FLASHBACK <<<
May isang aksidente na hindi inaasahan ng lahat.
Naaksidente si Red dahil sa sobrang paglalasing, broken hearted ito sa kanyang dating girlfriend. Patay lasing siya noon nag drive siya pauwi sa kanilang bahay. Sa pagiging desperado akala niya wala ng ibang taong tatanggap pa sa kanya, sinubukan niya wakasan ang buhay niya. Bumangga siya sa isang truck na nasa harap niya noon, sumuot siya sa ilalim na naging dahilan para madala siya ng hospital. Na hanggang nauwi pa sa pagiging kritikal ang kanyang lagay. Lahat nag-alala sa kanya pati ang mga magulang na walang pakealam sa kanya noon. Pero ang mas higit nag-alala ay si Sky, marahil siguro naaawa ito dahil sa nangyari. Subalit hindi rin niya sinasadya na mag-alala siya ng sobra kay Red. Dahil siguro sa guilt, dahil alam nito ang dahilan ay ang pinsan niya ang pang loloko nito. Naoperahan si Red, halos mawalan ng pag-asa ang pamilya na magiging maayos siya. Si May na pinsan niya ay iyak ng iyak pati ang mga magulang nito dahil hindi niya kayang tignan ang katayuan ni Red. Na kinasama pa ng loob ng pamilya sa sinabi ng Doctor na kahit anong oras ay pwedeng bumigay ang katawan nito.
Subalit habang tumatagal ang panahon, unti-unting nakara recover si Red sa pagkaka aksidente nito. Hanggang malaman ng magulang nito ang tunay na dahilan kung bakit siya naaksidente.
“Nang dahil sa babae?” nagtatakang banggit ng Ina nito
“Ano ka ba naman Red, halos sayangin mo ang buhay mo ng dahil sa walang kwentang dahilan. Sa tingin mo may magandang naidulot ba yang inisip mong solusyon sa buhay mo? Sino ang nahihirapan ngayon siya ba?” galit na sermon ng Ina nito
Hindi ka ba marunong mag-isip ng tama? dagdag na sermon pa nito
Hindi naman umimik si Red, hindi siya umiimik simula ng magising ito. Wala siyang kinakausap kahit isa. Maging ang matalik na kaibigan nito na siya na rin niyang pinsan. Naiisip niya pa rin ang panloloko ng dating girlfriend nito sa kanya. Niloko siya ng isang babae na mahal na mahal niya. Iniputan siya sa ulo, meron pala itong ibang kasintahan na mas malapit sa kanya na siyang kasama niya sa araw araw. Bakit nga naman kasi mag mamahal siya ng nasa malayo at hindi niya nakikita araw-araw. Sinisisi tuloy niya ang kanyang sarili sa nangyari.
Makikita na lang ni May minsan kapag dumadalaw ito sa hospital na umiiyak si Red, hindi man niya ito pinakikita subalit napapansin pa rin ito sa kilos at sa mga mata niya. Awang awa ang pinsan niya subalit wala rin naman itong magagawa kundi ang i-comfort siya sa paraan na hindi na mag-iisip ito sa nakaraang relasyon ni Red.
Nag vibrate ang cellphone. Si May ang nakakita ng text.
“Sino ito?” reply ni May
“Si Sky” sagot ni Sky
Nagpakilala siya kay May, galit na galit si May sa nalaman niya at sinabi niya ang nangyari sa kanyang kuya na dahil sa pinsan nito napahamak ang kuya niya. Hindi ni May pinaalam kay Red na nag text si Sky. Dinala ni May ang cellphone ng kuya, ito na ang naging pasya ni Red dahil ayaw niya muna gamitin ito at maka tanggap ng mensahe kahit kanino.
Nung mga panahon kasi na maayos pa si Red at ng ex-girlfriend niya si Sky ang kinukulit nito kapag nag-aaway sila ng kasintahan. Siya ang kinukulit kung kumaen na ba ito. Kung tulog na ba ito. Kung ok lang ba ito, ano ba ang ginagawa nito, na sobrang kinaka asar ni Sky dahil pwede naman niya ito direktang tanungin sa nobya. Kaya hanggat maaari ay umiiwas ito na makausap o mag reply kay Red para maiwasan na din ang masamang iisipin ng ibang tao. Subalit iba din ang kakulitang taglay ni Red. Text ng text ito kahit hindi nire-replyan ni Sky.
Hanggang isang araw, pinag tapat ng nobya ni Red na meron itong kasintahan sa barangay nila na naging dahilan ng kalungkutan at pagiging sawi ni Red. Hindi niya matanggap kasi na niloko siya nito. Hindi niya akalain na magagawa ito sa kanya sa kabila ng pagiging seryoso nito sa kanya. Naging 1 woman man lang ito, dahil ayaw niya magaya sa mga tropa niya na iniiwan ng girlfriend kada buwan. Subalit hindi niya inaasahan kahit seryoso siya dito ay nagawa pa rin siyang lokohin.
