Share

2.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-12-20 01:16:23

(Kiray pov) “Magkano po ito?” Tanong ko sa ale habang hawak ang paninda niya na pulang bestida. Naagaw nito ang pansin ko dahil napakaganda nito kaya binalikan ko talaga ito para bilhin.

Nakataas ang kilay na tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, tila nandidiri na tinapik nito ang kamay ko. “Hindi bagay sa’yo ang bestidang ito, hindi ka naman kasi maganda! At saka wag mo itong hawakan at baka malasin ako!” Napahiyang binitiwan ko ito ng tabigin nito ang kamay ko.

Bata palang ako ay sanay na ako sa panghahamak sa akin. Hindi kasi kaaya-aya ang itsura ko. Kahit nga ako ay nandidiri kapag tumitingin ako sa salamin dahil sa kapangitan ko.

Pagkauwi ay hinaplos ko ang mukha ko sa tapat ng salamin. Sa tuwing nalalait kasi ako ay tumitingin ako sa salamin, pinapaalala ko sa sarili ko na wala akong dapat ikagalit dahil totoo naman ang mga sinasabi nila sa akin. Mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ay lapnos ang aking balat. Kahit ang mata ko ay halos hindi na madilat ng maayos dahil sa tindi ng natamo kong pinsala sa sunog noon. Kung ano-anong skin care na ang ginamit ko pero walang tumalab sa mga ‘yon. Doktor na yata talaga ang kailangan ko.

Mayamaya ay nakarinig ako ng boses na tumatawag sa akin. “Kiray!” Tawag sa akin ng best friend kong si Mariz na kadarating lang. Nang makita niyang nakatingin ako sa salamin ay lumapit siya at hinarangan ang salamin. “Siguro nilalait mo na naman ang sarili mo sa salamin noh?” Nakapamewang na tanong nito sa akin. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na maganda ka… nasunog lang ang balat mo pero maganda ka. At saka wala naman ang kagandahan sa panlabas na itsura…” itinuro ni Mariz ang kanyang puso. “Nasa puso iyan at pag-uugali,” Alam ko naman pinapagaan lang nito ang loob ko. Noon pa man ay ganito na sa akin si Mariz. Kaya nga ang swerte ko na magkaroon ng kaibigan na katulad niya.

“May nanlait na naman ba sayo?” Tanong nito kaya tumango ako. “Hayaan mo na sila at wag ng pansinin… wala naman sila ambag sa buhay mo kaya wag mong dibdibin ang sinabi nila.“

Ngumuso ako. “Oo sanay na ako… pero tao pa rin ako naman ako, hindi ako manhid… nasasaktan pa rin naman ako…” sagot ko rito.

Lumapit siya sa akin at umakbay. Mayron itong inabot sa akin na magazine “Wag mo nang isipin ‘yon. Heto, may dala akong pasalubong para sayo. Sigurado ako na mawawala ang inis mo dito.”

Nagliwanag ang mukha ko at kinuha ang mens magazine na dala niya. “Thank you, Mariz!” Kulang na nga lang ay mahalikan ko ito sa sobrang tuwa ko.

Binuklat ko agad ang mens magazine na dala niya para sa akin. Si Mariz ay Best friend ko. Simula ng bata pa ako ay magkaibigan na kami at parang magkapatid ang turingan naming dalawa. Bukod sa aking lola, si Mariz lang ang taong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.

Bumalatay ang lungkot sa mukha ko ng maalala ko si lola. Limang buwan palang simula ng mamatay ang lola ko dahil sa sakit. Ang lola ko ang nagpalaki sa akin simula ng mamatay ang magulang ko. Ang lola ko din ang dahilan kaya buhay pa ako hanggang ngayon.

“K-kiray, lumaban ka sa buhay… maniwala ka kay lola, may magandang buhay na naghihintay sa ‘yo sa hinaharap… balang araw ay naniniwala ako na sasaya ka at makakatagpo ng pag-ibig.” naalala ko na sabi ni lola bago siya tuluyan na malagutan ng hininga. Mahilig sa teleserye ang lola ko. Naniniwala ito na balang araw ay may prinsipe na magmamahal sa akin sa kabila ng kapangitan ko. Ang hiling ko talaga ay totoo ang mga sinabi ni lola sa akin. Gusto kong sumaya. Pero malabo na mangyari iyon. Wala nga halos lumalagpas ng limang segundo na nakatingin sa mukha ko. Kahit nga ako na may-ari ng sarili kong mukha ay hindi ko magawa na titigan ito.

