Share

2 - Woman Found

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-04-30 22:43:07

Naglalakad ang isang driver para hanapin ang amo niya sa gitna ng gabi nang biglang marinig niya ang isang sigaw.

“Ilaw! Kumuha ka ng ilaw!” 

Agad tumakbo ang driver papunta sa pinanggagalingan ng sigaw, dala ang isa sa mga flashlight na nanasa loob ng kotse. 

“Nandito na po!” sigaw ng driver.

Kumakaway si Yohan habang tinatawag ito, halatang nagmamadali.

“Anong ginagawa mo? Bilis!” utos ni Yohan.

Agad lumapit ang driver at itinutok ang ilaw.

“Naku po! Sir Yohan!” nanlaki ang mga mata nito.

“May tao,” sagot ni Yohan, malamig ang tono.

Sa ilalim ng ilaw, kitang-kita ang eksena—isang hukay na mukhang bagong hinukay, isang pala, at isang taong nakabalot sa pulang tela.

Napatahimik si Yohan habang dahan-dahang inalis ang tela. Napalingon ang driver sa ibang direksyon, para iwasan ang posibleng makitang hindi kanais-nais.

Walang salitang lumabas kay Yohan habang nakatingin sa loob ng tela. Dahil sa kakaibang katahimikan, hindi na napigilan ng driver na sumilip kahit saglit.

“Babae po ba ‘yan?” tanong niya.

Sa unang tingin, napakaganda ng babae. Hindi mo aakalain na makikita siya sa ganitong sitwasyon at sa ganitong lugar. Sa ilalim ng liwanag ng flashlight, kumislap ang kanyang gintong buhok. Maputi ang noo, matangos ang ilong, at mapula ang mga labi. Hindi siya mukhang patay.

Ganoon din ang iniisip ni Yohan. Nanatili siyang nakatayo, saka marahang idinampi ang dalawang daliri sa leeg ng babae. Ilang saglit lang ay bahagya siyang huminga at bumulong.

“…Mukhang buhay pa.”

“Talaga po? Kung gano’n…”

Sandaling nag-atubili si Yohan, pero sa huli ay binuhat na rin niya ang babae, kasama ang pulang telang bumabalot dito.

“Isasama n’yo po siya?” tanong ng driver.

“Oo. Hindi natin siya pwedeng iwan dito. You’ll never…”

“Hinding-hindi po ako magsasabi kahit kanino.”

“Good,” tugon ni Yohan habang inadjust ang pagkakabuhat niya sa babae.

Tumango lang ang driver at agad na naglakad paharap upang ipakita ang daan. Sumakay si Yohan sa loob ng sasakyan at isinara ang pinto. Muli nilang pinatakbo ang sasakyan na parang walang nangyari. Sanay ang driver sa trabaho sa mansion ni Yohan, na kilalang strikto sa lahat ng bagay.

Habang nasa loob, tiningnan ni Yohan ang babae na nakahiga sa tapat niya. Nakatitig siya sa tila markang iniwan ng mga daliri sa leeg nitong maputi at manipis.

’Parang mababali lang ang leeg niya kung hinawakan mo ng isang kamay,’ naisip niya habang napapailing.

Pagkatapos niyon ay muling tumingin sa labas ng bintana. Madilim pa rin sa paligid, at dahil nasa malaking hacienda sila, may iilang kabayo rin na dumadaan kahit gabi na. Iyon lang din ang naririnig sa paligid sa gabing iyon.

Hindi niya mapigilang silipin muli ang babae. Hinila niya ng bahagya ang tela upang matakpan ang leeg nito. Hindi siya sanay sa ganitong uri ng simpatiya, pero eto siya—may dalang taong walang malau.

‘Isasauli ko na lang siya bukas kapag maliwanag na.’

***

Pagdating sa isang maliit na inn sa labas ng bayan, inakyat ni Yohan ang babae at maingat na inihiga sa kama. Sa liwanag ng kwarto, mas naging malinaw ang kondisyon nito.

Ang suot ng babae ay isang red na damit na mukhang mamahaling tela mula sa ibang bansa. Malinis at ayos ang buhok, maputi ang balat, at diretso at makinis ang mga kamay. Halatang hindi ordinaryong babae.

“Sino kaya siya? Mukhang galing sa mayamang pamilya,” bulong ni Yohan.

Pero napatanong din siya kung bakit ang isang babaeng gaya nito ay natagpuang halos ilibing ng buhay sa gitna ng gabi? Wala siyang maalalang may ganitong hitsura na kabilang sa mga kilalang pamilya sa paligid.

