LIKE 👍
Nang makaramdam ang dalawa ng mabigat na arwa sa kanilang likuran ay lumingon sila. “M-Mr. King!” Namumutlang bulalas ng mga ‘to. I stepped towards them and snatched the picture they’re holding. Awtomatikong kumunot ang noo ko ng makita ang litrato ng isang lalaki. “Who the fvck is this?!” Dagundong ang boses na tanong ko. Nangangalit ang ngitin at nanlilisik ang mata na tumingin ako sa kanila. “Sino ang lalaking ‘to?!” “M-Mr. King… siya po si Chef Zues, ang nagtuturo kay madam sa cooking class na pinasukan niya,” nanginginig na tugon ng isa. Nag-aalalang nilapitan kami ni manang ng marinig ang malakas na boses kong umalingawngaw sa paligid. “Ano ang ginawa niyo at nagalit si Mr. King?!” Handa ng pagalitan ni manang ang dalawa ng makita nito ang litratong hawak ko. “Mr. King, pwede bang sa akin nalang ang litratong ‘yan? Idol at crush ko kasi ‘yang si Chef Zues—“ napipilan ang matanda ng makita kung gaano kadilim ang ekspresyon ko. “Ang ibig kong sabihin ay akina na ang
“I’m sorry to hear that, Rayana. Hindi ko alam. Wala man lang ako sa tabi mo para damayan ka.“ Lumayo ako sa kanya. Nakokonsensya ako pero kailangan ko ‘tong gawin. Naalala ko bigla si Joffrey. “Siya nga pala. May kilala ka bang Joffrey? May lalaki kasi na lumapit sa akin no’ng nasa Auction ako. Sabi niya kaibigan ko daw siya, pero hindi ko naman siya matandaan. Kilala mo ba siya?” “Hmm… Joffrey?” Umiling ito. “Wala akong kilalang Joffrey. Bukod kay Daniel ikaw lang naman ang kaibigan ko.” Natigilan ako at napatitig sa kanya. Hindi ‘yon ang sagot na inaasahan ko. Nang makita nitong nakatingin ako ay nag-iwas ito ng tingin. “Siya nga pala may pasalubong ako sayo galing ng Japan. Pagkatapos kasi ng Auction ay do’n ako dumiretso dahil may shoot ako don, kababalik ko lang kahapon.” ‘Kababalik? Eh nakita ko silang magkasama ni Joffrey?’ Nang tanggapin ko ang inabot nitong paper bag ay peke akong ngumiti dito. “Salamat dito, Maureen ha, kahit nasa ibang bansa ka hindi mo ak
(Kiray pov) Napabalikwas ako ng bangon. nanlaki ang mata ko ng makitang alas otso ng umaga na. "Naku lagot!" Nangako pa naman ako kay Laxus na imamasahe ko siya. Kumunot ang noo ko ng mapansin na iba na ang suot ko. Ito ang lingerie na binili ko no'ng kasama ko si Laxus. "Teka... bakit ito na ang suot ko?" Sa pagkakatanda ko ay nasa bathtub ako. Nanlaki ang mata ko. "Oo nga nasa bathtub ako kagabi!" Nagpaalam kasi ako kay Laxus na maliligo muna. ibig sabihin sa bathtub ako nakatulog at may naglipat lang sa akin sa kama. Mahina kong kinutusan ang sarili ko. Paano kung nalunod ako? Pagdating sa dining table ay may nakahain na, "Manang, si Laxus po?" tanong ko kay manang ng makita ko 'to. "Maagang umalis ang asawa mo, Madam." lumapit 'to sa akin at naglapag ng mainit na gatas sa harapan ko. "Madam, sa susunod ay wag niyo ng uulitin 'yon ha. Iba magalit ang asawa mo, nakakatakot siya.” Ang ibig ba'ng sabihin nito ay ang matulog sa bathtub? Pero di'ba dapat mag-alala an
May sampong minuto pa bago magsimula ang baking class. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko talaga may matang nakamasid sa akin. “Nagbaon ka? Aayain pa naman sana kitang kumain do’n sa bagong bukas na mamihan do’n sa may kanto namin.” Sabi ni Mariz ng mapansin ang dala ko. “Pinabaunan kasi ako ni manang, nagkataon na idol pala niya si Chef Zues, kaya ayun nagpadala din siya para kay Chef.” Umingos ito ng banggitin ko ang lalaki. Palagi kasing nilalait ni Chef Zues ang gawa nito kaya inis na inis ito rito. “Alam mo kung hindi lang ako nanghihinayang sa binayad mo dito, hindi ko na itutuloy ang baking class na ‘to. Ang yabang naman kasi ng Zues na ‘yan! Wala na siyang ginawa kundi bantayan ang gawa ko. Kaya nga ako nandito para matuto, tapos lalaitin lang niya ako palagi?!“ “Honest lang siya okay—Ibig kong sabihin, gusto lang niya na matuto ka pa,” bawi ko ng tingnan niya ako ng masama. Si Chef Zues din kasi, parang inis na inis kay Mariz. Luminga ako. Absent yata si Maureen nga
