Share

MAHAL KITA PERO
MAHAL KITA PERO
Author: Blossom

Chapter 1 : Makulit

Nasa kolehiyo pa lamang si Red, laking Lola kaya naman sobrang mahal na mahal ito ng kanyang Lola kumpara sa ibang apo nito. Sunod sa luho, bigay ang gusto. Laking Probinsya bagamat may bahay sila sa Maynila at may kakayanan ito mag-aral sa mamahaling paaralan ay mas pinili nito makasama ang Lola sa Probinsya ng Laguna at doon mag tapos ng pag-aaral nya. 

Mataas na ang sikat ng araw. Humahalik ang init sa matipunong braso ni Red. Nagising ito sa pagsayaw ng kurtina sa malakas na hangin habang humahampas sa kanyang mukha.

"Ah, tanghali na pala!", aniya. Habang hawak ang ulo at iniinda ang sakit nito dahil sa hangover. 

Tumayo ito, kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.  Dali dali sya nagbihis at pumasok dahil malapit na naman siya malate. 

Dahan dahan nitong binuksan ang pinto sa classroom para hindi sya mapansin ng kanyang professor. "Red!, umalingangaw ang boses ng babae sa buong classroom at napatingin ang mga kaklase sa kanya. "Late ka na naman!" Ngumiti lang ito at umupo sa bandang likod sa bakanteng upuan. Binuksan nya ang bag at kinuha ang cellphone. "School na po ako, mag text na lang ako after ng klase ko" paalam nya sa katext nya. 

Matapos ang klase diretso sa bahay, sa kwarto. Binuksan ang bag at kinuha ang cellphone. 

"House na ako, ano gawa mo?"

"Wala bakit?"

"Luh sungit naman!"

"Eh ano ngayon? Bakit ka ba text ng text?" reply ng katext nya

"Nangungumusta lang galit na agad, masama ba yun?"

"Di naman, bakit ka kase nagtetext? Kakausapin daw ako ng ex, baka makikipag balikan"

Napaisip ng sasabihin si Red, matagal na nyang sinusuyo si Sky hindi ang lang siya maka diskarte dahil sa masungit ito at alam nyang mahal nito ang ex-boyfriend nya. 

"Anong oras daw sya makikipag usap sayo?" tanong niya.

"Pagkatapos ng mga gawain ko dito sa bahay siguro." 

Muling napaisip si Red ng kanyang sasabihin, pagkakataon na nya ito upang dumiskarte kay Sky. "Bahala na kung ano sasabihin niya basta ita-try ko" sabe ng isip nito. 

"Sige! O-orasan kita sa gagawin mo, kapag hindi ka naka reply hanggang alas otso ng gabi ibig sabihin nakapag usap na kayo ng ex mo at nakipag balikan ka na sa kanya. Pero kapag nag message ka sakin sa oras na sinasabe ko payag ka na, payag ka na maging girlfriend kita" anito habang nasa isip "Bahala na!".  

Nagulat si Sky sa sinabi ni Red. Pero ito ay may lihim din naman na pagtingin sa kanya. Hindi lang nito masabi dahil naging nobya ni Red ang pinsan ni Sky, at isa pa iniisip din nito na nakakahiya kahit meron ng ibang nobyo ang pinsan nya. 

"Sige na may gagawin na ako, maghintay ka kung gusto pero sinasabe ko na sayo may kakausapin ako" sabi ni Sky sa kanya.

"Sige, Hihintayin kita" reply nito kay Sky, at "Umaasa pa rin ako" nasa isip ni red.

Malapit na mag Alas Otso ng gabi, kinakabahan na si Red. Excited na din kung mabibigo ba sya o pagbibigyan sya para maging nobya si Sky. 

Tumunog ang cellphone ni Red, dali-dali niya itong binuksan. Laking tuwa nya ng makita na mensahe ni Sky ang dumating. Halos lumundag ng puso nito sa sobrang tuwa lalo ng mabuksan nya kung ano ang nilalaman nito. 

