Share

119.

[Alena]

Kanina pa siya palakad-lakad habang hinihintay ang kapatid niya at ang nanay niya. Dapat may date sila ni Kairo kahapon pero nakiusap siya na ipagpaliban.

“Pasok!” Aniya nang makarinig ng katok sa pinto. Humahangos na pumasok si Apol at ang nanay niya. “Kailangan ko nang tulong niyo!”

“Bakit, anak? Buntis ka na ba? Naglilihi ka na?”

“Ano ang gusto mong kainin na hindi mabili ni Kairo?”

Natampal niya ang noo. “Hindi ako buntis, okay? Saka lalong hindi ako naglilihi.” Ano bang pinagsasabi nang dalawang ‘to.

Nagkatinginan ang dalawa. “Eh ang sabi mo sa amin sa tawag kailangan na kailangan mo nang tulog, nagmamadali tuloy kami na pumunta dito ni nanay.”

Bumuntong hininga siya. “Ganito kasi ‘yon… May date kasi kami ni Kairo ngayon, kaya kailangan ko nang tulong niyo.”

“Ano? Pinapunta mo lang kami ni Apol rito dahil may date ka kay Kairo?” Hindi makapaniwalang bulalas ng nanay nila. “Akala ko naman ay napakabigat ng problema mo.”

“Oo nga naman, ate. Nagmamadali pa akong pumunta r
SEENMORE

♥️

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status