Kung may ganitong kagandang babae sa lipunan, siguradong pinag-uusapan na siya. Kahit hindi interesado si Yohan sa mga social event, tiyak na narinig o nakita na niya ito kahit isang beses.

Dahil sa namumutlang balat ng babae, marahan niyang hinawakan ang pisngi nito. Tulad ng inaasahan—malamig ang pakiramdam. Delikado na ngang sinakal siya, mas lalong delikado kung nagtagal pa siya sa malamig na labas.

Napaisip si Yohan. Sanay siyang tawagin ang maid, pero napahinto siya.

Wala nga pala siyang maid dito. Habang binabagtas nila ang daan, inabutan sila ng snowstorm malakas na ulan at hangin at hindi siya pwedeng bumalik sa mansion na may dala siyang babae kahit malapit na. Kung siya lang mag-isa, baka iniwan na lang niya sa driver ang sasakyan at naglakad pauwi, pero hindi niya magawa ngayon dahil may babae siyang kailangang alagaan.

Napilitan silang tumigil sa isang inn sa pinakamalapit na bayan at doon magpalipas ng gabi. Puno na ang lahat ng kwarto dahil sa lagay ng panahon, kaya’t napilitan silang magbayad ng tatlong beses na mas mahal para lang makakuha ng isang silid.

Medyo nailang si Yohan habang tinitingnan ang babae, pero agad niya itong tinakpan ng makapal na kumot.

“Baka sakaling uminit ang katawan niya,” bulong niya.

Sinubukan niyang painitin ang kamay at paa ng babae sa pamamagitan ng pagkukuskos nito habang nakabalot sa kumot. Pero wala pa ring pagbabago. Lalong pumutla ang babae, at parang humihina na ang paghinga nito.

Napakagat-labi si Yohan, saka tumayo mula sa kama. Mahigpit ang pagkakasara ng kanyang bibig habang mabilis siyang naglakad papunta sa banyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   142

    Pagkatapos ng libing ng ina ni Yohan, agad siyang bumalik sa opisina. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, pero hindi mapakali ang isip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang naging reaksyon ni Jasmine kanina.Hindi siya mukhang masaya, hindi tulad ng inaasahan niya.Napabuntong-hininga si Yohan at napahawak sa sentido. Alam naman niyang hindi ideal ang timing, isang proposal agad pagkatapos ng libing ng kanyang ina. Kahit siya, ramdam ang bigat noon. Pero may kakaiba sa naging reaksyon ni Jasmine… may lungkot, may alangan, may something na hindi niya mawari.“Bakit ganun?” bulong niya sa sarili.Ilang minuto pa siyang nakatulala bago siya tumayo, tila may biglang naalala at naging desidido. Kinuha niya ang coat niya at mabilis na lumabas ng opisina. Agad namang sumunod si Ahil, ang kanyang personal assistant, hanggang sa makalabas sila ng compound ng family estate.Habang wala si Yohan, si Jasmine naman ay nasa kwarto at ilang minuto nang nakaharap sa full-body mirror. Suno

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   141

    Hindi agad malaman ni Yohan kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya inaasahan ang pagkamatay ni Cara, masyadong biglaan, masyadong nakagugulat.Habang umalis si Katie sandali para kumuha ng gamot, nagawa ni Cara na buksan ang naka-lock na bintana ng VIP room at tumalon mula roon. Wala ni isa ang nakaakala. Pagbalik ni Katie, nadatnan niya ang bukas na bintana at walang tao sa loob ng kwarto. Ni hindi niya naisip na tumalon si Cara mula roon.Nagkagulo sa buong ospital. Pinaghanap sa mga staff at utility workers ang paligid ng VIP wing, ngunit ilang minuto ang lumipas bago may nakakita sa katawan ni Cara, nakahandusay sa flowerbed sa gilid ng building.Nang mahanap ni Katie si Cara, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang tumakbo para hanapin si Yohan.Pagkarinig pa lang ng balita, mabilis na tumakbo si Yohan kasama si Ahil, ang family doctor nila. Kasunod, dumating sina Jasmine at Lira, parehong hingal at halatang kinakabahan.“Ah…”Napahinto si Jasmine nang makita si Yohan