"Hello oh nag message na ko, Sakto din ako sa oras" anito.

Kilig na kilig si Red habang nag iisip sa kanyang sasabihin.  "Hay salamat, payag ka na ba na maging tayo?". 

"Ano pa ba ibig sabihin kaya tumupad ako sa usapan?" sabi ni Sky,

Tumalon talon sa tuwa si Red. Parang ngayon lang siya nagka girlfriend sa buong buhay nya. Sa dinami dami ng naging girlfriend nya kay Sky lang sya nahirapan manligaw. Di man sila nagkikita pa ng personal ay mahal na niya ito. Ang ideal women kase ni Red ay conservative, mapag mahal sa magulang, masipag , hindi mahilig sa social life, na pasok na pasok sa katangian ni Sky. Matanda ng tatlong taon si Sky kay Red, pero hindi hindi naman halata dahil si Red binatang binata na tignan maalaga kase ito sa katawan at ayaw nya na bata sya kung titignan. Samantalang si Sky naman baby face, hindi mo mapapansin na mas may edad ito kay Red ng ilang taon at higit sa lahat inosente tignan na gustong gusto katangian ni Red sa kanya. 

"Talaga? ani Red na hindi mapakali sa nabasa nito. 

"Halla paulit-ulit?" 

"Yahooo!" sigaw ni Red. 

"Yes girlfriend ko na si Sky!" sigaw pa nito. Nagulat ang Lola ni Red sa ingay nito sa kwarto nya. 

"Ano ba yan, ano bang nangyayari sayo?" ani Lola Fely

"La, sinagot na ko ni Sky!" payakap na sinabe ni Red. 

"Dalhin mo sya dito para makilala ko" dagdag pa nito.

"Opo La, sigurado magugustuhan mo siya" 

"Oh sige na lumabas ka na dyan at kakain na tayo ng hapunan" ani Lola Fely. 

"Sige La, saglit lag po at lalabas na din ako" 

Di makapaniwala si Red na girlfriend na nya si Sky, ang babaeng dalawang taon nyang sinuyo, pinag tiisan sa pagiging masungit nito. Ngunit kahit ganun si Sky ay concern din naman ito kay Red lalo pag nasasabi nyang may sakit sya or uminom kasama ang barkada. Katakot takot na sermon ang natatanggap nito mula kay Sky, na gustong gusto naman ni Red dahil mas nararamdaman nya na may care din ito sa kanya.

"Kaen lang kami Mahal!" mensahe nito kay Sky habang kinikilig.

"Sige po eatwell" reply naman ni Sky.

"Wala bang I Love You dyan?" iro ni Red.

"Halla, ang arte kakaen ka lang I Love You pa gusto" pagsusungit ni Sky, 

"Sige na kase" pangungulit ni Red. 

"Oo na sige na, I Love You!" walang nagawang reply ni Sky.

"I Love You too mahal ko!" kilig na kilig na reply nito. Habang gumagayak papunta sa hapag kainan. 

Sobrang tuwa ang nararamdaman ni Red, hindi mapaliwanag, parang ngayon lang nangyari ito sa kanya. Marahil ay sa tagal niya sinusuyo si Sky kaya ganito na lang ang tuwa nya ng sagutin sya nito. Plano nyang puntahan si Sky sa mismong On the Jot Training nito sa isang construction firm sa Manila. Si Sky ay graduating na sa kursong Civil Engineering, at sya naman ay 2nd Year College sa Electrical Engineering. Bagay na bagay sila sa isip nya, para pag nagkaron na sila ng pamilya sila na mismo ang gagawa ng plano para sa bahay nila. Ganun ka advance ang utak ni Red. 

Teka pano nga ba nag simula ang lahat ng nararamdaman ni Red kaya ganito na lang kapursigido makuha ang matamis na “Oo” ni Sky? Hmm tara na’t himay himayin natin mabuti ang matatamis at mapapit na pangyayari sa buhay ni Red bago niya mapsagot ng matamis na “Oo” si Sky.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status