“Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor.
Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…” Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa. Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na ititinda ko. Ang pagtitinda sa palengke ang ikinabubuhay namin ng lola ko. Malaki sana ang kita namin dito pero dahil sa utang na iniwan ng magulang ko ay hindi kami umaasenso. “Nasaan na ang hulog mo?” Tanong ni Brando, ang naniningil sa amin ni lola araw-araw noong nabubuhay pa ito. Ang sabi nila kapag patay na daw ang tao ay kasamang namamatay niyon ang mga utang nito. Pero hindi namin magawa na hindi sila bayaran dahil binabantaan nila ang buhay namin ni lola. Kaya wala kaming magawa kundi ang bayaran sila. Malaki daw ang utang ni tatay. At lahat ng iyon ay pinatalo lang nito sa sugal, at ganun din ang nanay ko. Kaya nga namatay nalang ang lola ko na may sama ng loob sa kanila. Masama din ang loob ko sa kanila… pero wala na akong magagawa kundi saluhin ang iniwan nila. Inabutan ko ito ng limang libo, pagkatapos nito matanggap ang pera ay mayabang itong nagsalita. “Mas madali kang kausap kaysa sa lola mo. Magpasalamat kang panget ka at mabait ang boss ko, kung hindi ay baka sumunod ka na sa lola mo sa liit ng binabayad mo sa amin!” Sumisipol pa na umalis si Brando… lumapit si Mariz sa akin at inis na bumulong. “Ang yabang talaga ng lalaking iyon… kung maka-panget siya sa’yo ay wagas… eh panget din naman siya.” “Hayaan mo na… ang mahalaga ay ligtas ako mula sa kanila.” Sagot ko rito. “Iyon na nga… ligtas ka nga pero magbabayad ka naman sa kanila hanggang sa pagtanda. Ang iresponsable naman kasi ng magulang mo. Pagkatapos ng ginawa sayo ay nag-iwan pa ng mga utang!” Nang makita niya ang paglungkot ang aking mukha ay humingi ito ng pasensya. “Naku, pasensya ka na, Kiray… nadala lang ako ng inis ko.” Sabi nito. “Wala iyon. Sanay na ako…” ani ko sabay talikod sa kanya. Ayaw ko kasi na pag-usapan ang mga magulang ko. Gabi na, habang nagliligpit ako at naghahandang umuwi ay narinig ko ang boses ni Rayana. “Kiray!“ Tawag nito sa akin. Pinunas ko ang kamay ko sa apron na suot ko. “May nakita akong bagong bukas na restaurant di’yan sa bayan. Tara, kain tayo.” Yaya nito sa akin. Isang buwan na kaming magkaibigan ni Rayana. Mabuti ito sa akin katulad ni Mariz kaya nagkasundo kaming dalawa. “Nakakahiya naman sayo, Rayana… palagi mo nalang kami nililibre. Hayaan mo kapag nakaluwag-luwag ay ako naman ang manlilibre sa inyo.” Inuuna ko ang magtabi ng pambayad sa aming utang kaya hindi ko sila malibre ni Mariz. Kapag naluwag-luwag ako ay nangangako namam ako na babawi. Pagdating namin sa restaurant ay namangha kami ni Mariz. Halatang mamahalin ang restaurant na pinagdalhan sa amin ni Rayana. Mabuti nalang at may baon akong scarf para itago ang aking mukha, baka kasi mawalan ng gana ang mga kumakain dito kapag nakita ang aking mukha. Habang hinihintay ang order namin, napansin namin na may suot si Rayana na magandang singsing. Nang makita nito na nakatingin kami ay kinikilig na tinaas nito ang kamay upang ipakita sa amin ang kanyang singsing. Engagement ring pala ito ni Rayana at ng fiancee niya. Plano na daw nito magpakasal at invited daw kaming dalawa ni Mariz. Habang nagkukwento si Rayana ay halatang napakasaya niya, kitang-kita namin iyon sa kislap ng mata. Bigla tuloy ako nakaramdam ng inggit. Sana maranasan ko dib na