LIKE 👍
Wala sa sariling nakatingin lang ako sa kanya. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. Gusto kong sabihin na nabibingi lang ako, na epekto lang ito ng pagod ko. Na baka ito lang ang gustong marinig ng tenga ko. Pero ng makita ko ang sinseridad at nakikiusap nitong mga mata ay alam kong tama ang narinig ko, hindi ako nabibingi lang. ‘Come back to me my queen’ May kung anong pakiramdam na gumapang sa puso ko. Palagi kong sinasabi na hindi ko na siya mahal at nakamove in na ako. Na kinalimutan ko na siya simula ng matauhan ako. Pero ano itong pamilyar na pakiramdam sa dibdib ko. “Kiray…” Tawag nito sa akin ng pumiksi ako, dahilan para maalis ang kamay nito sa braso ko. “Please, Laxus. Tigilan mo nga ako. Kung taktika mo ito para makuha ang anak ko… neknek mo ulit. Pag usapan nalang natin ang tungkol sa custody sa susunod. Sa ngayon wala akong lakas para makipag argumento sayo, pagod ako.” Dali-dali ko siyang iniwan. Baka kung ano pang flowery words ang sabihin
(Kiray pov) Napanganga ako ng makita ang napakaraming gamit sa tapat ng bahay ko. Paranh may maglilipat bahay. Teka kanino kaya ang mga ‘to? Hindi ko naman natandaan na nagpapaupa ako. “Manong, sandali lang ho. Baka nagkamali kayo ng pinagdeliveran nitong mga ‘to, wala po akong natandaan na may lilipat sa bahay ko ngayon.” Saka kung meron man dapat ay alam ko. Tumingin ang driver sa hawak nitong papel bago tumingin sa akin. “Tama naman ang address na nakalagay dito, ma’am. Kung gusto mo tawagan mo nalang si Sir. Siya nalang ang kausapin mo. Papunta na rin naman siya dito ngayon.” Ani nito bago umalis kasama ang limang paynante. Sir? Pagkalapag ko kay Mumu sa crib ay nakarinig ako ng busina sa labas. Akala ko ay bumalik ang truck para kumpirmahin na tama ang sinabi ko kanina. Pero laking gulat ko ng makita ang isang malaking van sa labas. Mula rito ay bumaba si Laxus na nakapormal attire pa. Suot ang dark blue coat na pinailaliman ng white polo, black pants at black leather
(Kiray po) Napasinghot ako ng makaamoy ng nasusunog. Nakita ko na may makapal na usok na nanggaling sa kusina kaya nagmamadali akong tumakbo papunta dito. “Anong…” nagbukas-sara ang ilong ko ng makita si Jigs na naka apron habang nagluluto. “Jigs, ano ang ginagawa mo dito ngayon?” May alanganing ngiti na binati ako nito. “Madam, good morning.. Ako kasi ang nakatokang magluto ngayon. Nakalimutan ko hindi nga pala ako marunong magluto h-hehe.” “Ate Kiray! Ate Kiray! Si Manang!” Humahangos na dumating si Nene kasama si Ren, parehong namumutla ang dalawa. “Si Manang, masakit ang likod hindi na makatayo!” Natampal ko ang noo ko. Hindi ko alam kung ang nasusunog ba naming kusina o si Manang ang uunahin ko. ‘Hindi sila magpapabigat.’ Ito ang sinabi nila sa akin bago tumira sa bahay ko. Hindi nga sila nagpapabigat pero sakit naman sa ulo ang dala nila. Una, si Jigs. Ang galing nito sa baril pero hindi marunong maglinis at magluto. Ilang beses ng muntik masunog ang bahay ko dahil di
Nagmamadali akong magluto para makakain na kami. Alam ko kasing pagod ito. Napahinto ako sa paghalo ng niluluto ko ng maramdaman ang titig nito. Paglingon ko ay tama ako, nakatingin ito. Ang mas kinagulat ko ay nasa harapan ko na ito. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito. “I’m sorry…” Hindi ako kumibo. Sa loob ng isang linggo ay walang araw na hindi siya humihingi ng tawad sa akin. Alam kong sincere siya pero may parte sa puso ko na natatakot at ayaw maniwala. Masakit kasing umasa at sa huli ay masasaktan ka lang pala. “Kiray…” Isa pa ‘to. Sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko ay nanlalambot ako. Pinipilit ko lang na wag ipahalata na apektado ako. “Bakit kapag pinatawad ba kita aalis ka na?” Natigilan ito. “So hindi pa rin pala—“ “I’m not here just because i want you to forgive me.” Natigilan ako. Gusto kong iiwas ang mata ko sa malamlam na titig niya at wag magpaapekto sa nakikita kong lungkot sa mata niya pero hindi ko magawa. Si Laxus—kaya niyan
