, ang mahinang pag-iyak ng babae na lang ang maririnig sa paligid. Pasinghot-singhot. Parang pilit niyang pinipigil ang pagbagsak ng damdaming hindi na niya kayang itago.
Pero sa gitna ng lahat ng iyon, may ibang gumugulo sa isipan ni Yohan.
Hindi iyak ng babae, kundi ang sensasyong nararamdaman niya—ang dalawang umbok na nakaipit sa dibdib niya, ramdam sa manipis na saplot, at parang umaapoy sa bawat segundo ng pagkakadikit. Mainit. Malambot. Hindi niya kayang balewalain.
Napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sa babae, at sa halip na galit, may kakaibang kabig ng damdamin sa paghawak niya sa balikat nito. Maingat. Parang di niya alam kung dapat ba niya itong aluin, o alisin sa harap niya. Hinila niya ito palapit. Nang magtama ang mga mata nila, tila may kung anong lamig na biglang naglaho.
“Hoy,” mahina pero brusko ang boses niya, “Tama na ‘yan. Iiyak ka na lang ba d’yan?”
Puno ng luha ang mga mata ng babae nang tumingin ito sa kanya. Pulang-pula ang gilid ng mga mata, at ang bibig nito’y nanginginig, parang may gusto pa sanang sabihin pero pinipigilan. Napatingin si Yohan sa labi nito. Tila nagtatawag.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Halika.”
Wala nang pagtutol. Tahimik lang itong sumunod. Parang ang gaan ng katawan nito habang inaakay niya papunta sa kama. Nang makarating sila sa gilid, binuksan ni Yohan ang kumot at inalalayan itong umupo. Pero bago pa man tuluyang makaupo ang babae, bigla nitong hinawakan ang laylayan ng suot ni Yohan, sa may dibdib, at hinila siya ng mariin.
Natumba siya. Bumigat ang katawan nila, at sabay silang bumagsak sa kama.
“Anong—” gulat at inis ang nasa tono ni Yohan, pero hindi niya naituloy ang sinasabi.
Dahil sa posisyon nila, ramdam na ramdam niya ang katawan ng babae sa ilalim niya—mainit at malambot, ang tuhod nito’y nakaipit sa pagitan ng mga hita niya. Amoy niya ang hininga nito. Malapit. Matamis. Parang prutas. Parang lason.
‘Nilalandi ba ako ng babaeng ‘to?’ tanong niya sa isip, pero hindi niya na kayang umatras.
Inilapat niya ang palad sa baywang ng babae. Dahan-dahan, marahan, at may halong pagdadalawang-isip. Pero hindi siya pinigilan ng babae. Hinayaan lang siya nitong haplusin ang balat sa ilalim ng saplot.
“Sabihin mo nga sa’kin… sino ka ba talaga?”
Hindi sumagot ang babae. Nakatingin lang ito sa kanya—mata sa mata. Bahagyang kumikibot ang mga labi, pero walang salitang lumalabas. At sa kabila ng mga tanong niya, parang wala nang takot sa mga mata nito. Parang tanggap na ang bawat segundo ng mga sumunod na kilos.
Ibinaba pa ni Yohan ang kamay niya sa hita nito, nilapat ang palad sa balat, at marahang pinisil. Napakislot ang babae, ngunit nanatili pa rin itong tahimik. Wala pa ring pagtutol. Wala ring pagtulak. Lalo lang siyang binago ng katahimikan na ‘yon.
‘Ano bang plano ng babaeng ito?’ puno ng pagkalito si Yohan sa kanyang isipan.
Bigla siyang napahinto. Huminto ang kamay niya sa paggalaw. Tinitigan niya ang babae.
“Alam mo,” bulong niya habang pilit pinapakalma ang sarili, “okay lang naman sa’kin kung may gusto ka mang mangyari… pero sabihin ko na lang—hindi ako mabait kapag ganito na ang usapan.”
Tumitig ulit ang babae. Sa pagkakataong ‘to, ngumiti ito. Malambot, tahimik, pero may kakaibang pang-akit. Kumurap ito, parang hinahamon siya, parang sinasabi na, "Kaya mo ba ako?"
Napalunok si Yohan. Itinago niya ang nararamdaman at ibinaba ang halik sa batok ng babae. Mainit ang balat nito. Mabango. Nakakabaliw.
‘Parang bata... Parang wala pang masyadong alam… pero ganito na magpainit?’ saad ni Yohan sa isipan.