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. Heto na naman kasi ang dibdib ko… ang lakas ng kabog dahil sa presensya nito. Nang makuha ang singsing sa bulsa ko ay tumayo si Laxus ng tuwid. Kinuha nito ang kamay ko at ito mismo ang nagsuot ng singsing sa daliri ko. “Simula ngayon ayokong malalaman na tinanggal mo ‘to. Maliwanag ba?” Seryosong sabi nito na parang hindi tatanggap ng “hindi” na sagot. Napanguso ako. “Pero, Laxus, baka kasi mawala ko ‘to. Ang mahal pa naman nito. Hindi talaga ako nagsusuot ng alahas lalo na kapag lumalabas. Nagkalat kasi ang mga snatcher sa daan kaya nag-iingat lang ako. Baka mamaya mawala ko ‘to. Ayokong magalit ka sa akin. Ayokong magalit na sa’kin.” Natigilan ito ng marinig ang huli kong sinabi, pero agad din nakabawi at nag-iwas ng tingin. “If that happens, I will buy you a new one. Just wear it, no matter where you are. Sundin mo nalang ang sinabi ko. May asawa ka na, kaya hindi mo dapat hinahayaan na lapitan ka ng iba.” Ngumuso ako. “Hindi naman ako nag
May gusto ba ang babaeng ‘to sa asawa ko? Halos madurog ang hawak kong cellphone sa diin ng pagkakakuyom ko ng maisip ang bagay na ‘yon. Naalala ko no’ng kasal namin, napansin ko ang panakaw na sulyap nito kay Laxus. Hindi ko binigyan ng ibig sabihin ‘yon kasi akala ko nagwapuhan lang ito sa asawa ko. Naalala ko din ng magkita kami sa Auction. Akala ko namamalikmata lang ako ng makita ang pagdaan ng panibugho sa mata nito habang nakatingin sa kwintas at relo na suot ko. Hindi pala ako namamalikmata, totoo pala ang nakita ko. Tutulungan daw akong tumakas kung gusto ko—hindi pala para tulungan talaga ako, gusto lang nito na magkaro’n ng pagkakataon na maagaw ang asawa ko. Nagngitngit ako. ‘Walanghiya kang Maureen ka! Haliparot! Malandi! Higad! Makati!’ Lahat ng pwedeng itawag dito ay tinawag ko na. Hindi ko man nakikita ang mukha ko alam kong namumula ako sa galit ngayon. Hindi ko na hinintay na matapos silang mag-usap, umalis na ako para makapag-isip ng tama. Halatang n
‘Gusto kong ako lang ang lalaki sa buhay mo’ Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang sinabi nito sa isip ko. Hindi ako nakahuna at nakatitig lang rito. Gusto kong isipin na nabibingi lang ako pero hindi dahil ramdam ko ang kamay nito na mahinang pumipisil sa balikat ko. Anak ng unggoy! Heto na naman ang pagiging assuming ko! Pero bakit bawal akong mag-assume? Sa pinapakita ni Laxus ay malinaw na nagseselos ito. Iba ang nag-aassume sa gustong makasuguro. Gusto ko lang naman ng panghahawakan para hindi ako masaktan sa oras na hayaan kong mahulog ang puso ko rito. Tumikhim ako at matapang na tumingin sa kanya. “B-bakit, Laxus? W-wag mo sabihin sa akin na… nagseselos ka sa kanila?” “Ang lakas ng loob mong isipin ‘yan!” Na-iimagine kong ito ang maririnig ko sa labi niya pero dumaan na ang ilang minuto ay blanko ang ekspresyon na nakatingin lang ito sa akin. “Naku, pasensya ka na sa tanong ko… k-kalimutan mo na ‘yon. H-hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi mo n
(Kiray pov) Hinabol ko si Mariz pero hindi ko na ‘to naabutan. Naalala ko bigla ang lugar kung saan pumupunta kaming dalawa kapag masama ang loob namin. Sa karaoke ni manang Lupe. Halatang gulat na gulat ito ng makita ako. “Pabili po, manang Lupe ng dalawang Royal at isang balot ng happy,” pagkaabot sa akin ng softdrinks at mani ay umupo ako sa tabi nito. Dati kapag masama ang loob namin, kumakanta agad kami. Pero ngayon nakahawak lang ito sa mic. “Hindi ka kakanta?” Umiling ito. “Hindi… wala na si Kiray eh, wala na akong ka-duet.” Halatang nagulat ito ng inabutan ko siya ng Royal at mani. “A-ah, nakwento kasi sa akin ni Kiray noon na ito ang binibili niya sayo kapag masama ang loob mo.” Pagsisinungaling ko. Malungkot na ngumiti ito. “S Kiray talaga ang daldal. Pero salamat dito ha.” “You’re welcome.” Dumaan ang sandaling katahimikan sa amin bago ito nagsalita. “Ayoko kay Maureen. Plastik siya at malandi.” Nagulat ako sa sinabi nito. “Nakita ko siya na may
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.