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   140

    “...Ah.”Masakit ang lalamunan niya at halos walang boses na lumabas. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata na parang may nakadikit dito, kaya hirap siyang idilat ang mga ito. Tuyong-tuyo rin ang kanyang mga labi, tila ilang araw nang hindi nababasa.May dumampi na malamig at basang tela sa kanyang labi, marahang pinupunasan iyon ng kung sino man ang nasa tabi niya. Pero kulang. Uhaw na uhaw siya.Bahagya niyang binuka ang labi, pilit inilabas ang dila para makahingi pa ng tubig. Narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng lalaki.“I think mas mabuti kung umupo ka ng konti para makainom,” mahinang sabi ng pamilyar na boses, may halong pag-aalala pero medyo inis na pagod na tono.Pagkasabi niyon, may marahang dumampi sa labi niya. Isang baso, at matapos noon, bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang bibig. Napakalamig, napakasarap sa tuyong lalamunan niya.Habang umiinom siya, hindi niya namalayang napayakap siya sa leeg ng lalaki. Mabilis siyang sinalo ng matitibay na braso. Mainit,

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   139

    “Sandali lang po, Your Honor.”Si Jasmine, na mula kanina ay iilang beses lang nagsalita, ay dahan-dahang tinaas ang kanyang kamay. Napatingin ang presiding judge sa kanya at bahagyang tumango, binibigyan siya ng pagkakataon na magsalita.Huminga nang malalim si Jasmine bago nagsimulang magsalita, ramdam sa boses ang pinaghalong kaba at tapang.“Hindi ko po alam kung paano ko ipapakita na ako talaga si Jasmine Deniz… but I am Jasmine Deniz. Ako po ang muntik nang mapatay ni Ralph Advincula. Buhay pa ako ngayon, pero halos nawala ako. Oo, nagtrabaho ako bilang kapalit sa isang malaking kumpanya, pero proseso lang ‘yon. Ang totoo, ako pa rin si Jasmine.”“May ebidensiya ka ba?” tanong ng hukom, malamig ang tono habang tumitingin sa kanya sa ibabaw ng salamin.“Nasa akin po ang kaalaman sa distribution network at produkto ng Deniz Trading,” sagot niya habang pilit na iniipon ang lakas ng loob. “Simula bata pa lang ako, kasama na ako sa negosyo. Kilala ko ang mga matatandang empleyado na

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   138

    “Okay, magsisimula na tayo,” sabi ng presiding judge habang tinatapik ang mesa gamit ang martilyo. “Prosecutor. Dela Costa, bilang prosecutor, maaari mong ipresenta ang mga pangunahing punto ng kaso.”Tumikhim si Marvin Dela Costa, inayos ang ilang papel sa harapan niya, at bahagyang nagkamot ng ulo. Halatang hindi pa niya ganap na naayos ang mga dokumento, pero sa totoo lang, hindi iyon ang dahilan ng kanyang pag-aalangan.Nang bahagya niyang sinulyapan si Yohan, agad siyang umatras sa titig na parang kayang butasin ang kaluluwa niya. Ramdam niya ang malamig at mabigat na presensiya ng lalaki , ang tingin nitong puno ng galit at pagtutol.Kaya imbes na makipagsukatan ng tingin kay Yohan, hinanap ng mga mata niya si Jasmine, na tahimik lang na nakaupo sa kabilang panig. Sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, hindi niya napigilang ngumiti, isang ngiting may halong paghanga at paghanga sa babaeng minsan ay naging inspirasyon niya.Para sa kanya ito, naisip ni Marvin. Para sa baba

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   137

    Kung sakaling maglabas si Yohan ng baril o kutsilyo doon, siguradong huhulihin siya agad ng mga pulis. Pero malamang ay agad din siyang mapapalaya.Marahil ay dahil sa mabigat niyang ekspresyon, biglang tumayo si Daniel at iniabot sa presiding judge ang mga dokumento.“Your Honor, I don’t think it’s right for Ma’am Jasmine to personally say it. Nakasulat na po rito lahat ng detalye…”“Hmm… sige,” mahinahong sagot ng hukom, na tila ramdam din ang tensyon sa loob ng korte.Kahit anong maging resulta ng paglilitis, protektado naman ang mga hukom sa ilalim ng batas, pero siyempre, hindi rin nila gustong masangkot sa eskandalo lalo na’t may mataas na pamilya ring sangkot. Kaya ang mga mahahalagang kaso, lalo na kung parehong may impluwensya ang mga pamilya, ay hinahawakan ng mga senior judge o abogado na may parehong ranggo sa lipunan.“Magbe-break muna tayo ng isang oras bago ituloy ang session,” sabi ng presiding judge matapos ang ilang sandali ng pagtatalo.Nagpalitan na ng argumento an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status