Hindi na niya namalayang gumapang na ang kamay niya paakyat sa singit nito. Tumigil siya sa dulo ng hita, malapit na malapit sa gitna. Huminga siya nang malalim, at pinisil nang kaunti ang balat. Dinampian niya ito ng halik—banayad, paunti-unti, parang sinusubok kung hanggang saan siya makararating.
“Uh… yes…” mahina, basag, at mahiyain ang tinig ng babae.
Parang iyon ang naging senyales.
Ipinasok ni Yohan ang daliri. Mainit. Basa. Malambot. Halos mawalan siya ng ulirat.
Sinapo niya ang dibdib ng babae, at sabay sinupsop ang u***g nitong nanginginig. Napaliyad ito, at napaungol nang mahina.
Hindi ito tumutol. Hindi rin ito lumaban. Tinanggap lang nito ang bawat galaw ng kamay at bibig niya. Ibinuka pa nito nang bahagya ang mga hita, upang mas malayang gumalaw ang kamay ni Yohan.
Parang tinutulungan pa siya.
Maingat niyang ibinuka ang laman gamit ang dalawang daliri, at doon niya nakita ang kabuuan ng babae sa ilalim niya—pulang-pula, basa, nanginginig.
“Ohh…”
Napakislot ang babae, napaliyad, at muling kumapit kay Yohan. Mas lalong lumalim ang paghinga nito. Ang amoy ng katawan nito’y mas lalong naging matamis, mas nakalalasing.
Kung hindi niya ito naligo’t sinabon kanina, baka isipin niyang nagpabango ito para sa kanya. Para lang akitin siya. Para tuksuhin siya. At ngayon, sa bawat paghinga nila, sa bawat haplos, parang walang balak sa kanilang dalawa ang tumigil..
Sinundan ni Ralph ang tingin ni Christine habang minamasdan itong umiinom ng kape.“Oh…” bulong niya.Nakita niya si Jasmine, na maagang lumabas para maglakad-lakad, ay pababa na ng hagdan.“Mas mabuti na sigurong kay Yohan ako mapunta kaysa ibenta ng pamilya ko kung kani-kanino lang. At least siya ang pinakamabuting choice,” ani Christine, medyo malabo na ang boses.“Ano bang ibig mong sabihin na ibebenta ka?” malamig na balik ni Ralph, pero hindi niya naalis ang tingin kay Jasmine. Halos hindi na siya mapakali sa upuan, gustong-gusto na niyang sundan ito.“Matagal nang maysakit si Papa,” kwento ni Christine. “Simula pa noon, si kuya na ang namamahala. Pero dahil iba ang nanay ko, hindi niya ako kailanman nagustuhan. Kaya gusto niya na lang akong ipakasal kahit kanino, para lang mawala ako sa problema…” Napahinto siya at parang biglang nahilo.Unti-unti siyang tila lumulutang. Nahihilo, pero kasabay noon ay may kakaibang kumpiyansa.Sa gitna ng pagkahilo, malakas at malinaw ang boses
Karamihan sa mga bisitang nagpakasaya sa handaan kagabi ay mahimbing pa ring natutulog. Ngunit si Ralph, na halos hindi nakatulog, ay nakaupo na sa mesa sa hardin sa tapat ng tinutuluyan niya. Paminsan-minsan ay binabati niya ang mga dumaraan at sabay lang sa pag-inom ng kape sa umaga.Pero kahit gaano kabango ang kape, hindi pa rin mapawi ang bigat ng isip niya.‘Sana sinama ko si Hannah.’ sambit niya sa isipan.Mag-isa lang siyang naka-stay sa hotel room. Ang mga VIP na politiko at pinakamayayaman ay nasa penthouse, na mahigpit ang bantay ng mga gwardya. Mula sa kinauupuan niya, sumulyap siya sa terrace sa itaas, doon nakatira si Jasmine kasama ni Yohan.Pakiramdam niya, tila kumukulo ang sikmura niya. Sumagi sa isipan niya na buhay si Jasmine.Dating minahal, pero siya rin mismo ang sumakal hanggang mamatay. Ang negosyo ng pamilyang Deniz na inaakala niyang mapupunta sa kanya ay hawak pa rin nito. Noon, plano niyang palihim na bilhin ang mga shares hanggang siya na lang ang may kon
