Share

CHAPTER 1

DARK The Mafia Boss Chapter 1

GULAT akong napalingon sa hawak-hawak kong cellphone ng mag-ring ito. Ang kauna-unahang cellphone kong di-keypad.

Napabuntong hininga ako ng makita sa screen nito kong sino ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Tiya..." unang pambungad ko.

"Oh, iha...nasan ka na?" Tanong niya sa kabilang linya.

Pinagmasdan ko ang nasa labas ng sinasakyan kong bus. Napakunot ang noo ko ng hindi ko alam kung nasaan na ako. Ang nakikita ko lang sa paligid ay ang mga malalaki na nagliliwanag na gusali dahil gabi na.

Ibang-iba ito sa probinsyang kinalakihan ko, napakaingay ng paligid.

"Hindi ko po alam...sa pagkakaalam ko malapit na po ako" sagot ko kapagkuwan.

"Oh siya, sige...nandito lang ako terminal naghihintay sayo"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Opo" binaba ko ang tawag at pinagmasdan ulit ang labas ng bintana ng bus.

Isang linggo na ang nakakalipas at sariwa pa rin sa aking ala-ala ang nangyare sa aking mga magulang.

Sa pagkakaalam ko wala naman silang kaaway. Napakabait nga nila sa mga tao sa bayan na kinalakihan ko.

Bumuntong-hininga ako ng ibinalik ko ang mga ala-alang iyon isang linggo na ang nakakaraan.

Dahil sa naging duwag ako hindi ko naipagtanggol ang mga magulang ko mula sa mga masasamang taong iyon.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mga magulang ko.

Pero masuwerte parin ako ng may taong nagmamahal at nag-aalala sa akin. Kahit sa mahabang panahon na walang komunikasyon ang magulang ko sa kanya ay siya parin ang lumapit at nagbulontaryong alagaan ako.

Nabalik ako sa aking tamang pag-iisip ng sumigaw ang konduktor ng bus na dito na ang huling routa ng bus na sinasakyan ko.

Nagsitayuan naman ang lahat ng pasahero at bumaba. Hinintay ko muna na makalabas ang lahat at sumunod ako.

Pagkababa ko ng bus, ingay ng terminal ang nabungaran ko.

Agad hinanap ng paningin ko si tiya sa paligid. Mabilis akong napatabi ng dumaan ang isang lalake sa harapan ko. Hindi man lang nag-excuse si koya!

"Aileeeen!! Ihaaaaa!"

Napalingon ako sa dereksyong tumatawag sa akin. Nakita ko naman si Tiya Gina na kumakaway sa akin mula sa malayo at nagmamadali itong naglakad patungo sa akin.

"Tiya!" Sabi ko at mabilis na binaba ang malaki kong bag at niyakap siya ng makalapit ito sa akin.

"Naku! Aileen! Napakalaki muna!" Sabi niya ng magkahiwalay kami mula sa pagkakayap at iminuwestra ang dalawa nitong kamay.

"Noong umalis ako sa probinsya napakabata mo pa pero ito ngayon at dalaga ka na at napaka-ganda pa! Panahon nga naman." Komplemento nito.

Ngumiti lang ako at baka lumaki pa ang ulo ko sa sinabi niya. Hahaha.

"Osiya! Halika ka na!" Kinuha niya ang bag ko pero agad ko namang inagaw ito sa kanya.

Nakakahiya kaya na siya ag magdadala ng gamit ko. At higit sa lahat matanda na ito. "Tiya, ako na po" magalang kong sabi rito.

Tumango ito at iginaya niya ako sa isang mamahaling sasakyan.

Nanlaki ang mata ko ng may driver pang nagbukas nito. Sa pagkakaalam ko katulong si tiya sa isang bilyonaryong amo nito. Bakit may ganito siyang sasakyan?

Hindi muna ako pumasok sa loob nitk at nagaalinlangang pumasok. Pinatitigan ko muna si Kuya Driver na ngayon ay nakakunot ang noo nito.

"O ija? Anong ginagawa mo riyan?" Tanong sa akin ni tiya dahilan para mapalingon ako sa kanya na ngayon ay nakaupo ito sa likod ng sasakyan.

"Aah..eeh.." napakamot pa ako sa batok ko.

Napabungisngis si tiya dahilan para kumunot ag noo ko. "Ano ka ba Aileen...kung ano man yang iniisip mo, hindi akin tong sasakyan hiniram ko lang sa amo ko ito" pagpapaliwanag niya.

"hehehe...hindi ka naman nag sabi ng maaga bhe!" Wika ko at tumawa.

"Ha?" Kunot-nuong tanong ni tiya.

"Hehehe wala po!" Sabi ko na lang at pumasok sa loob ng mamahaling sasakyan.

