Share

KABANATA 8

"MAHIGIT isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa yang Corpuz na yan, ano hihintayin mo pa ba?" Usisa ni Kelly kay Rose.

"'Di bale, may ibang paraan pa naman siguro para makatakas tayo dito," matamlay na wika ni Rose ng sandaling iyon. Kasalukuyan siyang nag-aayos dahil siguradong dadakdakan siya ni Perlas kung matagal siyang lumabas.

Hindi pa man siya nakakapasok sa malaking bulwagang iyon ay bigla na lamang may humapit sa kanyang bewang.

"Kumusta," nakangiting bati sa kanya ni Mr. Corpuz.

Maluha-luha ang dalaga ng sandaling iyon. Agad siyang napayakap dito. Nabuhay ang pag-asang akala niya ay wala na.

"What's wrong?"

Inangat niya ang kanyang mukaha. "Wala, akala ko kasi hindi ka na babalik."

"Di ba sabi ko sa iyo, iaalis kita sa lugar na ito," malambing na wika ni Mr. Corpuz. Hinaplos pa ang mukha ni Rose. Muli siyang niyakap nito.

Kahit hindi man nakikita ng dalaga ay nakangiti ito. May kung anong awa o kakaibang damdamin ang sumibol sa kanya.

"Tara na," bulong ni Mr. Corpuz at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status