Si Sky ay nagta trabaho sa bahay ng Lola niya para tustusan ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Dahil ang ama ni Sky ay isang mangingisda ang ina naman nito ay isang ex-abroad at ngayon ay nasa bahay na lamang. Nahihiya kasi ito na humihingi na lang ng pera basta basta ng walang kapalit kaya napag pasyahan niya na mag trabaho sa bahay ng Lola kapalit ng pagbibigay ng allowance ng kanyang Tita na noon ay nasa abroad. Ang pinsan ni Sky ang paboritong apo ng mga Lola niya, dahil simula isilang ito ay Lola na niya ang nag-alaga dito. Kaya naman walang ibang guguluhin si Red kundi si Sky dahil magkasama sila sa bahay ng dating nobya.
Sa kabilang banda, masama man ang loob ni Red sa nangyari ay tinatanong pa rin niya kung nasaan ang dating nobya kahit alam naman niyang may kasama na itong iba. Hindi niya pa rin daw kasi matiis baka kasi tama ang nasa isip niya pinagti tripan lang siya nito.
Ito ang dahilan ng pagkaka aksidente ni Red, bago pa man mangyari ang aksidente ay kinumpirma muna niya ito kay Sky kung totoo nga aba, dahil parang nananaginip lang siya at naguguluhan kung totoo nga bang nangyayari sa buhay niya ito ngayon.
Subalit nakumpirma niya kay Sky na totoo nga ang sinabi ng dating nobya niya na meron na itong kasintahan ilang buwan na ang nakakaraan. Matagal na itong may ibang kasintahan hindi lang pinagtatapat sa kanya, hindi alam ni Sky ang dahilan o marahil ay humahanap lang ito ng pag kakataon sabihin sa kanya. Ayaw lang unang ipag tapat ni Sky kay Red dahil ayaw niyang mang himasok sa relasyon ng may relasyon at tahimik lang ang buhay niya ayaw niya makisali sa gulo.
Schedule na ng Biometrics nina Red at Sky. Maaga sinundo ni Red ang nobya upang magtungo sa VFS Global kung saan sila sila magpapa biometrics. Lumiban ang dalawa sa trabaho upang sadyain ang pagpapa biometrics. Nagulat naman ang boss ni Sky sa nalamang dahilan nito na pag migrate sa Canada. Subalit ayaw niya na pigilan ang dalaga dahil career growth ito para sa kanya. Dalawampung Minuto lang ang itinagal ng pag poproseso ng biometrics ng mag-kasintahan. Sinulit na nila ang araw na iyon sapagkat buong araw ang paalam nila na mawawala sila sa trabaho. "Mahal pasyal tayo?" ngiting tanong ni Red sa nobya Matamis na ngiti naman ang sinagot sa kasintahan at hinawakan ang kamay ng nobyo upang tugunin ang tanong nito. Gusto niya ito, sapagkat ilang taon niya din hinintay na maging magkasama sila lagi, ilang taon muna ang sakit na naramdaman niya bago nangyari ang ganito sa buhay ni Sky. Tuwang tuwa ang dalaga na nakayap sa likod ng nobyo. Nais niyang wag ng matapos ang sandaling iyon. N
"Mahal gumayak ka ng maaga, ihahatid kita sa trabaho mo" ani Red sa kabilang linya. Pagkatapos nang bilin na iyon ay pinatay na nito ang tawag saka naligo. "Ang aga naman magpakilig ng lalaking ito" ani Sky habang iginagayak ang gamit papunta sa trabaho. Ilang minuto pa ay dumating na nga ang kanyang sundo. Naka backride ito sa motor ng nobyo. Feel na feel naman ni Sky ang pag yakap sa nobyo sapagkat na a-amoy na naman nito ang halimuyak ng pabango ni Red. Ayaw na niya matapos ang sandaling ito, naa-adik siya sa amoy ng nobyo. Sino ba naman ang hindi maa-adik dito parang amoy laging bagong ligo ang scent ng Davidoff Cool Water. Tuwi ngang napupunta si Sky sa Mall kasama ng kanyang mga katrabaho ay dumidiretso ito sa Men's Perfume section para lang amuyin ang pabangong iyon. Kilig na kilig siya dahil iyon din ang suot na pabango ng nobyo. Pag datingn nila sa trabaho ni Sky. Bumaba ang dalaga at inalis ni Red ang helmet nito. Subalit pagkatapos maalis ng helmet nito ay nag paalam na