“Naaalala mo na naman ba si Lola?” Tanong ni Mariz ng makita ang kalungkutan ko. “Kung nasaan man ang lola mo, sigurado ako na malulungkot siya kapag nakita ka niyang ganyan… cheer up, okay. Kahit mahirap ang buhay ay piliin mo ang sumaya. Mabuti pa ay pumunta na tayo sa plaza. Hindi mo ba alam na nando’n si Mayor Belmonde ngayon.”

“Talaga?!” Lahat ng kalungkutan ko ay dagling nabura ng marinig ko ang sinabi ng kaibigan ko. Alam kasi nito kung gaano ko kagusto ang mayor ng aming lugar.

“Oo. Nasa plaza siya ngayon at nagbibigay ng tulong sa mga nasunugan di’yan sa kabilang barangay. Kaya maligo ka na at magbihis, saka mag-ayos ka na rin, anong malay mo… baka mapansin ka niya” bilin pa nito sa akin.

Naligo agad ako at nagbihis. Sinuot ko pa ang pinakamagandang bestida na mayro’n ako. Pagkatapos mag-ayos ay nagpahid ako sa labi ko ng lipstick at nagpulbo.

Pagkatapos ko mag-ayos ay tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin. “Ang panget ko pa rin kahit ano ang gawin ko…” bulong ko habang nakatingin sa salamin. Tinawag na ako ni Mariz para umalis. Pagkarating namin sa plaza ay napakadaming tao. Katulad ko ay hindi naroon ang karamihan ng babae para humingi ng tulong. Naroon kaming lahat para masilayan ang bata pa at gwapong mayor ng aming bayan.

“Ang gwapo talaga ni mayor… bagay na bagay kaming dalawa…” nangangarap na sabi ko habang nakatingin rito.

Nang makita akong dumating ay nagsigilid silang lahat para iwasan na madikit sa akin. Nang buhay pa kasi ang magulang ko ay madalas nilang isigaw na “ako ang nagdala ng malas sa kanila” kaya ang aming mga kabaryo ay naniwala at iniiwasan ako. Natatakot sila na mahawa sa kamalasan na aking dala.

“Nasunugan ka rin ba, miss?” Tanong sa akin ni Mayor Belmonde na may ngiti sa labi ng makalapit ako rito.

Sumagot ako ng “Oo” kahit hindi naman totoo. Tinanggap ko ang binigay nito at pasimple na humawak ako sa kamay nito. Napatulala pa ako kaya nainis ang mga nakapila sa aking likuran.

Habang naglalakad ako palayo ay inamoy-amoy ko ang aking kamay… naiwan ang amoy ng kamay ni mayor… ang bango nito ay nakakahumaling.

Napa— “Ayyy!” Ako ng mabangga ako.

“Ouch!” Natumba kami pareho ng babae na nabangga ko. Ang sakit ng balakang ko pero ininda ko ito. Tumayo ako at nilapitan ito.

“Naku pasensya ka na, miss hindi ko sinasadya,” Sabi ko sa nakabangga ko. Hahawakan ko sana siya para alalayan na tumayo. Pero nahiya ako bigla ng makita kung gaano siya kaganda. Mga kasing tangkad ko siya, morena, napakakinis at napakaganda. Ang amo ng mga mata nito na parang nangungusap, maliit ang mukha na bagay na bagay sa kanyang maikling buhok.

Natauhan ako ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay. Ginamit nito ang kamay ko para hilahin ang kanyang sarili na makatayo. Nagulat ako habang nakatingin sa kanya. Akala ko kasi ay mandidiri siya sa akin pero hinawakan niya ang aking kamay.

“Ayos ka lang ba?” Mahinhin ang boses na tanong nito sa akin.

“A-ah ayos lang ako, miss.” Tinago ko ang kulubot kong kamay sa aking likod at nahihiya na lumayo sa kanya ng tatlong hakbang. Sanay na ako sa kapangitan ko. Pero ngayon lang ako nanliit sa kagandahan ng iba ng ganito sa buong buhay ko. Siguro ay artisto ito… napakaganda niya kasi talaga.

“Wag mo akong tingnan ng ganyan… nakakailang.” Nahihiyang sabi nito. Nilahad niya ang kamay sa akin. “Ako nga pala si Rayana….”