Maingat na binuksan ni Jasmine ang pinto ng kuwarto. Nandoon si Ahil, na kanina pa nagbabantay sa labas.“Kailangan mo ba ng kahit ano?” tanong nito agad.“Ah, oo… pakisuyo nito.” Iniabot ni Jasmine ang isang sobre na halatang bagong sulat lang.“Gusto ko sanang ipadala ito pero hindi ko alam kung paano,” dagdag niya nang mahina.“Sa akin mo na lang ibigay. Ako na ang bahala. Kanino at saan ito dapat ihatid?”Sandaling nag-isip si Jasmine kung tama bang utusan ang tauhan ni Yohan para sa ganitong bagay. Pero wala na siyang ibang mapagkakatiwalaan.“Pakihatid sa sementeryo. Ang pangalan ng tatanggap ay ‘Lira.’”Tumango si Ahil. “Sige, ako na bahala. Magpahinga ka na lang.”“Salamat, Ahil.”Pagkasara ng pinto, naglakad-lakad muli si Jasmine sa loob ng kuwarto. Kanina, habang sumasayaw siya kasama si Yohan, pakiramdam niya ay bahagyang kumalma ang isip niya. Pero heto na naman, magulo na naman ang lahat.Pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin, pero hindi niya alam kung saan magsis
Flashback - Yohan’s POV:“Boss, nandito ka pa ba?” kasabay ng mahinang katok ay narinig ni Yohan ang boses ni Daniel.Hindi pa rin patay ang ilaw sa opisina niya kahit hatinggabi na. Kinabukasan kasi, kailangan niyang pumunta sa Maynila para dumalo sa malaking pagtitipon para sa founding day ng lungsod, kaya’t inaasikaso na niya ang mga trabahong maiiwan sa kompanya.“Pasok ka,” malamig niyang sagot.Pagpasok ni Daniel, halatang masaya ito at may dalang makapal na tumpok ng mga papel, mga dokumentong pirmahan na naman. Napakunot ang noo ni Yohan habang nakatingin dito.“Ano ’yan?” tanong niya, halatang nainis.“Eh, ano pa nga ba, Boss. Lahat ng ’to, kailangang pirmahan mo ngayon.” Maingat na inilapag ni Daniel ang mga papel sa mesa, pero bumigay ang pagkakatumpok at nagkalat sa sahig.“Ay, sorry!” mabilis niyang pinulot ang mga papel habang pinipilit itago ang ngiti kanina pa sa labi niya. Pero bago niya pa maayos, malamig na tinig ang pumigil sa kanya.“’Wag mo nang galawin.”“Ha?” n
Halos hindi makapuwesto si Jasmine nang tama, pero pinilit niyang sundan ang bawat galaw ni Yohan. Ayaw niyang magkamali, ngunit paulit-ulit pa rin niyang natatapakan ang paa nito. Sa tuwing nangyayari iyon, marahan siyang napapabuntong-hininga at muling inuulit sa isip ang tamang hakbang. Sa sobrang konsentrasyon, hindi na siya tumitingin sa paligid, nakatutok lang ang mga mata niya sa sahig.Kahit ilang beses siyang natapakan, nanatiling maayos ang kilos ni Yohan. Sanay ito sa kumpas ng musika at halos walang ipinapakitang reklamo. Nang ulit-ulitin ang parehong galaw, unti-unting sumasabay si Jasmine sa tamang ritmo. Bumigay na rin ang tensyon sa katawan niya at naging mas maayos ang galaw.Doon lamang siya naglakas-loob na tumingin kay Yohan. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, mabilis siyang namula at agad na ibinaba ang tingin. Pero malinaw, mula pa kanina, si Yohan lang pala ang pinagmamasdan nito, may lalim at pananabik sa mga mata niya.Biglang bumigat ang dibdib ni Jasmin
Kinagat ni Jasmine ang kanyang ibabang labi hanggang sa dumugo ito, saka marahas na pinahid gamit ang likod ng kamay.“Ako… si Ayesha… pero ako rin si Jasmine.”Parang kinuryente siya ng alaala. Nang magkaharap silang dalawa, tila lumabo ang kanyang ulirat at muntikan siyang malunod sa sakit ng nakaraan. Pilit niyang itinago ang lagay niya kanina, ayaw niyang ipahalata kay Yohan. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang instinct na dapat niyang ikubli ang totoo.Bago pa siya makapagtaka kung bakit biglang sumulpot si Ralph sa lugar na iyon, ginamit niya si Yohan bilang panandaliang kanlungan. Ang pagtatalik nila ay naging paraan para makalimot, kahit saglit, sa bigat ng emosyon. Ngunit hindi iyon sapat. Alam niyang may napansin si Yohan, kaya hindi niya lubos na maipagtakpan ang sarili.Ngunit kakaiba ngayon, hindi gaya ng dati, hindi ganoon kasakit sa kanyang pride. At ngayong mag-isa na siya sa tahimik na silid, mas malinaw sa kanya ang lahat.“Ugh…”Masyadong marami ang alaa