Lumipat si Manong Driver sa harapan kung nasaan ang manubela nito at binuhay ang makina.

Naramdaman ko namang umandar na ang sasakyan. Napatingin naman ako sa labas ng bintana.

"Ija..." napalingon ako sa katabi kong si Tiya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"May ipapaalala lang ako sayo habang hindi pa tayo nakakarating sa mansyon"

"Ano po yun?"

"Alam kong madaldal ka..." napasimangot ako. Grabe naman hindi naman ako ganun no!

"Hindi naman ako ganun tiya...slight lang..." sabi ko at ipinakita sa kanya ang hinlalaki at hintuturo ko kung ilang dipa ang 'slight lang'.

"Nakuuuu...maniwala ako sayo bata ka"

Nagpout ako.

"Ang bawal lang talaga dun 'e wag na wag kang magiingay at wag kang papasok sa mga kwartong pinagbabawalan pasukin, naiintindihan mo?"

Napatango naman ako. Pero ang naintindihan ko lang 'e yung wag papasok eklavu...nakaka-curious naman.

"Alam ko ang tingin na yan Aileen...binabalaan kita..." pagbabanta sa akin ni Tiya.

"To naman di mabiro" sabi ko sabay hampas kay Tiya. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero ng peace sign lang ako.

Huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Hindi ko kita ito dahil madilim narin. Pero ang nakikita ko lang ay ang napakalaking pader nito ni akyat-bahay at budol-budol gang hindi maakyat ang ganitong klaseng bahay.

"Grabe naman nito..." nasabi ko na lang sa sarili ko.

Ipinalibot ko ang tingin sa buong palagid ng pumasok ang sasakyan sa loob nito.

Para itong bahay na nakikita ko sa mga libro o di kaya ay sa telebisyon. Nakakamakha at mapapanganga na lang ako sa mansyong ito.

Huminto ang sasakyan sa harapan ng malaking mansyon na napapalibutan ng malalaking puno sa gilid nito. Mga torches sa magkabilag gilid. At puro kulay puti ang mansyong ito.

Napalingon ako sa gilid ko ng maramdamang lumabas si tyang para sumunod ako sa paglabas.

Bumungad agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang tanging ingay ng mga insekto sa paligid.

Napapikit ako sa kagandahan ng paligid. Ang simoy ng hangin, ang ingay ng mga insekto sa paligid.

Pero napadilat agad ako ng may maramdaman akong mga matang nakatingin sa akin mula sa malayo. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at natagpuan ko na lang ang sarili ko na natingin sa ikatlong palapag ng masyon na natingin.

Mula sa bintanang iyon ay nakita ko ang isang kurtina na papasara pa lang na para bang may naghawi nun.

Nagkibit-balikat nalamang ako at inilipat ang tingin kay tyang na may kausap itong lalake na sa tansya ko ay magkasing edad lang kami. Nakasout lang ito ng long sleeve na nakatupi ito hanggang siko lang niya at naka-black pants. At magulo ang buhok nito.

Ibinaling nila ang tingin nila sa akin at pinalapit naman ako ni tsang.

"Ija, halika rito at ipapakilala kita kay Kidd" lumapit naman ako. "Ijo, Kidd ito si Aileen ang pamangkin ko...Aileen si Kidd ang..." nag-aanlinlangan pa si tsang sa idudugtong niya ng si Kidd na ang sumagot para sa kanya.

"I'm Kidd Sebastiano, Sir Dark's Butler...." Ngumiti siya at nakipagkamay ito sa akin.

Sa pakikipag-kamay nito sa akin ay napansin ko kaagad ang tatoo nito. Ang ganda nitong tignan pero kakaiba rin. Sinong mag-aakala na may ganitong tatoo. Isa itong maliit na kulay dark blue na Dream Catcher. Matagal ko pa itong tinitigan hanggang sa bawiin na nito ang pakikipag-kamay sa akin.

Butler? Sa pagkakaalam ko ang mga Butler na gaya niya 'e pormal makapanamit. Pero sa porma niya parang bagong gising lang o kaya kung saan galing.

Nakita niya siguro ang reaksyon ng mukha dahilan para tumawa ito. Napakunot naman ako ng nuo.

"Ganito na talaga ako..so be it..." sabi nito habang mahinang tumatawa. "You're Aileen Ramirez...Evangeline's niece if I am right?" Karugtong nito.

Nalipat muna ang paningin ko kay tyang bago ko siya sinagot. "Aahh..Oo..ako nga" ningitian ko siya.

Pagkapasok namin sa mansyon ay namangha ako sa disenyo ng loob nito.

Kulay Sky blue ito at puti ang nasa paligid. Napakaganda nito.