“Ha? Si Maureen ang babaeng ‘yon?” Nang tumango si Laxus ay napaawang ang labi ko. Si Maureen ay nagpanggap na si Rayana? Katulad ng ginawa ko ay nagpanggap din ito? “Walang hiyang Maureen ‘yan… akala ko matalik na kaibigan siya ni Rayana pero hindi pala… pati si Mommy Nissa ay sinubukan niyang lokohin.” “Actually, isang linggo ng mawala ka ay kinausap ako ni Mrs. Solante. Alam niya no’ng una palang na huwad si Maureen.” Natigilan ako. Kung gano’n bakit niya tinanggihan ang pagsamo ko? Natatandaan ko pa noon, nagmakaawa ako sa kanya. Pero tinanggihan niya ako dahil sa pekeng Rayana. “Sinabi ba niya ang dahilan?” Tumango si Laxus. “Yes. Sinabi niya sa akin na iyon ang nararapat… ang bumalik ka sa tunay mong katauhan at mahalin kita sa kung sino ka talaga.” “S-sinabi niya ‘yon?” Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay pinili niya talaga ang pekeng Rayana. Pinag isipan ko pa siya ng masama. “Patawad, Kiray… patawad kasi huli na kita binalikan. Maniwala ka, ilang beses kong
(Kiray pov) Pagkatapos maligo ay nagwisik ako ng pabango. Gabi na at nagpasya kami na matulog sa iisang kwarto ni Laxus kasama si Mumu. “Hmm… ang bango ko na.” Katatapos ko lang maligo at magpaganda. Talagang naghilod ako ng maayos at sinigurong malinis at mabango ako para sa kanya. ‘Sinabi ko naman, di’ba? Kakainin ko siya mamaya.’ Napahagikgik ako sa isip ko habang naglalagay ng lipstick sa labi ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Gabi na at patulog nalang ay nagpapaganda pa rin ako. Ilang araw na akong nagpipigil, kaya magpipigil pa ba ako? Siyempre hindi na. Saka alam kong pareho naman kami ni Laxus na sabik sa isa’t isa. Eh kanina nga halos ayaw na ako nitong lubayan ng tingin. Kulang nalang ay lapain ako nito sa lagkit ng titig nito sa akin. Bago lumabas ng banyo ay kumindat pa ako sa salamin. Natawa ako. Para na akong baliw. Paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib. “L-Laxus naman, wag ka naman manggulat. Aatakihin ako sa ginagawa mo, eh.” “Oh, I’m sorry.” Mahi
(Laxus King pov) Pagkatapos magsindi ng isang stick ng sigarilyo, bumuga ako ng usok habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinapakalma ko ang sarili ko na huwag sumabog sa galit. Katatapos ko lang makipag-usap sa tauhang inutusan kong hanapin sila Zack. At hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang mag ina kasama si Joffrey. Those rats! Masyado silang magaling magtago, nagawa nilang takasan kahit sila Kairo na naghahanap dito. “Mr. King, nag aalala ako kina Madam at Mumu. Mas mabuti siguro na umalis muna kayo ng bansa.” Hindi nakaligtas sa mata ni Jigs ang labis na galit sa aking mukha. “No. We are staying here. I will kill those rats before they can lay their dirty finger on my wife and child.” Unti-unti ng natutupad ni Kiray ang mga pangarap nito. Soon ay magbubukas na ang Pastry Coffee Shop nito kasosyo si Zues, nakapagpatayo na rin ito ng dalawang Groceries Store, at nakapagdagdag ng pwesto sa palengke. And I know those decisions will surely break my w
“Wag ka na magselos, patay na kaya yung tao. Saka sandali nga muna—“ tinulak ako ni Kitay. “Bago mo ako kainin, pwede bang sabihin mo muna sa akin kung saan galing ‘to?” Tanong nito sabay haplos ng tatlong bagong pilat sa dibdib ko. “N-nabaril ka na naman ba?” Nanubig ang mata nito ng hindi ako sumagot. “Isa lang ang hiling ko, Laxus. Alam mo naman ‘yon di’ba? Ang gusto ko ay palagi kang ligtas. Alam kong delikado ang uri ng trabaho mo. K-kahit ayaw ko na ipagpatuloy mo ang pagiging Mafia mo, tinanggap ko kasi mahal kita. I-isa lang ang hiling ko, wag mo sanang akong hayaan na mamatay ako sa pag aalala. W-wag mong hayaan na masaktan ka.” Isa ito sa rason kaya hindi agad ako bumalik sa mag ina ko—inayos ko ang lahat bago ko binitiwan ang magulong mundo na ayaw ni Kiray Masuyo ko itong tiningnan sa mata. “From now on, you don't have to worry, Queen. This is the last scar you will see on my body. There's no more dangerous work from now on, no more illegal businesses to attend to, an
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga