Share

5.

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2025-01-13 10:39:10

(Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita.

Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin.

Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin.

Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako.

“S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya natatakot ako na makita o madakip nila. Ayokong makulong, ayoko ding mamatay, gusto ko pang mabuhay at maging masaya.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Rayana sa akin pagkatapos nitong utusan ang driver na paandarin na ang sasakyan. Nang tumango ako ay nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman kung gano’n. Tinawagan nga pala ako ni Mariz at sinabi niya sa akin ang nangyari. Nag-aalala siya dahil hindi ka daw lumalabas ng bahay. Alam niyang nasa loob ka kahit hindi mo sinasagot ang tawag at text niya. May hinala siyang tatakas ka kaya nakiusap siya na sunduin kita... alam niya na hindi mo magagawa ang binibintang sayo.”

Umiyak ako. Kilalang-kilala talaga ako ni Mariz. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nito. “W-wala akong kasalanan… wala akong pinapatay… hindi ako ang pumatay kay mayor, hindi ko iyon magagawa sa kanya huhuhu… nakita kong pinatay siya… nakita ko kung sino ang pumatay sa kanya…”

“Nakita mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Tumango ako at umiiyak na sumagot. “Oo, nakita ko kung sino ang pumatay kay mayor. Balak ko sana na magsuplong sa pulisya pero balak pa nila akong idiin at palabasin na ako ang gumawa no’n sa kanilang lahat… mga wala silang puso!”

Napakasama nila. Bakit ganon kadali para sa kanila na kumitil ng buhay ng iba? Bakit sa dinami-dami pa ng tao sa mundo, bakit si mayor pa na walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa kapwa?

Naalala ko kung paano ito barilin sa dibdib at ihulog sa ibaba ng terrace, kaya lalo akong naiyak. “A-ang sama nila, Rayana… napakasama nila! H-hindi na sila naawa at inubos nila sila.. mga wala silang puso…”

“Shhh… tahan na, Kiray. Naniniwala naman kami sayo na inosente ka. Wag kang mag-alala, tutulungan kita na umalis muna ng bayan,” sabi nito sa akin.

“Ayoko… hindi ako aalis.”

Tumanggi ako sa sinabi ni Rayana. Hindi ko kayang umalis ng aming bayan ng hindi nalilinis ang pangalan ko at nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mayor. Pero sinabi ni Rayana na mapapahamak lang ako. Mas mabuti daw na umalis muna ako ng bayan namin para sa kaligtasan ko. Nangako naman ito sa akin na tutulungan ako na linisin ang pangalan ko at mabigyan sa hustisya ang pagkamatay ni mayor. Kailangan ko lang daw muna na maghintay.

Hinawakan nito ang kamay ko, nakikita ko sa kanyang mukha na talagang gusto akong tulungan nito. “Pangako, tutulungan kita na makamit ang hustisya para inyo…”

“S-salamat, Rayana… maraming salamat!” Umiiyak na yumakap ulit ako sa kanya. Mabuti nalang at narito si Rayana para tulungan ako. Kung wala ito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay biglang nahilo si Rayana at sumuka kaya nag-stay muna kami sa isang hotel para makapagpahinga ito. Ayaw ko na sana itong pasamahin sa akin papunta sa kabilang bayan pero nagpumilit ito na samahan ako. Gusto ko sana itong samahan na magpa-check up dahil nag-aalala ako pero tumanggi ito. Ang sabi niya sa akin ay nahilo lang daw siya sa biyahe namin.

Dahil nakatulog kaming dalawa ay alas 6 ng gabi na kami nagising. Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami. Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay napansin namin na may mga sasakyan na sumusunod sa amin.

“Ra-Rayana, natatakot ako…” takot na sabi ko. Nanlalamig at nanginginig akox Nahihirapan akong huminga sa takot.

L

“W-wag kang matakot… matatakasan natin sila. Saka kasama mo naman ako,” pagpapagaan niya sa aking loob, kahit ang totoo ay natatakot din ito. Pareho kaming nanginginig at pinagpapawisan ng malapot. Halos magyakap na kaming dalawa sa backseat ng sasakyan.

“Ma’am Rayana, ano ho ang gagawin ko, hindi ko sila maligaw-ligaw?” Kabadong tanong ng driver, maging ito ay pinagpapawisan na rin.

“Ba-basta bilisan mo lang ang pagda-drive, manong. Drive faster as you can!” Utos ni Rayana rito. “Oh my god!”

“Ahhh!!!” Pareho kami ni Rayana na napasigaw sa takot ng bigla kaming paputukan ng mga ito. Pinapaulanan na nila kami ng bala kaya takot na takot kami…

“Manong driver, pahinto po ang sasakyan please!” Utos ko sa rito at pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ni Rayana. “Ayokong madamay ka… kung hindi ninyo ako ibababa rito ay patuloy nila tayong hahabulin. Ayokong madamay ka at mamatay kasama ako…” takot na takot ako pero nanaig sa akin ang konsensya ko. Sa maikling panahon na nakasama ko si Rayana ay naging mabuti siya sa akin, kaya ayaw ko siyang mapahamak ng dahil sa akin.

Mariing umiling ito sa akin. “Hindi ako papayag, Kiray… hindi kita iiwan ng mag-isa dito para mamatay, saka hindi ako nang-iiwan ng kaibigan!”

Naiyak ako. Kahit panget at hindi swerte sa aking magulang ay swerte ako dahil nagkaroon ako ng mabuting kaibigan. Pero ayoko talaga na madamay ito.

Balak ko sana na buksan ang pinto para tumalon, pero biglang gumewang ang sasakyan. Gumewang ito at bumulusok pababa sa gilid ng bangin.

“D-Diyos ko...” namumutlang sabi ni Rayana habang nakatingin sa bangin na pwede namin bagsakan. Isang maling galaw lang namin ay mahuhulog kami sa baba. “Bu-Bumaba ka na, Kiray… umalis ka na, iwan mo na ako dito…” Utos nito.

“A-yoko! Hindi ako aalis, Rayana. Hindi ko rin kaya na mang-iwan ng kaibigan…” kahit baka mahulog kami sa bangin, hinila ko siya para makalabas kami. Pero hindi ko siya mahila dahil naipit pala sa mga binti niya sa nayuping bumper.

“Ra-Rayana… ano ang gagawin ko… huhuhu…” para akong bata na humahagulhol na nakayakap sa kanya.

“Kiray, p-please… umalis ka na. Wala ka ng magagawa para maligtas ako. Kapag nagmatigas ka ay pareho tayong mahuhulog dito… please go and save yourself…” hinawakan nito ang aking kamay. “S-sa maikli natin na magkasama ay nagpapasalamat ako sa’yo. Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin, Kiray… at patawarin mo sana ako dahil nalagay ka sa ganitong sitwasyon…” malungkot at luhaan na sabi nito sa akin bago binitiwan ang aking kamay.

“Ayoko hindi ako papayag… ayaw kitang iwan. Aalis tayo dito ng magkasama… kakain pa tayo sa labas ni Mariz…” sumisinok pang sabi ko rito.

Bago ko pa siya muling mahawakan ay malakas na sumabog ang kotseng sinasakyan namin. Ang tangi kong naramdaman ay sobrang init at nakakabingi na pagsabog na nagpawala sa aking malay.

****** (Laxus King pov) Kakapasok ko lang sa loob ng luxury car ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si tita Juliana, ang kapatid ng namayapa kong ama.

“Laxus, nahanap mo na ba si Rayana?” Bungad na tanong nito ng sagutin ko ang tawag nito.

“Hindi pa, Tita Juliana.” Nang marinig nito ang sinabi ko ay nagsimula ng mag-histerikal sa kabilang linya.

“Anong hindi pa?! Kailan mo siya balak hanapin, kapag trenta ka na? My god, Laxus! Alam mong kailangan mo siyang mahanap agad bago ka tumuntong ng trenta, dahil kung hindi ay mapupunta sa engratang mag-inang iyon ang lahat ng para sa ‘yo. Wag mong hayaan na mangyari iyon,”

Wala itong tigil sa pagtalak kaya napahilot ako sa aking sintido. “Tita, please calm down. Ginagawa ko ang lahat para mahanap ang babaeng iyon—“

“Aba dapat lang na hanapin mo siya, Laxus. Kasalanan mo kung bakit siya umalis at lumayo. Kung naging mabuti ka lang sana sa kanya ay hindi mangyayari ito,”

Ayokong marinig ang paninisi sa akin ni tita kaya pinutol ko na ang usapan namin. Sakto naman na lumapit sa akin si Jigs.

“Mr. King, alam na namin ang lokasyon ni Madam!” Pagbabalita nito.

Kumuyom ang aking kamao. Sa wakas ay nahanap din kitang babae ka. Paulit-ulit na ako nitong tinakasan. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako papayag na matakasan niya ako. “Ano pa’ng hinihintay ninyo? Puntahan at dalhin sa akin ang babaeng iyon!” Utos ko sa kanila.

“P-Pero, Mr. King… “ alanganin na sabi nito. “Nasa hospital daw ho si Madam…”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

SEENMORE

LIKE

| 26
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elleboj
hala... hindi kaya babaguhin ang mukha ni kiray at ipapalit ay kay rayana... thanks miss a!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   6.

    (Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   7.

    Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   8.

    (Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   9.

    (Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   10.

    (Kiray pov) Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Nasaan na ang mapapangasawa ko? Sa picture kasi na pinakita sa akin ni tita ay long hair at balbas sarado na may guhit sa kilay at tattoo sa leeg— Awtomatikong dumako ang mata sa tattoo nito sa leeg at sa kilay nitong may guhit. “N-no way…” Nang pasadahan ko ang suot nito ay saka ko napagtanto na tama ako. Ito ang fiancee ni Rayana? Pero ang sinabi nito sa kanila noon ay tauhan ito fiancee niya? Napasinghap ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko para iakyat sa altar. “Don’t let me wait for you again, woman. Kanina pa naghihintay ang lahat sa’yo, hindi mo dapat ugaliin na paghintayin ang mga bisita at maging bast0s.” May inis sa boses na sabi nito. Naguguluhan ako na tumingin dito—at the same time ay natulala ako sa kagwapuhan nito. Wala itong pinagbago kahit kaunti mula ng huli ko itong nakita. Napakaganda ng kulay asul nitong mga mata, nakakahalina at mapapatulala ka nalang talaga. Bagay rito ang suot na white suit, bla

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   11.

    Mukhang hindi ako nito gusto—nagulat ako ng yakapin ako ng mahigpit ng kerida ng ama ni Laxus. Ang sabi sa akin ni mommy Nissa ay wala akong close sa mga ito, nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang kilos ni tita Mary. Hinawakan nito ang aking kamay, “Rayana, binabati ko kayo ni Laxus. Masaya kami ni Zack para sa inyo!” At muli ay yumakap ito sa akin. “Ano ba ang nakain mo, iha at paulit-ulit kang tumatakas sa kanya? Akala tuloy namin ay ayaw mong makasal sa kanya.” Sabi nito na ikinataka ko. “Ah… eh…” ang hirap naman mag-isip ng dahilan lalo na kapag clueless ka. “Nagkaroon lang po kami ng tampuhan ng asawa ko noon.” Dahilan ko. “Tampuhan? Grabe ka naman magtampo, Rayana… inaabot ng halos dalawang taon.” Singit ni Zack. Naging ngiwi ang ngiti ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mabuti nalang at dumating si mommy Nissa para sumingit sa usapan namin. May mga edad na ang tatlong babae, pero kahit gano’n ay napakaganda parin nilang tatlo. Muntik akong manliit sa sari

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   12.

    “O-oh, I didn’t expect you to be so sweet tonight, iha. Ganito yata ang nagagawa ng bagong kasal, bigla nalang nagbabago ang tao.” may alanganin na ngiting sabi nito bago nagmamadaling umalis kasama ang asawa. “Bakit umalis agad ‘yon? May mali na sa ginawa ko?” Parang bigla naging iwas na iwas ito “Oh my god, Rayana!” Sigaw ng isang boses mula sa malayo, ito ang babaeng kausap kanina ni mommy Nissa. “Hindi ako makapaniwala na kinasal ka na talaga!” Sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napaawang ang labi ko ng maalala ko ito. ‘Bakit mo siya kinalimutan, Kiray!’ Kastigo ko sa sarili ko. Ito si Maureen, ang matalik na kaibigan ni Rayana. Mga bata palang daw ang dalawa ay matalik na silang magkaibigan. “I-i’m sorry, Rayana kung ngayon lang ako. But as I promised, dumating ako para dumalo sa kasal mo,” emosyonal na wika nito. Isa itong sikat na modelo sa ibang bansa at minsan nalang mamalagi dito sa Pilipinas. Halos wala itong patid sa pag-iyak habang nakayakap sa

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   13.

    (Kiray pov) Napaigik ako ng itulak at isandal ako nito sa pader. May pagkasuklam ang mata nito habang nakatingin sa akin, na para bang may ginawa ako sa kanya na malaking kasalanan. “Stop acting like we’re close, woman. Hindi ako madadala sa arte mo,” nilapit nito ang labi sa punong tenga ko at galit na nagsalita. Imbes kiligin, natakot ako sa sunod na sinabi nito. “You can’t wrap your hands around my neck, bago mo magawa, papatayin muna kita.” Banta nito bago ako nito binitiwan. Pigil ko ang paghinga ko, nang mawala ito ay saka ako dahan-dahan na nanghina na parang nauupos a kandila. Parang sirang plaka na paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang banta nito. Papatayin daw ako… ano ba ang ginawa ni Rayana para magalit ng ganito si Laxus? Nanginginig na hinanap ko ang cellphone na binigay sa akin ni mommy Nissa. Kailangan kong magreport dito tungkol sa nangyari. Natatakot na ako sa kinikilos nito. Paano kung hindi magtagal ay malaman nito na nagpapanggap lang ako? Baka maging

    Huling Na-update : 2025-01-16

Pinakabagong kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   228.(102.)

    “Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na p

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   227.(101.)

    “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   226.(100.)

    Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   225.(99.)

    Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   224.(98.)

    (Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   223.(97.)

    Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   222.(96.)

    (Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   221.(95.)

    Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   220.(94.)

    Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status