“Rayana…” ang ganda ng pangalan nito. Ayaw ko sana na kamayan ito pero siya mismo ang kumuha ang kamay ko at kinamayan ito. Wala na akong nagawa kundi ang magpakilala. “Ako nga pala si Kiray…”

“Kiray, nice to meet you. Sana maging magkaibigan tayo simula ngayon.” Sabi nito. Nang dumating si Mariz ay pinakilala ko rin si Rayana rito.

SEENMORE

LIKE

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Resume to read this mukhang maganda..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   3.

    “Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor. Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…” Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa. Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na it

    Last Updated : 2024-12-20
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   4.

    Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay n

    Last Updated : 2024-12-20
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   5.

    (Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita. Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya

    Last Updated : 2025-01-13
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   6.

    (Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.

    Last Updated : 2025-01-13
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   7.

    Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina

    Last Updated : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   8.

    (Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din

    Last Updated : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   9.

    (Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala

    Last Updated : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   10.

    (Kiray pov) Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Nasaan na ang mapapangasawa ko? Sa picture kasi na pinakita sa akin ni tita ay long hair at balbas sarado na may guhit sa kilay at tattoo sa leeg— Awtomatikong dumako ang mata sa tattoo nito sa leeg at sa kilay nitong may guhit. “N-no way…” Nang pasadahan ko ang suot nito ay saka ko napagtanto na tama ako. Ito ang fiancee ni Rayana? Pero ang sinabi nito sa kanila noon ay tauhan ito fiancee niya? Napasinghap ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko para iakyat sa altar. “Don’t let me wait for you again, woman. Kanina pa naghihintay ang lahat sa’yo, hindi mo dapat ugaliin na paghintayin ang mga bisita at maging bast0s.” May inis sa boses na sabi nito. Naguguluhan ako na tumingin dito—at the same time ay natulala ako sa kagwapuhan nito. Wala itong pinagbago kahit kaunti mula ng huli ko itong nakita. Napakaganda ng kulay asul nitong mga mata, nakakahalina at mapapatulala ka nalang talaga. Bagay rito ang suot na white suit, bla

    Last Updated : 2025-01-15

Latest chapter

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   226.(100.)

    Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   225.(99.)

    Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   224.(98.)

    (Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   223.(97.)

    Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   222.(96.)

    (Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   221.(95.)

    Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   220.(94.)

    Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   219.(93.)

    Hindi pa nag iinit ang pwet namin ni mama sa pagkukwentuhan ng makarinig kami ng katok. Mukhang dumating na ang asawa ko. Mga alas otso pa kasi ng gabi uuwi si tito kaya sigurado ako na asawa ko ang kumakatok. Pero pagbukas namin ni mama ay isang lalaking delivery man ang kumakatok. Nakasuot ito ng over all black uniform at sumbrero. “Ma’am, delivery po!” Kumunot ang noo ni mama. “Delivery? Sigurado ka ba na dito ‘yan? Wala kasing binilin ang asawa ko.” Takang tanong ni mama. “Ah oho. Kung gusto niyo ho ma’am ay pwede niyong icheck.” Inabot nito kay mama ang kahon na dala. Pagkakuha ni mama sa kahon ay kumunot ang noo nito dahil hindi naman ito nakapangalan sa kanya. Blanko ang waybill doon at walang nakasulat. “Mukhang mali kayo ng pinagdeliveran.” “Gano’n ho ba? Mukhang hindi naman mali ang pinunta ko dito, ma’am.” Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin ng makahulugan. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Pamilyar ito—parang nakita ko

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   218. (92.)

    (Saddie pov) Nagulat ako ng makita si mommy Kiray. Ako kasi ang nagbukas ng pinto ng may kumatok. “Anak, sino ‘yan?” Nang makita ni mama ang biyenan ko ay nagulat din ito. “Oh balae, ikaw pala. Hindi mo man lang nasabi na dadaan ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng meryenda.” Ani nito. “Wag kang mag alala, may dala naman akong makakain natin.” Sabi ni mommy sabay kindat sa amin. Saka ko lamang napansin ang kahon na dala nito at— Teka sino ang babaeng kasama nito? Isip-isip ko ng makita ang napakagandang babae na kasama nito. “Hi, Saddie. Ako nga pala si Aimee.” Anitp sabay lahad ng palad sa akin. Napakaganda nito. Katulad ko ay napakaputi rin nito at halatang anak ng mayaman. Hindi ko tuloy alam kung tataggapin ko ang kamay nito na parang mamahalin sa kinis at ganda. Mukha itong koreana. Sandali… Tinitigan ko ito. Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha nito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Nang hindi ko tanggapin ang kamay nito ay ito na mismo ang kumamay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status