magmahal at mahalin. May lalaki kaya na nakatadhana sa akin katulad ng sinabi ni lola? Naku mukhang malabo. Sa panget kong ito ay hindi na dapat ako umasa. Malungkot na putol ko sa isip ko. “A-ano ang ginagawa niya dito…” gulat at takot na bulalas ni Rayana ng makita ang ilang kalalakihan na papasok palang sa entrance ng restaurant. Biglang tumayo si Rayana at nagmamadaling tumakbo at iniwan kami. Nagkatinginan kami ni Mariz, nagkahinala kami na hinahanap ng mga ito si Rayana kaya ito umalis. Mukhang desidido ang mga lalaki na mahanap si Rayana kasi kahit ilalim ng mesa ay sinisilip nila. Tinanggal ko ang scarf ko para ma-distract ko sila at hindi nila mapansin si Rayana na tumatakbo papunta sa kabilang exit ng resto. Pero imbes na sila ang ma-distract, ako itong napatulala ng humarap sa akin ang isang matangkad na lalaki. Makapagil-hininga ang kakisigan nito. Mas matangkad pa ito kay mayor na nasa 5’9 lang, ito ay nasa 6’2 ang taas. Pumasada ang aking mata sa kabuohan ng gwapo nitong mukha. Bagay na bagay rito ang prominante nitong panga, makapal na kilay, matangos na ilong at katamtaman na nipis na labi. Para itong mga Mexican actor na napapanood ko sa telebisyon no’ng bata pa ako. Matapang ang features ng mukha nito. Semi-kalbo ang gupit at may guhit pa sa kilay na halatang pinasadya. Napa-astig ng dating ng lalaki… makalaglag panga ang kagwapuhan nito. Bumaba ang aking mata sa kanyang katawan. Napalunok ako ng laway… mas gwapo at mas maganda ang katawan nito sa mga lalaki na nakikita ko sa mga mens magazine na collection ko. Maskulado at halos pumutok ang muscles nito na tila gustong kumawala sa fitted v-neck nitong suot. Nang bumaba ang mata ko sa pagitan ng hita nito ay muli akong napalunok. Kung hindi pa ako malakas na sinipa ni Mariz ay hindi ako matatauhan at mananatiling nakatingin sa malaking umbok sa pagitan ng hita nito. Binantaan ako ni Mariz sa pamamagitan ng tingin. Kaya umayos ako ng upo at tumingala sa lalaki. Nang magtama ang aming mata ay natulala na naman ako… para akong hinipnotismo at tanging kami lang dalawa ang tao sa mundo… ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito kakisig na lalaki na mayrong asul na kulay ng mata. Sigurado ako na hindi ito purong dugong pinoy. Napalunok ako ng laway ng makita kung gaano kalamig ang tingin nito. Makapanindig balahibo ang dulot ng tingin nito. Misteryoso at mukhang delikado. Malayong-malayo ang awra nito kay mayor na mukhang mabait at palakaibigan. Tumayo ako at ngumiti ng matamis rito. Gusto ko sanang kausapin ito pero hindi niya ako pinansin. Nilagpasan lang ako nito na parang hangin. Hmp… tama nga ang hula ko, mukhang masama ang ugali nito. Sayang… ang gwapo pa naman sana nito. Isip-isip ko habang nakasunod ang aking tingin dito. Pagkaalis ng lalaki at ng mga kasama nito, mayamaya ay bumalik si Rayana. Halatang kabado pa rin ito“Sino sila?” Usisa ko agad rito ng makabalik ito. “Tauhan sila ng fiancee ko.