Nagising si Sky mga ilang oras ng makatulog ito. Habang naka titig sa kanya ang nobyo. Nagba blush ang mukha nito ng makita niyang naka tingin pala ang nobyo habang siya ay natutulog. Napa takip tuloy ng mukha ito. Hindi ito uwi si Red sapagkat naka unan sa kanyang braso ang dalaga. Kung aalis ito ay maaaring magising ang dalaga kaya hinintay na lamang magising ni Red ang nobya bago ito umalis. "Mahal yung binigay pala ni Kuya Sir sa akin, nais ko sanang isama ka sa pag-alis kung ok lang sa iyo" ani Red na nakatingin sa dalaga "Ngunit pag dating ba doon ay may trabaho ka na?" tanong ni Sky "Opo meron na, agency na ang bahalang mag asikaso ng mga papel ko - natin kung gusto mo nang sumabay sa akin. Maaari ka naman daw sumunod kung iyong gugustuhin pero mas gusto ko sana kasabay na kita umalis at baka maagaw ka pa ng iba, marami pa naman lalaki sa trabaho mo" pag bibirong salita ni Red Subalit alam naman ni Red na hindi mag hahanap ang nobya ng iba dahil hanggang ngayon ay hininta
Matapos ang eksena kanina ay hindi makatulog si Red iniisip niya ang dalaga. Nabigla din siya sa ginawa niyang iyon kay Sky. Dahil damang dama nito ang kaba ng nobya. Paikot ikot ito sa higaan, maya maya lang ay tumatama na ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Dali daling inabot ang cellphone at tinignan kung anong oras na. Bumangon ito at gumayak sa pag pasok sa trabaho. Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at lumabas. Tumingala sa kalangitan at dinama ang lamig ng sariwang hangin habang nakapikit ang mga mata. Maganda ang araw ni Red ngayon. Pagdating nito sa trabaho ay binabati ang bawat maka salubong. "Bro, tawag ka ni Boss" ani Jim katrabaho ni Red, nakaturo sa opisina ng Manager Ngumiti lang ito at dumiretso sa opisina ng Boss niya. "Sir?" ani Red "Oh, about pala sa binigay ko sayo kagabi. Tatawagan ka nila upang ibigay ang mga requirements sa para sa pag proseso ng visa mo" ani Kuya Sir Nahihiya man si Red sa Boss niya subalit hindi niya pa rin maiwasan hindi magpasa
Araw ng Graduation ni Red. Wednesday noon kaya nag absent ito sa work para lang maka attend ng Graduation Day ni Red. Kasama ni Red sa pag sampa sa stage ang kanyang Manager bilang magulang, hindi makaka tanggi ito sapagkat hindi naman sasadyain ni Red papuntahin ang magulang niya para lang samahan siya sa pag akyat sa stage. Tuwang tuwa si Red sapagkat sa wakas ay makakamit na niya ang unti-unting pag lapit sa mga pangarap niya. Abala sila sa mga oras na ito. Nag steam iron si Sky ng suit na gagamitin ni Red sa pag akyat habang naliligo ito at naghahanda para sa mamayang event ng buhay niya. "Kuya Sir nasan ka na po?" tanong ni Red sa kuya na kanyang Manager sa trabaho habang kausap ito sa kabilang linya. Excited si Red baka sila malate mahirap na. Lalong gumwapo ito sa suot na navy suit, a matching tie, white shirt and brown shoes. Talaga naman jaw dropping ang getup niya ngayon para sa 5'11 height na chinito. Pagpunta sa school diretso na sila sa Engeinnering Hall kung saa
Hindi pa rin makapaniwala si Sky sa pangarap na natupad niya sa nagdaang araw ng biglang bisitahin siya ni Red sa trabaho. Dahil sa pangyayaring ito ay tuwang tuwa ang kaibigan niyang si Iza na matagal nang hinihintay na sana'y magkaroon ng boyfriend itong si Sky. Ngunit pareho nilang dalawa hindi inaasahan ang pangyayaring iyon kaya lubos na kilig na kilig si Sky higit na ang kaibigan niya. Dahil noon lang niya nakitang masaya ang kaibigan. Sa ilang taon nilang magkasama ay noon lang niya napansin ang ning-ning sa mga mata ng dalaga at ngiting hindi mapatid patid parang naka glue na ang mukhang nito sa hindi matapos na mga ngiti. "Oh ano Sky happy yarn?" anang kaibigan na may konting pakurot sa tagiliran ni Sky "Halla parang mas kilig ka pa sa akin?" pagbibiro ni Sky sa kaibigan Ngunit hindi makakaila na masayang masaya nga ang dalaga, parang hindi ito napapagod sa trabaho buong araw. Matapos mag inspection sa 15th Floor ay nag insepction pa rin ito sa 36th Floor, ganado nga ito