Iniwan na kami ni Butler Kidd dito sa loob dahil may gagawin pa daw siyang importante.

Sinundan ko lang si Tyang papunta sa ikalawang palapag.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko naman ang mga malalaking pictures dito sa paligid. Siguro ito yung lalaking sinasabi ni tyang at ni Butler Kidd kanina.

Napahinto ako sa isang malaking portrait na nakaagaw sa akin ng atensyon.

Napakakisig nitong tignan sa pictures. Nakasuot ito ng itim na tuxedo na mas nakadagdag pa sa kakisigan nito at ang itim na itim niyang mga mata na parang kulay asul kapag matagal na natitigan.

Mapula-pulang mga labi nito at matangos na ilong hanggang sa perpektong mukha nito.

At sa tindig at tayo pa lamang nito ay kagalang-galang, respitado at kinatatakotan itong tao. Pero may kakaiba sa kislap ng mga mata nito. Parang may emosyon itong tinatago na hindi ko mawari kung ano.

"Ija..ano pa ang ginagawa mo riyan! Halika ka na!" Tawag sa akin ni tsang na nakapagbabalik sa aking katinuan.

Tinitigan mo muna ito sa huling pagkakataon. At sinundan ulit si tsang.

Binuksan niya ang isa sa mga kwarto rito sa ikalawang palapag at napanganga ako ng makita ito. Isang bahay na namin ito 'e!

"Ito muna ang pansamantalang kwarto mo Aileen..." pagsisimula niya na ikinalingon mo sa kanya.

"Pansamantala?" Ulit ko.

"Oo, habang hindi pa sinasabi ni Sir Dark ang kung anong trabaho ang gagawin niya sa'yo ay dito ka muna sa guest room niya ipinadala...."

"Aahh...." napatango-tango naman ako habang nililibot ang kabuonan ng kwarto. Grabe ang laki talaga nito.

"Teka, alam nyo po ba kung anong trabaho yun tsang?" Tanong ko sa kanya habang ipanapasok ko ang gamit ko sa kwarto.

Napalingon ako sa gawi ni tsang ng hindi ito sumagot. Nakatingin lang siya sa akin na parang ang lalim ng iniisip.

"Tsang?" Tawag ko sa kanya na nakapagpabalik sa sarili niya. Kumukurap-kurap pa ito ng dalawang beses.

"Osiya...may gagawin pa ako sa baba kaya yung habilin ko sayo Aileen wag mong kakalimotan ha?" Pagiiba nito ng usapan.

Napakunot-nuo naman ako at nagkibit-balikat. "Opo..." sabi ko nalang at itinuonon ang sarili sa pag-aayos ng gamit ko.

Narinig ko namang nagsumara ang pintuan ng kwarto. Dahilan para tumayo ako ng tuwid at inilibot ang buong paligid.

May dalawang pintuan na magkatabi rito. Lumapit ako sa kaliwa at binuksan ito. Napanganga ulit ako ang laki ng banyo. At agad ko naman itong sinara.

At sinunod ko rin ang kanan binuksan ko ito at inilibot ang sarili sa malaking walk-in closet nito. Sa mga brochure ko lang ito nakikita sa kaibigan kong bakla na may parlor sa probinsya.

Namimiss ko tuloy ang kinalakihan ko. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at lumabas. Lumapit ako sa mga dala kong gamit at inabot ang isan kong bag.

Hinalukay ko ito hanggang sa makita ang hinahanap ko. Ang nag-iisang larawan ng mga magulang ko. Buti nalang at hindi ko nasali sa natutupok na apoy.

Napakasaya namin sa larawang ito na kinuhanan pa nuong nagtapos ako sa maliit koliheyo sa probinsya sa kursong HRM, yun ang kinuha dahil mahilig ako sa pagluluto kahit magastos ang kursong iyon. Pero sinoportahan parin ako nila mama at papa.

Nagpart-time job ako makapagtapos lang sa kursong ito.

Pero nagtataka parin ako kung saan kinukuha nila mama ang perang pangastos para sa tuition ko. Lagi kong tinatanong sa kanila kung saan ito nanggagaling pero ang lagi nalang nilang iniiba ang usapan kaya pinagsawalang-bahala ko na lang iyon.

Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

KINAUMAGAHAN maaga akong nagising o baka naman ay namamahay lang ako.

Agad akong bumangon at naglakad papalapit sa banyo. Binuksan ko ito at pumasok. Umihi muna ako at lumapit sa salamin. Tinitigan ko muna ang sarili ko rito. Magulong buhok at may laway pa sa gilid ng labi ko.

Napangiwi naman ako sa sarili ko. Tsk. Makahilamos at mumog nga.

Pinihit ko ang gripo nito pero walang lumabas na kahit na patak na tubig.

"Anong...?" Sabi ko sa sarili ko dahil hindi parin lumalabas ag tubig mula rito. "Teka..paano ba ito?" Napakamot pa ako sa batok ko at mahinang hinampas-hampas ang ulohan nito pero wala parin. Iniinis ako ng gripong ito ha?

Hinampas-hampas ko ulit ito pero wala talaga. Hinawakan ko pa ang ulohan nito at nilagay ang isa kong kamay malayo ng konti sa bunganga nito pero napatalon ako sa gulat ng biglang lumabas ang tubig rito.

"Anong..." Lumapit ulit ako dito ng bigla ulit mawala ang tubig kahit hindi ko sinasara. Walang-hiya! May multo ata rito!

Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si tsang.

"Tsang!!" Sigaw ko sa kanya dahilan para manlaki ang mata nitong titigan nito.

"Bakit?" Tanong niya ng mahimasmasan ito.

Tinuro ko ang nanginginig kong hintuturo sa lababo. "May multo ata sa bahay na ito! Bigla-bigla na lang lumalabas ang tubig mula sa gripo dyan!" Sumbong ko rito na parang bata.

"Maryusep kang bata ka! Akala ko kung ano!" Lumapit ito sa lababo at inilagay ang dalawang kamay nito sa may bunganga ng gripo nito.

Namamanghang tinitigan ko ang lababo ng lumabas ang tubig mula rito.

"Ija, sa panahon ngayon high-tech na kaya wag kang magulat na lang na lahat ng nilalakaran mo 'e gumagalaw na lang mag-isa" sabi niya sabay kuha ng kamay nito sa lababo. "Ano? Alam mo na kung paano gamitin ito?" Tumango ako at lumabas na ito.

"Nga pala..nakahanda na ang agahan sa ibaba yun lang ipinunta ko rito at tsaka...makakausap mo na si Sir Dark habang sabay kayong kumakain" pahabol niya at isinara ang pinto.

Ano kaya ang magiging trabaho ko rito? Siguro magiging cook niya ako. Doon pa naman ako magaling.

Lumapit ulit ako sa lababo at ignoranteng pinaglalaruan ang high-tech na gripo dito. Nakakatuwa 'to!

Tatlong-pong minuto ang itinagal ko aa banyo dahil sa high-tech na shower akalain mo yun ganun din sa shower nila.

Pababa na ako ng maalalang hindi ko alam kung sa patungo papunta sa hapagkainan. Napalinga-linga ako sa paligid nagbakasakaling may makikita akong katulong sa paligid.

At napaka-suwerte ko nga naman ng may makita akong dalawang kasambahay papalapit sa gawi ko na nagtsi-tsismisan.

"Uhm..hi?!" Sigaw ko sa kanila na ikinaigtad nilang dalawa. Tinitigan nila ako na parang tinubuan ako ng maraming mata sa katawan sa laki ng mata nila."Pwede ba ninyong ituro kung nasaan ang hapagkainan dito?"

Sabay pa silang itinuro kung nasaan ito. Oo nga naman nagtanong ako kung pwede bang ituro edi itinuro nila.

"Ahahaha...salamat" sabi ko nalang at umalis. Weird nila.

Pinuntahan ko naman yung tinuro nila sa akin at hindi naman ako nagkakamali ng tinahak dahil mula rito sa kintatayuan ko ay may narinig akong nagtatawanan mula sa kumidor.

Dahan-dahan akong pumasok ng hindi nila mapapansin. Pero may mga black majic ata ang mga ito dahil nalipat ang titig nila sa akin at biglang tumahimik ang paligid.

Napakagat labi naman ako dahil apat na pares na mga mata ang nakatitig ngayon sa akin.

"He-he-he hi?" Alinlangan na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Siguro kung nakakamatay lang at titig ay bumulagta na ako ngayon sa sahig.

Naagaw ng paningin ko ang isang pamilyar na lalake na ngayon ay nakatingin rin sa akin sa gitna ng hapagkainan.

Ang hagod ng tingin nito sa akin ay parang mawawalan ka ng hininga. Walang emosyon akong nakikita sa napakaitim na mata nito.

Pero sa tuwing nakatutok ang mata ko sa kanya parang may emosyon akong nakikita sa mga mata nito na ayaw niyang ipakita sa lahat ng tao.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. At napakapamilyar ng pagtibok nito. Hindi ko alam kung takot ba ito o ano.

Hindi ko pa rin mapigilang mapatitig sa mga mata nito. Na para bang nakita ko na ito kung saan pero hindi ko alam kung kailan.

Kung saan at kailan man iyon, ayaw kong malaman dahil pakiramdam ko hindi ko yun magugustuhan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status