“ sagot nito. Kung tauhan ito nang fiancee ni Rayana, bakit mukhang tinatakasan nito ang mga lalaking iyon… Nagtaka ako sa sagot niya sa akin pero hindi na ako nag-usisa pa, halata kasi na ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol rito. Pagkatapos namin kumain ay umuwi agad kami… ****** (Kiray pov) Biyernes na. Alas sais palang ng umaga ng biglang may kumatok. Mamaya pa ako magtitinda ng alas 10 ng umaga kaya imposible naman si Mariz ito. Saka may pasok ito ngayon. Kumunot ang noo ko ng mapagbuksan ko si Aling Marites, ang nanay ni Mariz. “Aling Marites, bakit ho?” Tanong ko rito. Noon pa man ay hindi ako nito gusto, kaya nakapagtataka na kumatok ito ng ganito kaaga ngayon. “Mataas ang lagnat ni Mariz ngayon, ang sabi niya ay sunduin kita dahil kailangan niya ng kapalit sa trabaho. Kung may iba lang akong mapipili ay hindi ikaw ang ipapalit ko sa kanya hmp!” Umismid pa na sabi nito. “Dapat ay nasa kanto ka ng mga alas 7 kaya gumayak ka na. Ayusin mo ang trabaho mo at wag mong ipapahiya ang anak ko!” Hindi daw makakapasok si Mariz kaya ako muna ang papalit dito. Natuwa ako dahil ibig sabihin ay makikita ko si mayor. “Wag kang mag-alala, aling Marites, pangako gagalingan ko sa trabaho!“ Nagsuot ako ng bonnet at binalot ang mukha ko ng scar para hindi makita ang mukha ko… habang naghihintay sa kanto ay hindi mabura ang ngiti sa labi ko.LIKE
Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay n
(Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita. Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya
(Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.
Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina
(Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din
(Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala
(Kiray pov) Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Nasaan na ang mapapangasawa ko? Sa picture kasi na pinakita sa akin ni tita ay long hair at balbas sarado na may guhit sa kilay at tattoo sa leeg— Awtomatikong dumako ang mata sa tattoo nito sa leeg at sa kilay nitong may guhit. “N-no way…” Nang pasadahan ko ang suot nito ay saka ko napagtanto na tama ako. Ito ang fiancee ni Rayana? Pero ang sinabi nito sa kanila noon ay tauhan ito fiancee niya? Napasinghap ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko para iakyat sa altar. “Don’t let me wait for you again, woman. Kanina pa naghihintay ang lahat sa’yo, hindi mo dapat ugaliin na paghintayin ang mga bisita at maging bast0s.” May inis sa boses na sabi nito. Naguguluhan ako na tumingin dito—at the same time ay natulala ako sa kagwapuhan nito. Wala itong pinagbago kahit kaunti mula ng huli ko itong nakita. Napakaganda ng kulay asul nitong mga mata, nakakahalina at mapapatulala ka nalang talaga. Bagay rito ang suot na white suit, bla
Mukhang hindi ako nito gusto—nagulat ako ng yakapin ako ng mahigpit ng kerida ng ama ni Laxus. Ang sabi sa akin ni mommy Nissa ay wala akong close sa mga ito, nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang kilos ni tita Mary. Hinawakan nito ang aking kamay, “Rayana, binabati ko kayo ni Laxus. Masaya kami ni Zack para sa inyo!” At muli ay yumakap ito sa akin. “Ano ba ang nakain mo, iha at paulit-ulit kang tumatakas sa kanya? Akala tuloy namin ay ayaw mong makasal sa kanya.” Sabi nito na ikinataka ko. “Ah… eh…” ang hirap naman mag-isip ng dahilan lalo na kapag clueless ka. “Nagkaroon lang po kami ng tampuhan ng asawa ko noon.” Dahilan ko. “Tampuhan? Grabe ka naman magtampo, Rayana… inaabot ng halos dalawang taon.” Singit ni Zack. Naging ngiwi ang ngiti ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mabuti nalang at dumating si mommy Nissa para sumingit sa usapan namin. May mga edad na ang tatlong babae, pero kahit gano’n ay napakaganda parin nilang tatlo. Muntik akong manliit sa sari
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto