Share

KABANATA 7

"A-anong ibig sabihin nito, Tito?" baling niya sa parang walang pakialam na Tito Rudy niya na humihithit pa ng sigarilyo.

"Kailangan mo ng trabaho di ba," nakangisi pang tugon nito.

"Ayoko! Ayoko na!" nagpumilit siyang makaalis ngunit sadyang malakas ang dalawang lalaki.

"Saan ka ba pupunta kasi, my darling." lumapit sa kanya ang lalaking tinatawag nilang boss. Hinawi pa nito ang nakalaylay niyang buhok.

"Huwag mo akong hawakan!" tinabig niya ang kamay nito.

Magkahalong takot at galit ang kanyang naramdaman ng sandaling iyon. Hindi niya alam ang gagawin.

"Huwag k nang pumalag iha, masasaktan ka lang." ani ni Rudy sa gilid.

Nagsimula nang dumaloy ang kanyang luha. Tinignan niya ito ng matalim ngunit balewala lang dito. Nagpumilit pa rin siyang makaalis ngunit wala na siyang magagawa pa. Sinubukan niyang sumigaw at humingi ng saklolo ngunit may panyong itinakip sa kanyag bibig hanggang sa unti-unti siyang nanghina at nawalan ng malay.

Masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Nasa loo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status